You are on page 1of 45

TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED

www.facebook.com/TANGGOLWIKA

REPUBLIKA NG PILIPINAS
KATAAS-TAASANG HUKUMAN
Maynila

Dr. Bienvenido Lumbera (Pambansang Alagad


ng Sining at Professor Emeritus, University of
the Philippines/UP); Cong. Antonio Tinio (ACT
Teachers' Partylist); Cong. Fernando “Ka
Pando” Hicap (Anakpawis Partylist at
tagapangulo ng PAMALAKAYA); Cong. James
Mark Terry Ridon Kabataan Partylist); Dr.
Rhoderick Nuncio (Vice-Dean, ng Kolehiyo ng
Malalayang Sining, De La Salle
University/DLSU); Prop. Aura Abiera
(Tagapangulo ng Departamento ng Filipino at
Panitikan ng Pilipinas saUniversity of the
Philippines-Diliman); Dr. Ernesto Carandang II
(Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, De
La Salle University-Manila); Dr. Roberto Ampil
(Tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng
University of Santo Tomas); Prop. Marvin Lai
(Tagapangulo ng Departamento ng
Filipinolohiya ng Polytechnic University of the
Philippines/PUP); Prop. Nelson Ramirez
(Tagapangulo ng Departamento ng Filipino,
University of the East/UE-Manila); Dr. Ester
Rada (Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino,
San Beda College-Manila); Prop. Jorge Pacifico
Cuibillas (Tagapangulo ng Departamento ng
Filipino, Far Eastern University-Manila); Prop.
Andrew Padernal (Tagapangulo ng Kagawaran
ng Filipino, Pamantasan ng Lungsod ng
Pasig/PLP); Prop. Michael Domingo Pante
(Faculty Member sa History Department, Ateneo
de Manila University); Benjamin Valbuena
(Tagapangulo ng Alliance of Concerned
Teachers/ACT-Philippines); Dr. Priscilla Ampuan
(Pangulo ng Quezon City Public School
Teachers’ Association/QCPSTA); Prop. Carl
Marc Ramota (Pangulo ng Alliance of
Concerned Teachers-State Universities and
Colleges/ACT-SUC); Dr. Rowell Madula (Pangulo
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

ng Alliance of Concerned Teachers-Private


Schools/ACT-Private);
Dr. Aurora Batnag (Pangulo ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino/PSLLF); Dr. Judy Taguiwalo (Full
Professor sa College of Social Work and
Community Development, UP Diliman); Dr.
Danilo Arao (Associate Professor sa Department
of Journalism, College of Mass Communication,
UP Diliman; Dr. David Michael San Juan
(Executive Council Member ng National
Commission for Culture and the Arts-National
Committee on Language and Translation/NCCA-
NCLT); Ronnel B. Agoncillo Jr., (Pangulo ng
Philippine Normal University/PNU-Student
Government); Dr. Reuel Molina Aguila (Palanca
Hall of Famer at Tagapayo ng KATAGA-
Samahan ng mga Manunulat sa Pilipinas);
Ericson Acosta (manunulat at dating bilanggong
politikal, at kasapi ng Anakpawis Partylist);
Prop. Adrian Balagot (Direktor ng Center for
Continuing Education, Pamantasan ng Lungsod
ng Marikina/PLMar); Prop. Penafrancia Raniela
Barbaza (Associate Professor, Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of
the Philippines-Diliman); Prop. Herman Manalo
Bognot (Faculty Member sa Department of
European Languages, University of the
Philippines); Prop. Laurence Marvin Castillo
(Instructor sa Department of Humanities,
University of the Philippines-Los Baños); Dr.
Antonio Contreras (Full Professor sa Political
Science Department, De La Salle
University/DLSU); Prop. Ramilito Correa ay
(Pangulo ng Sanggunian sa Filipino/SANGFIL);
Gerome Nicolas De la Peña (Pangulo ng
Samahan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang
Filipino,SamFil-Pamantasan ng Lungsod ng
Pasig/PLP); Prop. Wennielyn Fajilan ay Faculty
Member ng Departmento ng Filipino, University
of Santo Tomas); Flody Fernandez (Pangulo ng
Ramon Magsaysay High School (Cubao) Faculty
Club); Prop. Santiago Flora (Vice-President for
Operations ng Quezon City Polytechnic
University); Prop. Melania Flores (National PRO
ng All UP Academic Employees' Union,
University of the Philippines/UP); Dr. Lakandupil
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Garcia (Full Professor ng Departamento ng


Filipino, De La Salle University-Dasmariñas; Dr.
Fanny Garcia (Palanca Awardee at Faculty
Member ng Departamento ng Filipino, De La
Salle University/DLSU); Prop. Jonathan
Geronimo (Coordinator ng KATAGA-Manila at
Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng
University of Santo Tomas/UST); Prop.
Vladimeir Gonzales (Assistant Professor sa
Departmento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas-University of the Philippines-Diliman);
Prop. Ferdinand Pisigan Jarin (Palanca Awardee
at Pangulo ng KATAGA-Samahan ng mga
Manunulat sa Pilipinas); John Robert
Magsombol (Pangulo ng University of Santo
Tomas-Panulat; Prop. Joel Malabanan
(Tagapayo ng Kapisanang Diwa at
Panitik/KADIPAN sa Philippine Normal
University/PNU); Prop. Dennis Mangubat
(Faculty Member ng Departamento ng Filipino
ng San Beda College-Manila); Prop. Joanne
Manzano (Faculty Member ng Departmento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas-University of
the Philippines-Diliman); Prop. Bernadette Neri
(Assistant Professor sa Departamento ng
Filipino at Panitikan ng Pilipinas, University of
the Philippines-Diliman); Raymond Palatino
(Tagapangulo ng Bagong Alyansang
Makabayan/BAYAN-National Capital Region);
Prop. April Perez (Assistant Professor sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas, University of the Philippines-Diliman);
Prop. Jayson Petras (Deputy Director ng
Institute of Creative Writing, University of the
Philippines-Diliman); Prop. Crizel Sicat-de Laza
(Katuwang ng Kalihim ng Sanggunian ng
Filipino/SANGFIL at Faculty Member sa
Departamento ng Filipino ng University of Santo
Tomas/UST); Prop. Dennis Joseph Raymundo
(Faculty Member ng Kalayaan College); Dr.
Beverly Sarza (Faculty Member ng Philosophy
Department, De La Salle University-Manila); Dr.
Raquel Sison-Buban (Associate Professor sa
Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila); Prop. Vivencio M. Talegon,
Jr. (Full-Time Faculty sa University of Asia and
the Pacific, Ortigas Center, Pasig); Isaac Ali
Tapar (Pangulo ng Manila Science High School
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Faculty Association); Dr. Dolores Taylan


(Associate Professor sa Departamento ng
Filipino, De La Salle University-Manila); Dr. Alita
Tepace (Propesor sa Philippine Normal
University-Manila); Prop. Om Narayan Velasco
(Instructor sa University of the Philippines-Los
Baños); Andrea Jean Yasoña (Pangulo ng
Kapisanang Diwa at Panitik-PNU); Prop. Reynele
Bren Zafra (Faculty Member ng Departamento
ng Filipino ng University of Santo Tomas); Dr.
Ruby Alunen (Faculty Member ng Departamento
ng Filipino ng De La Salle University-Manila);
Prop. Bayani Santos, Jr. (Faculty Member ng
Departamento ng Filipino ng Manuel Luis
Quezon University/MLQU); Prop. Christo Rey
Albason (Guro sa Sining ng Bayan/GUSI)l; Prop.
Lilibeth Oblena-Quiore (Faculty Member ng
Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila); Prop. Danim Majerano
(Direktor ng Pananaliksik at Edukasyon,
Samahang Saliksik Pasig, Inc.); Rustum Casia
(KM 64 Poetry Collective); Charisse Bernadine
Bañez (Tagapagsalita ng League of Filipino
Students/LFS); Dr. Jennifor Aguilar
(Chairperson ng Department of Elementary and
Secondary Education ng Polytechnic University
of the Philippines/PUP); Prop. Moreal Nagarit
Camba (Tagapangulo ng Departamento ng
Filipino, University of Asia and the Pacific –
Pasig); Prop. Cleve Arguelles (Chairperson ng
Political Science Program, Department of Social
Sciences, University of the Philippines-Manila);
Dr. Maria Lucille Roxas (Faculty Member sa
Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila); Prop. Voltaire Villanueva
(Faculty Member sa Philippine Normal
University); Dr. Josefina Mangahis (Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La
Salle University-Manila); Prop. Emma Sison
(Faculty Member sa Departamento ng Filipino
ng De La Salle University-Manila); Ayleen Ortiz
(manunulat); Prop. Efren Domingo (Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La
Salle University-Manila); Prop. Leslie Anne
Liwanag (Faculty Member sa Departamento ng
Filipino ng De La Salle University-Manila); Dr.
Lakangiting Garcia (Faculty Member sa
Departamento ng Filipino ng De La Salle
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

University-Manila); Prop. Mirylle Calindro


(Faculty Member sa Departamento ng Filipino
ng De La Salle University-Manila); Dr.
Lakandupil Garcia (Faculty Member sa
Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Dasmariñas); Dr. Dexter Cayanes
(Faculty Member sa Departamento ng Filipino
ng De La Salle University-Manila); Dr. Teresita
Fortunato (Faculty Member sa Departamento ng
Filipino ng De La Salle University-Manila); Dr.
Ma. Rita Aranda (Faculty Member sa
Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila); Dr. Emma Basco (Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La
Salle University-Manila).

Mga Petisyoner,

- laban kina - G.R. S.P. NO.


_______________

PANGULONG BENIGNO SIMEON “NOYNOY” C.


AQUINO III, at PUNONG KOMISYUNER NG
KOMISYON SA LALONG MATAAS NA
EDUKASYON/COMMISSION ON HIGHER
EDUCATION (CHED) DR. PATRICIA LICUANAN
Mga Respondent.
X -------------------------------------------------------------------------X

PETISYON PARA SA CERTIORARI AT PROHIBITION


(MAY KASAMANG KAHILINGAN PARA SA TEMPORARY
RESTRAINING ORDER AT/O WRIT OF PRELIMINARY
INJUNCTION)

ANG MGA PETISYONER, sa pamamagitang ng kanilang


abugado, at sa Pinagpipitaganang Hukumang ito, ay buong-galang
na ipinapahayag na:

PANIMULA
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“Ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, [ay] isang


makabuluhang pangkulturang muhon para sa pambansang
pagkakakilanlan. Ngunit higit sa karaniwang pangkulturang muhon,
ang isang wikang pambansang nagsisilbing pahatiran ng
komunikasyon sa pagitan ng mga etno-lingwistikal na grupo at uri ay
magbibigay-daan sa pagkakaisa at pagkakaroon ng kapangyarihan
ng ating mamamayan.”1

Binigkas ito ni Wilfrido V. Villacorta, isa sa mga Komisyuner ng


1986 Constitutional Commission, nang kanyang ipinanukala ang mga
probisyong kalauna’y naging Artikulo XIV sa Saligang Batas ukol sa
edukasyon, wika, at sining.

Papatayin ng Bagong General Education Curriculum (GEC) na


nais ipatupad ng CHED sa pamamagitan ng CHED Memorandum
Order No. 20, Series of 20132 ang wikang Filipino—ang wikang
pambansa ng Pilipinas—at iba pang asignaturang mahalaga sa
pagpapatibay ng pambansang identidad, kamalayang pangkultura at
nasyonalismo gaya ng Panitikan/Literatura at Philippine Government
and Constitution.

