You are on page 1of 10

Wika, Kultura at Lipunan

M.TH / 3:00 PM – 4:30 PM

Ika-26 ng Nobyembre, 2018

Ang Wikang Filipino ay Wika ng Pagbabago: Ang Wikang Filipino

sa Pamahalaan

( Kritikong Papel)

Para kay: Gng. Mercy Cristy Samarita

Ipinasa nila:

Eclarin, Paolo

Lapira, Migui

Manipon, Joi Angelo

Navera, Jerico

Piccio, Kristian Justin

Piñon, Kyle Angelo


I. OBSERBASYON
1. Ayon sa konstitusyon ng Pilipinas, nakasaad na ang wikang Filipino ay ang
pangunahing midyum na dapat bigyang pansin sa pakikipagkomunikasyon at
pagtuturo sa mga paaralan kung saan ito ay kailangan paunlarin at pagyamanin.
2. Naglabas ng Kautusan Tagapagpaganap Bilang 335, na siyang nag-uutos sa mga
ahensiya ng gobyerno na gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng opisyal na
transaksiyon, at komunikasyon. Kasama din dito ang pagsasalin sa Filipino ng mga
pangalan ng ahensya ng gobyerno.
3. Ang batas natin ay para sa ating bansa – ang bansang Pilipinas. Ngunit karamihan ng
mga tao dito, ang mga Pilipino, ay hindi nababasa at naiintindihan ito. Mula sa mga
programa ng gobyerno, sa mga buwis ng mamamayan, papunta sa mga karapatang
pangtao. Hindi maaring matawag na makatao ang batas kung hindi ito nauunawaan
ng mga taong nangangailangan nito. Ang dahilan dito ay ang sa pagmumungkahi, sa
pagtalakay, at pagpasa ng batas ay nasa wikang Ingles. Karamihan ng taong bayan ay
hindi nakakaintindi ng wikang Ingles. Kakaunti lamang ang batas na isinalin sa
wikang Filipino.
4. Nasa ingles ang mga proseso ng korte. Pati ang mga desisyon ng Korte Suprema ay
nasa ingles. Hindi madali para sa mahihirap nating kababayan ang lumapit sa korte.
Masalimuot ang proseso ng prosekusyon at pagtanggol.
5. Ang pamahalaang lokal ang unang mukha ng gobyerno at mas laganap at ramdam ito
ng mga pangkaraniwang mamayanan at ng mga nasa malalayong lalawigan na hindi
agad-agad naaabot ng pamahalaang nasyonal. Kailangan gamitin ang wikang Filipino
sapagkat ito ay mas nakakabubuo ng koneksyon sa pagitan ng dalawang Filipino.
Katulad nalang ng nakasulat sa artikulo, sa Lipa palasak ang paggamit ng wikang
Filipino at ito ay isa sa mga susi sa pagiging malapit ng mamayanan sa pamahalaang
lokal.
6. Sa pamamagitan ng ibat ibang midyum, katulad ng pelikula ay mas napapaunlad natin
ang ating wika at lalong nabibigyang pansin ito. Isa pang halimbawa ay ang ating
musika na OPM na kung saan marami ang tumatangkilik. Pinag-iisa din ng musikang
Pilipino ang wika nang masa. Ilan lamang ito sa mga puno at sapat na tunguhin ng
pagpapalaganap ng wikang pambansa.

II. PAGSUSURI ( KATANUNGAN)


1. Anu-ano ang mga kadahilanan kung bakit ito ang naisakatuparan ng mga mambabatas
ng Pilipinas kung saan gawing pangunahing midyum ang wikang Filipino sa
pakikipagkomunikasyon at pagtuturo sa paaralan?
2. Ano-ano ang mga dahilan kung bakit isinautos ng Pamahalaan ang paggamit at
pagsasalin sa wikang Filipino ang mga transaksyon sa gobyerno?
3. Paano magiging epektibo ang batas nang hindi naman ito nababasa o naiintindihan ng
mga tao na nasa ilalim nito?
4. Bakit nakasalin sa wikang ingles ang proseso at desisyon ng Korte Suprema kung
alam nilang hindi magiging madali para sa mga kababayan nating mahihirap ang
lumapit sa korte?
5. Sa paanong paraan napapatibay ang pakikipagtransaksiyon ng pamahalaang lokal at
mga ordinaryong tao ang paggamit ng wikang Filipino?
6. Paano natin matatangkilik ang wikang Filipino sa paraan na makakahikayat sa mga
pilipino ngayon?

