You are on page 1of 7

Mga batang katutubo nanalo

Nanalo sa ikalawang pagkakataon ang mga batang katutubo ng pamayanan ng mamara sa katatapos na
palarong pandistrito ng paluan 2016.

Matatandaan na noong nakaraang palarong pandistrito sa bayan ng paluan taong 2015 ay dalawang
babaeng katutubo ang sumungkit ng medalya sa larangan ng athletics. Sa 25 batang manlalaro na
naglaban sa palayuan ng lundag o long jump ay nangibabaw at nagpakita ng pwersa ang dalawang
babaeng katutubo ito ay sina rangielyn gayandan at ma. Princess obina na nakuha ang una at ikalawang
karangalan.lumundag si rangielyn ng 3.57 metro habang si ma. Princess ay 3.49 metro na hindi na
napantayan ng kanilang mga katunggali.

At ngayong palarong pandistrito ng paluan 2016 ay muling umukit at nagdagdag ng karangalan ang isang
lalaking katutubo sa katauhan ni Benjie gayadan sa larangan ng malayuang takbuhan o 1500 metro
takbuhan. Nakuha nya ang ikatlong karangalan bagaman ay maraming naging balakid ay ipinakita nya ang
tibay, tatag ng katawan at tiwala sa sarili upang mapagtagumpayan niya ang nasabing laro..

Palarong pampaaralan ginanap

Ginanap sa unang pagkakataon ang palarong pang iskol sa mababang paaralan ng mamara. nabanaag at
bakas sa mga mukha ng mga batang katutubo ang saya sa palarong pampaaralan na sa unang
pagkakataon ay ginanap sa pamayanan ng katutubong mamara na kung saan ay nakatayo ang silid-
aralan na kanilang pinapasukan ito ay sa pangunguna ng mahusay at mapagkalinga na si g. dennis p.
torreliza, teacher –in charge kasama ng kanyang mga kaguruan ay naisakatuparan ang kauna-unahang
palarong pang iskol na nilahukan ng mga batang mag-aaral mula sa unang baitang hanggang ikatlong
baitang na kung saan ay ang kategoryang laro ng lahi ang kanilang pinagtunggalian. Nakita at nasaksihan
ng mga magulang ang kanilang mga anak kung papaano laruin ang nasabing kategorya.

Samantalang ang ikaapat hanggang ikaanim na baitang ay nagtagisan sa ibat-ibang kategorya sa athletics
na kung saan ay nasubok at ipinamalas ang kanilang mga nakatagong angking kakayahan sa
paglalaro.dito pinili at matiyagang tinulungan ng mga kaguruan ang mga batang manlalaro para sila ay
maihanda sa susunod na palaro,ito ay ang palarong pandistirto ng paluan 2016.
Amay wilan aktibo
Aktibo,di matatawarang dedikasyon sa trabaho,yan si amay wilan t.gayadan,isang iginagalang na
amayan ng pamayanan ng katutubong mamara na matatagpuan sa sitio mamara,barangay tubili.siya ay
naglingkod na poun balayan o mayor ng kanilang pamayanan na kung saan siya ay naglatag ng mga
batas bilang gabay sa kaniyang pamumuno.isa sa mga ginawa niyang batas ay tungkol sa edukasyon na
mabigyan ng mataas na pagpapahalaga.

Sa di matatawarang dedikasyon sa trabaho siya ay muling hinirang at pinagkatiwalaan ng kanyang mga


nasasakupan,siya ay ginawa o itinalaga bilang presidente ng mababang paaralan ng mamara na kanya
namang tinanggap ng buong puso at walang bahid na alinlangan. Na kanyang sinabi “ hindi ko mabubuo
ang bahay kung wala ang apat na haligi,na ang haligi kung tinutukoy ay kayong mga kapwa ko magulang
na aking magiging katulong at katuwang sa pagsasaayos at pagmamahal sa ating mahal na paaralan.”

Siya din ay naging kasapi ng samahan ng mga katutubo ng oksidental Mindoro.dito ay kanilang
pinagtibay ang ancestral domain o lupaing ninuno na kung saan ay walang pwedeng mag mayari ng
lupaing ninuno ng ibang tao.

