You are on page 1of 6

Alamat – nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan.

Maaaring totoo
o likha lamang ng malawak na imahenasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat.

Ang mga na makasaysayan na nagpapagunita ng mga lumipas na panahon ang kadalasang nagiging
pinakadiwa ng isang alamat.

Maaaring mula sa malungkot na alaala o sa mga pangyayaring nagpapakilala ng kagitingan at


kabayanihan ng ating mga ninuno at iba pang makasaysayang pangyayari ang paksa ng alamat.

Layunin ng isang alamat ang sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang
damdamin ng mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang
panahon.

Kung totoo man ang mga pangyayari sa isang alamat, wala naman itong sapat patunay. Bagamat ang
alamat ay kathang-isip lamang, ito naman ay nag-aangkin ng kaisipang masagimsim at kariktang walang
kupas.

Ang alamat o legend ay isang uri ng tradisyonal na kwento tungkol sa isang tao
o lugar. Madalas itong tinatanggap bilang makasaysayan na nanggaling sa mga
ninuno ngunit hindi matitiyak na ang kwento ay may purong katotohanan.

May pagkakaparehas din ito sa mito o myth.

Ano ang pinagkaiba ng alamat at mito?


Ang alamat ay may kasamang katotohanan sa kwento gaya ng pangunaing
tauhan ngunit kadalasang pinagrabe ang pagkakakwento dito. Ang alamat ay
kadalasang tungkol sa mga gawaing kabayanihan ngunit maari ding tungkol ito
sa kasamaan.

Ang mito naman ay mga kathang-isip na nagpapaliwanag kung paano nilikha


ang mundo. Madalas na tauhan sa mga mito ang mga diyos ng sinaunang
kultura at hindi maipaliwanag na pangyayari o mga supernatural events.

Mga katangian ng alamat

 Nagsasalaysay tungkol sa mga tao o lugar


 Hindi purong katotoohanan at may halong kathang-isip o gawa ng
imahinasyon
 Maraming aral na mapupulot
 Patungkol sa mga kaugalian at kultura ng sinaunang tao
Mga halimbawa ng mga alamat

Alamat ni
Daragang Magayon

Alamat ni daragang magayon kwento?


Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang
Magayon. Maraming kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga
sapagkat siya ay maganda at may makinis na kutis. Ayon sa ama ni
Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang
magpakasal kung kaya't pinapayagan na niya ito kung sakaling
magpasya ang dalaga na makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay
wala pang napipili mula sa kanyang mga manliligaw. Magpapakasal
lang daw siya sa taong kanyang iniirog.

Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, siya ay nadulas at


nahulog sa malalim na parte nito. Hindi marunong lumangoy ang
dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni Panganoron at iniligtas ang
dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya.
Nangangaso siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni
Magayon. Mabilis na tumalon ang matapang na mandirigma upang
iligtas ang dalaga.

Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya't niligawan


niya ang dalaga. Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na
lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay ipinahayag ang pag-iisang
dibdib ng dalawa sa buong kaharian.

Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-


isip ng paraan upang hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni
Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw niya ito pakakawalan kundi
papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon ang
kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni
Pagtuga.

Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang
pakawalan nito ang kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang
ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang mga matatapang na
mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.

Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo.


Nanaig si Panganoron laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong
makita ni Magayon na napatay ng kanyang kasintahan ang kalaban ay
dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man
magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni
Magayon. Habang bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si
Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga. Nakita ni Rajah Makusog ang
nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at
pinaslang ito.

Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng rajah ang walang buhay na


katawan nila Magayon and Panganoron. Humukay ito at inilibing na
magkasama ang magkasintahan.

Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang


libingan ay tumaas. Lumaki ang libingan at ang lupa ay naghugis apa.
Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa kanilang
magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon
na dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng
pagmamahalan nila Magayon at Panganoron
Alamat ng
Pinya

You might also like