III. HAKA-HAKA ( HYPOTHESES)


1. Maaring ang wikang Filipino ang naisakatuparan na gawing pangunahing
midyum ng mga mambabatas ng Pilipinas sa kadahilanan na karamihan sa atin ay
sinasalita na ang wikang Filipino at ito rin ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng
rehiyon sa Pilipinas kung saan papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa
mga taumbayan ng kapuluan.
Ayon sa pananaliksik na ginawa ng mga mag-aaral sa Unibersidad ng
Santo Tomas na may pamagat na “Ang Kahalagan at Mga kadahilanan kung Bakit
Wikang Filipino ang Ating Wikang Pambansa at ang Kaugnayan Nito sa Unlad
pang-Ekonomiya”, tinalakay na ang Filipino ang wikang pambansa na gingamit ng
Pilipinas sa kabila ng napakaraming katanungan ukol sa pagpili dito. Naging batayan
ng mga mambabatas ay ang mga sumusunod: 1.) Hindi ito nahahati sa mga mas
maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 2.) Ang tradisyong pampanitikan
nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak. Higit na maraming
nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo. 3.) Ito
ang wika ng Maynila, ang kabisera ng pampulitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.
4.) Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan – dalawang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.
Sumasalungat dito ang isang pahayag na isinulat ni Jimenez (2017),
isang mamamahayag ng GMA News Network, kanyang ipinahayag na Sa ilalim ng
House Bill No. 5091 na inihain ni dating Pangulo at ngayo'y Pampanga Rep. Gloria
Macapagal-Arroyo, nais ng mambabatas na mahasa at mapahusay pa ang kakayahan
ng mga mag-aaral sa pagsusulat at magsasalita ng dayuhang wika. Ito ay naglalayong
palakasin ang wikang Ingles at gamitin ito bilang paraan sa pagtuturo sa mga
paaralan. Pero tutol sa panukala ang Komisyon sa Wikang Filipino dahil labag umano
ito sa Saligang Batas at hindi maka-Pilipino.
Lubusan nga ang tunay na kahalagahan at kayamanan ng wikang
Filipino sa ating bansa. Kung kaya’t marami na rin ang hindi na nagtataka kung bakit
itong ang naisakatuparan ng mga mambabatas bilang pangunahing midyum ng mga
pilipino sa pakikipagkomunikasyon at pagtuturo sa paaralan.
2. Isa sa mga dahilan nito kung bakit naglabas ng Kautusan Tagapagpaganap
Bilang 335 ay ang mga pilipinong hindi nakakaintindi o nakakabasa ng Ingles,
maraming mga Pilipino na nakikipagtransaksiyon at kumukuha ng mga kanilang
rekord sa ahensiya ng gobyerno at upang lalong maintindihan ng mga tao kung ano
ang mga nakapaloob na salita.
Ayon sa pananaliksik na isinagawa nila Baaco, Celino, Coquia, et.al (2013),
mga mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas, ang wikang Filipinno ang
nagsisilbing daan tungo sa mabuting negosasyon. Isa ang wika sa mga bagay na dapat
pagtuunan pansin ng pamahalaan tungo sa mabuting kaunlaran. Nakakatulong ang
wikang Filipino sa pagunalad ng ekonomiya ng Pilipinas sapagkat nagagamit ito sa
iba’t ibang transaksiyon sa negosyo, gobyerno at mga pribadong sektor sa bansa
upang mas madaling magkaintindihan at magkaunawaan ang bawat Pilipino. Sa
kasalukuyan ang wikang Filipino ay nagpapatunay sa wikang nagpapabago. Ang
ating wikang pambansa ay patuloy na nadedebelop at sumasabay sa globalisasyon at
modernong panahon.
Tutol dito ang pahayag ni Toni Tiemsin (2017) kung saan sinasabing, lantad
ang ganitong pagtatangi sa wikang Ingles dahil ito ang dila ng gobyerno, mga
korporasyon, at ng pampublikong edukasyon. Kaya sa konteksto ng ating bansa kung
saan may kalahati ng populasyon ang mahirap at marami ang hindi na
nakapagkolehiyo, paano mo aasahang makapagsasalita sila ng diretsong Ingles?
Paano ngayon sila aasahang makilahok sa “matatalinong” diskusyon na sa Ingles
isinasagawa ng gobyerno at sa Ingles din isinusulat ng mga pangunahing diyaryo sa
Pilipinas? Isang tanong mula pa noong 1960 ang sinipi ni Melendrez-Cruz ang
akmang-akma pa rin sa sitwasyon natin ngayon: “Paano magkakaroon ng edukasyon
