You are on page 1of 75

KOREA

Ang Korea ay nagsimula nang mabuo ang Joseon (ang pangalang Gojoseon ay mas
kadalasang ginagamit upang hindi malito sa isa pang Dinastiyang Joseon na nabuo
noong ika-14 na dantaon; ang unlaping Go- ay nangangahulugang 'Luma' o
'Sinauna') noong 2333 BCE ni Dangun. Ang Gojoseon ay lumawak hanggang sa
mak-ontrol na nito ang kabuuan ng tangway ng Korea at ilang bahagi ng Manchuria.
Pagkatapos ng maraming mga digmaan laban sa Tsinong Dinastiyang Han, ang
Gojoseon ay bumagsak, at nagsimula ang Panahon ng Tatlong Kaharian ng Korea.

Ang Korea ay dating binansagang "Hermit Kingdom". Ayon sa kasaysayan, ito ay


nasakop ng dayuhang bansa at nasupil pa ng ilang bansa sa magkakasunod na
panahon. Bunga marahil ng kapaguran sa sunod-sunod na panunupil, napagisipan
ng mga Koreano na iwasan muna ang labis na pakikisalamuha as ibang bansa
upang mapagtuunan ng pansin ang higit na paglilinang at pagpapatibay ng kanilang
kultura.

Ang Simula ng Korea

Kasaysayan ng Korea ay nag simula noong 2333 BCE. Ayon sa alamat, ang kauna-
unahang kaharian ng Korea na tinawag na Choson na itinatag ni Tan-gun ay
nangangahulugang "Lupain ng Mapayapang Umaga" at ito ay binubuo ng kaharian o
dinastiya. Ang lupain ay hindi nagkaroon ng katatagan at kapayapaan hanggang sa
ito ay bumagsak at nahati sa tatlong kaharian ng Koguryo, Paekche, at Silla.

Ang Kaharian ng Koguryo


Ang Koguryo ang unang nalinang bilang isang kaharian sa kapatagan ng Yalu River.
Ang Tribong Koguryo ay laging nangangaso upang may makain. Dahil dito, pinalakas
ni Tong-myong ang hukbong militar ang pangkat upang mapaunlad ang kanilang
kapangyarihan. Ginamit niya ang hukbong ito upang mapalawak ang lupain ng
kaharian at makagupo ng mga aliping magsasaka sa mga lupaing magkakaloob sa
kanila ng permihang mapagkukunan ng pagkain.

Sinakop ng mga Koguryo ang mga kalapit ang mga tribo nito at napagtagumpayang
maitaboy ang mga Tsino na naninirahan sa hangawa noong 313 BCE. Noong 37 BCE,
sinakop ng kahariang Koguryo ang hilagang bahagi ng Korean Peninsula hanggang
sa manchuria nasakop ng Tsina sa kaslukuyan.

Ang Kaharian ng Paekche

Ang kahariang Paekche ay matatagpuan sa katimugang bahagi ng Han River sa Seoul.


Taliwas sa mga Koguryo, ang pangkat ng Paekche ay mapayapa at laging umiiwas
sa pananalakay ng ng mga Koguryo hanggang sa maisipan nilang itatag ang kanilang
kaharian sa timog-kanlurang bahagi ng peninsula.
Ang Kaharian ng Silla

Ang Silla ang pinakamahina sa tatlong kaharian. Isinanib ng kahariang Kaya sa


kanilang at nagtatag ng pinag-isang kaharian sa ilalim din ng pangalang Silla sa
timog-silangan ng peninsula. Ang Silla ay pumasok sa isang kasunduang militar sa
dinastiyang Tang ng Tsina upang talunin ang mga kaharian ng Koguryo at Paekche,
ngunit ito'y umatras sa kasunduan nang mapannsin ang balak ng Tsina na sakupin
ang mga kaharian.
Ang Pananalakay ng Japan sa Korea

Sa loob ng dalawandaang taon, naranasan ng mga

Koreano ang kapayapaan sa ilalim ng Dinastiyang Choson. Ngunit noong mga huling
taon ng ika-16 na siglo,muling naharap ang bansa sa isang sulranin. Matapos
tanggihan ng Korteng Choson ang pakiusap ni hideyoshi ng Japan na pagkalooban
sila ng daan para sa kanyang pananalakay sa Tsina, kaagad inilunsad ng Japan ang
isang kampanya laban sa Korea at isang madugong digmaan ang naganap. Hinarap
ng mga Koreano ang mga Hapones at kanilang napagtagumpayan ang digmaan sa
dagat Almirante Yi Sunshi. Sa kaunaunahang pagkakatan, natalo ang Japan ng Korea.
Matapos ang labanang ito, muling nawasak ang Korea nang tulungan nito ang Tsina
sa pakikidigma laban sa mga Manchu. Nang matapos ang pananakop ng Dinastiyang
Manchu, isinara na ng Korea ang bansa at sa loob ng dalawandaan at limampung
taon, ito ay namuhay nag nakabukod sa daigdig.

Bago ang Pagkakahati


Sa unang dantaon ng Pangkaraniwang Panahon, ang Kaharian ng
Buyeo, Okjeo, Dongye, at ang konpederasyon ng Samhan ay ang mga sumasakop
sa tangway ng Korea at sa katimugang bahagi ng Manchuria. Sa mga maliit na
mga estado nito, ang Goguryeo, Baekje, at ang Silla ang lumago at kumontrol sa
tangway bilang Tatlong Kaharian ng Korea. Ang pag-iisa ng Tatlong kaharian sa
pamamagitan ng Pinag-isang Silla noong 676 ang nagpasimula ng Panahong
Hilagag-Timog Estado, kung saan ang karamihan sa tangway ng Korea ay kontrolado
ng Pinag-isang Silla, samantalang ang Balhae ang sumakop sa hilagang bahagi ng
Goguryeo. Sa Pinag-isang Silla, ang tula at sining ay pinaunlad, at ang kulturang
Budhista ay pinalaganap. Ang relasyon sa pagitan ng Korea at Tsina ay nanatiling
mapayapa sa mga panahong ito. Subalit ang Pinag-isang Silla ay humina dahil sa
mga panloob na kaguluhan, at sumuko sa Goryeo noong 935. Ang Balhae, Ang
kalapit ng Silla sa hilaga, ang sumakop dito at naging Goguryeo. Noong panahon ng
kanilang kaunlaran, kontrolado ng Balhae ang halos lahat ng bahagi ng Manchuria at
ilang bahagi ng Rusya. Ito ay bumagsak sa mga Khitan noong 926.

