You are on page 1of 27

PROYEKTO SA FILIPINO

Anyong Lupa at Anyong Tubig

Ipinasa ni: Justine Dwyane N. Goc-ong


Grade 5 - Sped B
ANYONG LUPA

Ang anyong lupa o pisikal na katangian ay binubuo ng isang

heomorpolikal na yunit, at kadalasang nagkakaroon ng

kahulugan sa kanyang anyo sa ibabaw at lokasyon sa tanawin,

bilang bahagi ng kalupaan, at dahil sa katangiang iyon,

kinakatawan ang isang elemento ng topograpiya.


Mga Uri ng Anyong Lupa

Bulkan ng Mayon

Bulkan

Isang uring bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay

maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uring

bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito
sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng

Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibona kung saan maaari itong

sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong

sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang

bulkan ng Pinatubo.

Kapatagan sa Gitnang Luzon

Kapatagan
Isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at
pantay ang lupa rito. Maaarin itongtaniman ng mga palay, mais atgulay.

Bundok Apo

Bundok

Isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at


hamak na mas mataas kay sa burol. Halimbawa nito ay Bundok Banahaw,
Bundok Apo.
Chocolate Hills

Burol
Higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay

ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito

at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag-ulan at kung tag-

araw ay nagiging kulay tsokolate.

Lambak ng Cagayan

Lambak
Isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring

mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palayang maaaring

itanim dito.

Talampas ng Lungsod ng Baguio

Talampas
Patag na anyong lupa. Ang kaibahan nito sa lambak ay nakalatag ito

sa isang mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba anglupa

rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito.

Tangway ng Bataan

Tangway
Ang isang tangway o tangos o peninsula, cape, promontory sa

Ingles ay isang lupa na napapaligiran ng tubig sa tatlong sulok. Maaaring

maging tangway ang mga punong lupain (headland), tangos (cape), pulong

promontoryo, lupaing palabas ng dagat, punto o spit. Isang halimbawa

nito ay ang Lungsod ng Cavite (Cavite City), na dating pangalan nito ay

Tangwáy.

Baybayin ng Maynila
Baybayin

Bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat

Bulubundukin ng Cordillera

Bulubundukin
Ito ay matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-

sunod. Ang pinakamataas na bulubundukin sa buong mundo Himalaya nasa

Asya na nangangahulugang "tahanan ng mga niyebe". Sa Pilipinas, ang

Sierra Madre ang pinakamahabang hanay ng bundok na nasa Cordillera

Pulong Sulu

Pulo
Ang pulo o isla ay isang bahagi ng lupa na higit na maliit sa

kontinente at higit na malaki sa bato na napaliligiran ng tubig. Ang

maliliit na pulo na hindi napakikinabangan ay tinatawag na islet sa Ingles.

Ang mga pangkat ng mga magkakaugnay na pulo ay tinatawag na

arkipelago. Mayroong dalawang pangunahing uri ng mga pulo: ang mga

pulong kontinental at pulo sa karagatan. Mayroon ding mga pulong

artipisyal.

Raja Ampat archipelago, Indonesia

Kapuluan o Archipelago

Ang kapuluan o archipelago ay isang pangkat ng mga isla o pulo.

Ang kapuluan o arkipelago ay isang anyong lupa na binubuo ng malalaki at


maliliit na pulo. Panay tubig ang nakapaligid sa isang pulo. Ang isang

halimbawa ng kapuluan ay ang mga bansa ng Pilipinas, Hapon,

Indonesia at Nagkakaisang Kaharian.

Disyerto ng Gobi

Disyerto
Ang disyerto ay isang bahagi ng lupa kung saan ito ay mabuhangin

at meron ding mabato. Kadalasang matatagpuan ang disyerto sa mga

bansang may maiinit na klima tulad ng mga bansa sa Gitnang silangan.

Walang permanenteng mga bahagi ng tubig, hindi dinadalaw ng ulan at

hindi karaniwang tinataniman. Ang Gobi Desert na syang pinakamalaki sa

asya at pang – apat sa buong mundo, ay isa lamang mga disyertong

matatagpuan sa asya. Makikita din dito ang mga disyerto ng Taklamakan,

Kara Kum at mga disyerto sa Iraq, Iran, Saudi Arabia at India.

ANYONG TUBIG

Ang anyong tubig ay kahit anumang makahulugang pag-ipon

ng tubig, kadalasang tinatakpan ang ibabaw ng

isang planeta katulad ng Daigdig. Hindi kinakailangan na hindi


gumagalaw o nakapaloob ang isang anyong tubig; ang mga ilog,

sapa, kanal, agusan, bambang at ibang katangiang pang-

heograpiya kung saan dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar

hanggang sa isa pang lugar ay tinturing din na anyong tubig


Mga Anyong Tubig

Karagatang Pasipiko

Karagatan

Ang pinakamalawak at pinakamalalim na anyong tubig na bumubuong 71%

ng ibabaw ng mundo. Maalat ang tubig nito. Kabilang sa mga kilalang

karagatan ay ang Karagatang Pasipiko, Karagatang Atlantiko,

Karagatang Indiyano, Karagatang Artiko, at ang Katimugang Karagatan.


West Philippine Sea

Dagat

Malawak na anyong-tubig na mas maliit lamang ang sukat sa

karagatan. Maalat ang tubig ng dagat sapagkat nakadugtong ito sa

karagatan. Nabibilang sa mga dagat sa Pilipinas ang Dagat Timog Tsina,

Dagat Pilipinas, Dagat Sulu, Dagat Celebes, at Dagat Mindanao.


Ilog Agno

Ilog

Isang mahaba at makipot na anyong tubig na umaagos patungong

dagat. Nagmula ito sa maliit na sapa o itaas ng bundok o burol.


Look ng Maynila

Look

Isang anyong-tubig na nagsisilbing daungan ng mga barko at iba

pang sasakyang-pandagat. Maalat din ang tubig nito sapagkat

nakadugtong ito sa dagat o sa karagatan. Ang Look ng Maynila, Look ng

Subic, Look ng Ormoc, Look ng Batangas, at Look ng Iligan ay halimbawa

ng mga look sa Pilipinas.


Lingayen Gulf

Golpo

Bahagi ng dagat at ito rin ang tawag sa malalaking look. -

karaniwang nasa bukana ng karagatan.


Lawa ng Caliraya

Lawa

Isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa at pangkaraniwang

tubig tabang. Hindi umaagos ang tubig nanagmumula sa anyong tubig na

ito.
Malumpati Cold Springs: Antique

Bukal

Tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Ang bukal ay karaniwang

pinagliliguan tuwing tag-init. Tinatawag rin itong Hot Springs. Ginagawa

itong pangggamot sa ilang karamdaman at sa rayuma lalo na ng

matatanda.
Biliran Strait

Kipot

Isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking

anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. May kabuuang 200 ang kipot

sa Pilipinas dahil sa pagiging kapuluan nito.


Maria Cristina Falls

Talon

Bumabagsak na tubig pababa mulasa ilog o sapa na karaniwang nasa

mataas na lugar o bundok.


Daranak of Tanay Rizal

Batis

Ang batis, ilug-ilugan o saluysoy ay isang anyo ng tubig na may

patuloy na agos sa pinanggagalingan nito. Karaniwan nang malinis at

malamig ang tubig sa batis na madalas matatagpuan sa gitna ng mga

kakahuyan sa gubat.

You might also like