You are on page 1of 4

Arts

Ilan sa mga tanyag na tanawin na matatagpuan sa ating bansa ay ang mga sumusunod.

1. Ang Simbahan ng Barasoain ay isang Katolikong simbahang matatagpuan sa


Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Dito naganap ang tatlong mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas:
ang pagpupulong ng Unang Kongreso ng Pilipinas.

2.Hagdan Hagdan Palayan sa Banaue


Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinagurian
natin na “8th Wonder of the World.” Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan
sa Banaue, Ifugao. Ito ay ang hagdan-hagdang palayan na pinagbuwisan ng buhay
ng ating mga ninuno. Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga
kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.

3. Talon ng Pagsanjan
Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang
napakagandang talon, ang Talon ng Pagsanjan. Malawak at malinaw ang tubig na
nagbubuhat sa talon
na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang
sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis.

4. Lawa ng Taal
Ang Lawa ng Taal ay isang lawang tubig-tabang sa lalawigan ng Batangas sa pulo
ng Luzon, Pilipinas. Ang lawa ay nasa isang caldera na nabuo ng napalaking mga
pagputok sa pagitan ng 500,000 at 100,000 taong nakararaan. Ito ang pangatlong
pinakamalaking lawa sa Pilipinas (ang pinakamalaki ay ang Lawa ng Laguna)

5. Chocolate Hills
Ang Chocolate hills ay isang burol.Napakagandang destinasyon ang tsokolate hills
ito ay matatagpuan sa Bohol..

6. Boracay
Ang boracay ang pinakamagandang destinasyon na maari mong puntahan,
napakaganda ng dagat nito at napakaputi ng buhangin..Isa rin eto sa tourist
attraction sa Pilipinas. Bahagi ito ng bayan ng Malay sa probinsiya ng Aklan

Ang mga tanyag na pintor ay may kanya-kanyang istilo sa pagpipinta. Kapansin


pansin na katangi-tangi ang kanilang mga istilo, ito ang nagiging tatak nila o pagkakakilanlan ng kanilang mga obra.
Kilalanin natin ang mga sumusunod na tanyag na pintor dito sa ating bansa.
1. Fernando Amorsolo
Si Fernando C. Amorsolo ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan gn tao at larawan ng mga pang-araw-araw na
Gawain na Malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga kulay. Karamihan sa kaniyang mga ipininta
ay nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay
sa bukid. Ilan sa kiniyang mga ipininta ay ang “Planting Rice,” “Road by the Sea”, at “The First Man”.

2. Carlos “Botong” Francisco


Si Carlos “Botong” Francisco” ang tinaguriang “The Poet of Angono” dahil sa istilo ng kanyang pagpipinta. Siya ay isa
sa modernistang pintor na lumihis sa itinakdang kumbensyon ng pagpipinta ni Amorsolo, at nagpasok ng sariwang
imahen, sagisag at idyoma sa pagpipinta. Nagpinta siya ng sari-saring myural, gaya sa Bulwagan ng Lungsod ng
Maynila at iba pa.

3. Vicente Mansala
Si Vicente Mansala ay isa ring tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-
sabay na elemento sa pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t ibang nayon sa
bansa. Pinaunlad niya ang kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at translucent technique na makikita sa
kanyang mga obra.

4. Victorino C. Edades
Siya ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”, ang kayang istilo sa pagpinta ay taliwas sa istilo ni
Amorsolo. Siya ay gumamit ng madilim at makulimlim na kulay sa kanyang mga obra. Ang mga manggagawa ang
ginamit niyang tema upang mabigyang pansin ang sakripisyo na dinaranas ng mga ito.

Ang Complementary Colors ay ang magkasalungat na kulay na


matatagpuan sa color wheel. Ito ay nabuo dahil sa nagkakaroon ng
maganda kombinasyon kapag ang magkasalungat na kulay ay
pinagsama.

Maraming makasaysayang lugar dito sa ating bansa. Ilan sa mga


ito ay ang mga sumusunod.

1. RIZAL SHRINE SA DAPITAN


Matatagpuan sa Zamboanga del Norte. Sa lugar na ito ipinatapon si Rizal ng pamahalang Espanyol dahil sa isang
kasalanang ibinintang sa kanya.
2. AGUINALDO SHRINE
Sa kawit Cavite matatagpuan. Ito ang bahay ni Emilio Aguinaldo. Sa balkonahe ng bahay na ito inihayag ni Heneral
Aguinaldo ang kalayaang Pilipinas noong ika- 12 ng Hunyo 1898. Kasabay nito ang pagwagayway ng watawat ng
Pilipinas sa unang pagkakataun. Sa pagkakataon din ito unang pinatugtog ang Himig ng Lupang Hirang ang ating
pambansang awit.
3. FORT SANTIAGO
Nasa Intramurros, Maynila. Dito ikinulong ng mga Espanyol si Rizal bago barilin sa Bagumbayan ( Luneta)

