You are on page 1of 1

PANUNTUNAN SA PALIGSAHAN ng SPOKEN WORD POETRY via VIDEO

1. Ang spoken word poetry via video ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng PGCHS Senior High School.
2. Ito ay nararapat na orihinal na isinulat o gawa at tinatalakay ang tema ng Buwan ng Wika 2018:
“Filipino: Wika ng Saliksik.” Ang wika na maaaring gamitin ay Filipino lamang.
3. Ang spoken word poetry via video ay dapat tumagal ng tatlong minuto lamang.
4. Hindi maaaring gumamit ng props at costume ang kalahok. Tanging tugtog lamang or
background music/sound ang dapat na gamitin. Ipinagbabawal rin ang paglalagay ng subtitle ng
tula sa video.
5. Ang video ng spoken word poetry ay dapat na i-upload sa Facebook group na “PGCHS
ComArts/KomArte2018” sa mismong araw ng Agosto 20, 2018. Sa pag-upload ng videos,
kinakailangan na nakalagay sa post ang numero lamang ng kalahok. Ipinagbabawal ang pagsama
ng pangalan ng kalahok o seksyon na kinabibilangan sa mismong video.
6. Ang mga sumusunod na kraytirya ang pagbabatayan ng mananalo:

Nilalaman/Mensahe ng Tula - 40%

Kagalingan sa Performance at Delivery - 30%

Orihinalidad - 15%

Videography - 10%

Epekto sa Madla - 5%

Total 100%

PANUNTUNAN SA PALIGSAHAN ng REVERSE SPOKEN WORD POETRY via VIDEO

1. Ang paligsahan na ito ay bukas sa lahat ng mag-aaral ng PGCHS Senior High School.
2. Ito ay nararapat na orihinal na isinulat o gawa at tinatalakay ang tema ng Buwan ng Wika 2018:
“Filipino: Wika ng Saliksik.” Ang wika na maaaring gamitin ay Filipino lamang.
3. Ang reverse spoken word poetry via video ay dapat tumagal ng lima hanggang anim na minuto
lamang.
4. Hindi maaaring makita sa video ang mukha ng mga kalahok. Tanging ang tula lamang, voice
dubbing/narration at tugtog o background music/sound ang dapat na makikita o maririnig sa
video.
5. Ang video ng reverse spoken word poetry ay dapat na i-upload sa Facebook group na “PGCHS
ComArts/KomArte2018” sa mismong araw ng Agosto 23, 2018. Sa pag-upload ng videos,
kinakailangan na nakalagay sa post ang numero lamang ng kalahok. Ipinagbabawal ang pagsama
ng pangalan ng kalahok o seksyon na kinabibilangan sa mismong video.
6. Ang mga sumusunod na kraytirya ang pagbabatayan ng mananalo:

Nilalaman/Mensahe ng Tula - 40%

Kagalingan sa Voice Delivery - 30%

Orihinalidad - 15%

Videography - 10%

Epekto sa Madla - 5%

Total 100%

You might also like