You are on page 1of 6

Pagsusuring

Pampanitikan
Panimula (Magbigay ng maikling intoduksiyon ukol sa kwento)
- Ang istoryang ito ay patungkol sa isang nanay na mapagmahal ngunit may isang ugali na dapat
hinid tularan at ang isang batang napag bintangan ng maling akala.

I. Pagsusuring Pangnilalaman
a. Paksa: Si aling marta ang naging dahilan kung bakit nasawi ang isang batang gusgusin

b. Simbolismo
1. Simbolismo ng mga bagay (Pumili ng mga bagay sa kwento at ibigay kung ano ang maaring
ipinapahiwatig nito)

a. Bangus: pagiging malansa, mga negatibong pag uugali ng tao.


b. Puting Kasuotan ng dalaga: pagiging malinis , mapayapa, magandang kalooban at iba pa.
c. Pitaka: pagiging maalaga ng isang tao

2. Simbolismo ng mga tauhan (Pumili ng tauhan sa kwento at ibigay ang sinisimbolo nitong pag-uugali
ng mga Pilipino)

a. Aling Marta: mapag mahal sa pamilya, ngunit agad nagpapabugso sa damdamin, mapanghusga.
b. Andres Reyes: sanay sa hirap kaya’t madiskarte, kayang tiisin ang hirap , magalang.
c. Pulis: Pagiging patas ang pag iisip, walang pinapanigan kung ano ang nararapat yoon ang gagawin.

II. Pagsusuring Pangkaisipan


a. Ang layunin, pananaw at damdamin ng may akda
 Layunin
- Magbigay aral sa mga mambabasa.
 Pananaw

 Damdamin
- Nagpakita ng iba’t ibang inang emosyon ang kwentong ito; Saya, pagkasabik, galit, ang pinaka punto
dito ay ang pagsisisi.

b. Mga Aral
- Huwag manghusga sa kung ano ang iyong nakikita "Don't judge a book by it's cover" ika nga nila. Nasa
huli ang pagsisisi. Kung kaya’t “pakaisipin muna natin nang makasumpungan ulit ang mga salitang
bibitawan natin” para sa huli wala tayong madisgrasya.

c. Koneksyon at Implikasyon ng maikling kwento sa pang araw-araw na buhay ng tao


- Ang kuwento ay malaki ang koneksyon sa araw araw na buhay ng tao dahil nasasaksihan na natin
ito ngayon sa ating bansa at nababalitaan pa natin sa ibat ibang lugar

III. Mga Kalakasan at Kahinaan ng Pagsulat


- Ang kuwento ay maayos ang pagkaka sulat sapagkat mas naiintindihan ng nagbbasa at mas marami
ka pang makukuhang aral dito dahil maayos ang nais iparating saatin

IV. Repleksyon
- Sa buhay natin, alam naman natin na may mga maling desesyon tayong magagawa at maling pag
hihinla. Isa siguro itong pag kabigla no pag kadala bugso ng ating damdamin kaya siguro tayo nakapag-
aakusa ng mali sa ating kapwa. Si aling marta, ayon sa aking nabasa siya ay isang mabait na ina
gagawin niya nag lahat para sa kanyang anak mapasya niya lang ito. Ang panghuhusga ay madali ito
para saatin. Madalas, nagiging basehas ang panlabas na kaanyuan sa pakikitungo natin sa isang tao.
Ganyan ang mga Pilipino, kahit hindi pa nila alam ang pinag daan ng isang tao lait pa rin ng lait kahit
hindi pa natin sila kilala. Madali lang kasing sabihin ang mga negatibong nakikita natin sa kanila.

You might also like