Pagkatapos ng Hilaga-Timog na Panahon, ang mga sumunod na estado dito ay


lumaban para sa pamamahala noong huling bahagi ng panahon ng Tatlong Kaharian.
Ang tangway ay lumaong pinag-isa ni Wan Geon ng Goryeo. Gaya ng Silla, ang
Goryeo ay isang mataas na estadong kultural at nabuo ang Jikji noong 1377, gamit
ang pinalumang bakal na gumagalaw na palimbagan.
Ang pananakop ng mga Mongol noong ika-13 dantaon ay labis na nagpahina sa
Goryeo. Subalit, ang Goryeo ay napanatiling mamuno sa Korea bilang alyadong
sangay ng mga Mongol. Pagkatapos ng pagbagsak ng Emperyong Mongolia
(Dinastiyang Yuan), ang Goryeo ay nagpatuloy sa pamumuno. Pagkatapos ng
maraming kaguluhan at mga sumunod na pananakop, Ang Goryeo ay pinalitan
ng Dinastiyang Joseon noong 1388 pagkatapos ng rebelyon ni Heneral Yi Seong-gye.
Inihayag ni Heneral Yi na ang bagong pangalan ng Korea ay Joseon bilang pagkilala
sa Gojoseon, at inilipat ang kabisera sa Seoul. Ang unang 200 taon ng Dinastiyang
Joseon ay kinakitaan ng kapayapaan at ang pagkabuo ng hangul ni
HaringSejong noong ika-14 na dantaon at ang paglaki ng impluwensya
ng Confucianismo.
.

Ang Pagkahati ng North Korea at South Korea


Nahati ang Korea
pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isang kapitalistang demokrasiyang
liberal na ngayon ang Timog Korea, na sinusuportahan ng Estados Unidos, at
tinutukoy minsan bilang "Korea". Nanatiling Kumunistang estado ang Hilagang Korea,
sinusuportahan ngUnyong Sobyet, kadalasang sinasalarawan
bilang Stalinista at totalitaryan.
Maaaring kumatawan ang Watawat ng Pagsasanib (Unification Flag) sa mga
pandaigdang labanang pampalakasan, ngunit hindi ito ang opisyal na watawat ng
Timog Korea o Hilagang Korea.

Pagkatapos ng Pagkakahati

Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga tropa ng Unyong


Sobyet at Estados Unidos ay kinontrol ang kalahating hilaga at kalahating timog ng
bansa.Ang dalawang magkalaban sa Cold War ay bumuo ng pamahalaang
simpatetiko sa kanilang mga sariling mga ideyolohiya, na nagdulot sa Korea upang
mahati sa dalawang pulitikal na bansa; ang Hilagang Korea at Timog Korea.
Kahit na nagkaroon ng planong pag-isahin ang Korea noong 1943 ayon
sa Deklarasyon ng Cairo, ang tumitinding Cold War ang nagdulot upang mabuo ang
dalawang magkahiwalay na pamahalaan: ang komunistang Hilaga at kapitalistang
Timog. Sa Hilaga, isang dating gerilyang laban sa Hapon at mga aktibistang
komunista, si Kim Il-Sung at sa Timog, isang pinunong pulitikal na Koreano,
si Syngman Rhee, ang inilagay bilang mga pangulo.

Noong 1960, isang pagkilos ng mga mag-aaral ang nagdulot sa pagbitiw ng


autokrata at mandarambong na Pangulong si Syngman Rhee. Sinundan ito ng
panahong ng instabilidad sa pulitika, na dulot ng kudeta na pinumunuan ni
Heneral Park Chung-hee laban sa mahina at hindi epektibong pamahalaan noong
taong iyon. Si Park ang naging pangulo hanggang siya ay paslangin noong 1979. Sa
kanyang pamumuno, kinakitaan ng mabilis na pagtaas ng ekonomiya sa sektor
ng export ang Timog Korea, at pati na rin ang matinding pagsupil sa kalayaang
pulitikal. Matindi ang naging pagbatikos kay Park bilang isang walang awang militar
na diktador, subalit umunlad ang ekonomiyang Koreano noong panahon ng kanyang
pamumuno.Noong Hunyo 25, 1950, sinakop ng Hilagang Korea ang Timog na
nagdulot ng Digmaang Koreano. Binoykot ng Unyong Sobyet ang Nagkakaisang mga
Bansa noon, kaya walang veto, ay nakapagpahintulot sa UN na pumagitna ito nang
maging malala na ang malakas na pwersang komunista na maaring madaling
masakop ang buong bansa. Ang Unyong Sobyet at ang Tsina ay sinuportahan
ang Hilagang Korea, at noong huli ay ang pagsali ng milyong mga tropang
sandatahang Tsino. Pagkatapos ng malaking paglusob ng parehong panig, ang
digmaan ay lumaon umabot sa patas. Ang kasunduan noong 1953, na hindi nilagdaan
ng Timog Korea, na humati sa tangway sa gitna ng isang demilitarized zone na
malapit sa orihinal na demarcation line. Wala talagang kasunduang pangkapayapaan
ang nilagdaan, at ang dalawang bansa ay teknikal pa ring na sa digmaan.

Mga pamana ng Korea

Ang pagsusulat at pagpipinta ay itinuturing ng mga Asyano bilang magkapatid na


sining. Ito ay dahil sa malinaw na nakikitang pagpapahayag ng mga Asyano ng
kanilang mga damdamin sa pagpipinta.

Ang mga pintang Korean ay karaniwang matatagpuan sa mga pader ng mga templo
sa pormang mural. Nang lumaganap ang Buddhism sa bansa, nalinag naman ang
mga pintang Buddhist na karaniwan namang nakapinta sa mga scroll. Si Chang Son
ang kinikilalang nagpasigla sa lehimitimong pintang Korean.
mga pinta sa dingding

Arkitektura ng mga Koreano

Ang estrukturang Korean naman ay karaniwang itinatayo nang nakabatay sa


kalikasan. Hindi magandang pangitain sa mga Korean ang kawalan ng isang
magandang tanawin ng kabundukan at tubig para sa isang gusali.

Seramiks at Palayok
Celadon

Ang Celadon ay nanggaling sa Tsina at Korea.

Ang Plorera o palayok ay isa sa uri ng handicraft na nalinag hindi lamang ng mga
tsino kung hindi pati na rin ng mga koreano.
Katutubong Sayaw ng mga Koreano

Ang sayaw ng mga koreano ay nagpapakita ng kasiyahang metapisikal. Ang Salpuri


Talch'um o cymbal, law drum dance, at fan dance ang mga tanyag at kinikilalang
simbolo ng kulturang Koreano.
Salpuri (korean shamanic dance)

Korean Fan Dance

Mga makasaysayan na mga lugar sa South Korea


Gyeongbokgung (palace)

Gyeongbokgung (Palace) - Itinayo ito noong 1395 at kilala sa bansag na "Northern


Palace". Nasunog ito noong pagsakop ng mga hapon (1592-1598) at ipinagawa ulit
sa ilalim ng Heungseondaewongun sa pamamahala ni King Gojong.

Bulguksa Temple

The Bulguksa temple


Itinayo ito noong 528, at nagbibigay ito ng outstanding na halimbawa ng arkitektura
ng Silla Dynasty. Ang Bulguksa ay nangangahulugang "Buddha Land Temple". Ang
mga haring nakatira rito ay naniniwalang ang kanilang sarili ay mga "Buddha Land
Rulers."

