Professional Documents
Culture Documents
“Para magtagumpay ang globalisasyon, dapat itong maging kapaki-pakinabang kapuwa sa mahirap at
sa mayaman. Dapat na maipagkaloob nito ang mga karapatan ng tao at hindi lamang basta
kayamanan. Dapat na mailaan nito ang katarungan sa lipunan at pagkakapantay-pantay at hindi
lamang basta pag-unlad sa ekonomiya at dapat na pasulungin nito ang komunikasyon.”—KOFI
ANNAN, KALIHIM-PANGKALAHATAN NG UNITED NATIONS.
2 ano ang paggawa
Ang paggawa ay ang gawain ng mga tao na may layuning bumuo ng produkto o magbigay ng serbisyo. Maaaring
tumukoy ang paggawa sa lahat ng aspeto ng mga tao na may layong bumuo ng isang bagay o pangyayari.
3 ibigay ang kahulugan ng mga sumususnod
a) Unemployment – Ang unemployment rate nito ay isang sukat ng pagiging laganap ng kawalang
trabaho at kinukwenta bilang isang persentahe na hinahati ng bilang ng mga indibidwal na walang
trabaho ang lahat ng mga indbidwal na kasalukuyang nasa pwersang trabaho
b) UNDEREMPLOYED - ang ibig sabihin nito ay may trabaho ka ngunit hindi sapat ang perang sinasahod mo,
o kaya'y hindi tugma ang trabaho na hinahawakan mo kumpara kung sa ano ang kursong natapos mo
c) Kontraktwalisasyon - ang “kontraktwal” ay isang katayuan sa trabaho kung saan ipinagkakait ang
ugnayang employer-employee sa pagitan ng isang manggagawa at ng kapitalista o kumpanyang tunay na
nakikinabang sa kanyang lakas-paggawa
d) Job mismatch - Ang job mismatch o skills mismatch ay mga konsepto o termino
na tumutukoy sa isang kalagayan sa paggawa, kung saan ang isang indibidwal ay
may trabaho ngunit hindi tugma sa kakayanan o pinag-aralan nito.
e) Flexible employment or labor - Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin
ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mahabang pagpapasahod at
paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
4 Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na acronym
ILO - Ang International Labour Organization (ILO) o Pandaigdigang Organisasyon sa Paggawa ay isang
ahensiya ng United Nations na nangangasiwa sa mga isyung may kaugnayan sa paggawa, partikular ang
mga pamantayan sa pandaigdigang paggawa, proteksiyong panlipunan, at pangkalahatang pagkakataon
sa trabaho.