You are on page 1of 4

Unang Pagbasa

Tunay na sagana ang pagpapala ng Diyos sa kanyang liping


hinirang. Sa gitna ng mga pagsuway natin sa kanya, di pa rin niya
tayo pinababayaan bagkus lalong nagiibayo ang kanyang
pagmamahal.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo


Noong mga araw na iyon, ang mga Israelita’y nagreklamo kina Moises
at Aaron. Sinabi nila, “Mabuti pa sana’y pinatay na kami ng Panginoon
sa Ehipto. Doon, nakakakain kami ng karne at tinapay hanggang gusto
namin. Dito naman sa ilang na pinagdalhan ninyo sa amin, mamamatay
kami sa gutom.” Sinabi ng Panginoon kay Moises, “Pauulanan ko kayo
ng tinapay mula sa langit. Araw-araw, palalabasin mo ng bahay ang
mga tao para mamulot ng kakanin nila sa maghapon. Sa pamamagitan
nito’y susubukin ko kung hanggang saan nila susundin ang aking mga
tagubilin. Narinig ko ang reklamo ng mga Israelita. Sabihin mo sa
kanila na pagtatakip-silim, bibigyan ko sila ng karne. Sa umaga,
bibigyan ko sila ng tinapay hanggang gusto nila. Sa gayo’y malalaman
nilang ako ang Panginoon, ang kanilang Diyos.” Nang magtakip-silim,
dumagsa sa kampo ang napakaraming pugo. Kinaumagahan naman ay
makapal na makapal ang hamog sa paligid ng kampo. Nang mapawi
ang hamog, nakita nilang ang lupa’y nalalatagan ng maliliit at
maninipis na mga bagay na animo’y pinipig. Hindi nila alam kung ano
iyon, kaya nagtanungan sila, “Ano kaya ito?” Sinabi ni Moises, “Iyan
ang tinapay na bigay sa inyo ng Panginoon.”

─Ang Salita ng Diyos

Ika-18 na Linggo sa Karaniwang Panahon


Salmong Tugunan

T – Panginoon ang nagbigay ng pagkaing bumubuhay.

1. Ito’y aming narinig na, kaya naman aming alam, nagbuhat sa


aming nuno na sa ami’y isinaysay. Totoong kahanga-hanga ang
tinutukoy na bagay, mga ginawang dakila ng Panginoong
Maykapal. T

2. Gayon pa man, itong Diyos nag-utos sa kalangitan, at ang mga


pinto nito’y agad-agad na nabuksan. Bunga nito, ang pagkai’y
bumuhos na parang ulan, ang pagkain nilang manna, sa
kanila’y ibinigay. T

3. Ang kaloob na pagkai’y pagkain ng mga anghel, hindi sila


nagkukulang, masagana kung dumating. Inihatid sila ng D’yos
sa banal niyang lupain, sa bundok niyang inagaw sa kalabang
naniniil. T

4. Matuwid ang Diyos sa lahat ng bagay niyang ginagawa; kahit


ano’ng gawin ay kalakip doon ang habag at awa. Siya’y
nakikinig at handang tumulong sa lahat ng tao, sa sinumang
taong pagtawag sa kanya’y tapat at totoo. T

Ika-18 na Linggo sa Karaniwang Panahon


Ikalawang Pagbasa
Pinaaalalahanan tayo ni San Pablo na mamuhay nang marangal
at may takot sa Maykapal. Mangyayari lamang ito lung tutupdin
natin nang may pagpapakumbaba ang mga aral ni Jesus.

Pagbasa mula sa Sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-


Efeso
Mga kapatid, sa ngalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko’t iginigiit:
huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga Hentil. Walang
kabuluhan ang kanilang iniisip. Hindi ganyan ang natutuhan ninyo
kay Kristo - kung talagang pinakinggan ninyo ang aral niya at
naturuan kayo ng katotohanang na kay Hesus. Iwan na ninyo ang
dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang dating pagkatao, na
napapahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa
at pag-iisip; at ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na
nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at
kabanalan.
─ Ang Salita ng Diyos

Ika-18 na Linggo sa Karaniwang Panahon


Panalangin ng Bayan
P — Manalangin tayo sa Ama upang mapahalagahan natin ang mga
bagay na ukol sa paghahari ng Diyos. Puno ng pagtitiwala,
idalangin natin:
T – Panginoon, dinggin mo ang iyong bayan..
1. Matamo nawa ng bawat Kristiyano ang tunay na kahulugan at
halaga ng banal na Eukaristiya: manalangin tayo.T

2. Maging saksi nawa ang mga obispo, mga pari, at mga diyakono
sa paghahari ng Diyos sa pamamagitan ng kanilang taimtim na
panalangin at paglilingkod sa mga mahihirap: manalangin
tayo.T

3. Maipadama nawa ng mga namumuno sa pamahalaan ang pag-


asa at galak sa mga maysakit at naghihikahos sa buhay:
manalangin tayo. T

4. Manahan nawa ang lahat ng mga yumao sa piling ng Diyos sa


kaluwalhatian ng kanyang kaharian: manalangiii tayo. T

P — Dakilang Ama, isinugo mo si Jesus upang maging Tinapay ng


Buhay. Sa pamamagitan niya dinggin mo ang aming mga
panalangin at palaguin mo kami sa kabutihan at kabanalan, ngayon
at magpakailanman.

B — Amen.

Ika-18 na Linggo sa Karaniwang Panahon

You might also like