You are on page 1of 7

Ang Association of Southeast Asian Nations o mas kilala sa

tawag na ASEAN ay isang organisasyong pampulitika, kultura


at ekonomiya. Ang pangunahing layunin nito ay ang
pagtataguyod ng pangkabuhayan, panlipunan at pangkulturang
kaunlaran ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Dagdag pa
nito, layunin din ng ASEAN ang pangangalaga ng
pangkabuhayan at pampulitikang katatagan ng mga kasaping
bansa.
Ang pangunahing layunin nito ay ang pagtataguyod ng pangkabuhayan, panlipunan at
pangkulturang kaunlaran ng mga bansa sa Timog Silangang Asya. Dagdag pa nito, layunin din
ng ASEAN ang pangangalaga ng pangkabuhayan at pampulitikang katatagan ng mga kasaping
bansa.

Mga Pangunahing layunin ng Asean


Ang mga bansang-kasapi ng Asean at nakapagpatibay ng mga pangunahing prinsipyo para sa
kanilang mga ugnayan ng mga bawat isa, na nabibilang sa Kasunduan ng Pagkakaibigan at
Pagkikiisa sa Timog-Silangang Asya (TAC):
 Paggalang sa magkabilang-panig ukol sa kalayaan, kapangyarihan, kapantayan,
katatagang panteritoryo, at pambansang pagkakakilanlan ng lahat ng mga bansa;
 Karapatan ng bawat Estado na mamahala ang kanilang pambansang pamamalagi na
maging malaya sa kaguluhang panlabas, lihim na pagbabagsak o pamimilit
 Walang mangyayaring kaguluhan sa ugnayang panloob ng isa't isa
 Pagsasaayos ng mga kakulangan o pagtatalo sa pamamagitan ng mapayapang paraan
 Pagtatakwil sa mga banta o paggamit ng puwersa; at
 Mabisang pakikiisa sa pagitan ng mga bansang-kasapi.

Ang Asia-Pacific Economic Cooperation[1] o APEC ay isang


poro ng mga 21 bansa na napaligiran ng Karagatang Pasipiko o
mga rehiyon (pinamagatang 'kasaping-ekonomiya') upang
talakayin ang ekonomiyang panrehiyon, kooperasyon,
kalakalan at pamumuhunan. Ipinahayag ng organisasyon na
ang bahagdan ng populasyon ng daigdig ay halos 60%, halos
56% ng pandaigdigang pangkalahatang kitang pantahanan
(GDP) at halos 49% ng pandaigdigang kalakalan. Ang mga
gawain, kasama ang mga taunang pagpupulong ng mga
ministro ng mga kasapi, ay isinasaayos ng Sekretarya ng APEC.
Itinatag ang Asia-Pacific Economic Cooperation, o APEC, noong 1989

Ang organisasyon ay nagdadaos ng Pagpupulong ng mga Pinunong Ekonomiko ng APEC


(AELM), ang taunang pagtitipon na dinadaluhan ng mga puno ng pamahalaan ng mga kasapi ng
APEC maliban sa Taiwan na nasa ilalim ng pangalang Tsinong Taipei, na may kinatawan na
opisyal na pangministeryo nang dahil sa pagpipilit ng Tsina. Taon-taon, ang lugar ng pagdaraos
ng pagtitipon ay umiikot sa mga kasaping-ekonomiya, at ang tanyag na tradisyon na ginagawa
ng mga pinuno ay magsusuot ng pambansang kasuotan ng kasaping punung-abala.
tungkulin ng APEC ang samahang ito ay inaasahang mag tutulungan sa larangan ng kalakalan
siyensa enerhiya pamumunuan turismo komunikasyon transportasyon at mga bagay na nag
dudulot ng kaunlaran sa kabuhayan ng mamamayan .

