You are on page 1of 4

UNANG SERYE

(ITO PO ANG ARTIKULO PARA SA NAGHAYAG NG INTERES SA MGA NAUNANG "POSTS"


TUNGKOL SA PAGTATANIM NG KABUTENG DAYAMI O SAGING AT PARA NA RIN PO SA MGA
MAGKAKAINTERES PANG IBA)
PAALALA--PAKIBALIK BALIKAN PO ANG POST NA ITO SA INYONG MGA LIBRENG ORAS
DAHIL INOT INOT PO ANG GINAWA KONG PAGLATHALA SA LAMAN NG ARTIKULO. AT KUNG
MINSAN AY MAY DINADAGDAG O BINABAGO PO AKO SA MGA NAUNANG NAILAHAD KAYA
PAGTYAGAAN NYO NA PONG BASAHIN ULI KUNG SAKALI. PASENSYA NA PO AT MARAMING
SALAMAT!
UNANG SERYE
PANIMULA
Mahalaga ang pagtatanim ng kabuteng dayami o saging (paddy straw mushroom o Chinese
mushroom) dahil sa mga sumusunod na kadahilanan:
1. Ang kabuteng ito, bukod sa masarap at malinamnam, ay nagtataglay ng mga sapat na sustansya
tulad ng mga mineral at bitamina. Maprotina rin ito at may mga "bioactive compounds" na
nakakapigil at nakakagamot sa mga sakit na diabetes, mataas na presyon, sakit sa puso, cancer,
mga "auto-immune diseases " tulad ng arthritis atbp. (See the post on the nutritional and medicinal
properties of paddy straw mushroom also on this site);
2. Mabilis tumubo ang kabuteng dayami. Pagkapunla, asahan ang ani sa loob ng 9 hanggang 14 na
araw. Ibig sabihin ay magkaroon ng pagkain sa hapag o salapi sa napakaigsing panahon ang mga
magtatanim;
3. Napakaraming patubuan tulad ng ginikan at pasyok at mga tuyong dahon ng saging sa mga
kanayunan na pwedeng gamitin sa pagtatanim nito. Sinusunog nga lang ang karamihan sa mga ito.;
4. Maraming mabibigyan ng trabaho sa pagtatanim ng kabute lalo na ang mga manggagawang
bukid na walang lupa, mga kababaihan, kabataan, at mga di na pumapasok sa eskwela;
5. Ang pagtatanim ng kabute ay may potensyal na pagmulan ng malaking industriya sa kanayunan.
Pwede itong iproseso bilang delata, patuyuin, gawing "pickles", siomai, chicharon o iba pang "value-
added products". Masyado ngang malaki ang importasyon natin sa kabute kung bakit di na lang dito
itanim sa atin.;
6. Ang mga nagamit ng patubuan ng kabute ay mainam na pataba at pangkondisyon sa lupa,
pagkain ng mga bulate sa "vermiculture", at patubuan mismo pa ng ibang klase ng kabute;
7. At panghuli subalit mahalaga, ang pagtatanim ng kabute ay mainam sa kapaligiran ( environment-
friendly ) dahil sa di pagsunog sa napakaraming ginikan naiiwasan ang masamang kontribusyon nito
sa paglala ng "global warming".
MGA PANIMULANG HAKBANG AT PAGHAHANDA
1. Pagpili o Paghahanda ng Tamang Lugar Taniman
Pinakamainam na nalililiman ang mga kama ng kabute ng mga puno o di kaya ay mga balag na may
gapang ng mga patola, legumbre tulad ng sigarillas atbp.
Kung wala nito, obligadong lumikha ng malilim na lugar gamit ang mga mura o libreng materyales sa
inyong lugar tulad ng dahon ng niyog, talahib, cogon, ginikan, dahon ng saging, trapal o anumang
katulad ng mga ito.
Tandaan lamang na kailangan na sapat din ang liwanag sa taniman upang mamuo ang kabute. Ang
sapat na liwanag ay iyong pwede tayong magbasa ng dyaryo o babasahin sa lilim. Iwasan ang
matagal na tama ng araw sa mga kama ng kabute upang hindi ito matuyo. Pwede ang daan lang ng
araw o di matagal na tama ng araw.
Diskartehan nyo na lang po batay sa mga nabanggit sa itaas.
