You are on page 1of 11

GROUP ADMINISTRATION

(Set A)

1. Kagamitan: sagutang papel, lapis


Panuto :
Sabihin: Bilugan ang naiibang salita sa bawat hanay.

baba dapa baba

aba apa apa

pasas sopas pasas

Marka: 1 - kung nabilugan ang lahat na naiibang salita


0 - kung mali ang nabilugang salita

2. KAGAMITAN: larawan/drawing ng mga sumusunod na bagay


round clock, blocks o box, ice cream cone,
rectangular rug, star
Panuto:
1. Bilugan ang bagay na hugis bilog sa unang
hanay.
2. Bilugan ang bagay na hugis parihaba sa ikalawang
hanay.
Unang hanay

Ikalawang hanay

Marka: 1 – kung nasagot nang wasto ang mga tanong;


0 - kung hindi
3. Kagamitan: Ginupit na hugis o larawan nito

Panuto:
Gawin: Ilatag nang nakaayos ang mga sumusunod na hugis

Ibigay sa bata ang mga natitirang hugis.

Sabihin: Tingnan ang pagkasunod-sunod ng mga hugis.


Mula sa natirang mga hugis pillin ang hugis na kasunod at
ilagay ito sa hanay. Piliin at ilagay muli ang kasunod na
hugis.

Gawin: Ilatag nang nakaayos ang mga sumusunod na hugis

Sabihin: Tingnan ang pagkasunod-sunod ng mga hugis.


Mula sa natirang mga hugis pillin ang hugis na kasunod at
ilagay ito sa hanay. Piliin at ilagay muli ang kasunod na
hugis.

Marka: 1 - kung naiguhit ng bata ang kasunod na hugis;


0 - kung hindi
4. Kagamitan: lapis at papel
Panuto:
Sabihin: Isulat ang mga bilang na sasabihin ko sa papel.

2 8 5 3 4 1 6 9 7 10 0

Marka: 1 - kung naisulat ang sampung bilang na nabanggit;


0 - kung hindi naisulat ang lahat ng bilang na nabanggit

GROUP ADMINISTRATION
(Set B)

5. Kagamitan: Ginupit na mga malalaki at malilit na titik ng alpabeto


Panuto:
Gawin : Ilatag ang mga malalaking titik ng alpabeto.
Sabihin: Pagtambalin ang mga malalaki at maliliit na titik
Ilagay ang maliliit na titik sa ilalim ng malalaking titik na
nakahanay .
B F Ng D V H M Q P U

b m h ng f v d p u q

Marka: 1 - kung napagtambal ang sampung malalaki at maliliit na titik;


0 - kung mali ang pagtambal kahit sa isang titik lamang.
6. Kagamitan: number cards

Panuto:
Gawin: Ilatag ang mga number cards nang hindi magkakasunod.

Sabihin: Ayusin ang mga bilang ng magkakasunod.

7 8 6 10 9

Marka: 1 kung naisaayos ng tama ang mga bilang;


0 kung hindi
-
7. - Kagamitan: 10 straw na magkakaiba ang haba

Panuto:
Gawin: Ilatag ang 10 straw sa mesa na hindi nakaayos ayon sa
haba nito.

Sabihin: Ayusin ang straw ayon sa pagkakasunod-sunod.

Marka: 1 - kung wastong naisaayos ang mga straw ayon sa


pagkakasunod-sunod (mula maiksi-pinakamahaba o
pinakamahaba-pinakamaikli)
0 - kung hindi
8. Kagamitan: 10 pambilang

Panuto:
Gawin: Ilagay sa mesa ang pambilang

Sabihin: Bilangin ang mga pambilang.

Marka: 1 – kung nabibilang nang tama ang mga counters


0 – kung hindi

9. Kagamitan: larawan ng mga hugis bilog, tatsulok, parisukat at


parihaba, gunting, papel, pandikit

Sabihin: Gupitin ang bawa’t hugis (bilog, tatsulok, parisukat at


parihaba) at idikit ito sa papel.

Marka: 1 - kung nagupit at nadikit nang maayos ng bata;


0 - kung hindi

GROUP ADMINISTRATION
SET C – (SMALL GROUP)
10. Kagamitan: lapis, krayola, aklat, magasin, dyaryo, tasa, baso

Panuto:
Gawin: Ilatag ang mga gamit sa harap ng bata

Sabihin: Iayos (pangkatin) ang mga bagay na ito.


Paano mo ito inayos (pinangkat) ang mga gamit?