Ang World Trade Organization o WTO (sa Filipino:


Organisasyon ng Pandaigdigang Kalakalan,[2] Pranses:
Organisation Mondiale du Commerce o OMC, Kastila:
Organización Mundial del Comercio o OMC), ay isang
organisasyong pansabansaan na nilikha upang mapamanihalaan
at magbigay ng kalayaan sa kalakalang pang-internasyunal.
Ang WTO ay nabuo noong 1 Enero 1995, at kahalili sa
Pangkalahatang Kasunduan sa Taripa at Kalakalan (GATT) na nilikha noong 1947 at
napagpatuloy sa pagpapalakad sa loob ng halos na limang dekada bilang organisasyong
pansabansaang de facto.
Ang WTO ay nakikisama sa mga tuntunin ng kalakalan sa pagitan ng mga bansa sa antas ng
malapitang-pambuong-daigdig; siya ay may tungkulin sa pakikipag-usapan at pagpapatupad ng
mga bagong kasunduang pangkalakalan, humahawak sa pagpapalakad ng mga bansang-kasapi na
sumusunod sa lahat ng mga kasunduan ng WTO, nilagdaan ng kalakhan ng mga bansang
mangangalakal ng daigdig at naratipikahan sa kanilang mga batasan.[3][4] Karamihan sa mga
kasalukuyang gawain ng WTO ya nagmumula sa mga negosasyong 1986–94 na tinatawag na
Hakbang Urugway, at ang mga unang negosasyon sa ilalim ng GATT. Ang organisasyon ay
kasalukuyang nagpupunung-abala sa mga bagong negosasyon, sa ilalim ng Talatuntunang
Pangkaunlaran ng Doha (DDA) na ipinakilala noong 2001.[3]
Ang WTO ay napapangasiwaan ng Kumperensiyang Pangministeryo, na nagpupulong nang
bawat dalawang taon; ang Pangkalahatang Sangunnian, na nagpapatupad ng pasiyang
pampatakaran ng pagpupulong, ay may tungkulin sa pamamahalang pang-araw-araw; at ang
pangkalahatang-tagapangasiwa, na hinirang ng Kumperensiyang Pangministeryo. Ang himpilan
ng WTO ay nasa Geneva, Switzerland.

Ang WTO opisyal nagsimula sa 1 Enero 1995 sa ilalim ng Kasunduan sa Marrakesh, nilagdaan
ng 123 bansa sa Abril 15, 1994, pinapalitan ang General Agreement on Tariffs and Trade
(GATT), na nagsimula noong 1948.