para sa demokrasya kung ang wika ng paaralan ay hindi siyang wika ng sambayanan?
Paano makalalahok ang taumbayan sa mga talakayang publiko, siyang kalikasan ng
demokratikong pamahalaan, kung ito’y hindi sa wika nila ginagawa?”
Ating mahihinuha na ang wikang Filipino ay may makahulugan at malawakang
epekto sa kalagayang pang-ekonomya ng ating bansang Pilipinas. Ang paggamit sa
ating inang wika sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno ay makakatulong upang mas
mapadali ang transaksyon ng kaalaman hindi amang sa mga nakakaangat kundi pati
na rin sa mga mamayang pilipino na nasa gitnang antas ng pamumuhay.
3. Parehong wikang Ingles at Filipino ang opisyal na lengguahe ng Pilipinas. Ngunit
na dalawa nga ang ating lengguahe, iisa lamang ang karamihan na ginagamit sa batas,
ang wikang Ingles. Dapat ang gawin ng lehislatibo, ay gawan ng tagalog na bersyon
ang dating mga batas. At para sa susunod na batas, dapat magpatupad ng bersyon ng
wikang Ingles, at wikang Filipino. Maaari rin ay turuan ang mga Pilipino sa kanilang
mga karapatan. Dahil dito, ang kahit sinong pilipino ay mauunawaan ang batas kahit
man ito ay nasa wikang Ingles.
Ayon sa pananaliksik na ginawa ni Isabel Preficiano Martin (2012),
isang guro mula sa Ateneo de Manila University, ang wikang Ingles ay isang
malaking balakid na naghihiwalay sa antas ng katayuan ng mga Pilipino sa ilalim ng
hukuman. Kanyang inilathala ang isang pangyayaring naganap sa korte na
pinanghahawakan ni Judge Ronaldo Martin. Ang kaso patungkol sa pagpatay ay
naalintana ng humigit kumulang na apat na taon. At bago ibigay ng tagahukom ang
kanyang huling desisyon, muling siyang nagtanong ngunit gamit ang wikang Filipino:
“Sino sa inyo ang nakakakilala sa biktima?” Isang Matandang babae ang nagtaas ng
kamay. Agad itong tinanong ng tagahukom kung bakit hindi siya nakikilahok sa
usapan. Sumagot ang matandang babae, “Hindi po ako marunong ng English.”
Nakasaad mula sa opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas
(2008) na Noong taong 2003 at 2004, lumabas sa isang pag-aaral ng SWS na 76 na
porsiyento ng 889 na hukom mula sa mga regional trial courts ang tumutol sa
paggamit ng wikang pambansa sa mga hukuman. Maraming tagahukom ang hindi
matatas sa Tagalog at ang kinakailangang pagsasanay ng mga stenographer o ang
mga tagapagtala ng mga pahayag ng nasasakdal para sa panghinaharap na gamit.
Kung kaya’t karapat dapat nga lamang na ilapat ang lahat ng
nagyayari sa wikang Filipino upang magkaroon ng patas na pagkakaintindihan sa
bawat mamamayan, mapabatas man ito o hukuman. Ng sa gayon ay makamit nila ang
karapatang panto na mayroon ang bawat isa sa likod ng mga batas.
4. Wikang ingles ang wika ng ating batas dahil ang debate ay binubuo ng Ingles
ayon kay Atty. Noel Del Prado. Bagaman may Filipinong bersiyon ang ating Saligang
Batas ay mas pinapaboran ang paggamit ng Ingles sa korte upang maiwasan ang
pagkalito sa mga terminong nagamit sa batas.
Itinuturong dahilan dito ang paggamit ng Ingles sa mga debate ng
Constitutional Convention nang binabalangkas pa ang Saligang Batas noong 1987.
Tila nanatili na ang institusyon pamahalaan at batas dito sa ating sariling bansa ay
para lamang sa mga nasa itaas na bahagdan ng lipunan. Ito ay nanatili sa
pamamagitan ng paggamit ng wika na hindi para sa lahat, wikang dayo, kung saan
ilan lamang ang lubusang nakakaunawa at nakakapagsalita.
Ito naman di-sinangayunan ni Roberto Anonuevo (2008) sa kanyang
pahayag mula sa kanyang artikulo na dati, ginagamit ang Espanyol para sa
kapakinabangan ng mga Espanyol, alinsunod sa patakaran ng Royal Audiencia. Nang
dumating ang mga Amerikano’y ginamit ang Ingles at iniluklok ang mga
mahistradong Amerikano, kasama ang Punong Mahistradong Filipino, para isulong at
mapanatili ng Estados Unidos ang kolonyal na patakaran sa Filipinas. Ang ating
Korte Suprema, na itinatag noong 1901, ay malinaw na may ugat sa pananakop at
