You are on page 1of 3

Edukasyon Vs.

Kahirapan (Walong Taong Gulang)


Edukasyon ay isang napakahalagang bagay sa buhay ng isang kabataan. Lahat ay may
karapatan sa maganda at kumpletong edukasyon ngunit hinid lahat ng kabataan ay kayang
makapag-aral. Sa Pilipinas, bilang isang 3rd world country, maraming tao na nawawalan ng
karapatan mag-aral dahil sa kahirapan. Ang kahirapan ang umaagaw sa kanila ng kanilang
karapatan na makapag-aral. Ngunit hindi lamang mga mag-aaral ang apektado ng kahirapan,
pati mga guro rin ay naaapektohan. Ang kwentong ”Walong Taong Gulang” ay tumutukoy
kung sa realidad na nangayayari ngayon sa Pilipinas.
Ang storya ay umiikot sa relasyon ni Miss de la Rosa, isang guro, sa isa sa
kanyang estudyante na si Leoncio. Mahahalintulad ang kanilang relasyon sa isang ina na nag-
aalala sa kanyang anak. Si Leoncio, kahit hindi diretsyong binanggit sa storya, ay isang
kabataan na nakakaranas ng kahirapan. Lagi ito napapansin ni Miss de la Rosa at bilang isang
guro, siya ay nag-aalala para sa kanyang estudyante. Nang bumisita si Miss de la Rosa sa bahay
ni Leoncio, doon niya talagang nalaman kung gaano kahirap ng pinagdadaanan ng bata at ng
kanyang pamilya. Normal sa ating bansa ang ganitong sitwasyon, lalo na sa paaralan. Sanay na
tayong makakita ng mga bata na nasa langsangan at namamalimos imbis na nag-aaral sa
paaralan. Kahit na ang pampublikong paaralan ay libre para sa lahat, marami parin mga
kabataan ang hindi nag-aaral. May mga kabataan din na nais makapag-aral ngunit nahihirapan
din dahil kahit paano, may kailangan parin bayaran at panggastusan sa pampublikong paaralan
tulad ni Leoncio. Sila dapat ang pag-asa ng kinabukasan pero dahil sa kahirapan, pati sa
kanilang sarili, nawawalan na ng pag-asa. Ang storya ay hindi lamang nakasentro sa mga
kabataan na apektado ng kahirapan kundi pati narin sa mga guro. Normal din ang makakita ng
isang guro na nagtuturo sa napakaraming mag-aaral. Ang pagiging guro sa pampublikong
paaralan ay hindi biro. Maliban sa sobrang daming tuturuan, kakaunting lamang ang sweldo.
Ito ang dahilang kung bakit may pagkukulang ng guro dito sa Pilipinas. Ang kakulangan din
sa guro ay may malaking epekto sa kwalidad ng edukasyon. Sa dami ng estudyanteng
hinahawakan ng isang guro at sa kaunting bilang ng mga nagtuturo ay hindi na naaatupag ng
guro ang bawat isa sa kanyang mga estudyante.
Sa kwentong isinulat ni Genoveva Edroza-Matute ay nagpapahiwatig ng
problema na ating bansa sa kahirapan at kung paano ito nakakaapekto sa edukasyon ng mga
tao. Bilang isang guro, alam ni Genoveva ang tunay na problema na umiikot sa kahirapan at
edukasyon. Ginamit niya ang kanyang sariling karanasan upang makagawa ng isang akdang
nagpapakita ng tunay na kalagayan ng lipunan.
Ang textong Walong Taong Gulang ni Genoveva Edroza Matute ay isang halimbawa ng
textong lahat ng mambabasa, partikular na ang mga Pilipino ay makakarelate. Tila isa itong
paglalarawan sa isang sitwasyon na hindi na bago sa ating ating lahat. Isang batang sa
murang edad ay mulat na sa realidad ng buhay.
Tatlong bagay ang nakapukaw ng atensyon ko sa pagbabasa ng textong ito. Una, ang
pagsisilbing salamin ni Leoncio Santos sa napakaraming batang Pilipino sa ating bansa.
Mayroong potensyal ngunit di nakakapag-aral ng maayos bunga ng mga sitwasyon sa
pamilya. Di nakakakain ng masusustansyang pagkain dahil sa kasalatan ng pambili nito. Ang
di pakikipaglaro kawalan ng kasanayan sa paglalaro na nagpapakita na sa halip na
makipaglaro sa mga kaedad ay iba na ang nasa isipan at nananakaw ang pagkakataon nito na
makapaglaro at magsaya.
Pangalawa, ang ugnayan sa pagitan ng mag-aaral at guro. Kapansin-pansin na ang guro ni
Leoncio ay nabibigyang pansin niya rin ang kanyang mga estudyante maging sa labas ng
silid-aralan. Ipinapakita nito na hindi natatapos sa loob ng apat na sulok ng silid-aralan ang