Ang World Bank ("Bangkong Pandaigdigan"), ay isang


sabansaang bangko na nagbibigay ng tulong pananalapi at
teknikal[1] sa mga bansang umuunlad para sa mga programang
pangkaunlaran (tulad ng mga tulay, kalsada, paaralan, atbp.)
na may layunin ng pagbababa ng kahirapan. Ang World Bank
ay naiiba sa Pangkat ng World Bank na dating binubuo ng
Bangkong Sabansaan para sa Muling Pagtatayo at Kaunlaran
(IBRD) at ang Kapisanan ng Kaunlarang Sabansaan (IDA). Samantala ang huli ay nakisama sa
mga entitad na ito sa karagdagan ng tatlong iba pa.[2]
Ang World Bank ay pormal na itinatag noong 27 Disyembre 1945, kasabay ang ratipikasyon ng
kasunduang Bretton Woods. Ang konsepto nito ay likas na isinasaisip sa Kumperensiya sa
Monetaryo at Pananalapi ng Mga Nagkakaisang Bansa. Pagkatapos ng dalawang taon,
nakapaglabas ng Bangko ng unang pautang: $250 angaw sa bansang Pransiya para sa muling
pagbangon pagkatapos ng digmaan, ang pangunahing sadlakan ng mga gawain ng Bangko noong
katatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Sa mahabang panahon, ang panig ng "kaunlaran" ng mga gawain ng Bangko ay nakapagkunwa
ng malaking sapi ng pagpapautang, bagama't ito'y nananatiling kasama sa muling pagtatayo
pagkatapos ng labanan, kasabay sa muling pagtatayo pagkatapos ng mga likas na malaking
kapinsalaan, tugon sa mga kagipitang makatao at mga pagbabalik sa kapaki-pakinabang na
pangangailangan para sa mga nasalanta ng labanan kung saan nadamay ang mga umuunlad at
pagpapalit na ekonomiya. May mga puna sa mga bunga ng "panukalang pangkaunlaran" ng
World Bank na napupunta lamang sa katiwalian at sa malawakang pagsasamantala ng mga
korporasyon na nabibigyan ng mga monopolyo ng mga yaman ng umuunlad na bansa.
Ang misyon ng Bangko ay tumulong sa mga umuunlad na bansa at ang kanilang mga
naninirahan ay nagkakamit ng kaunlaran at kababaan ng kahirapan, kasama ang mga bagay na
nagawa sa mga Mithiing Pangkaunlaran sa Milenyo (MDG), sa pamamagitan ng pagbibigay ng
tulong sa mga bansa na nagpapaunlad ng kapaligiran para sa pamumuhunan, mga hanapbuhay at
kapana-panatili sa pag-unlad (sustainable growth). Sa ganitong paraan, mapapalaganap ang
pagtataguyod ng paglago ng ekonomiya, pagkakaroon ng mga pamumuhunan, at pagbibigay ng
kapangyarihan sa mga mahihirap na makibahagi sa kaunlaran. Namamasdan ng World Bank ang
mga limang salik na naging susi bilang pangangailangan para sa paglago ng ekonomiya at
paglikha ng kapaligirang pangnegosyo:
1. Magbuo ng kakayahan – Pagpapalakas ng mga pamahalaan at magbigay ng karagdagang
edukason sa mga opisyal ng pamahalaan
2. Paglikha ng mga imprastraktura – pagsasakatuparan ng mga sistemang abogasya at
panghukuman upang mapasigla ang mga negosyo, magkaroon ng proteksiyon ng mga
sarili at mga karapatan sa ari-arian at mapangaralan ang mga kontrata
3. Kaunlaran sa Sistemang Pananalapi – ang pagkatatag ng malakas na sistema na may
kakayahang kumandili sa mga pagsusumikap mula sa maliit na pautang hanggang sa
pagbibigay ng tulong-pananalapi ng malaking samahan ng mga nagbabakasakali
4. Pagpuksa sa katiwalian – Kumakandili sa mga bansang nagsisikap sa paglipol ng mga
katiwalian
5. Pagsasalik, Pagkokonsulta at Pagsasanay – ang World Bank ay nagbibigay ng plataporma
ukol sa pagsasalik sa mga isyung pangkaunlaran, pagkokonsulta at nagdadaos ng mga
programang pagsasanay na bukas para sa mga interesado tulad ng mga akademiko, mga
mag-aaral, mga opisyal ng pamahalaan at mga opisyal ng di-pampamahalaang
organisasyon (NGO), atbp.

Ang Organisasyon ng Islamikong pakikipagtulungan (OIC;


Arabic: ‫ ;منظمة التعاون اإلسالمي‬Pranses: Organisation de la
Cooperation islamique, OCI) [a 1] ay isang pang-internasyonal
na organisasyon na itinatag noong 1969 na binubuo ng 57
miyembro estado. Ang organisasyon ay estado na ito ay "ang
kolektibong tinig ng Muslim mundo" at gumagana sa
"pangalagaan at protektahan ang interes ng mga bansang Muslim sa diwa ng pagtataguyod ng
internasyonal na kapayapaan at pagkakaisa". [1]

Ang OIC ay permanenteng delegations sa United Nations at ang European Union. Ang opisyal
na wika ng OIC ay Arabic, Ingles, at Pranses.Layunin ng samahan na patibayin ang pagkakaisa
at pagtutulungan ng mga estadong Islamic sa larangan pulitikal, ekonomik, kultural, siyentipiko,
at panlipunan.