Magreresulta rin ang CMO No. 20 sa malawakang tanggalan sa


trabaho ng humigit-kumulang 78,000 guro at manggagawa sa sektor
ng edukasyon ayon mismo sa datos ng CHED.3

Ang isang kalatas pangregulasyon na kikitil sa ating sariling


wika at mga asignaturang bahagi ng ating pambansang identidad at
kamalayan at mahalaga para sa pambansang pagsulong at dudulo
sa malawakang tanggalan ng mga maggagawa sa sektor edukasyon
ay labag sa Konstitusyon at kung gayon ay dapat agarang ibasura.

ANG PETISYON

1. Ang Petisyon na ito ay hinain ng mga namumuwisan at mga


mamamayang may-pakialam na naglalayong hilingin sa
Pinagpipitaganang Hukuman na:

1
“[O]ur Wikang Pambansa, unquestionably, [is] a significant cultural marker for national identity.
But more than simply a cultural marker, a national language serving as a communication system
across diverse ethno-linguistic groups and classes could facilitate the unification and
empowerment of our people.” Record of the Constitutional Commission No.69 (Friday, August 29,
1986)
2
CMO No. 20 sa Petisyong ito, Annex “A”
3
Annex “B”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

a. ideklarang labag sa Konstitusyon ang CHED


Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013 na
ipinatutupad ng mga Respondent at
b. pigilan ang mga Respondent sa pagpapatupad ng
nabanggit na CMO na labag sa Konstitusyon at pigilan sila sa
paggawa ng anumang hakbang na kaugnay niyon.

2. Ang hinihiling na writ of certiorari at prohibition ng mga


Petisyoner ay nakabatay sa matinding pag-abuso sa diskresyon ng
mga Respondent, na katumbas ng kawalan ng o paglagpas sa
kanilang hurisdiksyon4 nang pirmahan at ipatupad nila ang CMO No.
20 na direktang sumasalansang at lumalabag sa mga probisyong
pangwika, probisyong pang-edukasyon, at probisyon sa paggawa na
nasa Konstitusyon at nasa iba pang kaugnay na batas.

3. Wala nang simple, mabilis at sapat na remedyo sa ordinaryong


proseso ng batas para sa mga Petisyoner kundi ang pagsusumite ng
Petisyong ito, alinsunod sa Seksyon 1 at 2 ng Rule 65 ng Revised
Rules of Court.

4. Gayundin, ang kasong ito ay ihinain ng mga Petisyoner bilang


isang class action sa ilalim ng Seksyon 12 ng Rule 3 (kaugnay ng
Seksyon 2 ng Rule 17), sa ngalan ng libu-libong guro ng Filipino,
Panitikan/Literatura, at Philippine Government and Constitution sa
kolehiyo na nawalan na ng trabaho, maaaring mawalan ng trabaho, o
kaya’y mabawasan ang kita dahil sa CMO No. 20, at libu-libo pang
guro ng iba pang asignaturang apektado rin ng nasabing CMO.

5. Sapagkat ang mga aksyon ng mga Respondent ay direktang


lumalabag sa Konstitusyon, at sapagkat saklaw ng kaso ang buong
bansa, hinihiling ng mga Petisyoner, na pawang mga namumuwis at
mga may-pakialam na mamamayan, at mga mamamayang direktang
apektado rin ng CMO No. 20, sa Kagalang-galang na Kataas-taasang
Hukuman na gamitin ang kanyang malawak na kapangyarihang
magsagawa ng judicial review alinsunod sa Artikulo VIII, Seksyon 1
ng Konstitusyon.5

4
Isinasaad ng Konstitusyon sa Artikulo VIII na:
“SEKSYON 1. x x x
“Saklaw ng kapangyarihang panghukuman ang tungkulin ng mga hukuman ng
katarungan na ayusin ang nangyayaring mga sigalot na kinasasangkutan ng mga
karapatang nararapat hingin at ipatupad nang naaayon sa batas at pasyahan kung
mayroon o walang naganap na malubhang pagsasamantala sa diskresyon na
humantong sa kawalan o kalabisan sa hurisdiksyon sa panig ng alin mang sangay o
instrumentaliti ng pamahalaan.”
5
Dabuet vs Roche Pharmaceuticals, 149 SCRA 386.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

6. Ang pagsasagawa ng judicial review para suriin kung lumagpas


sa saklaw ng kanilang kapangyarihan ang sangay Ehekutibo ng
gobyerno ay bahagi ng sistema ng “checks and balances” alinsunod
sa Konstitusyon, partikular kapag ang isyu ay kaugnay ng
pambansang interes, at ang pagiging sagrado ng ating Konstitusyon.

7. Buhat din ng parehong mga kadahilanan, hinihiling ng mga


Petisyoner na mag-isyu ang Hukumang ito ng temporary restraining
order at/o writ of preliminary injunction na nag-aatas sa mga
Respondent na ihinto ang pagpapatupad ng CMO No. 20 at ang
pagsasagawa ng mga hakbang na labag sa Konstitusyon.

8. Isinailalim sa beripikasyon ng mga Petisyoner ang Petisyong ito


at sertipikadong hindi sila sangkot sa forum shopping. Ipinadala ang
mga kopya ng Petisyon sa mga respondent sa pamamagitan ng
rehistradong kalatas. Ang affidavit of service ay kalakip ng Petisyong
ito. Binayaran na rin ang docket fees sa pagsasampa ng Petisyon.

MGA REKISITO NG JUDICIAL REVIEW

9. Tangan ng Petisyong ito ang mga sumusunod na rekisito para


sa judicial review ayon sa jurisprudence:

a. isang nangyayaring sigalot o aktwal na kaso o


kontrobersiyang nangangailangan ng pagganap ng
kapangyarihang panghukuman;
b. ang karapatang tuligsain ang ligalidad ng paksang kilos,
batas, o regulasyon (subject act or issuance) bunga ng
personal at tunay na interes sa kaso, sa punto na ang partidong
naghain ng kaso ay nakaranas na o dadanas ng tiyak na
pinsala bilang resulta ng implementasyon nito;
c. ang isyu ng pag-alinsunod sa Saligang Batas ay inihapag sa
pinakakagyat na pagkakataon (earliest opportunity); at
d. ang isyu ng pag-alinsunod sa Saligang Batas ay ang
pinakalaman (lis mota) ng kaso.6

10. Ang pagpapalabas ng mga Respondent ng CMO No. 20 ay


nagbunsod ng aktwal na sigalot na nangangailangan ng pagganap
ng Korte Suprema sa kaniyang kapangyarihang panghukuman. Ang

6
La Bugal-B’laan Tribal Association v. Victor O. Ramos, G.R. No. 127882, 27 January 2004
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

nasabing sigalot ay hindi lamang haka-haka o opinyon ng mga


Petisyoner dahil bunsod ito ng at makikita mula sa obhetibong mga
kundisyon na nilikha na at tiyak na lilikhain ng CMO No. 20—

a. Ang pagkawala ng Filipino bilang asignatura ay kitang-


kita sa Seksyon 3 ng CMO No. 20 (Revised Core Courses).
Hindi ito kabilang sa 24 yunit ng core courses at siyam na yunit
ng elective courses. Lalong hindi ito ang sakop ng tatlong yunit
ukol sa buhay at mga gawa ni Rizal.

b. Ang mga naganap na at magaganap pang tanggalan ay


natural at di maiiwasang resulta ng pagkawala ng Filipino
bilang asignatura. Dahil mawawala ang mga yunit na dating
itinuturo ng mga instruktor at propesor ng Filipino, sa panahong
lubusang kani-kaniyang gagamitin na mga kolehiyo at
unibersidad ang bagong takdang kurikulum, hindi na sila
bibigyan ng load na kadalasang binibigay sa kanila.

c. Ang pagpatay naman sa Filipino bilang midyum sa


pagtuturo ay malinaw rin sa Seksyon 3 na nagsasabing “The
general education courses maybe [sic] taught in English or
Filipino,” bagay na tahasang tiwalag sa kasalukuyang polisiya
ng CHED na nakatakda at di lamang boluntaryo ang paggamit
ng Filipino sa pagtuturo alinsunod sa CMO No. 59, Series of
19967 na nagsasabing “Courses in the Humanities and Social
Sciences should preferably be taught in Filipino” at sa utos sa
estado ng Konstitusyon na “puspusang itaguyod ang paggamit
ng Filipino x x x bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.”8

d. Tiyak na dudulo ang pagtanggal sa Wikang Filipino at


mga kaugnay na asignatura sa pagkahinto sa pagpapayabong
sa kultura at pagpapalawak ng at paglinang sa maka-Pilipino at
maka-mamamayang kamalayan.

11. Hinihiling ng mga Petisyoner na ituring ng Hukumang ito bilang


bahagi ng kaniyang judicial notice ang mga balitang-ulat ukol sa (1)
mga nagaganap nang mga tanggalan ng mga instruktor at propesor
sa Filipino9, Panitikan/Literatura at Philippine Government and
Constitution, at mga kaugnay na asignatura at (2) mga plano ng mga

7
Annex “C”
8
Artikulo XIV, Seksyon 6
9
Annex “D”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

eskwelahan sa tersaryang antas na lusawin o bawasan ng malaki


ang mga Departamento ng Filipino10.

12. Pinapaabot ng mga Petisyoner na instruktor at propesor sa


Hukumang ito na simula Marso 2014, nagpahiwatig sa kanila ang
mga administrasyon ng kanilang mga eskwelahan, sa pamamagitan
ng mga indibidwal na pag-uusap o pagpupulong sa mga union,
faculty association, o department, ng plano bilang pagtugon sa
bagong kurikulum—hindi na sila bibigyan ng teaching loads,
babawasan ang mga ito, tatanggalin o paliliitin ang mga
Departamento ng Filipino (sa mga kaunting kolehiyo at unibersidad
na mayroon nito), at mga katulad na balakin.

13. Sa ilang paaralan ay tahasan nang nilusaw ang Departamento


ng Filipino, may planong lusawin ang Departamento ng Filipino,
inanunsyo na ang pagkawala ng teaching load ng mga part-time na
instruktor/propesor ng Filipino sa ilang paaralan, tahasang ginagamit
na ring argumento ng ilang paaralan ang CMO No. 20 sa hindi
pagrerenew ng mga kontrata ng mga gurong probationary, at
nakaamba na rin ang posibleng pagtatanggal sa trabaho11 maging ng
mga permanenteng instruktor/propesor bunsod ng CMO No. 20.

14. Bagamat hindi nakasaad ang mga planong ito sa memo at


anumang uri ng kasulatan na makakapagpatunay sa mga balaking
ito,12 pinapatunay ng mga Petisyoner, sa bisa ng kanilang Verification
sa Petisyong ito, na tunay na naganap ang nasabing pag-uusap at
pagpupulong sa kanila ng kanilang mga administrasyon.

15. Taglay ng mga class petitioners, sa kanilang mga sarili at para


sa ibang guro, namumuwisan, at mamamayang kabilang sa class
action na ito, ang karapatang tuligsain ang ligalidad ng CMO No. 20
na paksa ng Petisyong ito. Ang karapatang ito ay bunga ng kanilang
interes na tunay at personal dahil sila ay mga gurong mismong
tatamaan ng nasabing CMO, na mawawalan ng trabaho o
mababawasan ng kita at benepisyo dulot ng pagkawala ng Filipino at
iba pang asignaturang tinuturo.

