You are on page 1of 4

I.

LAYUNIN
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nakapagpapahayag ng maliwanag sa kung paano nagsimula ang Unang
Digmaang Pandaigdig.
2. Nasusuri ang mga naging bunga ng unang Digmaang pandaigdig.
3. Napapahalagahan ang pakikipagkapwa- tao upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.
II. NILALAMAN A.
Paksa: unang Digmaang Pandaigdig –
Mga Salik sa pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig
- Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig
B. Sangguniang Aklat: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 8 Nina: Rosemarie
C. Blando et’al., Kasaysayan ng Daigdig Pahina: 450-460
C. Kagamitan: video, kartolina, pentel pen, tape, laptop, mapa ng daigdig o
globo
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a. Pagdarasal
b. Pagbati ng guro
c. Pagtatala ng Liban
d. Balitaan
e. Balik-aral
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak Gagamit ang gurong nagsasanay ng Film showing.( Pag-
uusapan ang tungkol sa video.)
2. Paglalahad Batay sa inyong naging opinyon , ano kaya ang paksang
tatalakayin natin sa araw na ito?
3. Pagtatalakay Anu-ano nga ba ang mga Salik sa pagsiklab ng Unang
Digmaang Pandaigdig?
Mga Salik sa Pagsiklab sa Unang Digmaang
Pandaigdig

NASYONALISMO IMPERYALISMO MILITARISMO Pagbuo ng mga


ALYANSA

( Gagamit ang gurong nagsasanay ng graphic Organizer sa pagtatalakay.)

( Pag-uusapan ang mga Salik sa Pagsiklab ng Unang digmaang Pandaigdig. )

Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig


( Gagamit muli ang Gurong nagsasanay ng Graphic Organizer sa pagtatalakay.)

Simula ng Unang
Digmaang
Pandaigdig

Dito naganap ang pinakamainit


na labanan. Ang bahaging
nasakop ng digmaan ay mula sa
hilagang Belhika hanggang
hangganan ng Switzerland.

Lumusob ang Russia at Prussia. Dumating ang


saklolo ng Germany, natalo ang hukbong Russia sa
Digmaan ng Tannenberg. Nagtagumpay ang
hukbong Russia sa Hukbong Galicia. Sila ay
pinahirapan ng German at Poland. Dito Tuluyang
bumagsak ang hukbong sandatahan ng Russia.

Lumusob ang Austria at Tinalo ang Serbia. Upang


makaganti ang Bulgaria sumapi ito sa Central powers
noong Oktubre 1915, Taong 1916, karamihan sa Estado
ng Balkan ay napasailalim ng Central Powers

Naitaboy ng mga barkong pandigma ng Germany mula sa Pitong Dagat


(Seven Seas) ang lakas pandagat ng Great Britain. Sa kabilang dako ang
mabibilis na raider at mga submarining U-boats ng kanilang kalaban ay
nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang pandagat ng mga alyado.
( Gagamit ng Mapa sa pagtatalakay ang Guro upang masuri ang Kaibahan sa bago
at pagkatapos ng Digmaang pandaigdig)

4. Paglalahat Maari bang ibigay muli ang mga salik at gayundin kung paano nagsimula
ang Unang Digamaang Pandaigdig?
5. Paglalapat Tuntunin sa mapa o globo ang lugar ng pagsisimula at paglaganap ng
Unang digmaang Pandaigdig.
6. Pagpapahalaga Bilang mamamayang Pilipino, paano mo pinapahalagahan ang iyong
kapwa tao upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
IV. PAGTATAYA
Panuto: Ibigay ang hinihingi ng pangungusap.
1. Pinatay si Archduke Franz Ferdinand noong Hunyo 28, 1914 at ang asawa nitong
si?
2. Iniwan ng Russia ang mga Alyado at sumapi sa?
3. Naitaboy ng Germany ang lakas pandagat ng Great Britain mula sa _________
4. Pinakamabagsik na raider ng Germany
5. _________ at _____________ nakagawa ng malaking pinsala sa kalakalang
pandagat ng mga alyado.

TAKDANG-ARALIN
Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.
1. Ano ang mga naging bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig?
2. Paano nagwakas ang Digmaan?
3. Bakit nagkakaroon ng sigalot ang mga bansa? Paano ba ito maiiwasan?

Sanguniang Aklat: Batayang Aklat sa Araling Panlipunan 8 Nina: Rosemarie C. Blando


et’al., Kasaysayan ng Daigdig Pahina: 450-460

VI. PUNA___ bahagdan ng mga mag-aaral ay nakaabot sa lubhang pagkatuto.

Inihanda ni:CHARRIE MAE T. MALLO

You might also like