Ang OIC ay isang internasyonal na organisasyon ng 57 estado.


 Ito ay samahan ng mga bansang muslim na naglalayong siguruhin at protektahan ang interes
mula sa pamamagitan ng pagsusulong ng kapayapaang pandaigdig at pagkakaunawaan.

Layunin ng samahan na patibayin ang pagkakaisa at pagtutulungan ng mga estadong Islamic sa


larangan pulitikal, ekonomik, kultural, siyentipiko, at panlipunan.

Unyong Europeo (UE), na kilala rin bilang Samahang


Europeo o Kaisahang Europeo (Ingles: European Union o
EU) ay isang supranasyonal at intergubernamental na unyon ng
28 malaya at demokratikong bansang-kasapi. Ang Unyong
Europeo ay ang pinakamalaking kompederasyon ng mga
malayang estado, na itinatag sa ilalim ng pangalang iyon noong
1992 ng Kasunduan sa Pagkakaisa ng Europa (ang Tratado ng
Maastricht). Subali't, maraming mga aspekto ng Unyon ay
namalagi na bago ng araw na iyon sa pamamagitan ng isang serye ng mga sinundang relasyon na
bumabalik sa 1951.[5]
Ang Unyon sa kasalukuyan ay may isang karaniwang nag-iisang kalakalan na binubuo ng isang
unyong pang-adwana, isang nag-iisang salapi na pinamamahala ng Europeong Bangko Sentral
(sa ngayon ay inaangkin ng 13 ng 28 mga estadong-kasapi), isang Karaniwang Patakarang
Pansaka, isang karaniwang patakarang pang-kalakalan, at ng isang Karaniwang Patakarang
Pampalaisdaan.[6] Isang Karaniwang Patakarang Panlabas at Panseguridad ay itinatag rin bilang
ikalawa sa mga tatlong haligi ng Unyong Europeo. Ang Kasunduang Schengen ay nagpaalis ng
mga kontrol sa pasaporte para sa ilang mga estadong-kasapi, at ang pagsusuring pang-adwana ay
inalis rin sa maraming mga interyor na hangganan sa UE, na gumawa sa isang ekstento isang
nag-iisang espasyo ng mobilidad para sa mga mamamayan ng UE na manirahan, mag-biyahe,
mag-trabaho at mamuhunan.[7]
Ang mga pinakamahalagang institusyon ng UE ay nagsasama ng Sangguniang Europeo, ang
Lupong Europeo, ang Hukumang Europeo ng Katarungan, ang Batasang Europeo, ang
Konsehong Europeo, at ang Europeong Bangko Sentral. Ang mga pinanggalingan ng
Parlamentong Europeo ay bumabalik sa dekadang 1950 at ng mga nagtatatag ng tratado, at mula
sa 1979 ang mga miyembrong nito ay inihahalalal ng mga taong kanilang kinakatawan. Kada
limang taon nagkakaroon ng halalan kung saan ang mga naka-rehistrong mamamayan ng UE ay
maaaring bumoto.
Ang mga aktibidad ng Unyong Europeo ay sumasakop sa karamihang lapad ng patakarang
publiko, mula sa patakarang ekonomika sa ugnayang panlabas, tanggulan, pagsasaka at
kalakalan. Pero, ang ekstento ng kapangyarihan nito ay umiiba ng kahanga-hanga kahalubilo ng
mga sakop. Sa ilan ang UE ay maaaring magkawangis sa isang pederasyon (hal. sa ugnayang
pampananalapi, patakarang agrikultural, pang-kalakalan at pang-kalikasan, patakarang
ekonomika at panlipunan), sa iba isang kompederasyon (hal. sa ugnayang panloob), at sa iba pa
rin isang organisasyong internasyonal (hal. sa ugnayang panlabas).