10
Annex “E”
11
Annex “F”
12
Dahil na rin sa pag-iwas ng mga eskwelahan na magkaroon ng indikasyon ng paglabag sa
regulasyon at pahayag ng CHED, DOLE, TESDA, at DepEd na nagsasabing bawal magkaroon ng
tanggalan kaugnay sa K to 12 bago dumating ang simula ng transition period sa 2016 (zero
enrolment sa first at second year dahil sa pagsisimula ng senior high school). (Joint Guidelines
on the Implementation of the Labor and Management Component of Republic Act No. 10533,
Annex “G”)
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

16. May interes din ang mga Petisyoner, bilang mamamayan ng


Pilipinas at namumuwisan, sa pagpapanatili ng Filipino sa mga
paaralan sa lahat ng antas bilang asignatura at midyum sa pagtuturo.
Bilang mga Pilipino, nais nilang mapanatiling buhay ang pambansang
wika—ang wikang tanda ng pagka-Pilipino, na ginagamit ng bawat
isa sa atin sa araw-araw, minana pa mula sa ating mga ninuno, at
nilalayong ipamana sa mga sumusunod na henerasyon. Higit pa,
nais ng bawat Pilipino na siguruhing payayabungin ito at
pagyayamanin ng pamahalaan, puspusang itataguyod ito bilang wika
ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon gaya ng itinakda ng
Saligang Batas.

17. Bilang mga namumuwisan, nasa interes ng mga Petisyoner na


siguruhing lahat ng kanilang ibinayad na buwis ay gagamitin sa mga
hakbanging hindi sumusuway sa batas at Konstitusyon, hakbanging
gaya ng pagbubura sa pambansang wika sa edukasyong tersyarya.

18. Ang gagamitin ng CHED sa implementasyon ng CMO No. 20


ay pampublikong pondo, sa pagtitiyak na ang bagong kurikulum ay
ginagamit pareho ng mga pampubliko at pribadong eskwelahan.
Malinaw rin ang paglabag ng CMO sa mga takda ng Konstitusyon at
batas.13

19. Ang isyu ng paglabag ng CMO sa Saligang Batas ay inihapag


sa pinakakagyat na pagkakataon, na pinapakahulugan ng Hukumang
ito na sa punto ng isang pleading na hinain sa korteng may sapat na
kapangyarihan upang dinggin ang mga isyu rito.14 Ang CMO No. 20
ay hindi maaaring kwestyunin sa CHED sa ilalim ng Rules of
Procedure nito, at walang mala-panghukumang hakbang o proseso
sa harap ng CHED na maaaring magbigay dito ng kapangyarihang
resolbahin ang mga isyung konstitusyonal.

20. Ang isyu ng pag-alinsunod sa Saligang Batas ay ang


pinakalaman o lis mota ng kasong ito, at walang ibang batayan
upang resolbahin ang kasong ito bukod sa isyu ng pagsunod ng
CMO No. 20 sa Konstitusyon.

21. Ginawa na ng mga Petisyoner ang lahat na maaaring hakbang


sa antas ng CHED, kabilang ang makailang-ulit na dayalogo at
pampublikong apila sa tanggapan ni Kalihim Licuanan, upang
hikayatin siya na mas masusing pag-aralan pa ang bagong kurikulum
at ibasura ang CMO No. 20.
13
Francisco v. House of Representatives, 460 Phil. 838, 899 (2003)
14
Matibag v. Benipayo, G.R. No. 149036, 2 April 2002
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

22. Sa huli ay inaasahan ng mga Petisyoner na ideklara ng Kapita-


pitagang Hukuman na ito na labag sa Konstitusyon ang CMO No. 20
sa basihan ng nakapangingibabaw na kahalagahan (transcendental
importance) ng paksa at mga isyung nakapaloob sa kasong ito.
Malinaw na ang usapin ng wikang pambansa ay interes at
katungkulan ng bawat Pilipino di lamang yaong mga nabubuhay sa
kasalukuyan kundi pati na rin ang mga mabubuhay pa sa hinaharap.
Ang usapin ng kurikulum na tinatakda ng CMO No. 20 ay
sumasaklaw din sa buong sistemang edukasyon sa antas tersarya at
makakapagpasya kung mapapayabong nga ang pambansang wika—
isang esensyal na bahagi ng ating kultura at kasaysayan—o
maiwawaglit ito sa kolektibong kasanayan at alaala ng sambayanan.
Nakatali rin sa usaping wika at kurikulum ang propesyon at
kabuhayan ng libu-libong instruktor at propesor.

Pagiging Napapanahon ng Petisyon

23. Isinantabi at hindi pinakinggan ng CHED ang mga argumento


ng mga nagpepetisyon na ipinahayag sa mga naunang diyalogo, mga
posisyong papel15, sa resolusyon ng National Commission on Culture
and the Arts-National Committee on Language and
Translation/NCCA-NCLT, Komisyon sa Wikang Filipino/KWF at
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
16
Filipino/PSLLF , at mga publikong asembliya mula noong Hunyo 21,
201417 hanggang noong ilabas ng CHED ang isang press statement
– na may petsang Nobyembre 27, 201418 – na nagbigay-diin na
ibinasura ng CHED ang kahilingang rebisahin ang CMO No. 20,
Series of 2013. Katunayan, halos inulit lamang ng CHED ang
pahayag nito noong Hunyo 23, 201419.

24. Hindi rin umaksyon ang Malakanyang sa hinaing ng mga


Petisyoner, sa kabila ng katotohanan na isyung publiko na at inireport
na sa iba’t ibang midya ang usaping ito20 at nagsimula na ang CHED
at ang mga kolehiyo at unibersidad sa pagpapatupad ng nasabing
CMO na magdudulot ng malawakang tanggalan sa trabaho at
tahasang paglabag sa probisyong pangwika na nasa Konstitusyon.

15
Annexes “H” to “L”
16
Annexes “E,” “M,” and “N”
17
Annexes “O” to “Q”
18
Annex “R”
19
Annex “S”
20
Annex “F”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

25. Samakatwid, napapanahon ang Petisyong ito upang maihinto


ang implementasyon ng CMO No. 20, Series of 2013 na tahasang
paglabag sa Konstitusyon, at upang maihinto rin ang malawakang
tanggalan ng trabaho na nagaganap na at lalo pang lalawak habang
dumaraan ang mga araw at nalalapit ang 2016.

ANG MGA PANIG

Ang Mga Petisyoner


26. Ang Petisyoner na si Dr. Bienvenido Lumbera ay
Pambansang Alagad ng Sining at Professor Emeritus, University of
the Philippines/UP.
27. Ang Petisyoner na si Cong. Antonio Tinio ay Kinatawan ng
ACT Teachers' Partylist.
28. Ang Petisyoner na si Cong. Fernando “Ka Pando” Hicap
ay Kinatawan ng Anakpawis Partylist at tagapangulo ng
PAMALAKAYA.
29. Ang Petisyoner na si Cong. James Mark Terry Ridon ay
Kinatawan ng Kabataan Partylist).
30. Ang Petisyoner na si Dr. Rhoderick Nuncio ay Vice-Dean,
ng Kolehiyo ng Malalayang Sining, De La Salle University/DLSU).
31. Ang Petisyoner na si Prop. Aura Abiera ay Tagapangulo ng
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas saUniversity of the
Philippines-Diliman.
32. Ang Petisyoner na si Dr. Ernesto Carandang II ay
Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, De La Salle University-
Manila.
33. Ang Petisyoner na si Dr. Roberto Ampil ay Tagapangulo ng
Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas.
34. Ang Petisyoner na si Prop. Marvin Lai ay Tagapangulo ng
Departamento ng Filipinolohiya ng Polytechnic University of the
Philippines/PUP.
35. Ang Petisyoner na si Prop. Nelson Ramirez ay Tagapangulo
ng Departamento ng Filipino, University of the East/UE-Manila.
36. Ang Petisyoner na si Dr. Ester Rada ay Puno ng Kagawaran
ng Filipino, San Beda College-Manila.
37. Ang Petisyoner na si Prop. Jorge Pacifico Cuibillas ay
Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, Far Eastern University-
Manila.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

38. Ang Petisyoner na si Prop. Andrew Padernal ay


Tagapangulo ng Kagawaran ng Filipino, Pamantasan ng Lungsod ng
Pasig/PLP
39. Ang Petisyoner na si Prop. Michael Domingo Pante ay
Faculty Member sa History Department, Ateneo de Manila University.
40. Ang Petisyoner na si Mr. Benjamin Valbuena ay
Tagapangulo ng Alliance of Concerned Teachers/ACT-Philippines.
41. Ang Petisyoner na si Dr. Priscilla Ampuan ay Pangulo ng
Quezon City Public School Teachers’ Association/QCPSTA.
42. Ang Petisyoner na si Prop. Carl Marc Ramota ay Pangulo
ng Alliance of Concerned Teachers-State Universities and
Colleges/ACT-SUC.
43. Ang Petisyoner na si Dr. Rowell Madula ay Pangulo ng
Alliance of Concerned Teachers-Private Schools/ACT-Private.
44. Ang Petisyoner na si Dr. Aurora Batnag ay Pangulo ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang
Filipino/PSLLF.
45. Ang Petisyoner na si Dr. Judy Taguiwalo ay Full Professor
sa College of Social Work and Community Development, UP Diliman.
46. Ang Petisyoner na si Dr. Danilo Arao ay Associate Professor
sa Department of Journalism, College of Mass Communication, UP
Diliman.
47. Ang Petisyoner na si Dr. David Michael San Juan ay
Executive Council Member ng National Commission for Culture and
the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-
NCLT.
48. Ang Petisyoner na si Ronnel B. Agoncillo Jr., ay Pangulo
ng Philippine Normal University/PNU-Student Government)
49. Ang Petisyoner na si Dr. Reuel Molina Aguila ay Palanca
Hall of Famer at Tagapayo ng KATAGA-Samahan ng mga Manunulat
sa Pilipinas.
50. Ang Petisyoner na si Ericson Acosta ay manunulat at dating
bilanggong politikal, at kasapi ng Anakpawis Partylist.
51. Ang Petisyoner na si Prop. Adrian Balagot ay Direktor ng
Center for Continuing Education, Pamantasan ng Lungsod ng
Marikina/PLMar.
52. Ang Petisyoner na si Prop. Penafrancia Raniela Barbaza
ay Associate Professor, Departamento ng Filipino at Panitikan ng
Pilipinas, University of the Philippines-Diliman.
53. Ang Petisyoner na si Prop. Herman Manalo Bognot ay
Faculty Member sa Department of European Languages, University
of the Philippines.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

