You are on page 1of 3

DEPARTMENT OF EDUCATION

REGION III
DIVISION OF PAMPANGA
FLORIDABLANCA EAST DISTRICT
FLORIDABLANCA ELEMENTARY SCHOOL
FLORIDABLANCA, PAMPANGA

BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO I

I.LAYUNIN: pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang:

A. Natutukoy ang mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw sa tulong ng larawan o aksyon; at

B. Nakapagbibigay ng mgasalitang kilos o galaw.

II. PAKSANG – ARALIN :

A. Pagtukoy ng mga Salitang Nagsasaad ng Kilos o Galaw sa Tulong ng mga Larawan o Aksyon

B. Pagbibigay ng mga Salitang Kilos o Galaw.

SANGGUNIAN: Landas sa Wikaat Pagbasa, pahina 82-92

KAGAMITAN: mga larawan at tsart ng kwento

III. MGA PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

Mga bata, awitin natin ang “ Ang mga Ibon”.

B. Pagganyak:

Sinu-sino ang kasapi ng mga mag-anak?

(Ipakitaang larawan)

Sabihin ang mga kasapi ng mag-anak.

(Ipaulit sabawat hanay ang mga kasapi ng mag-anak.)

Ano ang ginagawang tatay sa inyong bahay?ng nanay? ng Kuya? ng Ate? ni bunso?

Alamin natin kung anu-ano paang ginagawanila.

C. Paglalahad:

Ngayong umaga, mayroon akong kwento para sa inyo. Gusto ba ninyong malaman ang

kwento?

(Babasahin ng guro ang kwento.)


D. Pagtatalakay:

Tungkol saan ang kwento?

Ano ang ginagawani Nanay?

(Isulat ang sagot ng bata.)

Si Tatay, ano naman ang ginagawa?

Paano nakatutulong ang mga anak?

Ano ang ginagawani Kuya? ni Ate? ni Bunso?

Dahil tulung-tulong ang mag-anak, ano naman ang nadarama nila?

Ganito din ba kayo sa inyong bahay?

Tulung-tulong bakayo sa inyong bahay?

Bukod sa mga ginagawanila, ano pa ang maaari ninyong gawin paramakatulong inyong

mag-anak?

(Isulat ang mga sagot.)

Basahin natin ang mga gawaing ng mag-anak.

Ano ang tawag sa mga salitang binasaninyo?

E. Paglalahat:

Ano ang tawag sa mga salitang naghuhugas, nagwawalis, nagluluto, naglalampaso at

nagpupunas?

F. Paglalapat:

Ngayon mga bata, maglalaro tayo. Gusto ba ninyong maglaro? Pero bago tayo maglaro,

ano ang dapat ninyong gawin kung may ginagawatayo sa pangkat?

Mayroong akong walong sobre dito. Ito ay may mga larawan na bubuuin ninyo. Kapag

ito ay mabuo na, isulat ang kilos o galaw na nasa larawan at idikit ito saunahan.

Naunawaan ba mga bata? Ang makagawanito ng maayos at walang ingay ay may

premyo mulasa akin.

(Isa-isang tawagin ang liderng bawat pangkat.)

Nagustuhan baninyo an gating laro?

Gusto kong ikwento ninyo ang nabuo ninyong larawan.

(Bawat liderng pangkat ay mag-uulat.)


Kaninong pangkat ang nakasunod sa ating kasunduan?

May premyo kayo mamaya.

IV. PAGTATAYA:

A. Pasalita: Ibigay ang salitang kilos na isinasaad sa larawan.

1. Ang isda ay .

2. Ang aso ay _.

3. Ang kuneho ay .

4. Ang uod ay .

5. Ang ibon ay .

B. Pasulat: Ano ang kanilang ginagawa?


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Ate ay

You might also like