You are on page 1of 2

REPUBLIKA NG PILIPINAS )

LUNGSOD NG PASIG ) S.S.

SINUMPAANG SALAYSAY

AKO, si Juan Miguel Dela Peña, may sapat na gulang, Pilipino, at naninirahan sa 12 P. Antonio
St. Ugong Pasig City, ay kusang-loob na nagpapahayag gaya ng mga sumusunod:

1. Na ako ay isang Taxi Drayber at operator ng WILSON Taxi at nag mamayari ng isang
unit ng taxi na kulay puti at may plakang WBE563.

2. Noong ika 15 ng Disyembre 2017 bandang 10:45 ng gabi habang binabaybay ko ang
Mercedes Avenue, Pasig City ay may isang lalaki na may kasamang babae na may
pulang maleta na may nakasulat na American Tourister ang pumara sa Taxi na aking
minamaneho.

3. Pagkatigil ko, ay sinabi ng lalaki na ihatid ang babae sa SM Megamall sa


Mandaluyong.

4. Habang nagmamaneho napansin ko na kumakanta siya ng Alphabet Song.

5. Kinalaunan tinanong ko ang aking pasahero “Ma’am okay lang ba na sa Rotonda tayo
dumaan dahil trapik ngayon sa Rosario?”

6. Wala akong narinig na tugon mula sa kanya kundi ang patuloy niyang pagkanta ng
Alphabet Song.

7. Pinagpatuloy ko na lang ang rota na tinatahal nang biglang pagdating naming ng


Rosario Pasig bigla siyang nag-sabi na ihatid ko siya sa Sementeryo ng Pasig na
aking sinunod.

8. Bandang 12:00 ng hatinggabi habang tinatahak namin ang kalsada patungo sa


Sementeryo ng Pasig, naitanong ko sa aking pasahero na “Ma’am may susundo po
ba sa inyo dun medyo madilim po sa area na yun ng ganitong gabi.”

9. Subalit wala pa din akong narining mula sa kanya kundi ang patuloy niyang pagkanta
ng Alphabet Song, dito na ako kinutuban na hindi normal ang kinikilos ng aking
pasahero. Nang dahil sa takot ko na hindi niya ako mabayaran ng halagang 250.00,
napagdesisyunan ko na dalhin siya sa Presinto ng Pulis malapit sa Cityhall ng Pasig.

Bilang pagpapatunay, ako ay lumalagda na makikita sa ibabaw ng nakatatak kong


pangalan, nitong ika _____ ng Enero 2018, dito sa Lungsod ng Pasig.

________________________
Juan Miguel Dela Peña
Nagsasalaysay

NILAGDAAN AT SINUMPAAN SA HARAP KO, ngayong ika _____ ng __________


20____, matapos na ipakita ng nagsasalaysay ang kanyang Sedula na may bilang
__________________ na nakuha sa ________________________ noong ika ______ ng
______________________ 20______.

Doc. No.: ___________


Page No.:___________
Book No.:___________
Series 2018

You might also like