Changdeokgung

Changdeokgung

Ito ay kabilang sa limang magagarbong palasyo na pinagawa ng mga hari sa Joeson


Dynasty at isa sa thrilling na makasaysayang lugar sa South Korea. Ito ay Itinayo
noong 1405-1412 at itong lugar na ito ay napabilang sa listahan ng UNESCO na
heritage na lugar sa Korea. Ang Changdeokgung ay isang napakalaking palasyo at
maraming iba't - ibang mga tanawin pero ang main highlight ay ang "Beautiful Secret
Garden."
secret garden

Cheomseongdae Observatory

Ang Cheomseongdae Observatory sa South Korea history ay isa sa mga


pinakalumang mga istraktura sa Korea.

'Star Gazing Tower' ang kahulugan nito at itinalaga ito bilang Nationa Treasure 31 at
itinayo sa panahon ng kapangyarihan ng Queen Seonduk ng Lumang Silla Kingdom
noong 634. Ito ang pinakalumang umiiral na obserbatoryo sa Far East at isa sa mga
pinakalumang agham installation sa lupa.

Cheomseongdae Observatory sa South Korea ay isang natatanging bottled-shaped


na gusali na kung saan ay ginamit bilang isang pang-astronomiyang obserbatoryo.

Maraming Naipama sa atin ang ating kasaysayan at ito ay mahalaga dahil dito
nakabatay ang ating kasalukuyan at dahil napapaloob dito ang mga mahahalagang
naganap na sa ating bansa. Mahalagang rin ang kasaysayan dahil malaking tulong
ang maibibigay nito sa atin para sa darating na mga panahon na ating haharapin.
upang mayroon tayong paghahambingan ng mga pangyayari na naganap o
magaganap pa lamang.

References:
http://chiwenmicdanyar.blogspot.com/2013/10/ang-bansang-korea.html

INDIA

ANG BANSANG INDIA

Ang India ay ang bansang naiwang


magulo noong unang panahon. Ito ay nahati-hati sa maliliit na parte.
Ngunit, di naglaon lumaganap ang pamumuno ng mga Rajput sa malaking
bahagi nito. Ang mga Rajput ay kilala bilang mga maimpluwensiyang
pinuno at mandirigma. Kilala rin silang mapaglikha ng mga
naggangandahang mga palasyo.Ang salitang Rajput ay galing sa mga
salitang Sanskrit
na ang ibig sabihin ay "anak ng hari".
Nang sila ay namuno, madali lang napasampalataya sa Hinduism at
napasama sa pangkat ng mga Kshatriyas.

ANG PANANAKOP NG MGA MUSLIM SA INDIA


Nilusob ni Mahmud Ghazni ang India ng labing pitong ulit at pininsala ng
husto ang Delhi, ang kabisera ng India upang maikabit ang Hilagang-
kanlurang Punjab sa kanyang kahariang Afghan. Sumunod si Muhammad
Ghuriang na sinakop ang mga lungsod ng India hanggang sa marating
ang Benares. Itinatag ni Kitb-ud-din ang Dinastiyang Alipin, ang unang
Dinastiyang Muslim sa India. Noong 1288 hanggang 1320, pinabagsak ni
Khilki ang Dinastiyang Alipian at pinalawak ang kapangyarihang Muslim,
Sumunod ay ang pag-agaw ni Firuz Shah Tughlak ng sultanato mula sa
pinakamahusay na Sultan ng Delhi. Nilusob din ni "Timur the Lame" o
Tamerlane ang India ngunit nagtungo ito ng tuluyan sa Russia. Panghuli
ay bumagsak ang Dinastiyang Tughlak at pinalitan ng Dinastiyang
Sayyid.

IMPERYONG MUGHAL
Nang hindi nagtagumpay ang mga nagtangkang
sumakop sa India ay sinikap ni Bahloi Lodi na maibalik ang sultanato
ngunit gaya rin ng iba hindi siya nagtagumpay. Nagtatag din ng kanya-
kanyang kaharian ang mga Rajput. Ang ikalawang pagsalakay ng Muslim
ay nasa ilalim ng pamumuno ni Babur ang India. Dahil sa galing niya,
natalo niya ang mga kalaban ngunit bago niya pa mapagisa ang mga
teritoryo siya ay namatay at nagiwan ng naggagandahang hardin sa
KAbul, Lahore, at Agra na tinawag nilang Mughal na ang ibig sabihin ay
Mongol.

ANG PANUNUNGKULAN NI

JAHANGIR
"Jahangir", na ang ibig sabihin ay "Grasper of the World" o
mangangamkam ng lupain ay ang pangalan ng taong nakamkam ang India
hindi dahil sa siya'y makapangyarihan kundi dahil sa talino at
kapangyarihan ng kanyang asawa na si Nur Jahan. Nakitaan ng mag-asawa
ng potensyal ang kanilang mga anak upang pumalit sa kanila ngunit sila ay
nabigo dahil sumanib ang kanilang anak sa samahang Sikh, ang samahan
ng mga nananampalataya sa Sikhism na pinaghalong doktrina o elemento
ng Hinduism at Islam at dito nagsimula ang alitan sa pagitan ng mga Sikh
at Muslim ng Imperyong Mughal.

ANG PANUNUNGKULAN NI SHAH JAHAN


Ang pangalan ni Shah Jahan ay nangunguhulagang "Hari ng Daigdig". Sa
kabila ng pagiging edukado, siya ay isang haring walang kapanatagan. Lahat
ng inaakala niyang magiging karibal niya sa trono ay kanyang ipinapatay. Ang
panahon ng kanyang panunungkulan ay tinaguriang ginintuang panahon ng
arkitekturang mughal. Bilang alay sa kanyang asawa na namatay na si Mumtaz
Mahal ay ipinatayo niya ang isang musoleo na nagsilbing libingan ng kanyang
asawa na pinangalanan niyang "Taj Mahal".

ANG PANUNUNGKULAN NI AURANGZEB


Mahigpit na ipinatupad ang Batas Islamic at ipinagbawal ang paginom ng alak,
pagsusugal at iba pang masasamang bisyo sa Mughal. Si Aurangzeb ang nagpatupad
nito, ang nagpatigil ng pagpapagawa ng templong Hindu at nagpasira din sa lahat ng
monumentong may kinalaman sa paniniwalang ito na nagbunga ng pagrerebelde ng
mga Rajput . Sa mga huling taon ng kanyang panunugkulan, marami ang naghirap at
tuluyan ng nawalan ng tiwala sa kanyang kapangyarihan.

Pamana Ng
Kasaysayan
Sa Larangan ng Literatura:

Ang Literaturang Indian ang pinakamatanda sa kasaysayan ng


literaturang Asyano. Mahalaga sa Indian ang pagsulat at pasalitang
literatura. Bukod sa Vedas, ang Bhagavad Gita ay kilala rin bilang
pinakamaimpluwensiyang sulating Sanskrit.

 Mahabharata - Isang epiko na kilalang pinakadakila at pinakamahabang


epiko sa daigdig na nagbibigay ng malinaw na paglalarawan sa digmaan
ng mga tribo sa India noong sinaunang panahon.

 Ramayana - Isinasalaysay nito ang mapanganib na pakikipagsapalaran


ng kinikilalang bayaning si Rama at ng kanyang asawang si Sita.
 Law Of Manu - kinikilala bilang isa sa pinakamahalang literaturang
Hindu.