Ang kaniyang abilidad sa larangan ng pamumuno ay nahubog mula sa kanyang kamusmusan ay nakita sa
kanyang ama na minsan na ring naging puon balayan ng pamayanan.ito ang nagbigay at nagsindi ng
apoy sa kanyang puso na paglingkuran ang kanyang pamayanan.
Sa paglipas ng panahon ay hindi nawala ang kulturang pamamahala ng mga katutubo.dahil naniniwala
sila na kailangang mayroong mamamalakad sa isang pamayanan upang hindi magkawatak-watak ang
kanilang nasasakupan.sila ay natayo ng pamunuan na binubuo ng amayan na kung saan sila ang may
malalim na kaalaman at pagmamahal sa kanilang kultura. poun balayan o mayor na mamumuno sa
kanilang nasasakupan.siya ang itinuturing na pinakamataas na antas sa larangan ng
pamumuno.pangalawang poun balayan o vice-mayor siya ang katuwang ng poun balayan sa
pagpapatupad ng mga katutubong batas. Ito ay sinusundan ng gounan o kapitan na siya ang inaatasang
ipatupad ang mga binuong mga katutubong batas. Sumunod ay ang pasadyain na ang katumbas ay
huwes o judge na siya ang mangunguna sa paglilitis at paghuhusga sa mga pagkakataon na nagkakaroon
ng mga lumalabag sa mga batas. O konsehal sila naman ang mga nagmumungkahi sa mga gagawing
batas. Suguuan o pulis sila ang naatasang magpanatili ng katahimikan at kaayusan ng kanilang guraan o
pamayanan. Sila rin ang may karapatan na humuli o dumakip sa mga may ginawang kasalanan o
lumalabag sa kanilang batas.

Sila ang mga bumubuo upang maging maayos at tahimik ang kanilang pamumuhay sa tulong at
paggabay ni apo iraya.

Bulag na aytem
Senetch etey na trulala tarantula ang coloring blood ay berde…..
Na pilita corrales isyinusyugo ang kanyang aura aurora key sam milby??????

Senetch eteeeeeyyyyyyyyyyy……

Eh di si marvin vicente………
And Kawani ng gobyernon sa edukasyon ay nagsagawa ng DepEd Computerization Program (DCP)
at (Paki-insert na lang ang meaning ng DCIP)(DCIP). Isa sa mga nakatanggap ng nasabingproyekto ang
MababangPaaralan ng Absukot. Noong Ika-21 ng Hulyo ipinadala ang pitong yunit ng kompyuter, isang
printer, white screen, at projector. Ngayon ay kasalukuyang ginagamit ng mga-aaral ng Absukot ang mga
bagong kagamitan na malaki ang naitutulong sa kaalaman ng mga bata.

APS Ipinagdiwang ang Teacher’s Day

Sa pagdiriwang ng Buwan ng mga Guro ngayong oktubre, ang mga mag-aaral ng Absukot Primary
School ay naghanda ng konting programa para sa kanilang mga guro na sina G. Jake Virola, G. Richmond
Francis S. Fajardo at Bb. Glaiza M. Zubiri. Hindi maipaliwanag ang tuwa sa mga mukha ng mga guro
gayundin sa mga bata. Idinaos ang nasabing gawain sa silid-aralan ng Ikaunang Baitang. Ginanap ang
makabuluhang kaganapan noong ika-3 ng Oktubre sa paaralan. Pinangunahan ng mga estudyante mula
sa ikatlong baiting ang pagbibigay ng presentasyon para sa kanilang mga titser. Sinundan naman ito ng
mga mag-aaral sa mas mababang baiting. Sa pamamagitan ng pagtula, pag-awit, at pagsayaw, maganda
at matagumpay ang selebrasyon sa araw ng mga guro ng APS.

Taunang Fire at Earthquake Drill Isinagawa sa Paaralan ng Absukot.


Bilang paghahanda sa mga sakuna kagaya ng sunog at lindol, ang Bureau of Fire Protection ay
nagsagawa ng Fire Drill at Earthquake Drill sa bawat paaralan sa distrito ng Paluan. Kabilang sa mga
nabigyan ng oryentasyon ay ang Absukot Primary School. Pinangunahan ni Fire Officer Jeff B.
Mulingbayan ang diskusyon sa mga estudynte ukol sa mga tamang hakbang at dapat isaalang-alang kung
mayroong sunog at pagyanig ng lupa.