54. Ang Petisyoner na si Prop. Laurence Marvin Castillo ay


Instructor sa Department of Humanities, University of the Philippines-
Los Baños.
55. Ang Petisyoner na si Dr. Antonio Contreras ay Full
Professor sa Political Science Department, De La Salle
University/DLSU.
56. Ang Petisyoner na si Prop. Ramilito Correa ay Pangulo ng
Sanggunian sa Filipino/SANGFIL.
57. Ang Petisyoner na si Gerome Nicolas De la Peña ay
Pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Asignaturang
Filipino,SamFil-Pamantasan ng Lungsod ng Pasig/PLP.
58. Ang Petisyoner na si Prop. Wennielyn Fajilan ay Faculty
Member ng Departmento ng Filipino, University of Santo Tomas.
59. Ang Petisyoner na si Mr. Flody Fernandez ay Pangulo ng
Ramon Magsaysay High School (Cubao) Faculty Club.
60. Ang Petisyoner na si Prop. Santiago Flora ay Vice-
President for Operations ng Quezon City Polytechnic University.
61. Ang Petisyoner na si Prop. Melania Flores ay National PRO
ng All UP Academic Employees' Union, University of the
Philippines/UP.
62. Ang Petisyoner na Dr. Lakandupil Garcia ay Full Professor
ng Departamento ng Filipino, De La Salle University-Dasmariñas.
63. Ang Petisyoner na si Dr. Fanny Garcia ay Palanca Awardee
at Faculty Member ng Departamento ng Filipino, De La Salle
University/DLSU
64. Ang Petisyoner na si Prop. Jonathan Geronimo ay
Coordinator ng KATAGA-Manila at Faculty Member ng Departamento
ng Filipino ng University of Santo Tomas/UST.
65. Ang Petisyoner na si Prop. Vladimeir Gonzales ay Assistant
Professor sa Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas-
University of the Philippines-Diliman.
66. Ang Petisyoner na si Prop. Ferdinand Pisigan Jarin ay
Palanca Awardee at Pangulo ng KATAGA-Samahan ng mga
Manunulat sa Pilipinas.
67. Ang Petisyoner na si John Robert Magsombol ay Pangulo
ng University of Santo Tomas-Panulat.
68. Ang Petisyoner na si Prop. Joel Malabanan ay Tagapayo ng
Kapisanang Diwa at Panitik/KADIPAN sa Philippine Normal
University/PNU.
69. Ang Petisyoner na si Prop. Dennis Mangubat ay Faculty
Member ng Departamento ng Filipino ng San Beda College-Manila)
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

70. Ang Petisyoner na si Prop. Joanne Manzano ay Faculty


Member ng Departmento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas-
University of the Philippines-Diliman.
71. Ang Petisyoner na si Prop. Bernadette Neri ay Assistant
Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas,
University of the Philippines-Diliman.
72. Ang Petisyoner na si G. Raymond Palatino ay Tagapangulo
ng Bagong Alyansang Makabayan/BAYAN-National Capital Region.
73. Ang Petisyoner na si Prop. April Perez ay Assistant
Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas,
University of the Philippines-Diliman.
74. Ang Petisyoner na si Prop. Jayson Petras ay Deputy
Director ng Institute of Creative Writing, University of the Philippines-
Diliman.
75. Ang Petisyoner na si Prop. Crizel Sicat-de Laza ay
Katuwang ng Kalihim ng Sanggunian ng Filipino/SANGFIL at Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng University of Santo
Tomas/UST.
76. Ang Petisyoner na si Prop. Dennis Joseph Raymundo ay
Faculty Member ng Kalayaan College.
77. Ang Petisyoner na si Dr. Beverly Sarza ay Faculty Member
ng Philosophy Department, De La Salle University-Manila.
78. Ang Petisyoner na si Dr. Raquel Sison-Buban ay Associate
Professor sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
79. Ang Petisyoner na si Prop. Vivencio M. Talegon, Jr. ay Full-
Time Faculty sa University of Asia and the Pacific, Ortigas Center,
Pasig.
80. Ang Petisyoner na si Isaac Ali Tapar ay Pangulo ng Manila
Science High School Faculty Association.
81. Ang Petisyoner na si Dr. Dolores Taylan ay Associate
Professor sa Departamento ng Filipino, De La Salle University-
Manila.
82. Ang Petisyoner na si Dr. Alita Tepace ay Propesor sa
Philippine Normal University-Manila.
83. Ang Petisyoner na si Prop. Om Narayan Velasco ay
Instructor sa University of the Philippines-Los Baños.
84. Ang Petisyoner na si Andrea Jean Yasoña ay Pangulo ng
Kapisanang Diwa at Panitik-PNU.
85. Ang Petisyoner na si Prop. Reynele Bren Zafra ay Faculty
Member ng Departamento ng Filipino ng University of Santo Tomas.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

86. Ang Petisyoner na si Dr. Ruby Alunen ay Faculty Member


ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.
87. Ang Petisyoner na si Prop. Bayani Santos, Jr. ay Faculty
Member ng Departamento ng Filipino ng Manuel Luis Quezon
University (MLQU).
88. Ang Petisyoner na si Prop. Christo Rey Albason ay
kinatawan ng Guro sa Sining ng Bayan (GUSI).
89. Ang Petisyoner na si Prop. Lilibeth Oblena-Quiore ay
Faculty Member ng Departamento ng Filipino ng De La Salle
University-Manila.
90. Ang Petisyoner na si Prop. Danim Majerano ay Direktor ng
Pananaliksik at Edukasyon, Samahang Saliksik Pasig, Inc.
91. Ang Petisyoner na si Rustum Casia ay kinatawan ng KM 64
Poetry Collective.
92. Ang Petisyoner na si Charisse Bernadine Bañez ay
tagapagsalita ng League of Filipino Students (LFS)
93. Ang Petisyoner na si Dr. Jennifor Aguilar ay Chairperson ng
Department of Elementary and Secondary Education ng Polytechnic
University of the Philippines/PUP
94. Ang Petisyoner na si Prop. Moreal Nagarit Camba ay
Tagapangulo ng Departamento ng Filipino, University of Asia and the
Pacific – Pasig.
95. Ang Petisyoner na si Prop. Cleve Arguelles ay Chairperson
ng Political Science Program, Department of Social Sciences,
University of the Philippines-Manila.
96. Ang Petisyoner na si Dr. Maria Lucille Roxas ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
97. Ang Petisyoner na si Prop. Voltaire Villanueva ay Faculty
Member sa Philippine Normal University.
98. Ang Petisyoner na si Dr. Josefina Mangahis ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
99. Ang Petisyoner na si Prop. Emma Sison ay Faculty Member
sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.
100. Ang Petisyoner na si Ayleen Ortiz ay isang manunulat.
101. Ang Petisyoner na si Prop. Efren Domingo ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
102. Ang Petisyoner na si Prop. Leslie Anne Liwanag ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

103. Ang Petisyoner na si Dr. Lakangiting Garcia ay Faculty


Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
104. Ang Petisyoner na si Prop. Mirylle Calindro ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
105. Ang Petisyoner na si Dr. Lakandupil Garcia ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Dasmariñas.
106. Ang Petisyoner na si Dr. Dexter Cayanes ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
107. Ang Petisyoner na si Dr. Teresita Fortunato ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
108. Ang Petisyoner na si Dr. Ma. Rita Aranda ay Faculty
Member sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-
Manila.
109. Ang Petisyoner na si Dr. Emma Basco ay Faculty Member
sa Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila.
110. Ang Mga Petisyoner ay pawang convenor ng Alyansa ng
Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o TANGGOL WIKA na
itinatag noong Hunyo 201421 upang labanan ang anti-Filipinong
kurikulum na ipinatutupad ng CHED sa pamamagitan ng CMO No.
20, Series of 2013.

111. Ang mga Petisyoner ay maaaring padalhan ng mga abiso ng


Kapita-pitagang Korteng ito sa adres ng Alliance of Concerned
Teachers (ACT) sa Mines corner Dipolog Streets, Barangay Vasra,
Quezon City.

112. Ipinapahayag ng mga Petisyoner na sila ay may locus standi


na magsampa ng Petisyong ito, dahil sa malinaw na personal na
interes sa isyung isasalang sa judicial review, bilang bahagi ng
publiko at ng sambayanang apektado ng isyu.

113. Gayundin, sapagkat ang implementasyon ng CMO No. 20 ay


isinasagawa gamit ang pondo ng bayan, malinaw na sila ay may
locus standi bilang mga namumuwisan.

21
Annex “T”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

114. Ang mga Petisyoner na Kinatawan ng mga Partylist ay


lumahok sa Petisyong ito sapagkat kinikilala ang pagkakaroon ng
karapatan ng mga miyembro ng Lehislatura na magsampa ng kaso
kaugnay ng usaping konstitusyonal.22

115. Ang iba pang mga instruktor at propesor at estudyante sa


Visayas at Mindanao, na mga kasapi ng at/o nakiki-isa sa mga
layunin ng TANGGOL WIKA, ay pawang nagpahayag ng pagnanais
na maging bahagi ng Petisyong ito, ngunit sila’y hindi nakahabol sa
paglagda bunsod ng suliranin sa logistics. Ipinapahayag nila ang
kanilang aktibong pakiki-isa sa class suit na ito, at binibigyang-diin
nila ang kanilang pagnanais na maging aktwal na kabahagi nito
malaon, sa pamamagitan ng interbensyon iba pang paraan. Anu’t
anuman, sila’y kinakatawan na ng mga Petisyoner bilang miyembro
ng parehong uri o grupo na saklaw ng kasong ito.

116. Ang karamihan sa mga Petisyoner ay direktang apektado ng


CMO No. 20 gaya ng naipaliwanag na sa naunang bahagi, at ang
kanilang daan-daang libong kapwa guro sa mga kolehiyo at
unibersidad ay apektado rin, kaya’t hindi praktikal na isa-isa silang
personal na magsampa ng kaso sa korte. Sa ganitong diwa,
hinihiling ng mga Petisyoner sa pamamagitan ng isang class suit
(Section 12 ng Rules of Court), ang pagpapatupad ng “one right or
cause of action pertaining or belonging in common to many persons,
not separately or several to distinct individuals”:

“A judgment in a true class suit x x x is binding under res


judicata principles upon all the members of the class, whether
or not they were before the court. It is nondivisible nature of the
right sued on which determines both the membership of the
class and the res judicata effect of the final determination of the
right.”23

Ang Mga Respondent

117. Ang Respondent na si Benigno Simeon “Noynoy” C.


Aquino III ay kasalukuyang Pangulo ng Republika ng Pilipinas, na
nagbibigay ng pahintulot sa bawat aksyon ng CHED, partikular sa
CMO No. 20 na kinukwestyon ng Petisyong ito.

22
Gonzales v. Macaraig, G.R. No. 87636. November 19, 1990, citing Tolentino v. COMELEC, G.R.
No. L-34150, 16 October 1961, 41 SCRA 702.
23
In Re: Request of Heirs of the Passengers of the Dona Paz to Set Aside the Order Dated January
4, 1988 of Judge B. D. Chingcuangco, Administrative Matter No. 88-1-646-0, 03 March 1988.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

118. Ang Respondent na si Patricia Licuanan ay kasalukuyang


Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas na
Edukasyon/Commission on Higher Education (CHED) na siyang
pangunahing nagpapatupad ng CMO No. 20.

119. Ang mga Respondent ay maaaring padalhan ng abiso ng


Kapita-pitagang Hukuman sa pamamagitan ng Office of the Solicitor
General, 134 Amorsolo Street, Makati City.

PAGLALAHAD NG MGA KATOTOHANAN

120. Noong Mayo 31, 2013, pinagtibay ng humigit-kumulang 200


guro na delegado sa Unang Pambansang Kongreso ng Pambansang
Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF), ang isang
resolusyon na tungkol sa “PAGTIYAK SA KATAYUANG
AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS
TERSYARYA24”. Reaksyon ito ng mga guro sa kumakalat na balita
na wala na sa bagong kurikulum ng kolehiyo, na noon ay inihahanda
pa lamang ng CHED, ang asignaturang Filipino.

121. Aktwal na naipadala ang resolusyong ito sa iba’t ibang


kinauukulang tanggapan, kasama na ang CHED, ngunit hindi
tumugon dito ang CHED.

122. Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggigiit


ng mga guro na hindi dapat patayin ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo sapagkat:

“sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang


intelektwalisasyon ng Filipino sa pamamagitan ng pananaliksik,
malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang pangmadla at
kaalamang pangmidya.”

