You are on page 1of 3

Di- Masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Maica Anna N. Quiles Agosto 16, 2018


Bsed- Filipino Intern G.Dominador Rombo
I. Layunin
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ilang akdang pampanitikan tulang
ng balagtasan, dula, sanaysay at maikling kuwento na lumaganap sa panahon ng
Amerikano hanggang sa Kasarinlan upang maunawaan ang kultura at kalagayang
panlipunan ng mga Pilipino sa mga panahong ito.
B. Pamantayan sa pagganap
`Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng sariling paglarawan ng kulturang Pilipino
sa Tatlong panahon- ang panahon ng Amerikano, panahon ng Komonwelt,
panahon ng Kasarinlan sa masining na paraan na nagbago, nawala at nanatili pa
rin sa kasalukuyan.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Pagsasalita)
Naibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang ang sariling opinion, pananaw,
damdamin at saloobin tungkol sa Balagtasan.
II. Paksa at Kagamitan
Paksa: Panitikan sa Panahon ng Amerikano ( Pahapyaw na pagtalakay sa Balagtasan)
Kagamitan: Kartolina
Mga kapirasong papel
Sanggunian: Modyul 2: Sandigan ng Lahi… Ikarangal Natin (p.218,224,226-228)
III. Nilalaman
A. Panimula
Pagpapakilala ng guro
Sasagutin ng mga mag-aaral ang isang “diagnostic test” na may kaugnayan sa
mga aralin na tatalakayin. Ang gawaing ito ay pinamagatang “Believe it or not”.
Isusulat nila ang kanilang mga kasagutan sa kuwaderno.

Panuto: Lagyang ng tsek ang patlang bago ang pahayag na iyong


pinaniniwalaan tungkol sa panitikan.
___1. Ang panitikan ay salamin ng lahing Pilipino.
___2. Malaya nag mga manunulat noong Panahon ng Amerikano.
___3. Ang balagtasan ay maaaring gawing akdang tuluyan.
___4. Walang kaugnayan ang paglalahad ng opinion at katurin sa Balagtasan.
___5. Nagsasaad ng kilos o galaw ang pandiwa.
___6. May layuning batikusin ang mga Pilipino ng dulang, “Walang Sugat ni
Severino Reyes.”
___7. Naging Malaya ang mga manunulat na Pilipino noong Panahon ng
Komonwelt.
___8. Nakatutulong sa mga manunulat ang paggamit sa pang-uri upang mas
maging masining ang kanilang akda.
___9. Ang sanaysay ang pinakamaraming naisulat noong Panahon ng Amerikano.
___10. Masasalamin sa mga akdang pampanitikan noong Panahon ng Amerikano,
Panahon ng Komonwelt at Panahon ng Kasarinlan ang kulturang Pilipino.
B. Paghahawan ng Balakid
Tatawag ang guro ng piling mag-aaral upang bilugan ang mga salitang may
kaugnayan sa panahon ng Amerikano na makikita sa puzzle na idinikit sa pisara.
Tatanungin ng guro ang mga mag-aaral sa kanilang ideya tungkol sa mga salitang
binilugan at pagkatapos ay maglalahad ang guro ng kahulugan ng mga ito
upang mabigyang-linaw ang mga mag-aaral.

Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa


umusbong na mga akda sa Panahon ng Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang
sagot.

G A L D E B A T E N B D
D E I U A D T T A H K O
S H U P D A G L I L M O
A B A L A G T A S A N N
N A T O S I R C S D T O
E L N H B A T U T I A N
L A K A N D I W A D G A
K S A K G I B I B M A M

C. Paghahalaw
Ang guro ay maglalahad ng pahapyaw sa akdang pampanitikang umusbong sa
panahon ng Amerikano- ang balagtasan at sarsuwela. Ditto ay mas bibigyang-diin
ang balagtasan para sa paghahanda sa kanila sa bibigyang-pokus sa susunod na
tatalakayin.
D. Paglalapat
May mga kapirasong papel na naglalaman ng mga akda, manunulat at kultura sa
panahon ng Amerikano at ito ay isasaayos ng mga mag-aaral batay sa pangkat na
kinabibilangan ng mga salitang ito.

Mga salita:
Shirt
El Nido
Jose Corazon De Jesus
Boogie
Severino Reyes
Amerikana
Walang Sugat
IV. Ebalwasyon
Panuto: Dugtungan ang mga pariralang nakasulat sa dayagram batay sa iyong sariling
sagot na may kaugnay sa ating tinalakay.

Naging kawili-wili sa akin Ibig ko pang malaman


Natutuhan ko na
ang ang tungkol sa

You might also like