Si Kalidasa ang itinuturing na pinakadakilang manunulat ng literaturang Sanskrit


na sumulat ng Shakuntala at Megha duta.

Kalidasa
Sa Larangan ng Sining ng Pagpinta

Ang Pintang Indian ay naglalarawan ng mga debosyon ng Indian sa kinikilala


nilang Diyos na si Krishna.

Krishna

Eskultura ng mga Hindu


vishnu
Ang eskulturang Asyano ay karaniwan ng nakabatay sa relihiyon. Ito ay
isinasagawa upang maipaunawa sa mga tao ang misteryo at malalim na
konsepto ng kanilang relihiyon at magbigay ng kapanipaniwalang larawan ng
kanilang Diyos at Diyosa. Hangad nito na bigyan ang kanilang diyos ng larawang
supernatural. Ang Ilang halimbawa ng eskulturang Asyano ay ang mga kilalang
diyos at diyosa ng mga Hindu tulad ni Shiva at Vishnu.

Arkitektura ng mga Hindu

Buddhist Stupa
Ang Buddhist Stupa sa India ay nagpapahayag ng pananalig sa relihiyon
Buddhism. Kagilagilalas din ang paglalarawan ng kulturang Islamic ng mga
arkitekturang tulad ng Taj Mahal na ipinagawa ni Shah Jahan bilang libingan ng
kanyang asawa na si Mumtaz Mahal. Ito ay gawa sa puting marmol na
dinisenyuhan ng mga eleganteng batong pang-alahas. Karaniwan sa mga
arkitekturang Islam ang dome sa gitnang bahagi nito na may taas na 200 na
talampakan pataas.
Taj Mahal

Sa Musika ng Hindu

Para sa mga Asyano ang musika, sayaw, tula ay may mahalagang bahagi
ng ritwal sa korte ng kanilang mga palasyo. Bukod dito, ito ay ipinapalagay
din bilang isang karanasang panrelihiyon. Ang Sayaw at musika ang
nagbibigay ng malalim na pakikipag-ugnayan ng mga Asyano sa
sandaigdigan.

Ang Ragas mula sa India ay isang halimbawa ng kinikilalang sayaw na may


mahikang kapangyarihang na magpagaling ng sakit. Ang Ragas ay inaawit
ng mga Indian sa natatanging oras at panahon lamang. Pinaniniwalaang
ang pagtugtog nito sa hindi nakatakdang oras ay maaring magdala ng
kasawian at pasakit sa mga nakikinig.

Ang India ay nakapagpamana ng ilang mahahalagang instrumentong


musikal sa daigdig.

Sayaw ng mga Asyano

Pinaniniwalaan ng mga Indian na binuo ni Shiva ang daigdig ng


sumasayaw. Bunsod nito, naniniwala ang mga Indian na napapasaya nila
ang kanilang Diyos sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Sa Larangan ng Isports

Ang pagpapaunlad sa larangan ng Isports ay pinapahalagahan din mga


Asyano. Sa pagdaan ng panaho, marami na ring karangalang naibigay ang
larangan ng palakasan sa bansang Asyano.

Ang Chess - Ito ay nagmula sa India na di naglaon ay naipasa sa mga


persian. Ang Chess ay kilala sa India bilang Chatur-Anga na ang
kahulugan ay "apat na angas" - apat na kasapi ng hukbo na binubuo ng
elepante, kabayo, karwahe at hukbong katihan.
Ang salitang Checkmate ay nagmula sa salitang Indian na ang kahulugan
ay "the king is dead." Ang Raksha ang tagapagtanggol samantaang ang
Astapada naman ang walong hakbang o kuwadrado na gamit din sa
modernong chess sa kasalukuyan.

Ang Baraha

Ang popular na larong baraha ay nanggaling sa India at kilala bilang


Kridapatrams. Ang larong ito ay paboritong laro ng mga hari at maharlika
ng kahariang korte sa India. Ang larong ito ay tuklas ni Sages, gamit ang
numerong 12 bilang basehan. Ang bawat hari ng baraha ay may 11 na
tagasunod kung kaya't ang isang buong baraha ay nagtataglay ng 144 na
piraso. Ang lahat ng ito ay mga pintang nagmula sa epikong Rmayana at
Mahabharata .

Mga makasaysayang pook sa India:

Great Stupa

Ang bantog na great Stupa sa Sanchi, ay matatagpuan sa burol ng Gitnang


India hilagang bahagi ng Bhopal. Ang Stupa ay animoy siboryong
estraktura ng simbahan na nilnang bilang parangal sa mga naging dakilang
prinsipe o sinumang lider noong sinaunang panahon, ang stupa ay
iniugnay ng mga deboto ka Buddha.
Hampi

Kilala ito bilang "greatest Hindu Kingdom in India"

It has some ruins, intriguingly intermingled with large boulders that rear
up all over the landscape. The ruins, which date back to the 14th century,
stretch for just over 27 kilometers and comprise more than 450 monuments.
The most striking monument is the Vittala Temple, dedicated to Lord
Vishnu. Its main hall has 56 pillars that make musical sounds when

struck.
Khajuraho Temples

Khajuraho Temples ay isa sa mga pinakamahusay na templo kabilang sa


mga pinaka-magandang medyebal monumento sa bansa. Ang mga templo
na ito ay binuo sa pamamagitan ng mga ruler ng Chandella.
Iyon ay ang ginintuang panahon ng pinuno Chandella. pinaniniwalaang
ang bawat Chandella ruler ay makakabuo ng hindi bababa sa isang templo
sa kanyang buhay. Kaya lahat Khajuraho Temples ay hindi binuo sa
pamamagitan ng sinumang solong ruler na Chandella. ang pagpapatayo
ngTemple ay isang tradisyon ng mga pinuno ng Chandella at sinusundan
ito ng halos lahat ng mga pinuno ng Chandella dinastya.
Maraming Naipamana sa atin ang ating kasaysayan at ito ay mahalaga
dahil dito nakabatay ang ating kasalukuyan at dahil napapaloob dito ang
mga mahahalagang naganap na sa ating bansa. Mahalagang rin ang
kasaysayan dahil malaking tulong ang maibibigay nito sa atin para sa
darating na mga panahon na ating haharapin. upang mayroon tayong
paghahambingan ng mga pangyayari na naganap o magaganap pa
lamang.

TSINA
Malaking kaguluhan ang naganap sa Tsina matapos bumagsak ang dinastiyang Han.
Palibhasa'y aral sa mga kagandahang asal na ipinalaganap ng dakilang gurong si
Confucius, nanatiling buklod ang mga Tsino sa gitna ng mga kaguluhang naganap .
Noong 581, naagaw ng dinastiyang Sui ang kapangyarihan ng pamamahala sa
kaharian.

Ang Dinastiyang Shang

Natuklasan ng mga arkeologo na


ang mga lungsod ng Shang ay naliligiran ng nagtataasang bakod, na nagsisilbing
pananggalang sa mga mandarambong at mananalakay. Tulad ng sumerian, ang mga
bakod na ito ay patunay ng kasanayan ng mga pinunong shang na magpakilos at
mangasiwa ng malaking

bilang lakasa ng mangagawa. Bukod sa mga Tanso, gamit din noong panahon ng
shang ang mga bahay ng pagong bilang sulatan ng mga sagot sa katanungan tungkol
sa hinaharap. Ito rin ang gamit ng mga kinikilalang nilang mga pari sa pagsusulat ng
kasaysayan n kanilang dinastiya.

