You are on page 1of 2

Wika

Ano nga ba ang ibig sabihin ng salitang wika? Ang wika ay kilala rin bilang
lengguahe. Hindi natin napapansin pero sa ating araw araw, tayo ay gumagamit
ng wika sa iba’t ibang bagay pero madalas natin gamitin ito sa komunikasyon.
Gumagamit tayo ng wika upang maintindihan ang gusto ipahayag ng isang tao
mapa pasalita man o pateks. Kung wala tayong wika, napakahirap nitong isipin
dahil ang wika ay ating instrumento na ginagamit upang makipag usap sa iba’t
ibang tao.

Sa kada ibang bansa ay may sari sariling wika. Ang Ingles ay kilala bilang
wikang pangkalahatan. Mapa Pilipino ka man, Hapon o iba pa kailangan alam
pa rin natin ang wikang Ingles dahil ito lamang ang paraan upang makitungo sa
mga taong galing sa ibang bansa. Dito sa bansang Pilipinas, ang ating
pambansang wika ay Pilipino. Pero marami din naman dyalekto ang ating bansa.
Ang dyalekto ay wika na ginagamit ng isang partikular na probinsya o rehiyon.
Mayrong Bisaya, Ilokano, Bikolano, Kapampangan at marami pang iba.

Hindi lamang sa komunikasyon natin ginagamit ang wika. Ito ay ginagamit


din sa iba’t ibang panitikan. Ang mga libro o teksto na binabasa natin tulad ng
pabula, parabula, mitolohiya, epiko at iba pa ay ginagamitan ng wika. Sa pag
susulat ng mga tula, kanta, kwento, pahayag at marami pang iba, ay
ginagamitan din ito ng wika. Napakahalaga ang pag gamit ng wika dahil kung
wala ito ay napaka imposibleng makagawa ng iba’t ibang panitikan.

Sa kada taon na nag aaral tayo, minsan nagtataka tayo bakit taon taon
na lang ay mayroon tayong klase ng Pilipino. Oo nga mga Pilipino na tayo pero
mahalaga pa rin na aralin at aralin ito para lumawak ang ating kaisipan at
matuto pa ng mga bagong salita at syempre mahalaga rin na aralin natin ang
iba’t ibang panitikan dahil marami tayong matututunan na magagandang asal
dito.

Sa dami nang wika sa buong mundo, minsan inaaral na rin natin ang mga
wika ng ibang bansa. Wala naman masama doon pero wag naman sana natin
itaboy ang ating wika kapag tayo ay natuto ng iba. Ika nga ni Dr. Jose P. Rizal,
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”.
Dapat mahalin at pahalagahan natin ang sariling wika dahil dito tayo
nakikilalang mga Pilipino. Taon taon natin ipinagdidiwang ang linggo ng wika sa
tuwing buwan ng Agosto. Ito ay nag papaalala sa atin na mahalaga ang wikang
Pilipino.

You might also like