You are on page 1of 18

Ang

Kuwento
ng
Gamugamo
ni
Dr. Jose Rizal

1
Tinuruan si Jose ni
Donya Teodora na bumasa
sa wikang Kastila.

Isang gabi binigyan


niya si Jose ng isang
aklat, EL AMIGO DE LOS
NINOS. Sa Tagalog ang
ibig sabihin nito ay
"ANG KAIBIGAN NG
MGA BATA".
2
“Heto ang isang aklat,
Jose ang sabi ng Nanay
niya. Tignan mo kung
mababasa mo ito.”

Tinignan ni Jose Kung


mababasa niya ang aklat
sa kastila, ngunit hindi niy
ito mabasa. Kinuha ng
Nanay niya ang aklat at
ito ang sinabi niya.

3
"Ah, hindi ka pa
makababasa sa wikang
Kastila. Makinig ka at
babasahin ko ito para sa
iyo." Nang buksan niya ang
aklat, nakita niyang
maraming drowing ang
mga pahina nito.

"Sino ang may gawa ng


mga nakakatawang mga
larawan ito? Ang tanong
niya. “Ako po, Nanay".
4
"Ah ! Pilyo kang bata.
Mula ngayon huwag mong
guguhitan ng kung anu-
anong mga larawan ang
mga pahina ng alinmang
aklat?".

Matapos mapagalitan
si Jose nagsimula na
siyang magbasa sa liwanag
ng ilawang langis. Sa
simula, nakikinig si Jose
sa kanyang pagbabasa.
5
Hindi naglaon nawalan
na siya ng kawilihan. Hindi
niya maunawaan ang
binabasa ng Nanay niya.
Natawag ang pansin niya
sa ningas ng ilawang
langis.

Napansin ni Donya
Teodora na hindi nakikinig
si Jose sa kanyang binasa.
Isinara niya ang aklat.
"Makinig ka sa akin,
Jose," ang sabi niya. 6
"May ikukuwento ako
sa iyo." "Nakikinig po ako,
Nanay."

Sinimulan basahin ng
Nanay ang kuwento ng
"Batang Gamugamo".

Binasa niya ang


kuwento sa wikang kastila.
Pagkatapos, ikinuwento
niya ito kay Jose sa
Tagalog para maunawaan
ito ng bata. 7
Mayroong mag-inang
gamu-gamo ang palipad-
lipad saisang bahay.

Sa loob ng bahay ay
mayroong isang apoy na
nagniningas at
napakaliwanag na
nagmumula sa isang
lampara. Ng Makita ito
ngmunting gamu-gamo,
ito’y naakit at lumipad
patungo sa kinaroroonan
ng lampara. 8
Bago pa man tuluyang
makalayo ang munting
gamu-gamo ay pinigilan ito
ng kanyang ina.

Nagtaka ang munting


gamu-gamo kung bakit
siya pinigilan ng ina.

Nagtanong ang batang


gamu-gamo kung ano ang
dahilan.

9
Sinagot naman siya ng
kanyang ina, at sinabing,
“anak, huwag kang lalapit
sa lamparang iyon kung
ayaw mong ika’y
mapahamak.

Nagtanong ang
munting gamu-gamo sa
kanyang ina kung bakit
hindi siya maaaring
lumipad sa maganda at
kaakit-akit na liwanag na
nagmumula sa lampara. 10
Ang sabi ng kanyang
ina ay, “maaaring maganda
at kaakit-akit ang liwanag
na nagmumula sa lampara
ngunit ito’y iyong
ikapapahamak. Susunugin
nito ang iyonhg pakpak at
hindi na muling makalilipad
pa.”

Hiniling ng inang
munting gamu-gamo na
pakatandaan ang bilin nito
sa kanya. 11
Nang sumunod na gabi
ay napadakong muli sa
bahay na iyon ang munting
gamu-gamo.

Sa pagkakataong iyon
ay hindi niya kasa-kasama
ang kanyang ina. Nakita
niyang muli ang maganda
at kaakit-akit na liwanag
na nagmumula sa lampara.

12
Dahil sa wala ang
kanyang ina at masyado
itong abala. Ang munting
gamu-gamo ay tuwang-
tuwa sa liwanag na
kanyang nakikita.

Tila isang bato-balani


ang liwanag na nagmumula
sa lampara kung kaya
naman ay marahan nitong
ikinampay ang mga pakpak
at lumipad patungo sa
lampara. 13
Nawala na sa isipan ng
munting gamu-gamo ang
bilin ng kanyang ina na
huwag itong lalapit sa
lampara.

Nagpaligid-ligid ito sa
palibot ng liwanag ng
walang anumang
nadaramang panganib.

14
Patuloy ang
pagkampay ng pakpak nito
sa paligid ng lampara at
lalo pang bumilis,
hanggang sa siya’y
tuluyang mapalapit sa
nagniningas na apoy ng
lampara at nadikit ang
kanyang mga pakpak.

Pagkaraa’y nasunog
ang mga ito maging ang
kanyang katawan
15
Sumisigaw ito at
tinatawag ang kanyang ina,
habang patuloy ang
pagtangis nito sa sakit na
kanyang nararamdaman.

Ang kanyang ina ay


alalang alala sa pagkawala
ng kanyang anak. Hinanap
niya ito ng hinanap, maya-
maya’y nakita nito ang
anak na tumatangis sa
sakit at nakahandusay sa
paanan ng lampara. 16
Mabilis nitong
nilapitan ang anak na noo’y
malalagot na ang buhay.

Malungkot na
malungkot ang inang
gamu-gamo sa sinapit
ngkanyang anak. Humingi
ng tawad ang munting
gamu-gamo na malapit ng
mawalan ng buhay.

17
Humingi ito ng tawad
sa inang umiiyak, sapagkat
kinalimutan niya ang bilin
ng kanyang ina. Labis ang
pagsisisi ng munting gamu-
gamo hanggang sa ito’y
tuluyang mawalan ng
buhay.

18

You might also like