Ang animism ay tumutukoy sa paniniwalang ang lahat ng bagay sa kapaligiran ng tao,


may buhay man o wala, ay may kaluluwa.

Ang paniniwalang ito ang itinuturing na pinakasinaunang paniniwala ng tao na


maaaring magmula pa noong panahong paleolithic.

Pilosopiyang Confucius
Ang Teorya at ideya ni confucius ay nagbibigay - halaga a lipunang may
pagkakasundo bunga ng maayos na pamamahala. naniniwala siya na maibabalik
lamang ang maayos na pamahalaan sa Tsina kung ito ay maitatatag ng nababatay sa
limang pangunahing maayos na relasyon;relasyon sa pagitan ng namumuno at
nasasakupan, relasyon sa pagitan ng ama at anak, relasyon sa pagitan ng mag asawa,
relasyon sa pagitan ng nakatatandang kapatid na lalaki at nakbabatang kapatid na
lalaki, at relasyon a pagitan ng magkaibigan.

Kapansin - pansin din ang pagbibigay halaga ni confucius sa relasyong nababatay sa


pamilya. Ayon sakanya, mahalagang makagawian ng mga anak ang pagsunod sa filial
Piety, o paggalang at pagmamahal sa mga magulang at nakatatanda.
Dinastiyang Chin

Ang dinastiyang ito ay pinamunuan ni Shih Huang - ti, isang 13 taong gulang na
emperador. Matapos ang ilang taong pamumuno, itinanghal nya ang kanyang sarili
bilang kauna unahang emeperador ng Tein-hsia (all under heaven) at
ang pangngalang Shih Huang-ti. Pinatibay ng

pahayag na ito ni Shih Huang-ti ang kaayusang sinocentric o ang Tsina bilang
pinakasentro ng kaayusan ng daigdig at nagtalaga sa kaisipang sinocentricism bilang
opisyal na ideolohiya ng Tsina.
Sinimulan ni Shih huang-ti ang pananalakay at pananakop sa mga estadong tumanggi
sa kanyang pamumuno. Sinalakay ng kanyang hukbo ang mga dayuhan sa hilaga at
timog ng Huang River hanggang sa lupaing sakop sa kasalukuyan ng Vietnam. Higit
na pinalaki ng kanyang tagumpay sa pananakop ang kalakhang sukar ng Tsina.

Ginamit Shih Huang-ti ang tulong ng kanyang punong ministrong si Li Si, sa kanyang
panunungklan ang ideya ng mga Legalista upang masupil ang mga nag didigmaan
estado.

Ang Pamahalaang Awtokratiko ni Shih Huang-ti


Awtokrasya ang pinamahalaang ipinatupad ni Shih Huang-ti sa Tsina. Sa
ilalim ng ganitong uri ng pamahahala, walang takda ang kapangyarihan ng
namumuno.

Ang imperyo ay pinamunuan ni Shih Huang-ti nang naaayon lamang sa


kanyang nais. Sa payo ng kanyang punong ministro, ipinapatay ni Shih
Huang-ti ang daan - daang iskolar ni Confucian at ipinasunog ang mga
aklat na ayon sa mga legalista'y maaring makasira sa pamahalaan o
magbunsod sa mga tao na mag - alsa laban sa kanyang kapangyarihan.
Upang mapanatili ang kanyang sentralisadong kapangyarihan, ipinagawa
ni Shih Huang-ti ang Imperial Highway, at mga lansangang
nagdudurugtong sa kanyang malawak na lupain. ipinatupad niya ang
paggamit ng magkakatulad na uri ng salapi, sistema ng pagsulat,
pagpapasunod ng batas, pati na paraan ng pagsukat at pagtimbang.

Higit sakanyang mga nagawa ay ang


bantog ng pagpapagawa niya ng Great Wall of China upang maitaboy ang pangkat
ng mga barbarong nagnais na masakop ang imperyo. Ang Great Wall of China ay may
habang 2,500 kilometro lamang nang ipinagawa ni Shih huang-ti. Sa kasalukuyan, ito
ay may habang 6,700 kilometro na mula Shanhaiguan sa silangan ng Tsina hanggang
Lop Nur sa kanluran. Ito ay may watchtower sa bawa sukat na 300 yarda. Ang Great
Wall of
China lamang ang estrukturang gawa ng tao na bukod tanging natatanaw s kalawakan.
Noong panahon ni Dhih Huang-ti, daan - daang libong magbubukid ang nagtulong-
tulong sa paghakot ng milyong toneladang bato, at pananambak upang mabuo ang 20
hanggang 25 talampakang taas na pader na ito ng Great Wall. Ang Great Wall of China
ay kinikilala bilang isa sa Seven Wonders of the World.
Ang Dinastiyang Han

Ang Dinastiyang ito ay itinatag ni Liu


Pang. Ang dinastiyang ito ay nahahati sa dalawang panahon na tig-dadalawang siglo.
Minana ng dinastiyang han ang ideolohiyang sinocentrism. kung kaya't
pinagpunyagian ng mga pinunong han na magkamit ng mataas na reputasyon. Dahil
rito, sila ay kinikilalang "Man of Han"

Ang Sentralisadong Pamahalaan ni Liu Pang

Upang mapuksa ang kanyang katunggali sa kapangyarihan, dagliang itinatag ni Liu


Pang ang isang sentralisadong pamahalaan tulad ng kay Shih Huang-ti. Hinati-hati
niya ang kanyang imperyo at sa mga lalawigang tinawag niyang commandaries na
pinamahalaan ng piling opisyal. Ngunit di tulad Shih Huang-ti, iniwasan niya ang
legalistang pamamaraan upang makuha ang loob ng kanyang nasasakupan. Binabaan
niya din ang buwis at pinagaan ang mahigpit na kaparusahan sa mga taong
nagkakasala. Pinagpatuloy niya rin ang pagpapagawa ng dike at Great Wall. At taliwas
din ng ginagawa ni Shih Huang-ti, ang bawat nasasakupan niya ang tinakdaan lamang
niya ng isang buwang sapilitang paggawa at pagsisilbi sa kanilang hukbo.
Ang mga Martial Emperor

Nang Maging emperador ang apo ni Liu Pang na si Wu Ti, Ipinagpatuloy niya ang

pamamahalang sentralisado at pinalawak ang imperyo sa pamamagitan ng


pakikidigma. Matagumpay niyang napaalis ang mga nomad na Xiongnu na umaaligid
sa bahaging hilagang kanluran ng Tsina, at sinimulan ang pananakop sa Manchria,
korea, at katimugan ng Tsina. Dahil dito siya ay tinawag na Martial Emperor. Sa
pagtatapos ng kaniyang kapangyarihan, ang kanyang imperyo ay umabot hanggang
sa kasalukuyang hangganan ng Tsina. Sa kabila ng Pag-unlad sa imperyo, ang
dinastiyan han ay naharap sa isang malaking suliranin: ang pagkakaroon ng hindi
pantay na pamumuhay sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.
Dahil sa pangyayaring ito, ang kapayapaan sa imperyo ay unti-unting nauwi sa
pagwawakas ng kapangyarihan ng mga han.
Pamana ng kasaysayan sa
kasalukuyan

Ang Tsina ay mayaman sa mga sulatin at tula mula pa noong panahon ng Dinastiyang
Zhou na sinimulan ni Confucius. Ang ilan sa mga mahahalagang literaturang Tsino ay
ang Analects of Confucius na koleksiyon ng mga sawikaing kinalugdan ng maraming
henerasyon na mga Tsino.