2. Tamang Pag-iimbak ng mga Ginikan at Dahon ng Saging
Tiyakin po na ang mga ginikang iiimbak ay tuyo at malinis (ibig sabihin ay walang amag).
Imandala po ng maayos (ibig sabihin ay di papasukin ng ulan ang loob) ang mga ginikan tulad ng
gawa ng mga magsasaka noon at ilan na lang na magsasaka ngayon. Bakit? Aamagin po kasi ang
mga ginikan pag nabasa lalo na kung mga nakatumpok sila at nag-iinit ang loob. Dahil dito
nauunahan ng ibang amag ang itatanim nyong semilya ng kabute at mahirap ng tubuan. Sa mga
merong istruktura o may bubong na di ginagamit, pwede rin nyo pong ilagay rito ang mga ginikan.
Kung tuloy tuloy po kasi ang nais nyong pagtatanim, obligadong mag-stock kayo ng maraming
ginikan-ibig sabihin ay usaping tonelada na ang dami. Isang ektarya ay makakuha ng 3 toneladang
ginikan at kung isama ang pasyok (yung naiiwan sa lupa na kasama ugat pag binunot) ay aabot ng
hanggang 5 tonelada ( ito po ang alam ko at baka may nakakaalam ng humigit kumulang na
eksaktong dami ay pakitama po ako).
Hinggil naman po sa mga tuyong dahon ng saging, hayaan lang po na nakalawit sa puno nya upang
mahanginan kung mabasa ng ulan para matuyo at di amagin. Kunin na lamang kung gagamitin na
sa pagtatanim.
Iyon lang po ang dapat tandaan sa pag-iimbak o paggamit ng patubuan: kailangang tuyo at malinis.
May mga ibang patubuan pa hong pwedeng gamitin tulad ng bagaso ng tubo, water hyacinth, dahon
at puno ng mais at cotton wastes. Cotton wastes ay madalang sa atin subalit pinakamainam na
patubuan ng kabuteng ito.
3. Mga Kailangang Materyales at Gamit
I. Mga Pwedeng Gamitin sa Pagbabasa ng Patubuan
A. Pagbabasa ng Ginikan
Hindi na po namin binababad ang ginikan ng matagal tulad ng nakagawian sa mga dating paraan ng
pagtatanim. Sapat ng ilubog ito at basain sa tubig ng 3-5 minuto at pagkaraan ay hanguin at itumpok
na sa bunton ng kompos. Kaya mangailangan ng lalagyan (container) ng tubig tulad ng batya,
banyera, bariles, timbang malalaki o mga katulad nito plastik man o metal. Lagyan ng tubig at ilubog
ang ginikan. Sa ganitong pagbabasa ng mga ginikan ay sisipsip ng tubig ang mga ginikan kaya
mababawasan ang tubig sa container. Dagdagan na lang ng tubig kung malaki na ang nabawas.
Pagkahango sa mga ginikan, tinutumpok natin ang mga ito sa ginagawa nating compost pile o
tumpok ng kompos. Karaniwang lapad ng kompos ay 4 na piye, habang 6-8 piye at taas na 4-5 piye.
Ayan po, kailangan natin ng container ng tubig o kung gusto nyo ng mas mabilis at maramihan ang
tanim ay magpagawa ng lalagyan ng tubig gamit ang hollow block. Kung malapit naman kayo sa
irigasyon o ilog, pwedeng dyan nyo na mismo basain ang mga ginikan. Tiyakin lamang na tabang
ang tubig.
B. Pagbabasa ng Dahon ng Saging
Tila hindi kasingbilis sumipsip o mabasa ng tubig ang mga tuyong dahon at tangkay ng saging.
Mainam na gawing mas matagal ang pagbabad dito-1-2 oras o higit pa bago gamitin. Dahil dito mas
mangangailangan malaki laking babaran kumpara sa gamit sa mga ginikan. Diskartehan nyo na lang
po.