123. Noong Hunyo 28, 2013, inilabas ng CHED ang CMO No. 20,
Series of 201325 na pumatay sa asignaturang Filipino sa kolehiyo.
Tinatakda rito ang core courses sa bagong kurikulum sa antas
tersarya:

“Understanding the Self; Readings in Philippine History; The


Contemporary World; Mathematics in the Modern World;
24
Annex “N”
25
Annex “B”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Purporsive Communication; Art Appreciation; Science,


Technology and Society; Ethics.”

124. Kapansin-pansin sa bagong kurikulum na ito na wala nang


tinatakdang asignaturang Filipino. Samantala, sa lumang kurikulum
ay 6 hanggang 9 na yunit ang asignaturang Filipino, alinsunod sa
CMO No. 04, Series of 199726.

125. Kapansin-pansin din sa Seksyon 3 na ang Filipino bilang


midyum sa pagtuturo ay boluntaryong desisyon na, mula sa dating
mandato sa CMO No. 59, Series of 199627.

126. Noong Mayo 23, 2014, pinagtibay ng National Commission on


Culture and the Arts-National Committee on Language and
Translation/NCCA-NCLT ang isang resolusyon na “HUMIHILING SA
COMMISSION ON HIGHER EDUCATION (CHED), AT KONGRESO
AT SENADO NG REPUBLIKA NG PILIPINAS, NA AGARANG
MAGSAGAWA NG MGA HAKBANG UPANG ISAMA SA BAGONG
GENERAL EDUCATION CURRICULUM (GEC) SA ANTAS
TERSIYARYA ANG MANDATORY NA 9 YUNIT NG
28
ASIGNATURANG FILIPINO ” na nagsasaad na:

“...puspusan lamang masusunod ang Konstitusyong 1987 sa


paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon, at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon kung mananatili sa antas tersyarya ang
asignaturang Filipino...”

127. Inupload ang nasabing resolusyon sa


https://www.change.org/p/commission-on-higher-education-congress-
and-senate-agarang-magsagawa-ng-mga-hakbang-upang-isama-sa-
bagong-general-education-curriculum-gec-sa-antas-tersiyarya-ang-
mandatory-na-9-yunit-ng-asignaturang-filipino at sa kasalukuyan ay
sinusuportahan na ng mahigit 5,700 na lagda. Masisipat din ang mga
komento ng mga sumusuporta sa resolusyon ng NCCA-NCLT sa
nasabing website.

128. Bilang tugon sa CMO No. 20 at simbolo ng kolektibong


paglaban dito ang mga gurong apektado nito, itinatag ang Alyansa ng
Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA).

26
Annex “U”
27
Annex “C”
28
Annex “E”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Naganap ang assembliyang pagtatatag sa De La Salle University-


Manila (DLSU-Manila) noong Hunyo 21, 2014, na dinaluhan ng
humigit-kumulang 300 guro, mananaliksik, estudyante, at iba pang
mamamayan mula sa 40 kolehiyo, unibersidad, samahang pangwika
at pangkultura29.

129. Layon ng TANGGOL WIKA na isulong ang mga sumusunod na


panawagan bilang reaksyon sa pagbibingi-bingihan ng CHED sa
kahilingan ng mga guro na huwag patayin ang asignaturang Filipino
sa kolehiyo:

a. panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa


bagong GEC sa kolehiyo,
b. kumilos tungo sa pagrerebisa ng CMO 20,
c. gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang
asignatura, at
d. isulong ang makabayang edukasyon30.

130. Noong Hunyo 23, 2014, bilang reaksyon sa pagtatatag ng


Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL
WIKA) na tumututol sa pagpaslang sa asignaturang Filipino sa
kolehiyo, naglabas ng press statement ang CHED para sabihing
nananatili ang CMO No. 20 at kung gayo’y hindi nila bubuhayin ang
asignaturang Filipino sa kolehiyo31.

131. Hindi kinonsulta ng CHED ang mayorya ng mga Departamento


ng Filipino sa buong bansa bago ilabas ang CMO No. 20.

132. Katunayan, dahil sa pagtatatag ng TANGGOL WIKA, naobliga


ang CHED na magsagawa ng konsultasyon noong Hulyo 2014 sa
Luzon, Visayas at Mindanao. Dapat bigyang-diin na ang
memorandum ni Kalihim Patricia Licuanan, punong komisyoner ng
CHED, na may petsang Hunyo 24, 2014 hinggil sa nasabing
konsultasyon ay naka-address sa mga Regional Director ng CHED at
mga presidente ng mga kolehiyo at unibersidad32.

133. Dumalo ang TANGGOL WIKA sa nasabing konsultasyon at


inirehistro ang pagtutol sa pagpaslang sa Filipino ng CMO No. 20.

29
Annnex “U”
30
Annex “U”
31
Annex “S”
32
Annex “V”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

134. Nagsagawa ng mga forum at kilos-protesta ang TANGGOL


WIKA sa buong bansa upang patuloy na irehistro ang pagtutol sa
pagpaslang sa Filipino ng CMO No. 20 at hikayatin ang CHED na
agad na baligtarin ang kanilang desisyon na patayin ang Filipino sa
kolehiyo33.

135. Bukod sa forum at kilos-protesta, nakipagdiyalogo rin ang


TANGGOL WIKA sa CHED noong Hunyo 11, 2014 sa inisyatiba ni
ACT Teachers Party-List Rep. Antonio Tinio.

136. Daan-daan libong pirma laban sa CMO No. 20 ang kinalap ng


TANGGOL WIKA at ipinakita sa CHED sa nasabing diyalogo. Ang
mga nasabing pirma ay napakarami para isumite kasama ng
Petisyong ito. Gayunman, nakahanda ang mga Petisyoner na ipakita
ito sa Korte Suprema.

137. Bukod sa mga ito, ipinadala rin ng mga kasapi ng TANGGOL


WIKA at ng iba pang organisasyon o entidad ang kani-kanilang
posisyong papel sa CHED laban sa pagpatay sa Filipino na iniaatas
ng CMO No. 20, Series of 201334.

138. Gayundin, idinulog ng TANGGOL WIKA ang isyu sa midya, at


napakarami nang ulat sa midya hinggil sa pakikibaka ng sambayanan
laban sa anti-Filipinong CMO No. 20, Series of 201335.

139. Samakatwid, ginawa ng TANGGOL WIKA at ng iba pang


katulad na grupo ang lahat ng makakaya nila upang hikayatin ang
CHED na ibasura o kaya’y rebisahin ang CMO No. 20, Series of
2013.

140. Ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)—na siyang awtoridad


sa mga usaping pangwika alinsunod sa Batas Republika 7104 at
Konstitusyon36—ay naglabas ng resolusyon na tumututol sa pagbura
ng CHED sa Filipino sa CMO No. 2037.

33
Annex “W”
34
Annexes “H” to “L”
35
Annex “X” to “BB”
36
Seksyon 9 ng Artikulo XIV: “Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang
pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga
wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.”
37
Annex “M”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“...iginigiit ang pagtuturo ng siyam (9) sa38 yunit ng Wikang


Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino
sa antas sekundarya, kundi naglalayong magamit at
maituro ang wika mula sa iba’t ibang disiplina – na
pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at
hindi lamang daluyan ng pagkatuto...”

141. Sa kasamaang-palad, hindi nakinig ang CHED sa mga


mamamayan, maging sa KWF at NCCA-NCLT.

142. Sa kabila ng lahat ng pagsisikap ng sambayanang Pilipino na


hikayatin ang CHED na huwag patayin ang asignaturang Filipino sa
kolehiyo, naglabas ng panibagong press statement ang tanggapan ni
Kalihim Licuanan noong Nobyembre 27, 201439.

143. Ayon sa ikatlong talata sa ikalawang pahina ng nasabing press


statement, hindi babaguhin ng CHED ang CMO No. 2040.

144. Bunsod ng mga nabanggit na, naobliga ang mga Petisyoner na


dumulog sa Kataas-taasang Hukuman.

MGA BATAYAN NG PETISYON

I
ANG MGA RESPONDENT AY UMABUSO SA DISKRESYON,
NA KATUMBAS NG KAWALAN O PAGLAGPAS SA KANILANG
HURISDIKSYON, NANG PIRMAHAN AT IPATUPAD NILA ANG
CMO. NO. 20, SERIES OF 2013 NA DIREKTANG LUMALABAG AT
SUMASALANSANG SA PROBISYONG PANGWIKA,
PROBISYONG PANG-EDUKASYON, AT PROBISYON SA
PAGGAWA NA NASA KONSTITUSYON

1. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pangwika ng


Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987.

2. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pang-


edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng

38
Kapag binasang mabuti ang kabuuan ng resolusyon, kapansin-pansin na “ng” dapat ang “sa” na
ito.
39
Annex “R”
40
Annex “R”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

bansa na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng


Konstitusyong 1987.

3. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pang-


edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring pag-
aaral ng Konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa
Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987.

4. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pang-


edukasyon na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng nasyonalismo
sa kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng
sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa pangangailangan
ng mga mamamayan, na nasa Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo
XIV, Seksyon 2 at 3 ng Konstitusyong 1987.

5. Ang CMO No. 20 ay lumalabag sa probisyong pampaggawa


(labor provisions) na nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo
XIII, Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.

II
ANG CMO NO. 20, SERIES OF 2013 AY LUMALABAG SA IBA
PANG BATAS

1. Nilalabag ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas


Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act”
(“An Act Creating the Commission on the Filipino Language,
Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other
Purposes”).

2. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Batas Pambansa Bilang 232


o “Education Act of 1982.”

3. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Batas Republika 7356 o “An


Act Creating the National Commission for Culture and the Arts,
Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts,
and for Other Purposes.”

MGA ARGUMENTO
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

I
ANG MGA RESPONDENT AY UMABUSO SA DISKRESYON, NA
KATUMBAS NG KAWALAN O PAGLAGPAS SA KANILANG
HURISDIKSYON NANG PIRMAHAN AT IPATUPAD NILA ANG
CMO. NO. 20, SERIES OF 2013 NA DIREKTANG LUMALABAG AT
SUMASALANSANG SA PROBISYONG PANGWIKA,
PROBISYONG PANG-EDUKASYON, AT PROBISYON SA
PAGGAWA NA NASA KONSTITUSYON

145. Alinsunod sa Konstitusyon ng 1987, wikang Filipino ang


wikang pambansa ng Pilipinas at tungkulin ng gobyerno na
pangunahan at isustine ang paggamit ng Filipino bilang opisyal na
wika ang komunikasyon at pangunahing wikang panturo:

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING,


KULTURA, AT ISPORTS

xxx

WIKA

“SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa
iba pang mga wika.

“Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat


na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang
itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa
sistemang pang-edukasyon.

“SEKSYON 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at


pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino
at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang
mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal
sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal ang


Kastila at Arabic.”

146. Kapansin-pansin mula sa mga probisyon na ang wikang


Filipino ay binigyan ng lugar ng karangalan sa unahan ng sub-
article ng Artikulo XIV. Malinaw rin na binabanggit ito sa konteksto
ng marami pang wikang Pilipino at iba pang wika (na tinakdang
dapat hayaang magpayabong at magpayaman sa Filipino) at sa
konteksto ng mga larangan kung saan ito gagamitin at sa anong
kapasidad.

147. Kapansin-pansin din na, sa usapin ng mandato na gamitin


ang Filipino bilang wika ng pagtuturo, walang pagtatangi ang
Konstitusyon sa kung anong antas, elementarya, sekundarya, o
tersarya man.