Ang Tao Te-Ching ni Lao Tzu na aklat ng mga taoist ay


nagpasigla sa pagmamahal sa kalikasan. Ang ga naisulat na pilosopiya ni Lao Tzu ay
nagbigay sa mga pintor at manunulat ng inspirasyong khanapin ang katahimikan ng
kaisipan sa pamamagitan ng kalikasan.
Ang I Ching o Book of Changes na isang manwal ng dibinasyon at naglalarawan ng
mga kasiyahan, pagdiriwang at tradisyonal na mga awitin ng pagsasakripisyo sa mga
diyos at diyosa ay kinikilala rin bilang isa sa mahahalagang literatura ng Tsina.
bukod kay Confucius at Tao Tzu, si Mencius ay kinikilala rin blang isang dakilang
pilosopong manunulat. Si Ssuma-chien ay kinikilalang bilang kaunaunahang
mananalaysay ng kasaysayan.

Si Ku-K'aichih ang kauna-unahang pintor sa

kasaysayan ng Tsina.
Ang arkitekturang Tsino ay karaniwang gawa sa kahoy. Ang mga ito ay karaniwang
may adornong makukulay na ukit. Ang Imperial Place ay isa lamang sa magandang
halimbawa ng mga arkitekturang ito.

Seramiks at Palayok
Ang mga Seramiks at Palayok ay repleksyon ng maayos at mayamang kulturang
Tsino.

Maraming uri ng porselana ang naiangkat sa Europa noong Sinastiyang Ching at Ming.
Ang Puti at asul na porsela ay nagmula sa Japan samantalang ang celadon naman ay
nagmula sa Tsina.

Ang Kauna-unahang porselana ay nagmula sa Tsina noong panahon ng


Dinastiyang Ming.
Ito ay karaniwang naaadornohan ng mga pigurang dragon. Ang plorera o palayok ay
isa sa uri ng handicraft na nalinang hindi lamang ng mga Tsino kung hinsi pati narin
ng mga Korean.

Larangan ng Musika

Para sa mga asyano ang musika, sayaw, at tula ay mahahalagang bahagi ng ritwal sa
korte ng kanilang mga palasyo. Bukod dito, ito ay ipinapalagay din bilang isang
karanasang panrelihiyon. Ang Sayaw at Musika ay ang nagbibigay ng malalim na
pakikipag-ugnayan ng mga asyano sa sandaigdiganAng Sitar,tabla, baya ay ilan sa
mga instrumento ng Chin na paborito ni Confucius at gamit ng mga tsino sa
pagninilay-nilay. Ang animong gitarang instrumento na may apat na kuwerdas ay
kalimitan ding ginagamit ng mg Tsino.

Makasaysayang Lugar Sa Tsina

Leshan Giant Buddha

Ang Giant Buddha ng Leshan ay isang katakut-takot ang laki na rebulto. Ito ay inukit
sa isang talampas sa Sichuan, western China. Sinimulang itong ukitin noong taong
713 sa panahon ng Dinastiyang Tang, ang rebulto ay hindi nakumpleto hanggang sa
803 taon, at sinikap ng libu-libong mga sculptors at mga manggagawa. Ang Leshan
Giant Buddha ay nakatayo ng 71 metro (233 talampakan) at may tatlong metro (11
piye) na mahaba na daliri sa bawat isa ng kanyang napakalaking kamay.
Grand Canal

Ang Grand Canal, 1764 km (tungkol sa 1200 milya) ang haba. Ito ang pinakamahabang
gawa ng tao na daluyan ng tubig Ito rin ang pinakamalaking daluyan ng tubig sa
Sinaunang panahon ng Tsina. Tumatakbo mula sa Hangzhou, Zhejiang Province sa
timog ng Beijing. Ngayon higit sa 2000 na ang tagal ng Daluyan ng tubig nito, ang ilang
bahagi ng kanal ay pa rin sa paggamit.

Terracotta Army

Ang terracotta Army ay isang koleksyon ng mga terracotta na eskultura na


naglalarawan ng hukbo ng Qin Shi Huang (221 BC-206 BC), ang unang Emperador
ng Tsina. Ito ay ang pinaka-popular na tourist spot sa Xian at isa sa mga pinaka
popular sa lahat ng China. Ito ay tinatayang na sa tatlong hukay na naglalaman ng
mga terracotta Army mayroong higit sa 8,000 mga sundalo, 130 chariots na may 520
mga kabayo at 150 kabalyerya kabayo.

Forbidden City

Matatagpuan sa sentro ng Beijing, ang Forbidden City ay ang pinakamalaking palasyo


ng mundo na sumasaklaw sa 72 ektarya. Ipinatayo simula 1406 hanggang 1420, ang
palasyo kumplikadong ay binubuo ng 980 surviving gusali na may 8707 kuwarto na
napapalibutan ng anim na metro (20 piye) malalim moat at isang sampung metro (33
piye) mataas na pader. Dalawampu’t-apat na emperors reigned sa ibabaw ng bansa
para sa halos 5 siglo mula sa Forbidden City hanggang sa pagbibitiw sa tungkulin ng
Puyi, ang huling Emperador ng Tsina. Ngayon sa Forbidden City ay isang museo at
isa sa mga pinaka-popular na atraksyong panturista sa Tsina.
Mogao Caves

Ang Mogao Cave ay bumuo ng isang sistema ng 492 mga templo 25 kilometro (15.5
milya) timog-silangan ng sentro ng Dunhuang, isang oasis na matatagpuan sa isang
sangang-daan sa Road Silk. Ang Kuweba ay naglalaman ng ilan sa mga
pinakamahusay na mga halimbawa ng Buddhist sining sumasaklaw ng isang panahon
ng tungkol sa 1,000 taon. Konstruksyon ng mga Buddhist Templo cave nagsimula sa
366 AD bilang mga lugar upang mag-imbak kasulatan at art. Kasama ang Longmen
Grottoes at Yungang Grottoes, ang Mogao Kuweba ay isa sa tatlong pinaka sikat na
sinaunang rock-cut templo sa China. Isa din sa mga relihiyon ng Tsina ay ang
Buddhism.
Temple of Heaven

Ang Temple of Heaven ay literal na Altar ng Langit at isang masalimuot na mga


relihiyosong mga gusali Matatagpuan sa dakong timog-silangan bahagi ng central
Beijing. Ang complex ay binibisita ng mga Emperador ng Ming at Qing dinastiya para
sa taunang seremonya ng mga panalangin sa Langit para sa mahusay na pag-aani. Ito
ay itinuturing na isang Taoist templo, bagaman Tsino Langit pagsamba, lalo na sa
pamamagitan ng mga reigning reyna ng araw, pre-petsa ng Taoism.