Ang Samahan ng mga Estadong Amerikano o Organisasyon


ng Amerikanong mga Estado (Ingles: Organization of
American States, OAS o OEA sa iba pang tatlong mga wikang
opisyal nito) ay isang pandaigdigang samahang nakabase sa
Washington, D.C., Estados Unidos.[1] Mayroon itong tatlumpu't
limang mga kasaping (34 kung hindi kasama ang Honduras)
nagsasariling mga estado ng Mga Amerika.

Ang North American Free Trade Agreement (NAFTA) ay isang kasunduan sa kalakalan sa
pagitan Mexico, Estados Unidos, at Canada. Ang kasunduan ay nilagdaan ng U.S. President
George H.W. Bush, Canadian Prime Minister Brian Mulroney, at Mexican President Carlos
Salinas noong Disyembre 17, 1992 sa San Antonio, Texas, at kinuha epekto sa Enero 1, 1994.
dahil Ito buwis sa mga produkto traded sa pagitan ng Estados Unidos, Canada, at Mexico. Ito rin
ay pinoprotektahan ng copyright, patent, at mga trademark sa pagitan ng mga tatlong bansa. Ito
ay na-update sa mga North American Agreement on Environmental Cooperation, na nakatulong
set mas regulasyon kapaligiran at nakatulong mabawasan ang polusyon. Din ito ay na-update
gamit ang North American Agreement para sa Labor Cooperation, na nakatulong sa mga tao
labanan para sa mas mahusay na kondisyon sa paggawa.

Effects

Dahil ito inalis buwis pagitan ng mga produkto traded sa pagitan ng US, Canada, at Mexico,
Mexico ay tinanggal pagbili ng higit pang mga produkto mula sa US. Ito naka-save U.S.
kumpanya sa halaga ng pagbebenta ng mga produkto sa Mexico, at ito naka-save Mexican
kumpanya sa gastos ng pagbili ng mga item mula sa U.S. kumpanya.

A kapakinabangan ng mga bill ay na label sa mga produkto ng palitan sa pagitan ng tatlong


bansa dumating sa Pranses, Ingles, at Espanyol. Sa ganoong paraan, Mexicans at Amerikano na
nagsasalita ng Espanyol ay maaaring basahin ang mga Espanyol label, Amerikano at Canadians
ay maaaring basahin ang Ingles na label, at Canadian na nagsasalita ng Pranses ay maaaring
basahin ang Pranses label.
NAFTA din naghihikayat pa immigration mula sa Mexico sa US. Since mga maliliit na negosyo
ay maaaring hindi na protektado ng tariffs, maraming maliliit na may-ari ng negosyo sa Mexico
ay hindi maaaring makipagkumpetensya sa ang mga presyo ng subsidized produkto mula sa US
at sa gayon ay marami sa kanila ay wala na sa ilalim. Bilang isang resulta, maraming mga
Mexicans ay wala na sa US naghahanap ng trabaho. Ang mga karapatang pantao organisasyon
EZLN (Ejercito Zapatista de la Liberación Nacional), isang rebolusyonaryo Mexican damo roots
kilusan, ay isang panay kalaban ng NAFTA at points out kung paano probisyon nito lamang
gawin ang mga pang-ekonomiyang kalagayan mas masahol pa para sa mga pinakamahihirap sa
Mexico at mas mahusay para sa multi-national korporasyon.

Ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN (AFTA) (Ingles: ASEAN Free Trade Area) ay
isang kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang
Asya na nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook (local manufacturing) sa lahat ng mga
bansa sa ASEAN.

Nilagdaan ang kasunduang AFTA noong 28 Enero 1992 sa Singapura. Nang nilagda nang likas
ang kasunduang AFTA, ang ASEAN ay mayroong anim na kasapi na binubuo lamang ng Brunei
Darussalam, Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapura at Thailand. Sumali ang Biyetnam noong
1995, Laos at Myanmar noong 1997 at Cambodia noong 1999. Sa ngayon, ang AFTA binubuo
ng mga sampung bansa ng ASEAN. Lahat ng mga nahuling apat ay kinakailangang lumagda ng
kasunduang AFTA upang sumanib sa ASEAN, nguni't nabigyan ng balangkas na panahon na
mas mahaba upang makamtan ang ang mga obligasyon sa pagbabawas ng taripa ng AFTA.

Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay makamit upang:

 Palakihin ang hangganang pagkainaman bilang batayang pamproduksiyon sa


pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng pag-aawas, sa loob ng ASEAN, ng mga
salabid ng taripa at walang-taripa; at
 Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhunan sa ASEAN.

Ang pangunahing mekanismo ukol sa pagsasagawa ng mga mithiin na nakatala sa itaas ay ang
planong Mabisang Karaniwang Taripang Preperensiyal (CEPT), na itinatag ang talatakdaan ukol
sa simulaing hakbang noong 1992 na may mithiing may sariling-pagsasalarawan upang
palawakin ang "kompetitibong kainaman ng rehiyon bilang batayang pamproduksiyon na
umakma ukol sa pandaigdigang pamilihan."

Ang oplan Mabisang Karaniwang Taripang Preperensiyal (CEPT)

Di-tulad ng UE, ang AFTA ay hindi naghahain ng kahilingan ng karaniwang panlabas na taripa
sa mga inangkat na bilihin. Bawat kasapi ng ASEAN ay maaaring magpataw ng mga taripa sa
mga bilihin na pumapasok mula sa labas ng ASEAN batay sa kanyang pambansang talatakdaan.
Gayumpaman, ukol sa mga bilihin na nagmumula sa loob ng ASEAN, ang mga kasapi ng
ASEAN ay kailangang maghain ng kahilingan ng halaga ng taripang mula 0 hanggang 5
bahagdan ang maraming kamakailan na kasaping Cambodia, Laos, Myanmar at Viyetnam, na
kinikilalang mga bansang CMLV, ay binigyan ng karagdagang panahon upang isakatuparan ang
halaga ng nabawasang taripa. Ito ay kinikilala bilang oplan Mabisang Karaniwang Taripang
Preperensiyal (CEPT)

Ang mga kasapi ng ASEAN ay may pamimilian ng mga pag-aalis na produkto mula sa CEPT sa
tatlong kaukulan:

1. Pansamatalang pag-aalis;
2. Mga maselang produktong pansakahan
3. Pangkalahatang kataliwasan

Ang mga pansamatalang pag-aalis ay tumutukoy sa mga produkto na kung saan ang mga taripa
ay ibababa nang sukdulan sa 0-5%, nguni't kung saan ay napoprotektahan nang pansamatala sa
pamamagitan ng antala sa mga pagbabawas ng taripa.

Ang mga maselang produktong pansakahan ay sumasaklaw ng kalakal tulad ng bigas. Ang mga
kasapi ng ASEAN ay nararapat magbawas ng antas ng taripa sa 0-5%.

Ang mga pangkalahatang kataliwasan ay tumutukoy sa mga produkto kung saan ang isang
kasapi ng ASEAN at nagtuturing kailangan ukol sa proteksiyon ng pambansang kaligtasan, mga
pampublikong moral, ang proteksiyong pantao, ang proteksiyon ng tao, hayop o buhay ng
halaman at kalusugan, at proteksiyon ng mga bagay-bagay ng malasining, makasaysayang, o
pang-arkeolohiyang halaga. Ang mga kasapi ng ASEAN ay nakapagkasundo na isabatas ang
walang halaga ng taripa nang sa kinalabasan lahat ng mga inangkat sa 2010 ukol sa likas na
signatoryo, at 2015 sa mga bansang CMLV.

You might also like