patakarang pampolitika ng Amerika na nakapag-ambag upang matiwalag ang
taumbayan sa mga hukuman nito.
5. Ang paggamit sa sariling wika sa pakikipagtransaksiyon ay napapatibay nito ang
relasyon ng pamahalaang lokal at ordinaryong Pilipino sapagkat mas malakas ang
kanilang pagkakaintindihan. Ang pagkakaintindi ang magbubuklod sa atin upang
magkaisa at gumanda ang relasyon.
Ayon sa isang pananaliksik na pinamagatang “ Kadahilanan Kung Bakit
Wikangfilipino Ang Ating Wikang Pambansa at Ang Kaugnayan Nito Sa Unladpang-
ekonomiya” na ginawa ng mga estudyante ng Economics as Unibersidad ng Santo
Tomas, ang wika ang ginagamit komunikasyon ng mga tao sa lipunan bilang
instrumento ng komunikasyon. Ito rin ang ginagamit sa paggawa ng mga
transaksiyon, na maituturing na isa sa mahahalagang salik ng isang ekonomiya. Hindi
magiging matagumpay ang alinmang klase ng transaksiyon kung hindi tayo
nagkakaintindihan at kung hindi tayo gagamit ng iisa at sarili nating wika.
Salungat na ipinaliwanag ng pahayagan ng Unibersida ng Santo Tomas (2016)
ang usapin na ayon kay Ma. Cristina Padolina, propesor sa Centro Escolar University,
mas pinahahalagahan ng karamihan ang katatasan sa wikang Ingles sapagkat, sa
tingin nila, Ingles ang mas kailangan at ito ang malawakang merkado. “Marami sa
atin ay may pananaw na kailangan natin ng Ingles at Ingles lamang ang
makapagdadala sa atin sa globalisasiyon… at ang competitiveness natin ay
nakasalalay sa mahusay na paggamit ng Ingles,” aniya sa Pambansang Kongreso sa
Intelektuwalisasiyon ng Wikang Filipino na idinaos sa Teachers’ Camp sa Baguio.
6. Sa panahon ngayon na puno ng pagbabago mula sa kung paano manamit ang
mga tao, sa paraan ng pananalita, sa mga bagong uso at mga makabagong
teknolohiya, ay hindi ka na rin magtataka kung pati ang ating pagbibigay halaga sa
ating sariling wika ay na wala na rin. Hindi natin maaring hikayatin ang isang tao na
tangkilikin ang wikang Filipino kung sa ating sarili mismo ay hindi natin ito
maisapuso. Kaya naman upang makapang hikayat pa tayo ng maraming tao na
magsalita sa wikang Filipino ay dapat magsisimula muna ito sa ating mga sarili.
Ayon sa isang artikulo ng wordpress.com na may pamagat na,
“Filipino Bilang Wika”, matatangkilik natin ang ating wika kung sasanayin natin ang
ating mga sarili sa pagbasa, pagbigkas at sa pag-gamit nito araw-araw. Marami din
tayong pwedeng gawin na programa katulad ng mga paligsahan na kung saan ay
mahihikayat natin ang mga tao na makiisa para matutuo at na unawaan ang kanilang
pagpapahalaga sa wikang Filipino. Ang pagbabasa ng mga aklat na gumagamit ng
wikang Filipino para mahasa sa ibat ibang bokabularyo ay isa rin sa mga maaring
gawin upang tangkilikin ang tunay na atin.
Taliwas dito ang pahayag ni Julina Gallego (2017) sa kanyang artikulo na
nagsasabing, ikatlo ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng tao
na nagsasalita ng Ingles. Sa katunayan, 92.85% ng populasyon ay nakaiintindi at
marunong magsalita nito. Parami ng parami ang mga tao na mas pinipiling pag-aralan
at linangin ang kakayahan sa Ingles kumpara sa Filipino. Isa sa mga kadahilanan nito
ay ang pag-iisip na nakatataas o mas superyor ang Ingles sapagkat ito ang
pangunahing wika sa buong mundo. Marami ang naniniwala na upang makasabay sa
globalisasyon, kinakailangang maging mahusay muna ang isang tao sa pagsasalita sa
Ingles.
Sumakatuwid, hindi dapat natin alisin sa ating sarili ang kung ano at
sino tayo. Ating tandaan ang katagang binitawan ni Marisol Mapula, “"Ang wika ay
susi ng puso at diwa, tuluyan ng tao’t ugnayan ng bansa." Kaya tayong mga
mamamayang Pilipino dapat nating pahalagahan, tangkilikin at mahalin ang ating
Wikang Filipino dahil ito ang ginagamit natin pang komunikasyon, pang-ugnayan,
pang-transaksiyon at ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon tayong lahat ay
magka-ugnay bilang isang bansa at bilang isang ipinagmamalaking Pilipino.