II. Mga Materyales at Gamit sa Paggawa ng Kama ng Kabute
Ang pamamaraang tinutukoy rito ay ang pagtatanim ng kabute sa labas (OUTDOOR METHOD) na
kung saan lumilikha tayo ng maliit na istruktura na katulad ng sa INDOOR METHOD o yung
gumagamit ng mga istrukturang may bubong o mga "greenhouses" para may kontrol sa temperatura
at halumigmig (moisture). Medyo magastos ang pagtatayo ng mga greenhouse kaya ang ilalahad na
lang dito ay ang outdoor method. Sa CD, isama ko ang indoor method sa mga paksa na kung saan
naka-TIER o anda andana o may mga salansanan kahit hanggang 4 na andana o tier ang mga
kama ng kabute. Gayunpaman, pwede ring mag TIER o anda andana sa OUTDOOR METHOD lalo
na kung maliit lamang ang espasyo ng inyong tinatamnan. Nasasainyo na po kung ilang andana ang
gusto nyong itayo gamit ang mga materyales tulad ng kawayan o mga kahoy. Kapag masyadong
mataas ang andanang ginawa nyo-halimbawa ay apat na andana-obligadong gumamit kayo ng mga
tuntungan o hagdan para maisalansan ang mga ginikan sa mataas na andana.
Sa OUTDOOR METHOD ay gumagawa tayo ng mga kamang pahaba na nakalatag sa lupa. Gawin
natin itong may sukat na 8 piye (foot) ang haba (lenght), 16 na pulgada (inch) ang taas (height), at
16 na pulgada (inch) ang lapad (width). Gayunpaman, hindi natin nililimita ang sukat at korte ng
kama sa nabanggit sa itaas. Pwedeng palapad ito na mababa lang ang taas o pwedeng maiigsi lang
o mas mahaba ang mga kama kaysa 8 piye. Ang panuntunan natin dito ay kapag masyadong
mataas at malapad ang kama at sobrang haba, masyadong nag-iinit ang mga kama lalo na sa
yugtong kalat na ang mga semilya. Di baleng mas maigsi at mas mababa ang kama kaysa sa
masyadong mahaba at makapal.
Sundin po muna natin ang nabanggit na sukat sa itaas para sa kailangang materyales bagamat di
pinipigilan ang paggawa nyo ng ibang sukat at korte.
Makikita natin sa ilang pics sa mga posts na bago at dati ang ganitong porma at sukat at gumagamit
sila ng mga sumusunod na materyales:
1. Mga Tulos-Mas mainam na mga kawayan ang gawing mga tulos dahil po matibay ito at
nagtatagal. Pwede rin po ang mga matibay na mga sanga ng mga puno. Kung saan po kayo
makatipid ay gawin po nyo.
Bawat kama na may nabanggit na sukat sa itaas ay gagamit ng 3 tulos na nilalagay sa gitna ng
kama-2 sa magkabilang dulo at 1 sa gitna. May sukat na taas po itong 32 pulgada. Ang 6-8 pulgada
po nito ay binabaon sa lupa.
Sa magkabilang gilid po ng kama ay may mga tulos ding ilalagay: 3 magkabila o 6 na tulos lahat.
Ang mga tulos hong ito ay mas mababa ang sukat: 24 pulgada po at binabaon sa lupa ang 6-8
pulgada- 2 sa magkabilang dulo at 1 sa gitna magkabila ng kama.
Sa madaling sabi po, ang isang kama ay gagamit ng total na 9 na tulos: 3 tulos na 32 pulgada ang
taas at 6 na tulos na mas maigsi: 24 pulgada.
Kailangang matibay po ang mga tulos--ibig sabihin ay di madaling mabali o maputol.
2. Mga Tali--Gumagamit po tayo ng mga tali na itinatali sa mga tulos upang maging salalayan ng
mga plastik nating ilalagay. Pwede po rito ang mga plastic o nylon na tali. Kailangan pong matibay at
di madaling maputol ang mga tali dahil binabatak po natin ito para di nakalundo ang mga ilalagay na
mga plsatik.
3. Mga Plastik--Pinapayo po na mga plastik na nabibili sa mga junk shop at mga groceries sa
palengke ang gamitin para hindi mahal--mga plastik ng asukal o mga katulad nito. Pinagdudugtong
dugtong lang po ang mga ito para masakop ang kabuuan ng kama. Pwede pong tahiin o gamitan ng
stapler para mapagdugtong dugtong.
Ang mga sako ay pwede rin po dahil tumatagos naman ang liwanag na kailangan ng kabute para
mamuo. Ang problema ay di nagtatagal ang mga sako na sa kalaunan ay dumudupok.