Health
Mga Pagbabagong Pisikal sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Ang pagbibinata o pagdadalaga ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan
ang batang pangangatawan ay magiging ganap na may kakayahang magparami nang sekswal. Ito ay
pinasisimulan ng mga hudyat ng hormones mula sa utak patungo sa gonad: ang mga obaryo para sa mga
babae at testes naman para sa mga lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay maglalabas ng
hormones na maguudyok ng libido at ng paglaki, gampanin at ang pagbabago ng utak, mga buto,
kalamnan, dugo, balat, buhok, dibdib, at ari. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa
unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong
katawan.
Karaniwan, ang mga babae ay nagsisimulang magdalaga sa gulang na 10 hanggang 11. Samantala ang
mga lalaki ay nagsisimula naman sa gulang na 11 hanggang 12. Ang mga babae ay karaniwan ring
dumadaan sa ganap na pagdadalaga sa gulang na 15-17, habang ang mga lalaki ay ganap na nagbibinata
sa gulang na 16-17. Isang mahalagang hudyat ng pagdadalaga ang menarche, ang panimulang regla, na
karaniwang sumisibol sa gulang na 12-13; para sa kalalakihan, ito ay ang pangunahing pagpapalabas ng
semilya na karaniwang nagaganap sa gulang na 13. Noong ika-21 na siglo, ang karaniwang gulang kung
saan ang mga bata, lalo na sa kababaihan, na dumadaan sa pagdadalaga o pagbibinata ay mababa kung
ihahambing sa ika-19 na siglo, kung saan 15 ang gulang ng mga babae at 16 sa mga lalaki. Ito ay
maaaring dulot ng ilang salik, kasama na ang pinabuting nutrisyon na humahantong sa matuling paglaki
ng katawan, pagtaas ng timbang at deposisyon ng mga taba, o di kaya’y pagkakababad sa endocrine
disruptors tulad ng xenoestrogens, na maaaring dahil sa pagkonsumo ng pagkain o iba pang
pangkapaligirang salik. Ang pagdadalaga o pagbibintang na mas maagang nagsisimula ay tinatawag ding
precocious puberty. Ang pagdadalaga o pagbibinatang nahuhuli ay delayed puberty.

Mga Pagbabago sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata

Ang mga nagdadalaga ay karaniwang nakakaranas ng pananakit ng dibdib dahil sa pagtubo ng suso,
sumasakit ang ulo, at minsa’y nahihilo. Ang pagsakit ng puson at balakang ay maaring dahilan ng nalalapit na
pagreregla. Kung minsan ay pagsusuka.
Ang mga nagbibinata ay lumalaki ang mga kalamnan sa braso at binti na nagdudulot ng ibayong lakas at
resistensya.

Mga Pagbabagong Emosyonal at Sosyal sa Panahon ng


Pagdadalaga at Pagbibinata

Ang pagbabago sa ugali ng mga nagbibinata at nagdadalaga ay kapansin-pansin. Totoong napapahilig sila
sa pakikipagkaibigan ngaunit ang pagiging mapag-isa kung ninanais ay dapat pahalagahan dahil ito ang panahon
upang makapag-isip ng mga dapat at di dapat para sa sarili. Ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay nagiging mapili
na rin sa gustong kagamitan. Hindi lamang sila nagiging maayos sa sarili kundi gayundin sa mga damit at iba pang
kagamitan.
Mamamasid din sa kanila ang kasipagan at paggawa nang may kusa. Ang pagiging matulungin at
mapagkalinga sa kapwa ay makikita sa kanilang pakikitungo sa mga kaibigan at kapatid. Ang pagtanggap ng
responsibilidad ay isang hudyat ng pagtitiwala sa sarili na gusto rin nilang pahalagahan.
Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay naapektuhan din ang damdamin ng isang nagdadalaga at
nagbibinata. Ang mga kabataang ito ay nagiging palaayos sa sarili ay normal na bahagi at dahil dito ay nagiging
palahanga sa mga taong mapag-ayos at may magandang tikas ng katawan na nagiging idolo nila sa paglak. Maging
sa sarili ay mapaghanap sila ng pansin mula sa kapwa at mga magulang. Dito rin maigting ang pakikipagkaibigan at
pakikipagtunggali kaya’t ang pakikisama ay dapat nilang matutunan at pahalagahan. Sa panahong ito, ang
pagtitiwala sa sarili ay makatutulong sa pagiging matatag na siyang susi upang maging maunlad at malawak ang
pag-unawa sa buhay.
Ang mga kasambahay at kaibigan ay dapat namang magpakita ng pag-unawa, pagkilala, at pagtitiwala na
siyang makatutulong sa pagpapaunlad ng mga nagbibinata at nagdadalaga.