HAPON
Ang bansang Hapon ay kilala sa bansag na Land of the Rising Sun, bansa ng mga samurai
at anime, bansa ng matataas na uri ng teknolohiya at higit sa lahat bansa ng makukulay
at magagandang kultura at mga ritwal.

Ang bansang ito ay isang napakamisteryong lugar lalo na sa kultura at sa mga atraksiyon.
pero ano ba talaga ang espesyal sa Hapon?
Bundok Fuji

Ang Hapon ay isang kapuluan. Ito ay binubuo ng limang pangunahing pulo tulad ng
honshu, shikoku, kyushu at ng mahigit 3,000 na mga isla. Karamihan sa mga isla dito ay
mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng
bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon,
na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang
nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng
30 milyong katao.
amaterasu o "sun goddess"

Ayon sa Alamat
Ayon naman sa alamat nagmula ang Hapon sa isang mitolohiya na "Ang Alamat ng Diyosa
ng Araw" sinasabi na ang mga ninuno ng Hapon ay nagmula sa pagsasama ng Diyos na
Izanagi at Izanami na nagakaroon ng anak na nagngangalang Amaterasu o Sun Goddess.
Bunga nito, lubos ang kanilang paniniwala na ang kanilang emperador ay banal na apo ni
Amaterasu. At tinawag ng mga hapones ang kanilang bansa na "nippon" o "nihon" na ang
ibig sabihin ay "pinagmulan ng araw". Ang pulang bola naman sa kanilang watawat ay
sumisimbolo sa araw.
Ayon sa Kasaysayan

Ayon sa kasaysayan ang mga Ainu ang unang nanirahan sa bansang Hapon. Ang salitang
Ainu ay nangangahulugang "tao". Sa pagdaraan ng panahanon ang pangkat na ito ay
nahaluan ng mga nandayuhang pangkat na nagmula sa ibang bahagi ng Asya.
Ayon sa mga mananalaysay, ang bansa na ito ay binuo lamang ng mga angkan na
namamahala sa kani-kanilang teritoryo at sa pagdaan ng panahon, ang magkakaibang
tradisyong ito ay kanilang pinagsanib sa isang relihiyon na tinawag nilang Shinto, na ang
kahulugan ay "ang daan ng diyos." Ang relihiyong Shinto ay nakabatay sa paggalang sa
kalikasan at pagsamba sa mga ninuno. Si amaterasu ang pinakamahalagang Kami sa
relihiyong shinto.

Noong ika-limang siglo, ipinahayag ng angkang Yamato ang kanilang sarili bilang
pangunahing angkan ng bansa. Ayon sa kanilang tradisyon si Jimmu ang nagtatag ng
imperyong yamato at siya rin ang naging unang emperador ng bansa. Siya ay tinawag na
Tenno na ang kahulugan ay "Anak ng Kalangitan" (Son of Heaven). Ang teorya ng Divine
Origin ang maaaring naging gabay ng mga hapones sa kanilang pag-aakalang sila ang
tanging tagapagtanggol ng mga bansa sa Asya.

Pana

hong Nara
Prince Shotoku Taishi

Noong 607 CE, si Prince Shotoku ay nagsimulang magpadala ng tatlong misyon ng mga
iskolar sa Tang, Tsina upang pag-aralan ang mga gawing tsino. Ginamit ng mga hapones
ang sistema ng pagsulat ng mga tsino. Ang alpabetong Kanji ay direktag hango sa
alpabetong Tsino. Hinango rin nila mula sa kulturang Tsino ang gawi ng pagpipinta, at iba
pang bagay na nakaimpluwensiya sa halos lahat ng aspekto ng kanilang buhay.

Si Shotoku ang kinikilalang "Ama ng Kulturang Hapones".


Panahong Heian

Isinulat ni Lady Murasaki Shikibu


Noong 794 CE, ang kabisera ng Japan ay inilipat sa Heian, na lungsod ng Kyoto sa
kasalukuyan. Ang karamihan sa maharlikang pamilya ay lumipat din ng tirahan dito. Ito ang
ang nagpasimula ng aristrokratang lipunan ng Heian. Sa lipunang ito, ang bawat aspekto
ng buhay ay may sinusunod na alituntunin--- mula sa ayos ng buhok, haba ng damit, haba
ng sable, kulay ng damit ng mga opisyal, at hanggang sa bilang ng paldang kinakailangang
isuot ng kababaihan. Naging mahalaga rin ang pagkakaroon ng etika o mabuting asal sa
lahat ng pagkakataon.Kinilala rin sa panahong ito ang mga kababaihang Hapones na sina
Lady Murasaki Shikibu at Sei Shonagon. Si lady Murasaki ang sumulat ng kauna-unahang
nobela sa daigdig na pnamagatang "The tale of Genji, The shining Prince and His
Romances." Ang nobela ay naisulat sa pamamagitan ng kana o sulat sa japan. Si Sei
Shonogagon naman ay nagsulat ng ilang paglalarawan ng panahong ito sa kanyang
talaarawan na kilala bilang "The pillow Book."

Pagsilang ng Shogunate
Noong taong 1100, nagsimulang maglabanan ang mga Taira at minamoto, ang dalawang
pinakamakapangyarihang angkan sa japan sa panahong iyon. Matapos ang 30 taong
labanan, nanaig ang mga Minamoto. Noong 1192, ipinagkaloob ng emperador ng bansa kay
yorimoto, isang lider ng minamoto, ang titulong Sei-i-tai Shogun na ang kahulugan ay
"Barbarian Subduing Great General."

Minamoto no Yoritomo
Ang shogun ay isang ranggo o minamanang kapangyarihan bilang pinuno ng hukbong
Japan.

Bilang Shogun, itinatag ni Yoritomo sa kamakura ang pamahalaang Shogunate o bakufu na


ang ibig sabihin ay "pamahalaang nasa tolda." Ang panahon ng pamahalaang ito sa
kasaysayan ng Japan ay tinawag na Shogunate.

May tatlong Shogunate sa Japan

 una ay ang Kamakura Shogunate, si nobunaga ang naging pinuno rito at siya ay
naging marahas na pinuno.
 pangalawa ay ang Ashikaga Shogunate, ang panahong ito ay higit na kilala bilang
panahon ng Muromachi. Si Ashikaga Takauchi ang nagtatag ng shogunate na ito.
Nagmula siya sa angkan ng mga minamoto.
 at ang pangatlo ay ang Tokugawa Shogunate, si Tokugawa leyasu ang nahirang na
shogun sa panahong ito. Inilipat niya ang kabisera ng bansa sa Edo, na tokyo sa
kasalukuyan. Si leyasu ay isang marahas na daimyo at ito ang nagpasimulan ng
isang matatag at sentralisadong pamahalaan sa japan.

