Isang lahing kinamulatan, sa isang bansa isinilang, May sariling wika na sa puso at isipa’y nakapunla Liping hindi ikahihiya dahil sa Pilipinas tayo nagmula. Wikang Filipino,hatid sa madla’y karunungan Sumasalamin sa kalinangan at damdaming makabayan,Tulay na nag-uugnay sa pagpapahayag ng kaisipan Nagsisilbing kawing tugon sa pag-uunawaan. Wika’y pundasyon sa karunungang pantaoTagapaghatid ng kaalaman at katangian ng Pilipino,Mahalaga sa usapan at pangangatwirang totooMarapat na pahalagahan para sa kaunlaran at pagbabagoMatagal ng usapin pagpapaunlad sa wika ng bayanDahil lubos na niyakap, wikang nagmula sa dayuhan,Dayuhang dumusta, Oo! Dumusta! Ginulo ang isipan Kaya ng tayo’y lumaya, nawala sariling pagkakakilanlan.Sa ganitong kalagayan, dalubwika may mithiinMasusing pinag-aaralan pag-unlad ng wika natinPara matunton ang kaganapan ng lahat ng naisinAng mapayabong pa ang lahat ng mga wikain.Upang matugunan ang suliranin ng sambayananWikang Filipino, siya nating kailanganKung wikang Filipino ang gagamitin sa araw- arawTiyak itong epektibo , mga gawa’y makabuluhan.
Wika nati’y yayabong kung tatanggapin
ang pagbabago Na gamitin ang diyalekto at salitang hiram sa kausap mo,May batas na nagpapahintulot na pag-aralan ang mga itoHuwag lang kalilimutan ang wika nati’y Filipino. Sagana ang Pilipinas sa mga katutubong wikainIba-iba ang bigkas at iba-iba ang diin ngunit ito’y Filipino pa rin, Saanman dako ng bansa malaya nating gamitinIlokano, Sambal, Ivatan, Ifugao na sariling wika atinKilos na kababayan, Kumilos ka! Wika natin ipagmalakiKilos na kababayan, Kumilos ka! Ito na ang panahon ng ating pagbubunyi.Kilos na kababayan, Kumilos ka! Ngayon ay buwan ng mga wikang tatak ng ating lahi.Kilos na kababayan, Wikang Filipino… wika ng liping kayumanggi.