You are on page 1of 8

Christine Lagarto Mrs.

Jo Ann Villaester
GII-A HUMSS Teacher
Author
Creative Writing
Subject
Isang araw payapang gabi sa Archaic Village sa may Tagaytay, ang lugar na kung saan

tahimik, masaya at may pagkakaisa ang bawat indibidwal. Nakatira dito ang pamilya Monteverde

na kilala bilang isa sa pinakamayamang negosyante sa bansa. Sila ay may kaisa-isang anak na si

Alexandra Jade Monteverde na kilala sa tawag na Alex. Si Alex ay isang masiyahin, pala-kaibigan

at higit sa lahat mabait. Siya ay matangkad, magada, may matangos na ilong, makinis na balat,

halatang anak mayaman. Lahat ng naisin niya ay kayang ibigay ng kanyang mga magulang.

Kaya’t maraming naiingit sa kanya. Masasabing ang perpekto ng buhay niya ngunit lingid sa

kaalaman ng nakararami, si Alex ay may iniindang sakit. Ito ay sakit sa puso na matagal niya ng

dinaranas, hindi niya lang pinapahalata sa iba at pinpilit niya ang kanyang sarili na mabuhay bilang

normal na dalaga.

Ang kanyang ika labing walong kaarawan ay nalalapit na, tinatanong siya ng kanyang

magulang kung ano ang gusto niya. Sinasabi niya lang na gusto niya na makapag adventure at

mamasyal sa Zambales. Pero ang sinasagot lang ng kanyang ina at ama ay “Anak, almo naman na

hindi pwede yang hinihiling mo.” Saot naman ni Alex, “Pero mom, dad, kailan ko mararanasan

ang mga bagay na ganun? Kunag wala na ako dito sa mundo? Mom, dad, gusto kung makalanghap

ng sariwang hangin, makakita ng maaliwalas at mabeberding kapaligiran, hindi yung puro lang

school, bahay at ospital ang buhay ko. Mom, please, please dad. Payagyan niyo na ako, please

mom, dad.” Sagot naman ng kanyang ama, “Anak, ayaw lang namin ng mommy mo na

mapahamak ka. Ayaw namin na mawala ka sa amin dahil mahal na mahal ka namin ng mom mo.”

Pero sa kabila ng hindi pagpayag ng kanyang magulang ay nagtiyaga siyang pilitin ang mga ito

hanggang sa dumating na nga ang kanyang kaarawan. Binigyan siya ng kanyang magulang ng

engranding handaan. Nandun lahat ng kanyang malalapit na kaibigan. Hindi alintana sa kanyang

mukha na masaya siya ngunit may kulang parin sapagkat hindi pa siya pinapayagan ng mga ito sa
kanyang nais. Hanggang sa natapos ang kasiyahan. Pumasok na siya sa kwarto niya upang

magbihis at ng handa na siyang matulog, pumasok naman ang kaniyang magulang sa kanyang

silid, “Anak, pinapayagan kana namin ng daddy mo.”, saad ng kanyang ina. Laking tuwa ni Alex

ng marinig niya iyon, “Pero kailangan mo ng personal nurse na aalalay sayo baka kasi atakihin ka

ng sakit mo.”, pahabol na saad ng kanyang ama. “Mom, dad, thank you po talaga, huwag po

kayong mag-alala, aalagaan ko po ang sarili ko para sa inyo.”, saad ni Alex.

At dumating na nga ang araw ng Sabado na kung saan na siya ay pupunta ng Zambales

kasama ang kanyang personal nurse. Lahat ay naihanda na niya, ang kulang na lang ay ang pag

alis nila. “Anak, mag-iingat ka doon, tawagan mo kami ng daddy mo parati, yung gamot mo wag

mong kakaligtaan, nurse alagaan mo ang prinsesa namin, ha” tugon ng kanyang ina “Mamimiss

kita anak” Pagpapatuloy nito “Mom, dad, isang linggo lang naman ako doon, tsaka nandito naman

ang nurse ko, huwag na kayong mag-alala, mamimiss ko kayo ni daddy ng sobra” sagot ni Alex

sabay yakap sa mga mga ito.

Sumakay na si Alex at ang nurse niya sa helicopter na pagmamay-ari mismo ng pamilya

niya at ito ang naghatid sa kanila papunta ng Zambales, upang makaiwas na rin sa usok ng mga

sasakyan.

