You are on page 1of 2

ANAK… BAKIT?

Ni:sir aNGEL a. yASIS, jR.1


Ika’y dinala ko ng siyam na buwan.

Ang hirap at sakit ay di ko dinamdam…

Dahil ang nais ko ika’y mailuwal


Sa sangmaliwanag, upang pagsilbihan.2
Tuwing namamasdan na ika’y masigla,
Tila napapawi ang aking problema.Ang pagod at gutom ay di alintana
Lalo’t nakikitang ikaw ay masaya.
3Lumuluh
a ako pag ika’y may sakit,

Puso’y nadudurog parang pinipitpit


.Agad nagigising sa kaunting hibik,
Upang payapain sa haplos ko’t awit.
4Nagkukunwang busog sa hapag-kainan,Upang maging sapat ang iyong hapunan;
Ang damit na luma’y pinagtitiisan,

Upang makabili ng damit mo’t salwal.


5Ang patak ng pawis ng mahal mong ama,Ang pagod at hirap di rin alintana;
Sapagkat ang layon ika’y guminhawa,

Pagdating ng bukas, buhay mo’y gumanda.


6
Panaho’y lumipas, araw ay nagdaan,
Lumalabas ka na sa ating bakuran.
Natutong gumala, natutong magtamban…
Umuuwi na ring lubog na ang araw.7
Paalam sa akin: “Sandali lang nanay…

May lakad lang kami ng aking kaybigan.”

Subalit sa lalim ng gabing nagdaan…

Ika’y wala pa rin sa aking pananaw.


8
Ako’y namamanglawa, habang naghihintay…
Mga guni-
guni’y nagsasalimbayan.

Ang tanging dalangin sa Poong Maykapal…


Ikaw ay ilayo sa kapahamakan.9Mag-
uumaga na nang ika’y dumating.
Naninigarilyo at lasing na lasing…

“Sino an
g nagturo, oh bunso kong giliw?...
Ba’t

ka nagkaganyan? Di ko akalain…”
10Pinagsabihan kang boses ay may lambing.Bakit paagsik pang sumagot sa akin?Pati ang am
among noo’y nahihimbing
Sa iyong tungayaw ay agad nagising.

11
At dahil nabigla pasmado mong ama…
Mata ay nanlisik, nagpanting ang tenga,
Palad na magaspang sayo’y iniamba…

“Ba’t mo nagawa yon?” ang kawikaan n’ya.


12Bago pa dumapo ang suntok sa iyo,
Ako’y lumuluha na nagsusumamo…
Nakikiusap pang wag saktan ang bunso,At kung itutuloy ang saktan ay ako!13
Ganyan ka kamahal ng martir mong ina…
Sa lahat ng bagay ipagtatanggol ka.
Nong ika’y isilang nalimot mo na ba?
Na ang
puhunan ko’y buhay at hininga?
14
Bago ka lumabas sa ating tahanan…
Busog sa pag-ibig, busog sa pangaral.Kung magpapatuloy ang ganyan mong asal,
Akong iyong ina’y para mong pinatay!
15
Dahil ako’y inang nagpapaka
-INA,
At ang iyong ama’y nagpapaka
-
AMA…
Nais ko anak kong magpaka-ANAK
ka…

Upang tayo’y maging masayang PAMILYA!

You might also like