Marka: 1 - kung naipangkat ang mga bagay ayon sa gamit nito;


Gamit sa bahay (magasin, dyaryo, tasa, baso)
Gamit sa paaralan (lapis, krayola, aklat)
0 - kung hindi naipangkat ayon sa gamit nito

11. Kagamitan: larawan ng pusa, pusit ,manok, isda, kambing, at hipon.

Panuto:
Gawin: Ilagay sa ibabaw ng mesa ang mga larawan.
Sabihin: Iayos (pangkatin) ang mga hayop na ito.
Paano mo inayos (pinangkat) ang mga hayop?

Marka: 1 - kung napagsama-sama ang mga hayop kahit na sa alinman sa


mga sumusunod (tirahan, bilang ng paa, galaw (movements)
0 - kung mali ang pagkakayos.

12. Kagamitan: Ginupit na magkakasinglaking hugis ng:


- tatsulok (1 pula, 1 dilaw, 1 asul)
- bilog (1 pula, 1 dilaw, 1 asul)
- parihaba (1 pula, 1 dilaw, 1 asul)

Panuto:
Gawin: Ilatag ang mga hugis sa mesa.

Sabihin: Tingnan ang mga hugis na ito.


Paano mo sila maaring ayusin?
Bakit mo inayos ang mga hugis ng ganito?

Gawin: Ilatag muli ang hugis.

Sabihin: Tingnan muli ang mga hugis.


Sa paanong paraan mo pa sila maaaring ayusin?
Bakit mo inayos ang mga hugis ng ganito?

Marka: 1 - kung naiayos ang hugis ayon sa dalawang paraan


(hugis at kulay)
0 - kung hindi niya naiayos sa kahit anong paraan o kung
naiayaos lamang sa isang paraan

INDIVIDUAL ADMINISTRATION
I-Set A

13. Panuto :
Sabihin: 1. Ang mga salita na nasa kaliwang hanay ay may
katugmang bigkas sa mga salitang nasa kanan.
Pakinggan ang mga salitang katugma ng mga salita na
sa kaliwang hanay.
Panuto para sa guro:
1. Isang hanay muna ang babasahin ng guro sa bata,
pagkatapos ay tanungin sa bata kung aling salita ang
katugma nito.
2. Bibigkasin ng bata ang salitang katugma.

1. tulay suklay aklat

2. itlog bahay bilog

3. gatas bigas ulam

Marka: 1 – kung nabigkas ng tama ang katugma salita sa bawat


hanay
0 - kung hindi.
14. Panuto: Ang mga sumusunod ang gagamiting salita sa aytem na
ito:
manok, kabayo, ibon, paru-paro
Panuto:
Sabihin: 1. Pakinggan ang bawat salitang bibigkasin ko. Sa bawat
pantig ng salita , isang palakpak ang gagawin ng bata.

Marka: 1 - kung tama ang palakpak ng bata ayon sa pantig ng


bawat salita
0 - kung mali

15. Bigkas na magkakatambal na tunog ng titik

Panuto:
1. Bibigkasin ng guro ang mga pantig ng bawat salita .
Tanong: Anong salita ang mabubuo sa mga sumusunod na
pantig
 /ti/, /na/, /pay/
 /pa/, /a/,/ra/,/lan/
 /ka/, /i/, /bi/, /gan/

Marka: 1 – kung nabuo ng wasto ang salita na pinantig ng guro


0 – kung hindi

16. Kagamitan: mga kard na naglalaman ng salita ( flashcards)

Panuto:
Sabihin: 1. Pakinggan mo ang mga salitang ito.
iba
ako
2. Ano ang unang tunog na naririnig mo?
Ano ang gitnang tunog ?
Ano ang huling tunog ?
Marka: 1 - kung natukoy ang posisyon ng titik sa bawat salita
0 - kung hindi
17. Kagamitan: Aklat ng mga kwento

Panuto :
a. Bigyan ng aklat ang bata.

Sabihin: 1. Ituro ang pamagat ng aklat.


2. Ituro ang may-akda ng aklat.
3. Ituro kung saang ka magsisimulang
magbasa.
4. Ituro kung saan ang kasunod na babasahin.

Marka: 1 - kung naituro nang wasto ang lahat ng panuto.


0 - kung hindi
18. Kagamitan: Kwento ng “Si Tagpi”

Panuto :
Sabihin: Makinig sa kwentong babasahin ko.