At nakarating na nga sila ng Zambales, dumiretso agad sila sa hotel kung saan sila

mamamalage ng isang linggo at binuksan niya ang bintana at nilibot ang kanyang tingin sa

kapaligiran at nagbitaw ng malalim na hininga. Gusto niyang magikot ikot kaya nagpaalam siya

muna sa kanyang nurse, at naghanda na siyang lumabas ng hotel at naglakad-lakad lang siya,

habang nakaupo siya at pinapanood ang mga batang naglalaro sa isang parke, naisipan niyang

pumunta ng mall upang bumili ng paborito niyang pruta ang lansones. Nag taxi siya at nang

makarating siya ng mall, tinawagan niya ang kanyang nurse upang ipaalam kung nasaan siya,
habang nag-uusap sila may nabunggo siya at nahulog ang mga dala nito “Kuya, sorry po hindi ko

po sinasadya, hindi ko po kayo napansin, pasensya na po” ani niya. “Yan kasi hindi ka tumitingin

sa dinadaan mo” sagot ng lalaki. Patuloy si Alex sa paghingi ng tawad sa lalaki at tinanong niya

ito kung ano ang dapat niyang gawin para mapatawad siya nito. Ngumise ng malapad ang lalaki

“Sige, ibigay mo number mo” sabi nito. “Huh! Bakit, ano gagawin mo sa number ko?” sagot ni

Alex. “Itetext nalang kasi kita pagnakaisip ako kung ano ang ipapagawa ko sayo” tugon ng lalaki.

“Ayoko nga” sabt ni Alex. “Akala ko gusto mong makabawi” sagot ng lalaki. “Pwede naman kasi

sa ibang paraan na lang” ani ni Alex at nagpatuloy ang kanilang pagtatalo ngunit sa bandang huli

ay napapayag din ng lalake si Alex na ibigay ang numero nito. “Ako nga pala si Xander Park”

inabot niya ang kanyang kamay upang pormal na magpakilala kay Alex ngunit tinitigan lang ito

ni Alex at sabay sabing “Tinanong ko ba?”, na walang bakat ng emosyon. “Ikaw na nga tong may

kasalanan, ikaw pa tong may ganang magsungit” sagot ni Xander. “Oo na, ako nga pala si Alex,

anu pa bang ang kailangan mo baka kasi hinahanap na ako” sagot nito. “Nino? Boyfriend mo?”

pangungusisa naman ni Xander. “Wala kana dun!” ani ni Alex sabay talikod at naglakad ng

mabilis palayo kay Xander. Pagkauwi ni Alex ay inilapag niya nag kanyang dala “Ka bwesit talaga

ng lalaking iyon, panira ng araw” bulong nito sa sarili pagkatapos nun ay naligo siya upang linisin

ang sarili at upang magrelax narin. Pagkatapos niyang maligo ay kumain siya pagkatapos nun ay

uminom na ng gamot.

Nakatulog agad si Alex sapagkat napagod siya sa buong araw na pamamasyal. Habang

natutulog si Aalex, si Xander naman na kalahating Pilipino at Koreano na maputi, chinito,

matangkad at isa din sa pinakamayaman at sikat na negosyante sa bansa ay may matagal ng

pagtingin kay Alex an di alam ng nakararami at siya’y nag-iisip kung pano siya mas mapapalapit

kay Alex. “Napakaganda niya talaga kaso suplada naman, pero okay lang mas lalo naman siyang
gumaganda kapag napipikon” bulong nito sa sarili. Habang nag-iisip ito ng kung ano-ano ay hindi

niya namalayang nakaidlip na siya.

