You are on page 1of 5

“Ang Mag-asawang Tamad”

Noong araw ay may mag-asawang nag-ngangalang Jetro at Maryel na naninirahan sa isang


lugar na kung saan marami ang mga mayayaman. Labis silang kinaiinisan ng kanilang mga
kakilala. Paano dahil pareho itong may ugaling katamaran. Ayaw nilang magtrabaho at kuntento
nag umasa sa kanilang mabait na kapitbahay para makatawid sa gutom at sa mga pangangailangan
nila.

Bukod sa pagiging palaasa sa ikabubuhay ng mag-asawa ay may pangit pang mga ugali
itong dalawang mag-asawa. Naging Gawain na nila na kapag may handaan ay palagi itong
dumadalo kahit hindi naman sila mga imbitado. Minsan pa nga sila pa ang nauuna sa pagkuha ng
mga pagkain kaysa sa mga taong imbitado. Kaya naman sila kinaiinisan ng mga maraming tao
dahil sa pag-uugali nilang iyon.

Kahit saan man makakita ng mga taong kumakain ang mag-asawang Jetro at Maryel ay
tiyak na nakatunga-nga sila sa harapan nito hanggang hindi pa sila nabibigyan ng kanilang
makakain.

Kapag alam nila na umalis ang kanilang kapitbahay ay agad-agad naman itong sumasalisi
at naghahanap ng paraan para makapasok sa bahay ng kapitbahay nila upang kumuha ng mga
pagkaing tapos na lutuin.

Napakalakas ng pang-amoy ng dalawa pagdating sa mga pagkain. Tila ba sila ay may


makapangyarihang pang-amoy na kung saan may pagkain ay palagi nila itong natutun-tunan. Lalo
na kung may mga handaan agad nila itong nalalaman kung saan ito naroroon.

Isang araw ay napansin ng mag-asawang Jetro at Maryel na nakabihis nang maayos ang
kanilang kapitbahay. Lahat ay tila patungo sa isang lugar na kung saan ay mayroong kasiyahan.

Nagka-ideya ang mag-asawa na marahil ay sa isang malaking handaan ang pupuntahan ng


kanilang mga kapitbahay.
Aga-agad at palihim na sumunod ang mag-asawa sa kanilang mga kapitbahay. Gayon na
lang ang kanilang tuwa nang makitang malaing handaan nga ang kanilang pinuntahan.

Gumawa ng paraan ang mag-asawa upang sila ay makapasok sa loob na kung saan may
malaking handaan kahit hindi naman sila imbitado.

At nang makapasok na ang mag-asawa ay nakakita sila ng napakaraming inihanda na


pagkain. Agad itong lumapit sa mesa ang mag-asawa upang kumain kaya naman nagpakasawa
ang dalawa sa kakakain.

Hanggang nakapagsabi si Maryel na ito ang aking napakasayang araw. Na kung saan ditto
lang ako nakatikim ng mga masasarap na pagkain at ditto kurin naramdaman ang pagiging busog.

Nang inakala nilang wala ng kaain at nakalikod ang may-ari ng handaan, agad itong
nagtungo ang mag-asawa sa mesang kainan at agad itong kumuha ng ibabalot upang sila ay
kumuha at magbalot ng mga pagkain para iuwi sa kanilang bahay.

Dahil sa ginawa nilagn iyon, tumawag ang may-ari ng kanyang mga tao-tauhan. Upang
kunin ang mag-asawa para kausapin kung bakit nila ginawa iyon. Nang tinanong na nang may-ari
ang mag-asawa kung bakit sila nakagawa ng masasamang Gawain, sagot ng mag-asawa hindi sila
kasi nakakain ng ganong kasarap na mga pagkain.

Di alam ng may-ari ng handaan ang pag-uugali ng mag-asawa na may subrang katamaran.


Kuang bakit hindi sila nakakahanap ng pera pambili nang pagkain. At hindi alam ng may-ari na
ang gawaing ito ay nakasayanan na nila ang pagkuha ng mga pagkain na hindi naman nila
pagmamay-ari.

Dahil sa dakila at may mabait na puso ang may-ari ng handaan, agad niya itong pinatawad
na walang hinihinging kabayaran. Binigyan pa niya ang mag-asawa ng mga pagkain dahil niya sa
sinabi ng mag-asawa na walang silang nakakain. Pinayuan pa sila ni Don Kengie ang may-ari ng
isang malaking handaan bago sila umuwi na silang umulit pa kahit kalian at kahait saan mang
lugar.

Sinabihan rin sila ni Don Kengie na maghanap kayo ng mabuting trabaho upang hindi na
kayo makagawa ng masasamang Gawain. Upang makakita kayo ng pera pambili ng pagkain.

Sa sinabing iyon ni Don Kengie, nakapag-isip is si Maryel ng mabuti at isipan niya na


magbabago na sila. Kinausap ni Maryel si Jetro na magbago na sila at sinabihan niya ito na
magbago na tayo Jetro para naman maging maginhawa nag an gating buhay. Para naman matawag
tayong mababait na tao hindi puro panlalait ang naririnig natin at puro kainisan sa ating dalawa.
Maghanap ka na lang kaya ng trabaho para makakita tayo ng pera pambili ng ating makakain at
para hindi na tayo makagawa ng mga pagnanakaw ng mga pagkain.

