You are on page 1of 1

Sunday Reflections

By Asst. Prof. Ferdinand Bulusan

ANO ANG NAITUTURO NG PAG-AANTAY NG JEEP?


I sold my car for several reasons. Ang taas na ng gasolina, grabe! And so, balik commuter
ang drama ko ngayon. Pero iba sa nakasanayan kong pagko-commute. Before, taxi lang ako ng
taxi, pero unti-unti kong na-realize na, juice colored ☺…ang lakas pala bumutas ng bulsa ang
pagta-taxi. ‘Yun nga lang, medyo comfortable ang pagta-taxi.

This week, I straightly rode in jeepneys, at huwag ka! Ang haba ng pila. Ang layo ng
lalakarin pa mula sa terminal nila hanggang sa pupuntahan. Ang sikip dahil siksikan. Ang tagal
pang makapara ng masasakyan. All these annoyed me the first time I jumped into the
commuters’ world. Kailangan kong mas maagang pumunta sa sakayan, that means, ako talaga
ang nag-aadjust. Para sa isang tao na ayaw ng makupad, mabagal at puro slow mo (hindi ko
sinasabing ako ‘yun ah, pero parang ganon na nga), mahirap mag-adjust.

But while inside the jeep, I realized na complaining and ranting and murmuring are never
and will never solve something. They may even add stress and add wrinkles. So, riding in a
jeepney helped me changed my perspective. Now, I feel real patience. My patience is stretched.

Gaya ng sa totoong buhay, having a solid, lengthy patience can make life easy and light.
May nagagawa bang mabuti sa atin ang patuloy na pagko-complain? Look around you! Hindi
lang pagsakay sa jeep ang pwedeng mag-help sa atin para humaba ang patience natin. There
are many teachers of patience sa paligid…because as Christians, being patient must be one of
our indelible marks.

Patience is the key to accepting the realities of the world, na hindi mo kaagad mababago.
Patience, para sa akin, ay isang sangkap ng pagmamahal. Well, nasa shopping mall ako this
week. I passed by the woman’s section at nasilayan ko ang isang lalake na nakaupo sa dulo,
may hawak na mga bag, nakanganga, at tuluyang pumipikit pikit na ang mata…sinong kasama?
Ang kanyang asawa na namimili. Another picture of PATIENCE! Nakatatawa pero totoo. Loving
someone requires patience din.

Timing. God’s perfect timing. Sa kabilang banda, ‘yan ang dapat na iniisip natin. Life is
light when we have patience. Being patient is a vital part of trusting in God as our life
circumstances are not always what we would prefer. Romans 12:12 says, “Be joyful in hope,
patient in affliction, faithful in prayer.”

So, let us pick up the teachings of being patient sa ating pang-araw araw na buhay. And
let us apply them para maging attitude natin ang pagiging patient. Kaya nga, sa mga Millennial,
patience is no longer a virtue…sometimes, it is an attitude!

God bless you in making your life full of glittering and lengthy patience! Amen.

You might also like