ugnayan ng mag-aaral at guro at hindi nakakulong lamang sa pagtututro ng siensya,
matematika at mga akademikong aralin ang maaaring magawa ng isang guro. Sila ay
maaaring magsilbi bilang isang tulay upang mahulma ang mga kabataan na siyang itinuturing
na pag-asa ng bayan.
At ang pangatlo, ang paraan ng pagkakasulat ng texto. Hindi lamang sa mga salitang ginamit
o sa mga pangyayaring inilahad naibahagi ang mensahe na nais ipaabot ng texto sa mga
mambabasa nito. Isa sa mga mapapansin ay ang pag-uulit ng mga pare-parehas paglalarawan
sa walong taong gulang na si Leoncio Santos mula simula hanggang sa dulo nito. Bukod sa
nakatulong ito na maging mas makatotohanan sa isipan ang imahe ni Leoncio ay maaaring
nais iparating nito na sa paglipas ng panahon ay wala pa ring pagbabagong nangyayari at sa
halip na umunlad o mas bumuti ang kalagayan ay nanatili pa rin ito sa dati. Ang linya rin na
“…Pamahalaan…pag-aalsa…bulag na pagsunod…ama ni
Leoncio…nadaya…mapagpanggap na lider…bilangguan…apat na taon
na…Leoncio…Leoncio…””. Nakikita na natin ang problemang kinakaharap natin ngunit ang
pagrerealize natin rito at lubos na pagkakaunawa ay matagal at madalas ay nasa dulo o kung
minsan ay hindi naman na dumadating. Simula pa lang ay nakikita at nakaakit na ng atensyon
ng guro si Leoncio Santos at ang pagiging iba nito sa limampu’t siyam niya pang mag-aaral
ngunit sa huli niya lamang napagtanto ang katotohanan sa likod nito, kung bakit ganoon ang
walong taong gulang na batang may kaitiman na karaniwan, may sarat na ilong, may bibig na
makipot ngunit may makapal na labi at may maaamong mata na si Leoncio.
Buod:
Ito ay istorya ng isang guro at kaniyang estudyante. Ang estudyante ay isang batang hindi
mahilig makihalubilo sa kapwa niya bata kahit na siya ay sinabihan ng kaniiyang guro na
makihalubilo. Habang tumatagal, makikihalubilo ang bata ngunit hindi ito nagtatagal at
babalikk sa pagiging matamlay ang bata. Sa pagtatapos ng istorya, malalaman ng guro ang
estado ng pamumuhay ng kaniyang estudyante at malalaman niya ang kadahilanan ng
pagiging matamlay ng bata.
Reaksyon:
Isa ito sa mga istoryang umantig sa aking damdamin at pumukaw ng aking paningin. Noong
una, ako man ay nahiwagaan kung bakit ganoon ang ikinikilos ni Leoncio. Akala ko siya ay
may nakikitang hindi nakikita ng isang ordinaryong tao. Pero sa parte kung saan tinanong ng
guro kung bakit hindi siya kumain ng gulay at iba pang masusustansiyang pagkain at uminom
ng gatas, doon ako nakatiyak na ang una ko akala ay mali.
Nakapukaw sina ang parte kung saan pumunta ang guro sa pamamahay ng estudyante at ang
t7umambad sa kaniya ay katawan ng isang paslit sa banig. Noong iniimadyin ko ito, hindi ko
maiwasang hindi maging malungkot. Para sa akin, ang mga ganitong bagay ay hindi tama
para sa ibang bata. Ito ay isang pangyayarai, para sa akin, ay kalunos-lunos na makita.
Isa pa ay ang pag-alala ni Leoncio sa kaniyang ina noong umuwi na ang kaniyang guro.
Nakakatuwa na makita ang isang paslit na gutom na gutom na ngunit nagawa pa rin niyang
alalahanin ang kaniyang ina na ganoon din ang kalagayan. Isa ito sa mga pangyayari na hindi
ko na nakikita sa panahon ngayon.

Nakakalungkot dahil ang istoryang ito ay hindi lamang isang katha kundi nangyayari sa ating
bansa. Ito ay isa lamang sa libo-libong istorya tungkol sa pagiging matmlay ng isang bata
dahil sa kahirapan. Ang ideya pa lamang na papasok ka sa paaralan ng walang kain at lalabas
kang ganun pa rin ang kundisyon ay isang nakakakilabot na ideya kung iisipin. Papaano pa
ang mga paslit nahindi lamang ganito ang nararamdaman? Na kahit sila ay umuwi ay hindi pa
rin mabibigyan ng katiyakan na sila ay makakain? Iilan lamang ito sa mga napagtanto sa
pagtatapos ng istorya. Pero mapaganoon pa man, ito ay nagpakita rin sa akin ng pagmamahal
ng isang paslit sa kaniyang ina, bagay na unti-unti ng nawawala sa panahon nating ngayon.

You might also like