You are on page 1of 1

Dineros, Maria Carmina D.

BSMT – 128 SECTION 30


Wika at Midya
Ang wika ay ginagamit na midyum sa pakikipagtalastasan at pag babahagi ng mga
impormasyon at kaalaman. Habang tumatagal may mga bagong wika na umuusbong dahil na din
sa malikhaing pag iisip nating mga Pilipino. Nanjan ang na usong Taglish kung saan madalas na
ginagamit sa mga telebisyon, radyo at minsan ginagamit na rin ito sa mga dyaryo. Nauso din ang
Jejemon na ginagamit madalas ng mga millennials sa pag tetext para mapaikli ang mga salita at
mapagkasya ang mga ito sa 160 na letra lamang. May koneksyon din ang wika sa midya. Dahil
ang midya ang nagpapakalat ng mganbalita o uso at madalas nakakakalap din tayo ng
impormasyon dito na ginagamitan ng wika.
Sa basahing aking binasa, may tatlong punto ang binanggit doon. Una ang wikang
Taglish kung saan ang Tagalog at Ingles ay pinagsasabay sa pakikipag usap. Para saakin meron
itong benepisyo at kasiraan sa ating bansa. Uunahin ko na ang benepisyong nabibigay nito, una
mas naipapahayag nang maayos ang damdamin ng isang tao gamit ang wikang ito dahil may
mga salitang hindi mo maisasalin sa Tagalog o Ingles. Ang panghuli naman ay mas napapalago
nito ang mga negosyo tulad sa mga telebisyon at radyo. Ang natatangging kasiraan naman na
naidudulot nitong wika na ito ay mas nasasanay tayong mga Pilipino na ito ginagamit mapa-
social media, pakikipagtalastasan at sa pagsusulat. Hindi na natin naiaangat ang sarili nating
wika at mas nasasanay tayo sa ganitong wika at hindi na iniintindi ang sarili at purong wika
natin. Ang pangalawang panibagong wika naman na umusbong ay ang Jejemon. Katulad ng
Taglish meron din itong benepisyo ngunit mas marami naman itong kasiraan na naidudulot
saating mga Pilipino. Uunahin ko na ang nag iisang benepisyong naidulot nito, mas marami kang
masasabi sa iyong kausap maski na 160 na letra lang ang kaya sa iyong telepono. Ang mga
kasiraan naman nito ay pag binasa mo ang mga ito masakit sa mata dahil sa iba’t ibang sukat ng
letra nito. Pangalawa naman ay mas nasasanay tayong mga Pilipino na mali mali ang baybay ng
mga salita natin dahil sa pagsabay natin sa uso. At ang panghuli mahirap itong basahin at
intindihin dahil nga sa dinadagdag na letra dito at sa mali maling baybay nito. Madalas sa mga
jejemon ngayon ay hinuhusgahan na rin ng mga tao na sila ay “cheap” dahil na din sa kanilang
panunuot na hindi pasok sa pamantayan ng mga tao. Kaya naman pag sila ay nakikita sila ay
laging nilalayuan. Ang panghuling punto naman ay ang sumikat na sagot sa Miss Universe ni
Venus Raj na umagaw pansin sa mga Pilipino ito ay ang “major major” na kung saan
nahusgahan si Venus Raj na isang mababang tao dahil sa salitang ginamit niya.
Para saakin ang mga nalalaman natinng mga makabagong wika at salita na ito ay dahil sa
midya ito ang nagsisilbing tulay o dito nanggagaling ang mga bagong kaalam na ating
natututunan sa araw araw. May malaman man tayong mga makabagong wika wag natin
kakalimutan na dapat mas alam natin salitaan at intindihin ang ating sariling wika. Dapat ang
sarili nating wika ang mas pinauunlad at mas ipinakakalat natin sa midya para naman sa mga
susunod na hinerasyon mas alam nilang gamitin ang sariling atin. Ugaliin din nating wag
manghusga ng tao dahil lang sa wika o salitang ginagamit nila dahil hindi naman nasusukat ang
pagkatao o talino ng isang tao sa wikang kanyang ginagamit.

You might also like