Professional Documents
Culture Documents
Babylyn Felix
BSCE 1 – 6
Komunikasyon
Ayon kay Senador Morgan ng Alabama, ang Pilipinas ay mahalaga bilang base militar at
komersyal ng Amerika sa silangan. Inaasahan din nilang mangangailangan sa Pilipinas ng mga
kagamitang mabibili sa kanilang bansa sapagkat mababago na ang sistema ng pamumuhay sa
kanilang ipakikilalang edukasyon.
Sa pagkakatatag ng pamahalaang sibil ng Pilipinas, ipinahayag ni Presidente McKinley sa
Komisyon ng Pilipinas sa pamumuno ni Hukom W. Howard Taft na bigyan ng espesyal na
atensyon ang pagtuturo ng Ingles sa Pilipinas bagamat sinabi niyang “kailangang ipagkaloob ang
edukasyon sa wika ng mga tao”. Naniniwala ang mga mananakop na dapat ibigay ang libreng
edukasyon sa kanilang wika sapagkat wala raw karapat-dapat na wikang katutubo dahil “mga
barbaro” ang mga iyon.
Hindi naging madali ang pagtuturo ng Ingles. Hindi maiwasan ang paggamit ng wikang
bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga bata. Noon 1900 ang Superintendente Heneral
ng mga Paaralan ay nagbigay ng rekomendasyon sa Kalihim ng gobernador Militar ng paggamit
ng bernakular bilang pantulong na wikang panturo. Pinagtibay naman ng Lupon ng Superyor na
Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya sa Ingles-Ilokano,
Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya at Ingles-Bikol.
Noong 1906 pinagtibay ni Dr. David Barrows (direktor ng Kawanihan ng Pagtuturo) ang isang
kurso sa wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa Philippine Normal
School sa panahon ng bakasyon ng mga mag-aaral.
Nagbago na naman ang pamamalakad nang ang nahalili bilang Direktor ay si Frank White dahil
sa pagreresayn ni Barrows. Ipinahayag ni White na Ingles lamang ang gagamiting wikang
panturo at ipinagbabawal ang bernakular.
Ganito ang nakalagay sa Service Manual ng Kawanihan ng Edukasyon:
5. Panahon ng Hapon
24 Hulyo 1942, pinalabas ang Ordinasa Militar Blg. 13 na nagsasaad na ang Niponggo at
Tagalog ang siyang opisyal na wika, pinapayagan lamang ang paggamit ng Ingles bilang
pansamantalang wika.
Nagkaroon ng Kapisanan ang Paglilingkod sa Bagong Pilpinas (KALIBAPI). Layunin nito ang
pagpapabuti ng edukasyon, pagpapalakas at pagpapaunlad ng pangkabuhayan sa Pilipinas sa
pamamatnubay ng Emperyong Hapones. Si Benigno Aquino Sr ang direktor nito. Pangunahing
proyekto nito ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa tulong ng Surian ng Wikang Pambansa.
Ang Pilipino sa halip na gamitin agad ay pinagdudahan pa. Eksperimento muna ang paggamit ng
bernakular sa lalawigan ng Iloilo noong 1948 hanggang 1954 at muli noong 1967-68 sa Iloilo at
Rizal.
Ang mga klase sa Tagalog ay naging labis na gramatikal at di nakaakit at nakahikayat sa mga
estudyante sa wikang pambansa.
Sa Konstitusyon ng 1987, pinagtibay na ang Wikang Filipino bilang wikang pambansa. Ito’y
batay hindi lamang sa Tagalog kundi sa lahat ng wika sa Kastila at Ingles. Sa mas tiyak, ito ang
tinatawag ngayon na pambansang linggwa frangka na wikang ginagamit ng mga Pilipino sa
pakikipag-usap sa isa’t isa sa kabila ng kanilang iba’t ibang wikang sinasalita.
Sa kabila ng pagbabago sa basehan ng wikang pambansa, hindi pa rin natatapos ang paggigiit pa
rin ng ilang sektor na Tagalog pa rin itong Filipino. Isa pa ring problema ng wikang pambansa na
di pa nalulutas ay ang pagpapagamit dito bilang midyum ng pagtuturo. Sa kasalukuyan, ang
inaadap ng gobyerno ay bilinggwal na Patakaran sa Edukasyon na pinagtibay noong 1973 at
ipinairal noong 1974 hanggang sa kasalukuyan.
Ang pagkuha ng isang asignatura o subject sa Language Planning ang magpapakilala sa isang
mag-aaral ng mga huwarang teorya at praktikal na pagkaunawa sa ilang bagay:
KAHALAGAN NG WIKA
Sa sarili-gamit ang wika, nagagawa ng tao na mapaunlad ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pagtatamo ng mga kaalaman sa kanyang paligid.
Sa kapwa-sabi nga sa isang awit"walang sinuman ang nabubuhay ng para sa sarili
lamang".Bawat isa sa atin ay kinakailangan makipagkomyunikeyt upang mapatatag ang
relasyong-sosyal.
Sa lipunan-sa sandaliang mapagsama-sama ang mga karanasan ng mga tao, nagkakaroon ngayon
sila ng isang tiyak na lipunan na tunay na kakaiba.Nagagawa ng wika na pagbuklurin ang isang
lipunan.
KAPANGYARIHAN NG WIKA NA DAPAT NITONG TAGLAYIN
Ang wika ay maaring makapagdulot ng ibang kahulugan.
Ang wika ay humuhubog ng saloobin.
Ang wika ay nagdudulot ng Polarisasyon.
Ang kapangyarihan ng wika ay siya ring kapangyarihan ng kulturang nakapaloob dito.
GAMPANIN NG WIKA NA DAPAT NITONG GAWIN
-Ang Wika ay maraming kahalagahan at gampanin sa sangkatauhan.Narito ang mga sumusunod:
IMPORMATIB-ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon
tungo sa tagatanggap nito.
EKSPRESIB-ang gamit ng wika kung nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o
makapagpabago ng emosyon.
DIREKTIB-nagiging direktib ang wika kung hayagan o di-hayagan nitong napakikilos ang isang
tao upang isagawa ang isang bagay.
PERPORMATIB-gamit ng wika na higit pa sa paslitang anyo ng komunikasyon. Ito ay
kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.
PERSWEYSIB-gampanin ng wika na nagagawang makahikayat ng taotungo sa isang
paniniwala.