148. Dahil sa masaklaw na lenggwaheng ito, ginigiit ng mga


Petisyoner na ang mandatong ito ay pumapatungkol sa lahat ng
nasabing antas—simula umpisa ng sistemang edukasyon hanggang
sa kolehiyo. Hindi nagbigay ng pagtatangi ang Saligang Batas, at
samakatuwid, ay walang puwang ang mga Respondent na magbigay
ng kaibang pagtalakay o pagtrato sa wikang pangturo sa antas
tersarya.

149. Ayon nga sa obserbasyon ni Komisyuner Ponciano Bennagen


sa mga pangungusap na kalauna’y naging ikalawang talata ng
Seksyon 6, “We are saying x x x that it [Filipino] should be
actually utilized in government as well as in communications and in
all levels of the educational system.”41

150. Pinapansin ng mga Petisyoner na ang estado ay bahagyang


nagpatibay kamakailan ng mandatong gamitin ang Filipino bilang
wikang panturo sa antas elementarya at sekundarya.42 Hindi
katanggap-tanggap, para sa mga Petisyoner, ang kakaibang pagtrato
sa wikang Filipino pagdating sa mga kolehiyo.

151. Layon ng mga nabanggit na probisyon na bigyan ng


pinakamataas na ligal na proteksyon ang wikang Filipino bilang
(1) pambansang wika, (2) wikang gagamitin sa mga opisyal na

41
Record of the Constitutional Commission No. 79 (Wednesday, September 10, 1986)
42
Seksyon 4 ng Republic Act 10533 o “Enhanced Basic Education Act of 2013″
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

komunikasyon, at (3) wikang panturo sa lahat ng antas ng


sistemang pang-edukasyon.

152. Nauna nang nasabi ang pagturing sa pambansang wika


bilang isang “makabuluhang pangkulturang muhon para sa
pambansang pagkakakilanlan” na siyang magbubuklod sa
magkakaibang mga etno-lingwistikal na grupo at klase ng
lipunang Pilipino at magbibigay sa kanila ng kapangyarihan.
Ang pagkilalang ito ni Komisyuner Villacorta ay makailang-ulit na
inalingawngaw at pinanindigan ng iba pang kasapi ng 1986
Constitutional Commission, gaya ng tinuran ni Komisyuner Ponciano
Bennagen:

G. BENNAGEN: [T]hese are arguments for deciding that a


national language is a kind of national symbol. But in the
proposal, we mean Filipino, not merely as a national
symbol, not merely as an instrument for national identity
and national unification, but also as an instrument for
national growth and development.43

153. Malinaw sa mga debate sa pagitan ng mga nagbalangkas ng


Konstitusyon na ang wikang Filipino, sa bawat isa sa tatlong
aspetong nabanggit,44 ay kailangang proteksyunan at aktibong
itaguyod ng estado dahil ang makatunayang pagpapalinang sa
pambansang wika ay esensyal para sa pambansang pag-unlad:

G. VILLACORTA: Fifth [salient point of the Draft Article XIV],


genuine development of the national language in order to
accelerate the collective participation of the Filipino people
in socioeconomic development and nation building.45

154. Nakaugat ang konstitusyonal na proteksyon na ito (1) sa


reyalidad ng lipunang Pilipino na mas mabigat ang pagkiling sa
Ingles at (2) sa pangangailangang baliktarin ang pagkiling na ito
upang iangat ng mamamayan ang pagpapahalaga sa sarili
bilang mga Pilipino. Malinaw ito sa giit ni Komisyuner Villacorta na
mataas ang konstitusyonal na katayuan ng Filipino kung ikukumpara
sa Ingles:

G. VILLACORTA: In our society now, what needs greater


protection and more constitutionalization is not English

43
R.C.C. No. 71 (Monday, September 1, 1986)
44
Talata 70
45
R.C.C. No. 69 (Friday, August 29, 1986)
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

but Filipino which is in a very weak state right now. English


can fend for itself. If I may quote from my favorite saint, San
Francisco Rodrigo, in his poem, "Daig sa Wikang Banyaga":
Hindi tayo daig ng kanong banyaga
sa isip, talino, sa kuro sa diwa.
Daig lamang tayo sa pagsasalita,
pagkat gamit natin ay kanilang wika.
Naging sanhi ito ng maling akala
na sila'y dakila at tayo ay aba.46

155. Ang pagpaubaya sa diskresyon ng mga paaralan na gamitin


ang Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay isang paglabag sa
proteksyong ito. Kailangang harapin ng mga Respondent ang
reyalidad na wala pa ang lipunang Pilipino sa sitwasyong mas pipiliin
ng mga administrasyon ng eskwelahan ang Filipino bilang wikang
panturo kaysa sa Ingles. Totoo ito sa mayorya ng mga pampublikong
kolehiyo at unibersidad, at lalo pang mas totoo ito sa mga pribadong
eskwelahan. Kailangan ding harapin ng mga Respondent ang
reyalidad na, sa mas maraming pagkakataon, napangingibabawan ng
piniling wika ng mga administrasyon ng eskwelahan (na siyang
dominanteng employer) ang piniling wika ng mga guro (na siyang
dominadong empleyado).

156. Iniugnay rin ng mga Komisyuner ang kahalagahan ng wikang


Filipino sa iba pang mithiing nakasaad sa Konstitusyon gaya ng
nasyunalismo, kaalamang siyentipiko at teknikal, pambansang
industriyalisasyon, at iba pa—mga mithiin na hindi kayang
abutin kung mahina ang wikang pambansa:

G. BENNAGEN: “We are saying that the State shall foster


nationalism and, therefore, we need to have a national
language in the same manner that we need a national flag and
some other things that we associate ourselves with in the
pursuit of national identity and national unity. We are also
saying that the State shall foster creative and critical
thinking; broaden scientific and technological knowledge;
and develop a self-reliant and independent economy to
industrialization and agricultural development. We have
also said earlier that we shall have a consultative government
and that people's organization shall be protected in terms of
their right to participate more fully in the democratic processes.

46
R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986)
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

In all of these, we need to have a unifying tool for


communication which is, of course, Filipino.”47

157. Kalat din sa rekord ng pagbalangkas ng Konstitusyon ang


pagkilala na bagamat deklarado na ang Filipino bilang wikang
pambansa (at midyum sa komunikasyon at pagtuturo) sa ilalim ng
ang mga naunang saligang batas, nagsilbing retorika lamang ito dahil
sa di masigasig na implementasyon ng pamahalaan ng batas, lalo na
sa pagtiyak na talagang ginagamit ito bilang midyum sa pagturo.

158. Buhat rito, matindi ang paggigiit ng mga nagbalangkas na hindi


maaaring muling palabnawin ang implementasyon ng probisyong ito.
“[A] national language is useless if it is not used as the
language of instruction,” wika ni Komisyuner Villacorta.48 Dagdag
ng isang pang Komisyuner:

B. [MINDA LUZ) QUESADA: [M]alinaw na kinakailangan ang


pagsasakatuparan ng ating mga paniniwala. Iyong lines 1, 2 at
3 [sa kalaunan ay bumuo sa dalawang talata ng Seksyon 6] ay
mga intention na hangga’t hindi isinasa-kongkreto sa
pamamagitan ng paggamit nito sa instruction at sa
gobyerno ay talagang empty rhetorics na naman iyan dahil
iyan ang istorya noong mga nakaraang taon. Naroon na
iyon sa ating Konstitusyon, pero hangga’t hindi
isinasagawa ito sa ating ordinaryong araw-araw na buhay,
sa loob ng gobyerno sa administrasyon at saka sa ating
edukasyon, sa palagay ko lahat ng iyan ay rhetorics na
naman.49

159. Naniniwala ang mga Petisyoner na ang pagtanggal sa Filipino


bilang asignatura at wikang panturo ay pagpapalabnaw sa
implementasyon ng takda ng mga probisyong nasabi, isang malaking
hakbang papalayo sa mga hangarin ng Konstitusyon, at
makapaminsalang pagtalikod sa kasaysayan at kulturang Pilipino.

160. Hindi magiging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal


na komunikasyon ang wikang Filipino kung hindi ituturo bilang
asignatura sa lahat ng antas ng edukasyon, batay na rin sa tinuran
ng Departamento ng Filipino ng DLSU-Manila sa isang pahayag na
inilabas noong Agosto 2014:

47
R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986)
48
R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986)
49
R.C.C. No. 79 (Wednesday, September 10, 1986)
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“Hindi rin magiging mabisang wikang panturo ang Filipino


sa Agham, Matematika, Inhenyeriya, Komersyo, Agham
Panlipunan, Humanidades, at iba pa, kung walang asignatura
sa kolehiyo na magtitiyak sa pagkakaroon ng mataas na
antas ng kasanayan ng mga mag-aaral sa paggamit nito sa
intelektwal na diskurso, komunikasyon, at pananaliksik.
Samakatuwid, ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa
iba’t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may
asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring
disenyo sa kolehiyo.”50

161. Hindi sapat ang mga asignaturang Filipino sa elementarya at


junior high school upang maisakatuparan ang pagiging epektibong
wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang
pambansa. Katunayan, sa mga nakaraang taon ay bagsak ang
marka ng karamihan sa mga estudyante sa Filipino sa National
Achivement Test (NAT)51.

162. Hindi rin sapat ang mga asignaturang Filipino sa senior high
school upang maisakatuparan ang pagiging epektibong wikang
panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa,
sapagkat ang nilalaman ng mga kasalukuyang asignaturang Filipino
sa kolehiyo gaya ng pinatutunayan ng detalyadong pagsusuri rito52.

163. Kaugnay nito, ayon naman sa pahayag ng Departamento ng


Filipino at Panitikan ng Pilipinas ng Unibersidad ng Pilipinas (UP),
ang CMO No. 2053:

“[T]ahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang


pambansa, at ang mapagtakdang papel ng wika sa
pagpapaunlad ng isang bayan. Ang Wikang Filipino ay
Kasaysayan ng Pilipinas. May mahabang kasaysayan na
ang wikang pambansa. Simula nang ituro ito sa sistema ng
edukasyon noong dekada 1940, hanggang sa maging midyum
ito ng pagtuturo sa ilalim ng Patakarang Bilingguwal noong
dekada 1970, yumabong na ang Filipino bilang isang ganap
na disiplina at pananaw sa pakikipag-ugnayang
pandaigdig. Isa rin itong maunlad na larangan—maunlad
dahil sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang sub-erya at dahil

50
Annex “CC”
51
Annex “DD”
52
Annex “EE”
53
Annex “FF”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

sa interdisiplinal at transdisiplinal na ugnayan nito sa


ibang larangan gaya ng panitikan, pilosopiya,
antropolohiya, kasaysayan, sikolohiya, at politika. Isa sa
mahahalagang trajektori ng pag-unlad ng Filipino ay ang
intelektuwalisasyon nito. Resulta ito ng paggamit ng wikang
Filipino sa iba’t ibang disiplina na ibinunga rin naman ng mga
ipinunlang kasanayan at oryentasyon sa mga kursong GE sa
Filipino. Kung ibinaba sa senior high school ang pagtuturo ng
mga kasanayan, nararapat kung gayon, na maging lunan pa
ang mga kursong GE sa Filipino ng pagsustine sa
pagpapaunlad ng gamit ng Filipino sa mga diskursong
panlipunan sa iba’t ibang disiplina.”

164. Kung gayon, ang CMO No. 20 ay malinaw na lumalabag sa


Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987, sapagkat hindi ito
naglalaan ng espasyo para sa asignatura o disiplinang Filipino na
kailangan upang maging epektibong wikang panturo at wika ng
opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa gaya ng
itinatadhana sa Konstitusyon.

165. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang probisyong konstitusyonal


hinggil sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa na
sumasaklaw rin sa Panitikan/Literatura ng bansa:

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING,


KULTURA, AT ISPORTS

xxx

MGA SINING AT KULTURA

SEKSYON 14. Dapat itaguyod ng Estado ang


pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyon
ng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaing
pagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko at
intelektwal na pagpapahayag.

SEKSYON 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at


panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Estado ang pamanang historikal at kultural at ang mga


likha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa.
xxx
SEKSYON 18. x x x (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng
Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol sa
mga sining at kultura.

166. Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 ang


asignaturang Panitikan/Literatura sa bagong kurikulum ng kolehiyo,
kumpara sa tatlo hanggang anim na yunit sa lumang kurikulum
alinsunod sa CMO No. 04, Series of 199754.

167. Malinaw na bahagi ng kultura ang Panitikan/Literature, gaya ng


binabanggit sa UNESCO Universal Declaration on Cultural Diversity
na pinagtibay noong Nobyembre 2, 2001:

“[C]ulture should be regarded as the set of distinctive


spiritual, material, intellectual and emotional features of
society or a social group, and that it encompasses, in
addition to art and literature, lifestyles, ways of living together,
value systems, traditions and beliefs.”

168. Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang bahagi ng


kultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng pagkakaroon ng
Subcommission on the Arts sa ilalim ng National Commission on
Culture and the Arts (NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o “mga
sining na pampanitikan,” gaya ng ipinapahayag sa Seksyon 15 ng
Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission
for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for
Culture and the Arts, and For Other Purposes.”

169. Samakatwid, ang preserbasyon at pagtuturo ng


Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng edukasyon ay tungkulin ng
Estado, alinsunod na rin sa mga mandato ng Konstitusyon na nauna
nang tinalakay.

170. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang probisyong pang-edukasyon


hinggil sa pagiging bahagi ng lahat ng antas ng edukasyon ng
mandatoring pag-aaral ng Konstitusyon:

54
Annex “U”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHYA, MGA SINING,


KULTURA, AT ISPORTS

xxx

SEKSYON 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-


aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-
edukasyon.

171. Gaya ng sa usapin ng pagtakda sa Filipino bilang wikang


panturo, walang pagtatangi ang Konstitusyon sa kung anong
antas, sa elementarya, sekundarya, o tersarya man, dapat ituro
ang Konstitusyon. Muli, ang mandato ay patungkol “sa lahat ng
mga institusyong pang-edukasyon.”

172. Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 ang


asignaturang Philippine Government and Constitution sa bagong
kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlong yunit sa lumang kurikulum
alinsunod sa CMO No. 04, Series of 199755.

173. Samakatuwid, malinaw na labag sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng


Konstitusyon ang CMO No. 20.

174. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyong pang-


edukasyon ng Konstitusyong 1987 na nagbibigay-diin sa
kahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum at pagpapaunlad ng
bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa
pangangailangan ng mga mamamayan:

ARTIKULO II
PAHAYAG NG MGA SIMULAIN
AT MGA PATAKARAN NG ESTADO

xxx

MGA PATAKARAN NG ESTADO

55
Annex “U”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

xxx
SEKSYON 17. Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa
edukasyon, syensya at teknolohiya, mga sining, kultura at
isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at
nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at
maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao.

at:

ARTIKULO XIV

EDUKASYON, SYENSYA AT TEKNOLOHIYA, MGA SINING,


KULTURA, AT ISPORTS

EDUKASYON

xxx

SEKSYON 2. Ang Estado ay dapat:

(1) Magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto,


sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa
mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan.

SEKSYON 3. x x x (2) Dapat nilang [ibig sabihin ay lahat ng


mga institusyong pang-edukasyon] ikintal ang
pagkamakabayan at nasyonalismo.

175. Malinaw na ang mga asignaturang binura ng CMO No. 20 sa


bagong kurikulum ng kolehiyo—Filipino, Panitikan/Literatura, at
Philippine Government and Constitution—ay mga asignaturang
mahalaga sa pagtataguyod ng nasyonalismo at pambansang
kaunlaran, at edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng mga
mamamayan.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

176. Ayon nga sa paninindigan ng mga guro ng Sining at Mga Wika


sa National Center for Teacher Education (NCTE), ang Philippine
Normal University (PNU)56:

“Bukal ng karunungan ang Filipino bilang larangan na


humuhubog ng kabuuan, kaakibat ang pagpapahalaga sa ating
pagkamamamayang Pilipino. Gamit ang Filipino bilang isang
larangan, itinatampok at binubuo nito ang pagkatao at
pagkakakilanlan ng ating lahi na pundasyon ng ating
kamalayan at kalinangan. Malinaw na ang wikang Filipino
ang pangunahing instrumento upang mapaunlad ang
kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral tungo sa
pambansang kaunlaran.”

177. Samakatuwid, nilalabag ng CMO No. 20 ang Artikulo II,


Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3, ng Konstitusyong 1987.

178. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyong


konstitusyonal na may kaugnayan sa patakaran sa paggawa o labor
policies ng bansa.

ARTIKULO II

PAHAYAG NG MGA SIMULAIN


AT MGA PATAKARAN NG ESTADO

xxx

MGA PATAKARAN NG ESTADO

xxx

SEKSYON 18. Naninindigan ang Estado na ang paggawa


ay isang pangunahing pwersang pangkabuhayan ng
lipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ng
mga manggagawa at itaguyod ang kanilang kagalingan.

ARTIKULO XIII

56
Annex “I”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

KATARUNGANG PANLIPUNAN AT MGA KARAPATANG


PANTAO

xxx

PAGGAWA

xxx

SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na


proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat,
organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang
employment at pantay na mga pagkakataon sa employment
para sa lahat.

Dapat nitong garantyahan ang, mga karapatan ng lahat ng


mga manggagawa sa pagtatatag ng sariling organisasyon,
sama-samang pakikipagkasundo at negosasyon, mapayapa at
magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang
magwelga nang naaalinsunod sa batas. Dapat na may
karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga
kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay. Dapat
din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas
ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang
mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana
ng batas.

179. Dahil sa pagbura ng CMO No. 20 sa asignaturang Filipino,


Panitikan, at Philippine Government and Constitution, humigit-
kumulang 78,000 guro at manggagawa sa sektor ng edukasyon ayon
mismo sa datos ng CHED ang maaaring mawalan ng trabaho o
mabawasan ng kita57.

180. Ang mga naganap na at magaganap pang tanggalan ay natural


at di maiiwasang resulta ng pagkawala ng Filipino, Panitikan,
Philippine Government and Constitution, at mga kaugnay at
kaparehong asignatura. Dahil mawawala ang mga yunit na dating
itinuturo ng mga instruktor at propesor ng Filipino, sa panahong
lubusang kani-kaniyang gagamitin na mga kolehiyo at unibersidad
ang bagong takdang kurikulum, hindi na sila bibigyan ng load na
kadalasang binibigay sa kanila.

57
Annex “B”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

181. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang plano at nakalatag


nang mga mekanismo ang gobyerno upang bigyan ng sapat na
proteksyon ang mga mawawalan ng trabaho. Katunayan, dinidinig
pa lang ng House Committee on Higher and Technical Education ang
House Bill 5493, “Establishing the Tertiary Education Transition Fund
to develop and sustain tertiary education institutions during the
transition period of the Enhanced Basic Education Act of 2013, and
appropriating funds therefor”58 kaugnay sa pagbibigay ng financial
assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa kolehiyo.

182. Noong huling pagdinig sa HB 5493, pinuna ni Petisyoner


Kinatawang Tinio ang nasabing panukalang batas—na hinain noong
huling bahagi ng Pebrero,59 matapos lamang pumutok sa publiko ang
isyu ng malawakang tanggalan sa hanay ng mga guro sa kolehiyo.
Aniya, walang kasiguruhang maipasa ito bago magsimula ang
transition period sa 2016 kung kailan opisyal na bibigyan na ng laya
ang mga eskwelahang magtanggal ng mga instructor at propesor.
Hanggang ngayon, obserbasyon ni Kinatawang Tinio, mga isang taon
na lamang bago magsimula ang 2016 academic year, wala itong
sertipikasyon mula sa Presidente na nagpapatunay sa
pangangailangan ng madaliang pagsasabatas nito (certification as
urgent).

183. Wala ring anumang posisyon na binibigay sa Kongreso ang


DBM at Pangulo, o publikong pahayag man lang, ukol sa magagamit
na pondo para sa P29.44 bilyong Tertiary Education Transition Fund
(TETF) o kahandaan nilang pondohan ito, kung maipasa man ang
panukala.

184. Wala ring kalinawan ang panggagalingan ng pondo ng TETF.


Pinanunukala ng HB 5493 na kunin ang pondo mula sa sin taxes
ngunit may oposisyon ito mula sa ilang kongresista, kabilang na si
Leah Paquiz ng Ang Nars Party-List, na nagsabing nakalaan na sa
ilalim ng bataas ang sin taxes para sa sektor pangkalusugan.

185. Hindi kinonsulta ng CHED ang nakararaming mga


Departamento ng Filipino sa pagbuo ng CMO No. 20 at bago
ipatupad ito. Hindi rin ito nagbuo ng komprehensibong plano para sa
mga propesor na mawawalan ng trabaho.

58
Hinain ng Kinatawan Roman Romulo ng Distrito ng Pasig
59
Pumasa sa unang pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noon lamang Marso 2, 2015.
Dumaan sa unang dalawang pagdinig pa lamang (ang huli ay noong Marso 17).
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

186. Katunayan, nagpatawag lamang ng malakawang konsultasyon


ang CHED hinggil sa CMO No. 20 noong Hulyo 2013, pagkatapos na
maitatag ang TANGGOL WIKA, at sa mga pangulo ng unibersidad
ipinadala ang imbitasyon na nasa memorandum ni Kalihim Licuanan
na may petsang Hunyo 24, 2014 sa halip na sa mga guro60. Tapos na
at ipinatutupad na ang CMO No. 20 bago nagpatawag ng
malawakang konsultasyon ang CHED.

187. Malinaw na isinantabi at binalewala ng CHED ang karapatan ng


mga guro na makilahok sa pagbubuo ng patakarang kaugnay ng
kanilang mga trabaho. Hindi rin pinakinggan ng CHED ang
napakaraming posisyong papel na ipinasa ng mga guro at mga
organisasyon hinggil sa usaping ito61.

188. Samakatwid, malinaw na labag sa Artikulo XIII, Seksyon 3 ng


Konstitusyon ang CMO No. 20, Series of 2013, sapagkat isinantabi
nito ang karapatan ng mga manggagawa na lumahok sa pagbubuo
ng mga patakarang kaugnay ng kanilang kapakanan at karapatan, at
labag din ito sa Artikulo II, Seksyon 18 ng Konstitusyon dahil hindi
nito isinaalang-alang at sinasalansang pa nga ang mga probisyon sa
katarungang panlipunan at ganap na proteksyon para sa mga
manggagawa.

II
ANG CMO NO. 20, SERIES OF 2013 AY LUMALABAG SA
IBA PANG BATAS

189. Bukod sa tahasang paglabag sa iba’t ibang probisyon ng


Konstitusyon, nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng
Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act.”
Ayon sa nasabing batas, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o
Commission on the Filipino Language ang ahensyang may
kapangyarihan sa pagbubuo ng patakaran, plano, at programang
pangwika ng bansa:

“Sec. 14. Powers, Functions and Duties of the Commission. —


The Commission, pursuant to the pertinent provisions of the
Constitution, shall have the following powers, functions and
duties:

60
Annex “GG”
61
Annex “H” to “L”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

“(a) Formulate policies, plans and programs to ensure the


further development, enrichment, propagation and
preservation of Filipino and other Philippine language”

190. Malinaw na pinakialaman at pinanghimasukan ng CMO No. 20


ang patakarang pangwika ng bansa sa pamamagitan ng pagtatakda
ng bagong kurikulum na pumapatay sa Filipino bilang asignatura at
wikang panturo sa ng kolehiyo, kontra sa posisyon ng KWF, ang
ahensyang binigyan ng Konstitusyon ng kadalubhasaan sa usapin ng
wika at kapangyarihan sa polisiya ukol dito.

