You are on page 1of 7

URDUJA (Deskriptibong Abstrak) GAS C-Obedient

Ang pelikulang Urduja ay nais ipabatid ang paksa patungkol sa pamilya,


tradisyon, pagiibigan at kaugalian na umiinog sa bawal na pagibig. Ito rin ay
naglalayon na ipaunawa sa lahat kung gaano kahalaga ang sariling desisyon,
paninindigan at pagiibigan. Isa pa sa layunin nito ay ang mabuksan ang isipan
ng lahat sa kaugalian at tradisyon mayroon ang katutubong Pilipino noon. At
ang panghuli ay ang pagdadala at pagsasabuhay ng pelikula pabalik sa
nakaraang panahon sa pamamagitan ng pampelikulang cartoon. Bilang
pangkalahatan, ang Urduja ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa sinaunang
tradisyon at pagiibigan ng mga Pilipino na nagnanais magiwan ng aral sa
bawat manonood, bata man o matanda na tiyak na may matutunan.
Beauty and the Bestie(Deskriptibong Abstrak) GAS-B Respectful

PUBLISHED ON November 26, 2016

Ang pangunahing paksang nangingibaw sa pelikulang ito ay anumang


pagsubok na dumating ay kailangang harapin, sapagkat ito rin ang susubok sa
pagkakaibigan.Ang layunin nito ay magbigay ng kasiyahan sa mga
manunuod.Ipinapakita rin nito ang kahalagahan ng pagkakaibigan,ang
pagiging totoo sa isat isa,at ang pagtanggap sa kamalian at katangian na
mayroon ang bawat isa.Ang pangkalahatang ideya ng istoryang ito ay umiikot
sa pagmamahalan,pagkakaibigan at pagtutulungan ng bawat isa sapagkat
dito tumitibay ang samahan ng pagkakaibigan.
The Greatest Love (Deskriptibong Abstrak) GAS B – Respectful

PUBLISHED ON November 26, 2016

Ang pelikulang “The Greatest Love” ay nagpapakita ng paksang


patungkol sa pagmamahal hindi lamang sa ating sarili kung hindi ang
pagmamahal sa ating kapwa gayundin ang pagmamahal sa ating pamilya, sa
anak o higit sa lahat ay ang ating mga ina. Ang pelikulang ito ay may layuning
ipakita sa mga manonoood na sa kabila ng lahat ng problema o pagsubok na
kinakaharap ng ina ay nagagawa pa rin itong lagpasan,labanan at
magsakripisyo para sa kanyang pamilya. Ang teleseryeng ito ay nagpapakita
rin na kahit anong sakit man ang ating nararamdaman, makalimot man ang
ating puso at isipan ay hinding-hindi magagawa ng mga alaala ang makalimot
at ito ang makapagsasabi at makapagpapaalala sa atin ng lahat. Ang
pangkahalatang ideya na ipinahihiwatig ng pelikulang ito ay dapat na pag-
ibig ang pairalin ng bawat isa pag-ibig at pagmamahal hindi lamang sa sarili
kung hindi sa mga taong nakapaligid sa atin.
Ito ay isang halimbawa ng deskriptibong abstrak na nagpapatungkol sa
pelikulang The Greatest Love. Ayon sa naunang talata, pinaiiral ng pelikulang
ito ang pagmamahal ng higit sa ating kapwa. Ang layunin ng nasabing abstrak
ay magbigay kaalaman sa manonood na kahit ano mang unos ang kaharapin
ng isang ina ay patuloy itong magpupursige para maiahon ang pamilya sa
kahirapan.Nakatuon ang abstrak na ito sa pagbibigay aral na dapat pairalin
ang pag-ibig hindi lang sa sarili kundi pati na rin sa mga taong nakapalibot sa
sa‘tin at kahit anong limot natin ay patuloy na mananatiling buhay ang mga
alaala.

-Ma.Cherrylle E. Olino G12 Blk !3 HUMSS B


Ito ay nagpapakita ng isang deskriptibong abstrak patungkol sa
pelikulang Beauty and the Bestie, isang pelikulang naglalahad ng igting ng
pagmamahal sa mga kaibigan. Nangingibabaw sa paksang ito ang pagharap
ng magkakaibigan sa mga pagsubok na hahamon sa kanilang pagkakaibigan.
Ang layon ng paksang ito ay magbigay aral sa mga mambabasa at
manonood ang pagbibigay halaga sa pagkakaibigan at ang pagkakaroon ng
tiwala at pagmamahal sa bawat isa. Nakatuon ang pelikulang ito sa
tiwala,pagmamahalan,pagtutulungan at pagtanggap sa bawat isa na kasapi
ng kanilang pagkakaibigan.

-Ma.Cherrylle E. Olino G12 Blk !3 HUMSS B


Ito ay isang deskriptibong abstrak na tumatalakay sa pelikulang Urduja,
isang pelikulang patungkol sa pagpapahalaga sa sinaunang tradisyon. Umiinog
ang pelikula sa pagkakaroon ng paninindigan sa bawat hamon, sa pag-iibigan
at maging sa pagbibigay halaga sa isang desisyon. Naglalayong magbigay
aral ang pelikulang Urduja sa pagkilala sa sinaunang tradisyon mayroon ang
ating mga katutubo bata man o matanda.

-Ma.Cherrylle E. Olino G12 Blk !3 HUMSS B


Ma. Cherrylle Escollante Olino ay nakapagtapos ng Bachelor of
Secondary Edcuation, ng BS in Architecture, ng BS in Civil Engineering, ng BS in
Interior Design sa Eastern Visayas State University, Kasalukuyan siyang CEO ng
United Architect of the Philippines-Leyte Chapter sa Guindapunan Palo,Leyte.

You might also like