IV. PANGKALAHATANG KOMPREHENSIBONG KONKLUSYON


Sa kasalukuyang panahon, hindi natin maipagwawalang saysay ang
kahalagahan ng isang wika sa iisang bansa. Sa buong kasaysayan, maraming mga bagay,
sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao, sa kanyang
kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa. Ito ang nagiging instrumento ng
komunikasyon, nagpapalganap ng kaalaman, nagbubuklod ng iisang nayon, at higit sa
lahat ay lumilinang sa malikhaing isipan ng isang indibidwal.
Sa pamamagitan ng paggamit sa wikang Filipino, mas naisasaloob nila ang diwa
na naroon sa mga salita, ayon kay Virgilio Almario, tagapangulo ng Komisyon sa
Wikang Filipino. Ang wikang Filipino ay gamitin nang gamiting upang mahasa ang ating
husay dito. Kung ang paaralan ay hinahasa ang ating paggamit sa ingles, bakit hindi rin
ihasa ng paaralan ang husay natin sa paggamit ng Filipino? Ang wika ay araw-araw dapat
umuunlad at nagbabago, kaya kung may pumapasok na bagong salita, iyon ay
palatandaan na aktibo at buhay ang wika.
Isinakatuparan ng mga mambabatas ng Pilipinas na ang wikang Filipino ang
gawing pambansang wika na ginagamit sa lahat ng bansa. Ito ang nagsisilbing lubid na
nagtatali at nagbubuklod sa mga mamamayan upang maging iisa ang hangarin at diwa. At
sa paglipas ng panahon, ating makikita ang wika ang magsisilbing midyum sa
pagpapahiwatig ng isang pangyayari o kasaysayan. Napapaunlad natin ang sariling wika
sa pamamagitan ng ibat’ibang anyo ng sining tulad ng pelikula. Isa pa sa
kinahuhumalingan ng marami ay ang mga Original Pinoy Music o mas kilala sa tawag na
OPM kung saan ay mabisang paraan upang maipahatid ang bugsok ng damdamin
atkaisipan sa pamamagitan ng kanta. Maraming karatig bansa ang nahumaling dito at
binigyan ng kanilang sari-sariling pagsasalin sa sariling wika tulad ng sikat na kanta ni
Yeng Constatino na “ Ikaw”.
Kung kaya’t laging ugaliing gamitin ang ating wika sa magagandang bagay
at huwag itong abusuhin. Dahilan na rin ng mabilis na paglipas ng panahon marami ng
mga pagbabagong naganap sa wikang Filipino kagaya ng mga nadagdag na mga salita at
mga salitang hango sa wikang Ingles. Ang wika ay isa sa napakahalagang aspeto upang
maging maunlad ang isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan.
Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang
magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito
mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga.
Sa makatuwid, ang wika ay batayan ng natatanging kultura ng isang bansa.