Pamana ng Kasaysayan sa
kasalukuyan
Maraming naipamana ang mga tao sa kasaysayan sa kasalukuyan tulad nalang ng sa
relihiyon, mga mahahalagang estraktura, tradisyon, cultura at iba pa. Ang mga pamanang
ito ay ginagawa at nagiging-praktis na sa kasalukuyan,

Mga halimbawa:

Sa Larangan ng Literatura:
Ang mga hapon ay nakalinang din ng sarili nilang literatura
na nagmula pa noong panahon ng Nara---ang Kojiki o "Records of Ancient Matters" na
naglalahad ng kasaysayan ng Japan.

Ang Manyoshu o "Collection of Ten Thousand

Leaves" ang pinakaunang koleksiyon ng mga tulang japanes. Ito ay naglalaman ng 4500 na
tula na karaniwang binubuo ng 31 na pantig na kung tawagin aya tanka. Ang mga tulang ito
ay karaniwang naglalahad ng tunay na pagkakaibigan, pagmamahalan, at kalikasan.
Ang klasikong literaturang Japanes ay tumutukoy sa panahon ng Heian na itinuturing na
Ginituang Panahon ng sining at literaturang Japanes. Ang "Tale of Genji" ni Murasaki Shikibu
ang itinuturing na pinakamahalagang nobelang nagsasalaysay ng mga pangyayari,
Pagmamahalan, suliraning personal, at tensiyon sa korteng Japanes noong panahon ng
Heian. Ito ang kinikilalang kauna-unahang nobelang lumabas sa daigdig ng literatura. Ang
ilan pang mahahalagang literaturang lumabas ng panahong ito ang The Pillow Book ni Sei
Shonagon. Ito ay isang sanaysay na naglalarawan sa buhay, pagmamahalan, at libangan ng
mga maharlika sa korte ng emperador ng Japan.
Sa Larangan ng Arkitektura:

Ang arkitekturang Tsino at Hapones ay karaniwang gawa sa kahoy. Ang mga ito ay
karaniwang may adornong makukulay na ukit. Ang Pagoda ay karaniwang binubuo ng limang
palapag na sumisimbolo sa limang elemento ng daigdig, tubig, apoy, lupa, hangin, at
kalangitan.

Seramiks at Palayok

Ang Puti at Asul na porselana ay nagmula sa Japan.

Ang Musika ng Japan:


Malaki ang naging impluwensiya ng musikang Tsino sa Japan. Ang Gangaku ay isang
musikang instrumental na gamit ng mg japanes sa imperial court at panalanginan. Ang
Kogura ay isang musikang panseremonya tulad ng gangaku. Ang Sankyoku, ay ang kilalang
instrumentong Hapones na binubuo ng tatlong instrumentong shamisen, koto, at shakuhachi.
Kilala rin ang musikang bunraku at kabuki sa mga teatrong puppet ng bansa.

Koto (sa kaliwa) Shamisen (sa gitna) Shakuhachi (sa kanan)

Katutubong Sayaw ng mga Hapones


 Ang Iyomanzai ay sayaw ng mga hapones sa pagdiriwang ng bagong taon.

 Ang Ayakomai naman ay sayaw na pasasalamat sa kanilang mga Diyos.


 Ang Sakura naman ay literally nangangahulugang "cherry blossoms" ay sayaw
tuwing tagsibol at sinasayaw lamang ito ng mga kababaihan.
Makasaysayang monumento ng Ancient Nara

Nara ang sinaunang kabisera ng Japan pabalik sa 710 taonDahil nito mahalagang
pampulitika kabuluhan sa panahon ng oras na ito, Maraming kaayusan tulad ng mga museo
at mga monumento ay itinayo.
Ginkakuji Temple

Ginkakuji Templo o Templo ng Silver Pavilion ay isang Zen templo, na kung saan ay
matatagpuan sa Kyoto.Wie Kinkakuji Temple, Pavilion na ito ay binuo bilang isang lugar ng
kapayapaan at pagninilay para sa Shogun.
Sa Relihiyon: Naniniwala parin ang mga hapon sa mga Kami pero ito ay nagtapos dahil sa
Shinto at Buddhism Order of 1886, pero pinagpapatuloy parin ito sa pagpapapraktis. Ang
Shinto ang tradisyonal na relihiyon sa bansang Japan. "Ang Gawi ng Diyos" ang kahulugan
ng Shintoism. Ang Kami o ang Diyos ng kalikasan ang itinuturing na diyos ng mga shinto.
Ang mga Buddhist naman ay nananalig sa aral ni buddha- ang Dharma. Ang gulong ng batas
ang simbolo ng Buddhism.

Toji-A bhuddist Temple

Ito ang templo ng mga buddhist. Ang Toji Temple na may limang palapag sa Kyoto at may
taas na 57 metro o (180 feet) Ang pinakamataas na gusali na gawa sa kahoy sa japan. Ito
ay isang uri ng Pagoda. Ito ay binansagang Eastern Temple and was established in 796 CE
by Emperor Kammu, just two years after he had moved the capital from nara to kyoto. Dito
makakakita ka ng 15 original statues ng mga Buddhist deities that were carved in the 8th
and 9th centuries. The temple's principal image is of Yakushi Nyorai, the healing Buddha.
Sa kasalukuyan, marami nang uri ng Buddhism ang laganap. Ang Zen Buddhism na laganap
sa Japan ay nagmula sa salitang Zazen na ang kahulugan ay "to sit and meditate."

Zen Buddhism

Shimogamo Shrine
Ito naman ang Shimogamo Shrine. Ito ang pinakamatandang Shinto Shrine sa Japan at isa
sa labimpitong Historic Monuments of Ancient Kyoto.
Ang Shrine na ito ay orihinal na ginawa on purpose para sa pagsasamba ng mga pamilya ng
mga Kamo. Ito ay binago nung 19th century.

Horyuji Temple

Ang Horyuji Temple ay nasa 607 binuo sa pamamagitan ng Prince Shotoku.ay nawasak,
ngunit isang bagong templo ay itinayo sa 711 binuo.Templo ay isa sa pinakamatagal sa
Japan at naging isang pambansang yaman.

Ito naman ang Matsuri Festival. Ito ang Selebrasyon ng mga Shintoismisters sa pag-aalay
ng pasasalamat sa kanilang mga diyos at diyosa.Karaniwan na rin sa kanila ang malaking
pagdiriwang sa pagpapalit ng panahon na ginaganap sa pamamagitan ng pag-aalay ng
pagkain, musika at sayawan.

Mga Mahahalagang Estraktura:


Ito naman ang Imperial Palace. The Heian Palace was the original imperial palace of Heian-
kyō .The palace, which served as the imperial residence and the administrative centre
of Japan for most of the Heian Period (from 794 to 1185), was located at the north-central
location of the city in accordance with the Chinese models used for the design of the capital.

Mga tradisyon:
Kimono for funeral
sa pagsusuot ng mga kababaihan ang Kimono ang tradisyonal na sinusuot sa mga okasyon
tulad ng pagmaypatay, kasal at tea ceremonies. Nag iiba iba sa kulay at disenyo ang mga
kimono depende sa okasyon na pupuntahan.

Kimono for tea ceremonies


Kimono for weddings

 Ang Bansang Edo na Tokyo sa kasalukuyan.

You might also like