Makalipas ang isang araw, napagpasiyahan ni Alex na pumunta sa isang sikat na pasyalan

sa Zambales. Habang nasa isang souvenir shop siya, may isang souvenir item na nakakuha ng

kanyang atensyon, nilapitan niya ito at ng akmang kukunin niya na ito, may isang lalaking

humablot nito. Bigla, tiningnan niya ito kung sino “Ikaw na naman?” sabay sigaw nila asa isa’t

isa. “Ibigay mo na sa akin yan, ako naman nauna diyan eh” sabi ni Alex. “Talaga ba ikaw ang

nauna I ba’t nasa akin?” sagot ni Xander kay Alex sabay tawa ng nakakaasar na naging dahilan ng

pagkapikon ni Alex at nagsimula ng manikip ang kanyang dibdib ngunit hindi niya ito ipinahalata

kay Xander kaya umalis na lamang siya upang ikalma ang kanyang sarili. Hinabol ni Xander si

Alex pagkatapos niyang mabili ang souvenir item ngunit pagdating niya sa lugar kung saan

nanddon si Alex ay nadatnan niyang may masayang kayakap na lalaki ito. Tiningnan niya ang

dalawa at sabay tumalikod palayo, hindi mawala-wala pa isip niya ang kanyang nadatnan. Parang

may kung anong naramdaman siya sa kanyang dibdib na hindi niya waring maipaliwanag.

Nang makawui si Xander sa kanyang tinutuluyan, naisipan niyang itext si Alex upang

humingi ng tawad. Nabasa ito ni Alex ngunit hindi niya ito pinansin. Naghintay ng ilang minuto

si Xander sa reply ni Alex ngunit hindi pa rin nagrereply ito kaya napagdesisyunan niyang tawagan

na lang ito at sinagot naman ito ni Alex. Makalipas ang ilang segundo, humingi ng tawad si Xader

at inaya niya si Alex na lumabas bukas sa kadahilanang may sasabihin itong importante. Pumayag

naman si Alex dahil wala naman siyang gagawin. Pagkabukas nga ay nagkita ang dalawa at

ibinigay na ni Xander kay Alex ang sourvenir item na gustong niyang bilhin noong nakaraan.

Pagkatapos noon ay namasyal sila sa tabi ng dagat. Hindi maaninag ang tuwang nararamdaman

nila pareho. Matapos noon ay umuwi na sila.


Pagkatapos ng pagkikita ng dalawa, nagsimula naman ang pangungulit at pag-aasar ni

Xander kay Alex sa pamamagitan ng pagtetext nito ng mga nakakatawa at minsan din ay

tumatawaag ito para asarin lang si Alex.

Makaraan ang dalawang araw na pag-aasar at pamamasyal nilang dalawa ay mas naging

komportable sila sa isa’t isa. Bakat sa labi ng dalawa kung ggano sila ka saya kung sila’y

magkasama. Dahil dito unti-unting nahuhulog na ang loob ni Alex kay Xander ngunit natatakot

siya na sabihin ito dahil baka wala namang pagtingin sa kanya ang binata. Nagpatuloy ang

pamamasyal nilang dalawa hanggang dumating na nga ang araw na babalik na si Alex ng Tagaytay

sapagkat natapos na ang isang linggong bakasyon niya. Nagpaalam na siya kay Xander at niyakap

niya at sabay bulong ng “Mamimiss kita” at sumakay na nga sila ng nurse niya sa private helicopter

nina Alex.

Nang nakauwi na si Alex, hindi niya maalis-alis sa isip ang masasayang alaala na nabuo

nila ni Xander. Hindi niya maitatanggi na naging masaya ang kaniyang bakasyon dahil kay

Xander.

Habang si Xander naman ay iniisip din si Alex, mas lalong nahulog ang loob niya kay

Alex, sa isang linggong nagkasama sila mas naging masaya siya.

Ang komunikasyon ng dalawa ay nagpatuloy hanggang sa nagpahiwatig na nga ng

damdamin si Xander kay Alex ngunit si Alex ay nagdadalawang-isip kung tatanggapin niya ba

ang pag-ibig ni Xander baka kasi hindi kayanin ng kanyang puso.

Ngunit sa kabilang banda ay hinayaan na nga ni Alex na ligawan siya ni Xander dahil doon

mas nakilala niya aito at gusto din naman si Xander ng kanyang mga magulang ngunit mas nag-

aalala pa ng husto ang mga ito para kay Alex dahil nga sa kundisyon nito. Gustuhin man nilang
mabuhay ang kanilang anak ng normal ay hindi maari ngunit ayaw naman nilang tanggalan ng

kaligayahan ito sapagkat alam mismo nila na napapasaya ni Xander ang kanilang unikaiha.