V. SUHESTIYON
Sa panahon ngayon, ang wikang Filipino ang ating pambansang wika, ay
mayroong malaking papel sa pagpapanatili ng pagkakaisa at pag-uunawaan ng lahat ng
tao sa bansa. Sa kasalukuyang panahon, sa patuloy na pag-usbong ng mga makabagong
teknolohiya, marami na sa ating mga pilipino ang hindi gumagamit ng ating sariling
wika, sapagkat ginagaya na nila ang kanilang mga naririnig, nakikita at nababasa sa iba’t
ibang media, tulad ng internet, telebisyon, telepono (cellphone) at iba pa. Kung saan
malaki ang epektong naidudulot nito sa kalagayang pangwika ng kulturang pilipino.
Naisasantabi na ang tunay na kakayahann ng wikang Filipino kung para saan ang bagay
na ito upang mapaunlad ang isang indibidwal sa ganitong nosyon. Ang ating wikang
pambansa ay magagamit sa maraming paraan hindi lamang sa iyong sariling kagustuhan,
nakakatulong din ito sa lahat ng bagay.
Narito ang mga maaring maging tuntunin ng isa wikang Filipino sa ating bansang
Pilipinas:
(a) Tahanan ang nagiging unang paaralan ng mga bata, kung kaya’t dapat bigyang
patnubay ng mga magulang ang kanilang mga anak na turuang hasain sa wikang
Filipino hanggang sa ito ay kanilang kagisnan.
(b) Ang pagpapahayag sa wikang Filipino gamit ang social media ay makakatulong
upang maipakita natin sa mga tao na binibigyan padin natin ng halaga ang
pagamit ng wikang Filipino sa pag "post" ng mga bagay kahit gumagamit tayo ng
social media.
(c) Paghubog ng isang sining; “drawing, iskultura, sand animation o anumang uri ng
sining” na may kinalaman sa pagpapahalaga ng ating wikang pambansa.
(d) Palawakin o paunlarin ang unawa tungkol sa wikang Filipino. Ito’y magagawa sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga libro, pananaliksik, o mga balita na nakasulat
sa wikang Filipino.
(e) Makilahok sa mga aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa
pagpapahalaga ng wikang pambansa.
(f) Tangkilikin ang sariling atin na may kinalaman sa pagpapaunlad ng wikang
Filipino katulad ng mga OPM songs at sikat na indie films kung saan nakikita ang
ating pagkahusay di lamang sa sining kundi pati sa paggamit ng sariling wka.
(g) Dapat tayong mga Pilipino ay magkaroon ng “consciousness” kung paano ba
payayamanin o kaya pauunlarin pa ang ating wikang pambansa. Kapag tayo ay
nagkaroon ng “conciousness”, ng kamalayan, mas matutugunan natin ang
problema at mas itaguyod ang paggamit sa wikang pambansa.
REFERENCES:

https://www.scribd.com/doc/109042737/Ang-Kahalagan-at-Mga-Kadahilanan-Kung-Bakit-
Wikang-Filipino-Ang-Wikang-Pambansa-at-Ang-Kaugnayan-Nito-Sa-Unlad-Pang-ekonomiya

https://journals.ateneo.edu/ojs/index.php/apah/article/viewFile/121/52

https://g3424.wordpress.com/2016/10/10/paano-paunlarin-ang-wikang-filipino/

https://news.abs-cbn.com/news/08/25/18/alamin-bakit-nasa-ingles-ang-ating-mga-
batas?fbclid=IwAR3cvVsbzcAdpMabLilTLpfLqu4qkZzt6kKrEbD_EKacoruMck3I3r7BlmA
https://ilusyonaryo.wordpress.com/2014/12/24/ang-wika-sa-batas-at-pamahalaan-at-ang-
dikotomiya-ng-lipunang-
pilipino/amp/?fbclid=IwAR3cvVsbzcAdpMabLilTLpfLqu4qkZzt6kKrEbD_EKacoruMck3I3r7B
lmA

http://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/talakayan/621945/filipino-o-ingles-ano-ang-
dapat-na-gamitin-sa-pagtuturo-sa-mga-paaralan/story/

http://www.gmanetwork.com/news/lifestyle/artandculture/621052/ispokening-dollar-weird-
affectation-sa-wikang-ingles/story/

https://varsitarian.net/news/20080803/paggamit_ng_wikang_filipino_sa_loob_ng_korte

https://dakilapinoy.com/2008/10/18/filipino-at-ang-wika-ng-hukuman/

https://philippineone.com/namamatay-na-nga-ba-ang-wikang-filipino/

You might also like