Mga Isyu at Usapin sa Panahon ng Pagdadalaga at Pagbibinata


Kapag ang batang lalaki o babaeay dumating na sa eda 10-16, siya nasa “Puberty Stage” na. Ang mga nagaganap na pagbabago
ay nagsisimulang mapansin sa kaanyuan, pangangangatawan at pagkilos.

Pagkalito at pagkabahal ang kanilang nararanasan lalo na pagdating sa pangkalusugang aspeto. Nagkakaroon ng maraming
usapin/isyu tungkol dito.
Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay naapektuhan din ang kanilang damdamin. Ang mga kabataang ito ay nagiging mahiyain at
maramdamin, madaling mabugnot at palakain. Ang pagkakaroon ng di kanais-nais na amoy ng katawan dulot ng pagiging aktibo
ng kanilang “sweat glands”. Nagiging hukot ang porma ng katawna ng isang babae dahil nag-aalangan siya sa paglaki ng kanyang
dibdib kasabay ang mga sintomas ng pagkakaroon ng regal ng babae.

Ang pinaka-malaking isyu/usapin sa panahon ng puberty ay ang maaga at di inaasahang pagbubuntis ng isang babae na madalas
na nangyayari kung hindi mag-iingat. Nakakaranas din ng “Sexual Harassment” o abusing sekswal ang mga batang nagdadalaga
at nagbibinata.

P.E.
May iba’t ibang gawain na nagdudulot ng lakas at tatag ng kalamnan katulad ng pagtulak o paghila ng mga
bagay,pagbubuhat at iba pa.
Ang lakas ng kalamnan ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat na bagay o pwersa.
Ang tatag ng kalamnan naman ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang bagay o puwersa nang
paulit-ulit, o mas matagal na panahon.

Ang paggamit ng kalamnan para matagalang panatilihin ang posisyon ng katawan ay pagpapakita ng pagtaglay ng
tatag ng kalamnan.
Mahalaga na magtaglay ng lakas at tatag ng kalamnan upang laging handa ang ating katawan sa anumang gawaing
nangangailangan ng power.

Ang liksi (agility) ay isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing
kakayahan na magpalit-palit o mag iba-iba ng diresyon.

Ang liksi ay kakayahan sa mabilis na pagpalit-palit o pagbabago ng direksyon. Ang mabilis na pagkilos habang nag-
iiba ng direksyon ay sukatan ng liksi.
Ang pagsasagawa ng gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay nagpapatibay ng ating katawan at nagpapahusay ng iba’t-ibang
kasanayan tulad ng liksi.
Ang speed o bilis ay ang kakayahansa mabilis na paggalaw ng katawan o ilang bahagi ng katawan. Halimbawa nito ay ang mabilis
na pagtakbo o pag-iwas na mahuli o mataya. Maraming laro ang nangangailangan ng bilis kung kaya’t mainam na sanayin ito ng
bawat isa.

Ang mga laro ay nakatutulong sa pagsasanay ng physical fitness components.


Ang invasion game ay uri ng mga laro na ang layunin ay ‘lusubin’ o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo. Ang Patintero ay
isang halimbawa ng invasion game.

Ang mga laro ay nakatutulong sa pagsasanay ng physical fitness components.


Ang invasion game ay uri ng mga laro na ang layunin ay ‘lusubin’ o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo. Ang Patintero ay
isang halimbawa ng invasion game.

Ang larong Agawang Base ay nagpapaunlad sa bilis sa pagtakbo at liksi sa paggalaw. Sa paglalaro nito, kailangan
ang pag-iingat upang hindi mataya ng kalaban.
Ang layunin sa larong ito ay maagaw ng grupo ang base ng kalaban nang hindi natataya. Ang Agawang Base ay isa ring
halimbawa ng invasion game, tulad ng patintero.

Ang larong Lawin at Sisiw ay isa ring laro na tumutulong sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagiging mabilis at
maliksi. Nagagamit din dito ang lakas at tatag ng kalamnan.
Tinatawag din ang larong ito na ‘Touch the Dragon’s Tail’, ‘Hablutin mo ang Buntot Ko’ at iba pa. Sa paglalaro nito,
kailangang maging listo at maliksi upang maagaw ang panyo.
Kailangan ng mga sisiw ang proteksyon katulad ng isang manlalaro. Layunin ng inahin na iiwas ang kaniyang mga sisiw mula sa
mga kamay ng lawin.

You might also like