Si Tagpi
Isang umaga masayang naglalaro si Dante at ang
kanyang alagang Tuta na si Tagpi.
Biglang nahulog sa malalim na hukay si Dante…
Anuman ang kanyang gawin ay hindi siya makaahon.
Tumahol nang tumahol si Tagpi na nakatawag pansin
sa tatay ni Dante. Dali-daling lumapit ang tatay ni Dante
sa kinaroroonan ni Tagpi.
Nagulat siya sa nangyari kay Dante at agad niya itong
iniahon mula sa malalim na hukay.

Itanong sa bata:
1. Ano ang pangalan ng alaga ni Dante?
2. Saan nahulog si Dante?
3. Paano nalaman ng Tatay ni Dante ang nangyari?

Marka: 1 – kung wastong nasagot ang lahat ng tanong;


0 - kung may mali sa naisagot sa mga tanong.

19. Panuto :
Sabihin sa bata: Muling ikuwento ang tungkol kay Tagpi.

Marka: 1 – kung naikuwento ang mga pangyayari mula sa simula


hanggang wakas
0 – kung hindi naikwento ng buo
INDIVIDUAL ADMINISTRATION
I-Set B

20. Kagamitan: 10 holen o iba pang pambilang

Panuto:
Gawin: Ibigay sa bata ang mga holen o pambilang

Sabihin: Gamitin ang holen (o ibang pambilang) para masagot ang


tanong na ito.

“Si Lito ay may 3 holen (o ibang pambilang).


Binigyan siya ng kanyang kaibigan ng 2 pang holen.
Ilan nang lahat ang kanyang holen?

Marka: 1 - kung nasagot nang wasto ang tanong; ,


0 - kung mali ang sagot

21 Kagamitan: 10 holen o iba pang pambilang

Panuto:
Gawin: Ibigay sa bata ang mga holen o pambilang

Sabihin: Gamitin ang holen (o ibang pambilang) para masagot ang


tanong na ito.

“Si Liza ay may 10 holen.


Ipinamigay niya ang 4 na holen sa kanyang kapatid .
Ilang holen ang natira sa kanya?”

Marka: 1 - kung nasagot nang wasto ang tanong.


0 – kung mali ang sagot
22. Kagamitan: cubes o counters

Panuto:
Gawin: Bigyan ang bata ng cubes o pambilang.
Sabihin: Maglagay ng dalawang pangkat na may tigatlong cube sa
mesa.
Ilang cube lahat ito?

Marka: 1- kung nagawa nang wasto ang pagpapangkat


0 – kung hindi
23. Kagamitan: 10 cubes o pambilang

Panuto:
Gawin: Maglagay ng 10 cubes o pambilang sa mesa.

Sabihin: Hatiin mo ang cubes o counters na ito sa dalawang


pangkat na magkasingdami ang bilang.
Ilang cubes o pambilang mayroon ang bawat pangkat?

Marka: 1- kung nagawa nang wasto ang pagpapangkat


0 – kung hindi
24 Kagamitan: 8 tansan

Panuto:
Gawin: Ihanay ang 8 tansan

Sabihin: Bilangin ang mga tansan.


Ilan lahat ang tansan sa hanay na ito?

Gawin: Paghiwa-hiwalayin ang mga tansan.

! ! ! ! ! ! ! !
Sabihin: Magkasingdami ba ang mga tansan ngayon at yung
kaninang binilang mo?

Marka: 1 - kung nasabi ng bata kung magkasinrami ang mga


tansan.
dahil hindi naman nadagdagan o nabawasan bagkus
iniba lang ang ayos at hindi ang dami nito
0 – kung ang itinuro na mas marami ang hanay ng mga
tansan na nakahiwa-hiwalay

25. Kagamitan: 16 tansan


Panuto:
Gawin: Gumawa ng dalawang hanay ng 8 tansan sa bawa’t hanay.

Sabihin: Ilan lahat ang takip ng bote sa unang hanay na ito?


Sa pangalawang hanay?

Gawin: Paghiwa-hiwalayin o paglayuin ang mga tansan sa


pangalawang hanay.

Sabihin: Magkasingdami ba ang tansan sa una at sa pangalawang


hanay? Bakit?

Gawin: Ibalik sa dating ayos ang ikalawang hanay. Ibahin naman


ang ayos ng mga tansan sa unang hanay.

Sabihin: Magkasingdami ba ang tansan sa una at sa pangallawang


hanay? Bakit?

Marka: 1 - kung nasabi ng bata na magkasingrami ang mga tansan


Dahil hindi naman nadagdagan o nabawasan
bagkus iniba lang ang ayos at hindi ang dami nito
0 – kung ang itinuro na mas marami ang hanay ng mga
takip
ng bote na nakahiwa-hiwalay

You might also like