pangangalap ng mga datos o impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa isang siyentipikong paraan. Mga Hakbang sa Pagbuo ng Sulating Pananaliksik Pagpili ng Mabuting Paksa Paglalahad ng Layunin Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi Paghahanda ng Tentatibong Balangkas Paghahanap ng Tala o Note taking Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline Pagsulat ng Burador o Rough Draft Pagwawasto at Pagrerebisa ng Burador Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik Pagpili ng Mabuting Paksa Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng guro. Maiiwasang masayang ang oras at panahon ng isang mag –aaral kung malinaw sa kanya ang nais ipagaawa ng guro at layunin para sa gawain. ANG PAKSA Napakahaalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating pananaliksik.Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipang mabuti at dumaan sa isang maingat na pagsusuriupag matiyak na makakabuo ng isang makabuluhang sulatin. NARIRITO ANG ILANG TANONG NA MAAARI MONG ITANONG SAIYONG SARILI BAGO TULUYANG MAGPAIA SAPAKSANG SSULATIN: Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat ng ukol dito? Angkop, makabuluhan at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapakipakinabang ba ang magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikular sa mga kaklase ko? kaya ko bang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin? Marami kayang sanggunian nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak ang paksang napili ko? Kung Oo ang sagot mo sa mga tanong na ito maaaring ito na ang pinakaangkop na paksa para sayo. PAGLALAHAD NG LAYUNIN
Kapag napagpasiyahan na ang paksa at mayroon ka
nang plano kung papaano mo bubuoin at palalawakin ang iyong sulating pananaliksik, kailangan ilahad na ang paunang layunin. Narito ang ilang tanong na maaring gumabay o magbibigay ng direksiyon sapaguo mo ng layunin: Narito ang ilang tanong na maaring gumabay o magbibigay ng direksiyon sapaguo mo ng layunin: Ano ang layunin ng proyektong ito? Layunin ko bang maglahad ng impormasyon nang hindi na kailangan mangatwiran? O kaya’y bumuo ng pangangatwiran batay sa kinalabasan ng aking pananaliksik? Sino ang aking mambabasa? Ang guro lang ba ang makakabasa ng sinulat ko? Sino pa kaya ang makakabasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa Ano ang kagamitang o sanggunian ang kakailanganin ko? Ganano karaming kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? Saan ko mahahanap ang mga ito? Mula sa mga sagot mo sa mga tanong na ito ay maari ka nang bumuo ng iyong paunang layunin para sa iyong sulatin PAGHAHANDA NG PANSAMANTALANG BIBIBLYOGRAPI Kailangan mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian. Maari ring makakuha ng impormasyon mula sa internet.maging maingat lang at suriing mabuti ang mga talang makukuha sa internet sapagkat maraming impormasyon mula dito ang kaduda-duda o minsan ay walang katotohanan. Mulasa mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka ng pansamantalang bibliyograpi. Ito’y maaaring isang “3x5” na index card na kakikitaan ng sumusunod na mga impormasyon: Pangalan ng awtor Pamagat ng kanyang isinulat Impormasyon sa pagkakalathala mga naglimbag Lugar at taon ng pagkakalimbag Pamagat ng aklat Ilang mahahalagang tala ukol sa aklat PAGHAHANDA NG TENTATIBONG BALANGKAS Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatbong balangkasupang magbigay direksiyon sa pagsasaayos ng iyong mga ideya at pagtkoy kung ano –anong materyal ang kailangan hanapin.maaring gamitin ang mga inihanda mong card ng bibliyograpi upang maging gabay ng iyong balangkas PANGANGAPALAP NG TALA O NOTE TAKING Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpi at tukuyin kung alin-alin sa mga ito ang kakailanganin sa iyong susulatin basahing mabuti at mula sa mga ito ay magtala ng mahahalagang impormasyon g magagamit sa iyong susulatin. Maaaring gamitin ang pormat sa ibaba para sa iyong tala: Tiyak na paksang Pangalan ng awtor hango sa iyong Pamagat ng aklat baangkas Pahina
Isulat dito ag iyong tala.
PAGHAHANDA NG INIWASTONG BALNGKAS O FINAL OUTLINE Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay bang kailangang baguhin o ayusin.maari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas ay maging gabay sa pagsulat ng iyong burador. PAGSULAT NG BURADOR O ROUGH DRAFT Mula sa iyong iniwastong balangkas at mga card ng tala ay maaari ka nang magsimulang sumulat ng iyong burador. Tandaang ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng INTRODUKSIYON na kababasahan ng ideyang matatagpuan sa kabuoan ng sulatin , ang KATAWAN na kababasahan ng pinalawig na balangkas at ang iyong KONGKLUSYON na Siyang nagsasaad ng buod ng iyong pananaliksik PAGWAWASTO AT PAGREREBISA NG BURADOR Iproofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador. Pina-ukulan ng pansn ang pagkaubuo ng mga paungusap, ang baybay, bantas,wastong gamit, pmaraan, ng pagsulat at angkop tna talababa o footnote. PAGSULAT NG PINAL NA SULATING PANANALIKSIK Pagkatapos pagdaanan o isagawa ag mabuti ag naunang walong haknbag ngayon ay nakatitiyak ka na ng isang mainam nasulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro