You are on page 1of 6

ANG PAHAYAGAN AT MGA BAHAGI NITO

Ang pahayagan ay isang uri ng paglilimbag na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas


at kadalasang inilalathala araw-araw. Ito ay tinatawag ding diyaryo o peryodiko. Mayroong sampung
bahagi ang pahayagan. Tignan sa ibaba ang mga sumusunod na bahagi at ang mga halimbawa:

I . Pangmukhang pahina – Ito ang unang pahina ng isang pahayagan kung saan mababasa ang pangalan
ng pahayagan, petsa kung kalian ito naimprenta at ang pangunahing balita na nakasulat sa
malalaking letra.

II. Balitang Pandaigdig – Dito nakapaloob ang mga balitang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng mundo
at maging mga balitang may kaugnayan sa labas ng ating planeta.

III. Balitang Panlalawigan – Sa pahinang ito ng pahayagan inilalahad ang mga balitang nakalap mula sa
mga iba’t ibang lalawigan sa bansa na kung saan nailimbag ang pahayagan.

IV. Pangulong Tudling/ Editoryal – Ang pahinang ito ay naglalaman ng kuru-kuro o puna na isinulat ng
punong patnugot at iba pang kapita-pitagang patnugot hinggil sa isang napapanahong paksa
o isyu.

V. Anunsyo Klasipikado – Ang pahinang ito sa pahayagan ay higit na nakalaan para sa mga
mambabasang naghahanap ng trabahon at naghahanap ng mabibiling ari-arian. Makikita rito
ang mga anunsyo para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay o kaya ay mga binebentang bahay,
lupa, sasakyan, at iba pang kagamitan.

VI. Obitwaryo – Nakalaan ang pahinang ito para sa mga anunsyo tungkol sa mga namayapa na. Dito
mababasa ang imporymasyon kung saan nakaaburol at kung kailan ililibing ang namatay.

VII. Libangan – Isa ito sa mga makulay na bahagi ng pahayagan na naglalaman ng mga balita tungkol sa
artista, pelikula, telebisyon, at iba pang sining. Mababasa rin dito ang mga paparating na mga
konsyerto ng iba’t ibang mang-aawit na sa ating bansa maging ang mga kilala sa naturang
sining sa ibang bansa. Mayroon din itong mga krosword, komics, at larong sudoku na bagay
sa mga batang mambabasa maging horoscope para sa mga mambabasang gustong malaman
ang possible nilang kapalaran sa naturang araw.

VIII. Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa pamumuhay, tahanan,
pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba pang aspeto ng buhay sa lipunan.

IX. Isports – Sa bahaging ito mababasa ang mga kaganapan sa iba’t ibang larong pampalakasan na sa
loob at labas ng bansa.

You might also like