Ang layon po natin dito ay makapagporma tayo ng maliit na greenhouse na pabubong ang ibabaw.
Sa ganito pong paraan ay nagkakaroon tayo ng kontrol sa temperatura, halumigmig (moisture) at
daloy ng hangin sa loob ng kama.
Tingnan po ang mga idadagdag kong mga larawan ukol rito para maging mas malinaw ang aking
mga sinasaad dito.
Nasa comments po ang mga dagdag na larawan.
ISUNOD KO PO ANG TAMANG PAMAMARAAN NG PAGGAWA NG COMPOST HEAP O PILE O
TUMPOK NG COMPOST. KRITIKAL PO ITO SA PAGPAPADAMI NG ANI NG KABUTE BUKOD SA
KALIDAD NG MGA SEMILYA O SPAWN NA GAGAMITIN PO NINYO.
Bakit po ba nating kailangang ICOMPOST pa ang mga patubuan ng kabute tulad ng mga ginikan?
Una: Pinalalambot po natin ang mga patubuan sa ating pagcompost para sa ganoon ay matulungan
natin ang amag ng kabute na madaling kumalat at makapanginain sa mga patubuang ito;
Pangalawa: Tumataba o nagiging masustansya ang ating mga patubuan sa pagcocompost gamit
ang ilang dagdag na materyal tulad ng darak atbp.;
Pangatlo: Namamatay ang mga ibang amag at masamang organismo kapag tayo ay nagcompost
dahil sa pag-init ng ating compost sa temperaturang di sila mabubuhay. Makikita po natin na uusok
ang ating ginawang compost.
Sa pagcocompost po ay dapat isaalang alang o atin pong tandaan ang mga sumusunod na
mahalagang bagay:
1. Dapat na may sukat po itong sapat para mag-init po ang ating tumpok ng compost. Ito po ang
iniisip ko ngayon sa magtatanim ng kaunti lamang (1-2 kama lamang) gamit ang ginikan. Kung
gaano kakonti ang pinakamaliit na compost upang ang iba ay makapagtanim ng kahit konting bilang
ng kama man lang. Mas malaki po kasi ang tumpok ng compost ng ginikan, mas mainam o mas
nagiging maganda ang pagtaba at dekomposisyon ng ginikan dahil madali po itong mag-init at
nagiging banayad ang pasok ng hangin sa loob ng compost.
Sa tingin ko ang pinakakaunti o minimum na bigat o dami ng ginikan na pwedeng icompost na di
masyadong makaapekto sa ani ay 100-150 kilo ng tuyong ginikan. At kung ganito kakonti ay dapat
na balutin ng plastik at lagyan na lang ng maliit na puwang sa ibabaw labasan ng songaw ng tubig o
usok.
Kung may mga katabi kayong magtatanim din, maipapayong pagsamahin nyo na sa isang compost
ang inyong mga ginikan upang maging mabulto ito at maghati na lang sa mga ikakamang
nacompost ayon sa dami ng naisamang tuyong ginikan ng bawat isa.
Malaman nyo po ang hinggil dito sa minimum na dami ng ikokompost na ginikan makaraan ang 10
araw mula ngayong 31 ng Enero. Malaki po kasing bulto kung magcompost kami at kailangang
maisapraktika muna o maisagawa itong minimum na sinasabi ko para di mabigo angagtatanim
lamang ng kaunting kama.
Pangalawa, mas mainam nga po na magcompost na malaki ang bulto-- may sukat na: lapad (width)-
-4 na piye (foot), haba (lenght)--4-8 piye o mas mahaba kung nais nyo, taas (height)--4-6 piye.
Sa ganitong sukat, nagiging banayad ang pasok ng hangin sa loob ng compost at mabilis itong mag-
init.
Pangatlo, ang mga gilid ng compost ay tiyaking di masyadong maluwag ang pagkalagay ng mga
ginikan upang maiwasan ang sobrang pasok ng hangin sa loob ng compost. Kung hindi gagamit ng
molde sa paporma ng compost, balumbunin na lamang ang mga ginikang nasa mga gilid (edge) ng
compost tulad sa paggawa ng mga kama ng kabute. Pwedeng malalaking bulto ang ibalumbong
ginikan sa mga gilid upang maging mabilis. Hapitin lamang po ang mga gilid at diinan ng mga kamay
upang di maging masyadong maluwag.

You might also like