191. Ang labag sa batas na pakikialam ng mga Respondent sa


patakarang pangwika sa pamamagitan ng CMO No. 20 ay pinalala pa
ng pagsasantabi ng CHED sa resolusyon ng KWF na naggigiit sa
kahalagahan ng pagpapanatili ng siyam na yunit ng asignaturang
Filipino sa kolehiyo62.

192. Sa kabila ng pagtatangka ng KWF, at nauna pa rito, ng NCCA-


NCLT63, at ng mga grupong gaya ng TANGGOL WIKA, na ipaalala sa
CHED na lumalabag sa Konstitusyon ang CMO No. 20 nito ay itinuloy
pa rin ng mga Respondent ang implementasyon nito.

193. Kaugnay ng mga nabanggit nang punto, nilalabag din ng CMO


No. 20 ang Education Act of 1982 o Batas Pambansa Bilang 232:

II.
THE EDUCATIONAL COMMUNITY
CHAPTER 1
xxx
Section 3. Promote the social and economic status of all
school personnel, uphold their rights, define their
obligations, and improve their living and working conditions and
career prospects.

III.
THE EDUCATIONAL SYSTEMS
CHAPTER 1
62
Annex “M”
63
Annex “E”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Formal Education
xxx

Sec. 23. Objective of Tertiary Education. — The objectives of


tertiary education are:
1. To provide a general education program that will
promote national identity, cultural consciousness, moral
integrity and spiritual vigor;
2. To train the nation's manpower in the skills required for
national development;
3. To develop the professions that will provide leadership
for the nation; x x x

194. Mapapansing inuulit lamang ng Education Act of 1982 ang


esensya ng mithiin ng Konstitusyon na magkaroon ng makabayan at
maka-Pilipinong edukasyon gaya ng giniit ng mga nagbalangkas ng
Konstitusyon gaya nila Komisyuner Bennagen at Villacorta.64

195. Nilalabag ng CMO No. 20 ang Part II, Chap. 1, Sec. 3 ng Batas
Pambansa Blg. 232 dahil binalewala nito ang atas ng batas hinggil sa
tungkulin ng Estado na protektahan ang karapatan ng mga
manggagawa sa sektor ng edukasyon, sa pamamagitan ng
pagbubuo ng kurikulum na magdudulot ng malawakang tanggalan sa
trabaho.

196. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Part III, Chap. 1, Sec. 23,
dahil binura nito sa kurikulum ng kolehiyo ang mga asignaturang
mahalaga sa promosyon ng pambansang identidad, kamalayang
pangkultura, at pambansang kaunlaran – ang mga asignaturang
Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government and
Constitution—na pawang dapat maging bahagi ng general education
sa kolehiyo.

197. Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Seksyon 5, 6, at 7 ng Batas


Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for
Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for
Culture and the Arts, and For Other Purposes” na nagsasaad na:

TITLE III Miscellaneous Provisions


64
Unang talata ng Panimula at Talata 71 at 72 ng Petisyong ito.
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

SECTION 5. Culture by the People. The Filipino national


culture shall be evolved and developed by the people
themselves in a climate of freedom and responsibility. National
cultural policies and programs shall be formulated which
shall be: x x x b) democratic, encouraging and supporting
the participation of the vast masses of our people in its
programs and projects; x x x and d) liberative, having
concern for the decolonization and emancipation of the
Filipino psyche in order to ensure the full flowering of
Filipino culture.
SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and
cultural products shall be promoted and disseminated to the
greatest number of our people. The level of consciousness of
our people about our own cultural values in order to
strengthen our culture and to instill nationhood an cultural
unity, shall be raised formally through the educational
system and informally through extra-scholastic means,
including the use of traditional as well as modern media of
communication.
SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the
duty of every citizen to preserve and conserve the Filipino
historical and cultural heritage and resources. The retrieval
and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall
be vigorously pursued.

198. Nilalabag ng CMO No. 20 ang mga nasabing probisyon ng


Batas Republika 7356 sapagkat ang pagtanggal sa Filipino bilang
asignatura at wikang panturo ay magpapalabnaw sa kaalaman,
kasanayan, at kadalubhasaan at awtoridad sa wikang Filipino bilang
malaking bahagi ng kulturang Pilipino. Ito ay malinaw na paglabag
sa naising “kultura ng masa at kultura para sa masa.”

199. Walang probisyon ang bagong kurikulum para sa pagpapalaya


at dekolonisasyon ng kamalayang Pilipino para matiyak ang
pamumulaklak ng kulturang Pilipino, at binura pa nga ng nabanggit
na CMO ang mga asignaturang gaya ng Filipino at
Panitikan/Literatura na makakatulong sa pagtataguyod ng
mapagpalayang kultura ng bansa na tungkulin ng bawat
mamamayan.

Aplikasyon para sa Temporary Restraining Order at/o Writ of


Preliminary Injunction
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

200. Muling ipinapahayag ng mga Petisyoner ang mga nabanggit


na, para suportahan ang kanilang kahilingan para sa pag-iisyu ng
temporary restraining order at/o writ of permanent injunction—upang
pigilan at hadlangan ang lahat ng respondent sa pagpapatupad ng
CMO No. 20 at iba pang hakbang na kaugnay nito.

201. Malinaw mula sa diskusyon na labag sa mga polisiya at


mandatong nilalatag ng Konstitusyon at kung sa gayon ay hindi
balido ang CMO No. 20, sapagkat sinasalansang nito ang mga
probisyong pangwika, probisyong pang-edukasyon, at probisyong
pampaggawa ng Konstitusyon. Bukod dito, nilalabag din nito ang
Batas Republika 7104, Batas Pambansa 232, at Batas Republika
7356.

202. Sa kasalukuyan, patuloy na ipinatutupad ng mga respondent


ang CMO No. 20, Series of 2013 at isinara na rin nila ang lahat ng
channel ng diyalogo. Dumudulo ito sa malawakang paglabag sa mga
karapatang pino-proteksyunan ng mga natalakay na probisyon—mga
karapatang hawak ng lahat ng Petisyoner, namumuwisan, at
mamamayang Pilipino.

203. Ang paglabag sa mga nasabing karapatan ay di mababayaran


o matutumbasan ng anumang danyos na maaaring ibigay ng mga
Respondent. Pinakamatingkad marahil dito ang paghina at, sa
kalaunan, kamatayan ng ating pambansang wika, kultura,
kasaysayan, at pambansang pagkakakilanlan.

204. Dudulo ang panghihina at kamatayang ito sa panghihina at


kamatayan ng mga Pilipino bilang nagkakaisang mamamayan at may
pagmamahal sa bayan, at ng Pilipinas bilang maunlad na bansa—
mga bagay na nilayong iwasan ng mga nagbalangkas ng
Konstitusyon at ng sambayanang nagratipika nito.

205. Kapag hindi napagbigyan ang kahilingan ng mga petisyoner na


ipahinto ang implementasyon ng CMO No. 20 sa pamamagitan ng
temporary restraining order at/o writ of preliminary injunction, tuluy-
tuloy na maipatutupad ng CHED ang isang kurikulum na anti-Filipino,
anti-nasyonalista, at tahasang lumalabag sa Konstitusyon. Pahihinain
nito ang pundasyon ng ating nasyonalismo, identidad, kultura,
pagkabansa, pagkakaisa, at demokrasya.

EPILOGO
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Pangarap ng mga Petisyoner ang “isang edukasyon na


nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang
mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikibaka ng
nakararami” gaya ng inilarawan nina Dr. Bienvenido Lumbera
(Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura), Dr. Ramon
Guillermo, at Arnold Alamon sa introduksyon sa aklat na “MULA
TORE PATUNGONG PALENGKE: Neoliberal Education in the
Philippines.”

Ang ganitong hinahangad na sistemang pang-edukasyon ay


malayong-malayo sa at hinahadlangan ng CMO No. 20, Series of
2013 sapagkat binura ng huli ang mga asignaturang Filipino,
Panitikan/Literatura, at Philippine Government and Constitution na
pawang mahalaga sa pagbubuo at pagpapatibay ng pambansang
identidad para sa pambansang pagpapalaya at kaunlaran.

Naninindigan din ang mga Petisyoner na wasto at


napapanahon pa rin ang tinuran ni Prop. Renato Constantino sa
kanyang pamphlet na “The Miseducation of the Filipino”:

“What should be the basic objective of education in the


Philippines? Is it merely to produce men and women who can
read and write? If this is the only purpose, then education is
directionless. Education should first of all assure national
survival. No amount of economic and political policy can be
successful if the educational programme does not imbue
prospective ciizens with the proper attitudes that will ensure the
implementation of these goals and policies. Philippine
educational policies should be geared to the making of
Filipinos. These policies should see to it that schools produce
men and women with minds and attitudes that are attuned to
the needs of the country.”

Ang ganitong makabayang sistemang pang-edukasyon ang


dapat ipatupad sa Pilipinas, isang sistemang pang-edukasyon na
tungo sa bansang pinapangarap ng mga makabayang lider tulad ni
Senador Jose W. Diokno sa talumpating “A Nation For Our Children”:

“x x x a nation full of hope and full of joy, full of life and full of
love—a nation that may not be a nation for our children but
which will be a nation of our children.”
TANGGOL WIKA versus NOYNOY-CHED
www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Hangga’t nariyan ang anti-Filipino at anti-nasyonalistang CMO


No. 20, Series of 2013, hindi mabubuo “ang bansa para sa ating mga
anak” at “ang bansa ng ating mga anak.” Ito ang saligan ng hiling ng
mga Petisyoner na agarang ideklarang labag sa batas at tuluyang
ibasura na ang nasabing CMO.

PRAYER

KAYA’T, magalang na hinihiling ng mga Petisyoner sa Kapita-


pitagang Hukuman, pagkatapos ikonsidera ang petisyong ito, na
ideklarang LABAG SA KONSTITUSYON AT HINDI BALIDO ang
CMO No. 20, Series of 2013, at permanenteng pagbawalan ang
CHED at iba pang ahensya at entidad na ipatupad ito.

Hinihiling din ng mga petisyoner sa Kapita-pitagang Hukuman


na agad mag-isyu ng temporary restraining order (TRO)
pagkatanggap ng petisyong ito, para pigilan ang mga respondent sa
pagpapatupad ng CMO No. 20 habang dinidinig at nireresolba ang
mga isyung tinalakay rito.

Ang iba pang porma ng relief na makatwiran at nararapat sa


kasalukuyang petisyon ay hinihiling din ng mga Petisyoner.

Lungsod ng Maynila, 15 Abril 2015.

GREGORIO T. FABROS
Abugado ng mga Petisyoner
31 Dao St., Mapayapa Village 3, Pasong Tamo, Quezon City
Roll No. 26072
PTR QC OR 0598670; Jan. 9, 2015
IBP QC OR 0982770; Jan. 9, 2015

MCLE Compliance V No. 0005815 (January 22, 2015)


Tel. 931 1153 / 09228110413
gregfabros@yahoo.com

You might also like