GINEBRA naungusan ang MERALCO sa game 2, 82-79

Naungusan ng Barangay Ginebra kings ang Meralco bolts sa iskor na 82-79 sa kanilang laban sa Best
of Seven Series sa Philippine Basketball Association(PBA) noong linggo sa Smart Araneta Coliseum.
Pinangunahan ni Import Justin Brownlee ang Ginebra kings na may markang 32 puntos,habang si Sol
Mercado ay nag-ambag ng 12 puntos.
Naging mahigpitan ang laban ng dalawang koponan hanggang sa matapos ang ikalawang yugto na
lamang ang Meralco bolts ng isang puntos sa iskor na,44-43 papasok ang ikatlong yugto ng kanilang
laban sa Smart Araneta Coliseum.
Nang pumasok ang ikatlong yugto, ang koponan ng Gin kings ay nakuha ang kanilang ritmo ng laro
upang maipuwersa ang kalamangan sa iskor na 48-63 sa pamamagitan ng mga nagliliyab na tres ni sol
Mercado.nagpakita ang bawat koponan ng mga mala-pader na depensa at makatindig balahibong
opensa.
Subalit hindi nagpatinag ang tropa ng mga boltahe sa pangunguna ni Cliff Hodge na nagbigay ng
tsansang lumamang ang mga tropa ng boltahe sa iskor na,76-75 sa 4:21 nalalabing oras sa regulasyon ng
Best Of Seven Championship series.
Ngunit hindi nagpabaya ang tropa ng Barangay Ginebra sa pangunguna ng kanilang el kapitan,l.a
Tenorio at import na si Justin Brownlee sa kanilang makapigil hiningang panalo at isinelyo ang game 2
sa iskor na,82-79.

Sports trivia

Alam nyo ba na ang tunay na pangalan ni Manny Pacquiao ay Emmanuel Dapidran Pacquiao at siya rin
ang number 10th pick sa Philippine Basketball Association sa koponan ng Mahindra Enforcer.

EDITORYAL

Saloobin tungo sap ag-aaral


“Edukasyon susi sa tagumpay.”
Bakit nga ba tayo nasa paaralan? Tayo ay nasa paaralan dahil nais nating matuto. At bawat isa
ay may adhikain nan a maging mapaunlad ang kakayahan.Ninanais na maging matagumpay sa
mapipiling larangan.Maabot ang mga pangarap para sa magandang kinabukasan.
Hindi dapat nating isaisip na ang pag-aaral ay nakatuon sa mga marka sa pagsusulit,resitasyon,takdang-
aralin at pag-uulat. Ang pagbibigay halaga ditto sa paglipas ng maraming taon ang tunayna magbibigay
ng tunay na pagkhulugan sa pag-aaral.
Ang mga katotohanan,ideya,at maging karanasan ay mas mahalaga kaysa sa ating napag-aralan.
Itoang malimit na nakapagbibigay nang kalinawan sa ating kinabukasan.Dapat din nating tandaan na
minsa na mas kapakipakinabang kung paano tayo natuto at hindi ang ano ang natutuhan.Ang mabisang
paraanng paggawaay nagsisilbing gabaysa buhay,ngunit maraming mga bagay na napag-aralan ay
malilimot na.Sapagkat ang pagigng sistematiko sa pag-aaral ay malaking katulungan. Ang gawi sa pag-
aaral ay sumusunod na tulong din para sa atin.
Bago man lang sana magtapos ang taon ng pagpasok sapaaralan,kami’y umaasa na ang ilang
paalalang ito”y maging resulta nang mas mabuting saloobin sa pag-aaral.

NEWS

Pananalita ng Pangulo,may epekto sa piso

Kilala ang ating Pangulong Rodrigo Duterte na matalas magsalita. Kamakailan lamang sa
kanyang ilang mga panayam ay nakatikim na naman ng matatalim na salita ang Estados Unidos mula sa
kanya.Kung kaya’t ang ilang ekonomista ay nangangamba na makaapekto ditto sa relasyon natin sa mga
ibang bansa na namumuhunan sa Pilipinas.

Ayon sa isang market analyst,may epekto ang matatalas na pananalita ng pangulo sa


paghina ng piso at pagbenta ng mga dayuhang mamumuhunan sa stock market,alas parin ng pangulo
ang kanyang popularidadpara maisulong ang mga reporma sa pagbabago na kanya namang ipinangako
sa sambayang Pilipino.
Kailan maisasalita ang bawt pagdaloy ng gunita?

Nangangamba kung paano, kakayaha’y walang-wala.

Umiisip, umuunawa ngunit hindi maisalita.

Hanggang sulat na lamang ba ang bawat kataga?

Nagtataglay man ng iba’

You might also like