Dahil sa sobrang katamaran ni Jetro hindi nakinig sa kangyang asawa na maghanap nang
trabaho at magbago. Hindi ito tumigil sa kangyan Gawain at patuloy pa rin itong kumukuha ng
mga pagkain na hini naman nila pagmamay-ari. Sa mga ginagawang pangunguha ni Jetro ng mga
pagkain. Hindi na sumasawa si Maryel kahit na kalian man dahil sa nakapag-isip isip na siya na
magbabago na siya.

Isang araw, nadinig ni Jetro ang pag-uusap ng isa nilang kapitbahay na mamasyal sa
daratign na Linggo. Sa nadinig niyang iyon ay nakapag-isip isip aga ito ng masama at nag-isip
siya na magandang plano kung papaano niya mapapasok ang bahay. Niyaya niya si Maryel na
sumama sa kanyang gagawin upang makakuha ng kanilang makakain.

Hindi sumama si Maryel kay Jetro dahil sa masama na naman gagawin nila at dahil sa
nakapagbago na siya. Sinabihan pa ni Maryel ang asawang si Jetro na wag niya itong ipagtuloy
ang gagawin niyang masama. Baka kasi biglang dumating ang may-ari ng bahay at maabutan siya
at ipakulong siya nito.
Sumapet na nga ang araw ng Linggo at binaliwala lang niya ang mga sinabi ni Maryel.
Inabangan niya ang pag-alis ng kanilang kapitbahay. Upang makahanap ng paraan para pasukin
ang bahay.

At nang nakaalis na ang kanilang kapitbahay ay dahan-dahan kaagad itong pinasok ni Jetro
at agad naman siyang pumunta sa kusina pagkapasok niya sa bahay upang kumuha ng mga
pagkain.

Dahil sa umaasa si Jetro na matatagalan ang kanilang kapitbahay at natulog lang muna siya
upang makapag relax pagkatapos niyang kumain.

Dumating na nga ang kinakatakutan ni Maryel na may masamang mangyayari kay Jetro
dahil sa mga ginawang kasamaan nito.

Dahil sa nakatulog nga si Jetro, hindi niya namalayan ang pagdating ng may-ari ng bahay
at hindi nga namalayan na siya nagabihan na sa kakatulog. Nang pumasok na ang may-ari ng
bahay at agad namang binuksan ang mga ilaw at don na nakita si Jetro na ang sarap ng tulog nito
katabi pa niya ang mga kinuhang pagkain para dalhin kay Maryel dahil hindi pa ito nakakain.

Natakot ang may-ari ng bahay pagkakita nilang may natutulog na tao sa kanilang sala.
Hindi nila alam na si Jetro ang natutulog kaya hindi kaagad lumapet ang may-ari ng bahay.
Humanap muna ng tiempo at dahan-dahana na lumapet, at don nalaman na si Jetro lang ang
nakahiga na isa nilang kapitbahay.

Pagkakita na nilang si Jetro itong nakahiga agad itong tumawag ng pulis upang ipahuli si
Jetro dahil sa pagnanakaw. Paano tumawag kaagad ng pulis, dahil nagkagalitan na ang dalawa.
Hindi na nagpadalaa sa usapan ang may-ari ng bahay kundi ang naiisipan lang nito kundi ipakulong
si Jetro. Ilang beses si Jetro nakiusap sa may-ari ng bahay wala parin siyang nagawa.
Umiiyak kaaagad si Maryel ng pakakita niya ng mga pulis sa kanilang kapitbahay na kung
saan pumunta ang kanyang asawa. Dahil sa hindi umuwi si Jetro sa kanilang bahay. Naisipan
kaagad ni Maryel na ito na ang katapusan ng pagsasama nilang mag-asawa.

Isang beses naisipan ni Maryel na dumalaw at magdala ng pagkain sa kanyang asawa para
mangumusta. Ang pagdalaw ni Maryel ay hindi niya tunay ang kalagayan ni Jetro. Dahil hindi
sinabi ni Jetro na siya may dinadalang masakit na karamdaman.

Pagkalipas ng isang buwan ay may natanggap na si Maryel galling present para puntahan
ang asawa at sinabi ang nangyari sa kanyang asawa.

Na nawalan na ito ng hininga ng narinig ni Maryel ang mga pangyayari sa asawa ay agad
naman itong pumunta sa present. Habang bumubuhos ang kanyang mga luha. Nang Makita niya
nag kanyang asawa na nakahandusay sa sahig ay mas lalong bumuhos ang mga luha nito.

Hindi alam ni Maryel ang gagawin at kung saan siya makakakuha ng pera pampalibing sa
asawa. Kung saan saan siya lumapit para mangutang wala siyang mautangan dahil sa kilala silang
magnanakaw.

Sa mga araw na iyon isang tao na lang ang pwedeng lapitan at hingian ng tulong at naisipan
niya si Don Kengie na may kadakilaan ng puso. Hindi naman nabigo si Maryel sa pagpunta kay
Don Kengie. Agad namang itong tumulong sa kanya. Pagkatapos niyang sabihan ang lahat ng
mga nangyari sa asawa. Si Don Kengie na ang gumastos lahat ng mga gastusin para sa
pampalibing kay Jetro.

Pagkatapos ng libing ni Jetro namumuhay ng mag-isa si Maryel hanggang tumanda na siya.


Walng ibang inisip ni Maryel kundi ang kanyang asawa at palagi nalang ito nakatunganga sa may
bintana ng kanilang bahay at palaging nakatingin sa mga ulap at di maiwasan na maisip ng balang
araw baka bumalik pa ang kanyang asawa.

You might also like