You are on page 1of 1

Maxine Lei Marie S.

Dagcutan Section 23 7:30 - 9:00


Simula nung ako’y bata pa , gustong- gusto ko na talaga kapag umuulan. Hawak ang aking
libro at isang tasa ng milo, may ngiti kong kaharap ang bawat patak nito. Isang araw habang ako’y
nagbabasa , biglang bumuhos ang malakas na ulan, labis na galak ang aking nadama sa
pangyayaring iyon. Habang minamasdan ko ang bawat patak nito sa aming bintana, bigla kong
naisip ang mga batang palaboy sa lansangan, mga batang musmos at bubot ang pag-iisip , na
ginagawa ang lahat sa halip ng pag ulan upang may ipang dugtong sa hininga ng mga magulang
at kapatid. Mga batang labis ang katapangan sa likod ng mga murang katawan at pag titiis ng
kaligkig na dulot ng masungit na panahon. Labis akong nagambala sa kung bakit pumapasok sa
diwa ko’t balintataw ang hitsura nila habang hinahamig ang mga dalisdis na patak sa lansangan
upang makapagtinda ng sampaguita. Hindi ko alam kung bakit ko naiisip ang kahirapan ng
kanilang kasulakang kalagayan. Sa mga panahong yun, ang tanging laman ng aking isipan ay
paghanga, paghanga sa mga batang tila wala ng panahon upang maglaan ng idealismo sa bansang
uhaw din sa kaginhawaan, sa mga panahong yun ay humugot ako ng lakas mga batang kahit kelan
ay di ko makikilala ng lubusan. Sa mga panahong yun, inisip ang mga pagkakataon na ako’y
sumuko sa pinakamaliit na pagsubok ng buhay, mga bagay na tila tuldok sa mga paghihirap na
kanilang pinag daraanan. Sa mga panahong iyon, hawak ang aking libro, ay ipangako ko sa aking
sarili, na haharapin ko ang bawat araw na may tapang at tibay ng loob tulad ng isang tamaraw, na
sa halip ng mga pagsubok ay babangon at babangon ng pa ulit ulit di lang para sa aking sarili kundi
para na rin sa mga batang musmos sa aking isip.

You might also like