At sinagot na nga ni Alex si Xander. Ang saya saya ni Xander ng ibigay na nga ni Alex

ang matamis na oo nito. Pagkaalis ni Xander sa bahay nina Alex ay bigla lang nanikip ang dibdib

ni Alex. Agad namang tinawagan ng kanyang ina ang doktor ni Alex. “Masyado po siyang

nakaramdam ng saya, alam niyo naman po na bawal sa kanya ito, kailangan niya pong kontrolin

ang kanyang emosyon, bawal po sa kanya ang sobrang saya at sobrang pagkalungkot din” ani ng

doktor. “Okey po, salamat doc” sagot ng ama ni Alex.

Dahil saa pangyayaring iyon, mas pinadali ng kanyang magulang ang proseso sa

pagpapatransplant ni Alex.

Bumisita si Xander sa bahay ni Alex ngunit hindi niya ito pinaalam sa nobya sapagkat nais

niya sana itong sorpresahin. Pagkadating niya sa bahay nina Alex ay sinalubong siya agad ng ina

ni Alex. “Tita, asan po si Alex?” saad ni Xander. “Nasa kwarto siya, puntahan mo nalang” sagot

ng ina ni Alex ng walang emosyon. Agad namang umakyat si Xander papunta sa kwarto ni Alex

at siya’y nagulat ng makita niya ang kanyang nobya na nakaratay sa putting kama habang may

nakakabit na mga aparato.

Nilapitan niya ito “Sorry, sorry na kung inilihim ko sayo na may sakit ako. Ayoko kasing

mag-alala ka sa sakit ko” sabi ni Alex. “Ano ang sakit mo?” tanong ni Xander. “May sakit ako

sa puso, bukas na ang operasyon ko, pasensya na kung hindi ko ipinaalam” saad ni Alex.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha nio Alex. “Hindi natin alam ang pweding maging resulta ng

operasyon bukas, kaya kung saka-sakaling magresulta ng hindi maganda, ayokong umiyak ka.

Gusto kong ipagpatuloy mo pa rin ang buhay mo. Tuparin mo ang mga pangarap mo, tulungan

mo mga magulang ko na malampasan ang kalungkutan nila. Pasayahin mo sila ha, mangako ka
please, mangako ka sa akin” sabi ni Alex. “Wag kang mag-isip ng ganyan. Gagaling ka,

magpapakasal pa tayo diba? Lumaban ka para sa pamilya mo, para sa atin” sagot ni Xander habang

umiiyak. “Mangako ka muna sa akin” ani ni Alex. “Oo na pangako, mahal na mahal kita Alex

kaya lumaban ka “sagot ni Xander.”

Dumating na nga araw na kung saan ooperahan na. Nandoon ang lahat ng mga malalapit

na kaibigan ni alex. Si Xander naman ay hindi mapakali, nag-aalala siya sa kaligtasan ni Alex at

bigla naman lumabas ang doktor. “Dok, kumusta po ang anak ko?” tanong ng ina ni Alex. “I’m

sorry po, ginawa na namin anag lahat” sabi ng doktor. At nagsimula ng umiyak ang magulang ni

Alex. Si Xander naman ay napaupo nalang sa gilid habang tumutulo ang luha. Di siya

makapaniwalang wala na ang babaeing mahal niya.

Nang makaalis na ang mga magulang ni Alex, agad naman nilapitan ni Xander ang katawan

ni Alex “Ang daya mo, iniwan mo naman ako agad, kaw talaga di mo naman hinintay na makasal

tayo” sambot nito habang umaagos ang masasaganang luha sa kanyang mga mata. Niyakap niya

at sabay sabing mahal kita.

Makalipas ang dalawang gabi ay ipina cremate na nga ang katawan ni Alex.

Malungkot man na pumanaw na si Alex ay ipinagpatuloy pa rin ni Xander ang buhay niya.

Tinupad niya lahat ang ipinangako niya kay Alex. Makalipas ang dalawang taon, sa hindi

iniaasahang pagkakataon, habang nagmamaneho si Xander ng kaniyang kotse ay nabangga ito ng

bus na naging dahilan ng pagkasawi nito.

Doon nagtagpo ulit si Alex at si Xander sa lugar kung saan payapa at tahimik, puno ng

liwanag at doon nila tinuloy ang kanilang walang kamatayang pagmamahalan.

You might also like