You are on page 1of 6

Kabanata 1

Nagdasal ang makata sa Birheng Maria para magabay siya ng Birheng Maria. At para makasumpay ang
kwento niya.

Kabanata 2

May isang kaharian sa Berbanya, ang hari na si Don Fernando at si Donya Valeryana ay may tatlong anak
na si Don Pedro, Diego at Juan. Nagkasakit ang hari. Napanaginapan niya na may masamang nangyari
kay Juan. Sinabi ng manggagamot na ang Adarna ang makakatulong sa kanya.

Kabanata 3

Si Don Fernando ay nagutos kay Pedro na pumunta sa Piedras Platas at kunin ang Adarna. Umakyat siya
doon at natulog. Tinaihan siya ng Adarna at naging bato siya.

Kabanata 4

Dahil wala pa rin si Don Pedro, pumunta si Don Diego sa Piedras Platas at nagpahinga sa isang baton a si
Don Pedro. Dumating ang Adarna at kumanta, nataihan din si Don Diego.

Kabanata 5

Gusto ni Don Juan na hanapin sina Diego at Pedro. Tatakas daw siya kung hindi siya papayagan.
Lumakbay si Don Juan, isang tinapay ay ang kakainin niya bawat buwan. Sa ikalimang buwan, nakita niya
ang isang matandang leproso.

Kabanata 6

Lumakbay si Don Juan patungo sa Piedras Platas at may nakita siyang matanda. Binigyan ni Juan ang
huling tinapay niya at sinabi ng matanda na pumunta sa ermitanyo. Ang ermitanyo ay nagturo sa kanya
sa paghuli ng Adarna at pinapunta siya sa Piedras Platas at naghintay.

Kabanata 7

Nakita ni Juan ang Adarna. Nakuha ng ibon at ng puno ang atensyon ni Don Juan. Sinugatan ni Don Juan
ang kanyang palad at linagyan ng dayap. Nagising si Don Juan at hinuli niya ang Adarna gamit ng gintong
lubid. Binuhusan ni Don Juan ng banga ang dalawang bato. Nakita na ni Don Juan ang kapatid
niya.Nagdiwang sila sa bahay ng ermitanyo

Kabanata 8

Naglalakad ang tatlo ng masaya, pero nakaisip ni Don Pedro ng masama. Sinabi niya kay Don Diego ang
plano niya. Binugbog nila si Don Juan. Sa Berbanya, sinabi nila kay Don Fernando na hindi nila nakita si
Don Juan. Hindi kumanta ang Adarna para kay Don Fernando dahil wala si Juan.

Kabanata 9
Si Don Juan ay binugbog ng dalawang kapatid niya dahil sa inggit. Iniwan si Don Juan na bugbog na
bugbog, samantala si Don Juan ay dasal na dasal sa Diyos at ang Birheng Maria. Mayroong isang
matanda na pumunta sa kanya at gumamot sa kanya, nagpasalamat at nagkwentuhan sila. Sinabi ng
matanda na dapat na siya umuwi sa Berbanya upang tignan ang tatay niya.

Kabanata 10

Umuwi na si Don Juan at kinanta ng Ibong Adarna ang buong pangyayari, si Don Fernando ay nagalit
pero si Don Juan ay naghingi ng patawad para sa dalawa. Dahil gustong gusto ng hari ang Ibong Adarna,
pinagbantay niya ang Ibong Adarna sa mga anak niya hati hati ng oras ang pagbantay.

Kabanata 11

May plano si Don Pedro, gisingin ni Pedro si Don Juan sa hindi pa oras ni Juan magbantay, kaya napagod
siya at natulog sa kanyang bantay. Pinakawalan ni Pedro ang Adarna, natakot si Juan na akala niya ang
may kasalanan. Umalis siya sa kabundukang Armenya.

Kabanata 12

Maagang nagising ang hari at gustong gusto niyang makita ang Adarna ngunit wala iyon at si Don Juan.
Pinahanap si Don Juan at ang Adarna kay Don Pedro at Don Diego. Nakarating sila sa Armenya at nakita
din si Juan. Nagandahan sila doon at gusto tumira doon dahil marami ang pagkain, at mga iba.

Kabanata 13

Isang araw sa sobrang inip ng magkakapatid ay naglakbay sila. Habang naglalakad ay may nakita silang
isang balon.Ang balon ay kakaiba, walang tubig sa loob, at napakalalim nito. Agad nagtaka si Don Juan at
alam niya na may majika ito, Yinayaya niya ang mga kapatid na bumaba. Nagboluntaryo si Don Juan na
unang bumaba ngunit nanguna si Don Pedro dahil siya ang panganay. Sinubukan ng dalawang
nakatatandang kapatid ni Don Juan na bumaba ngunit si Don Juan lang ang nagtagumpay. Pagdating sa
baba ay may nakita siyang balon na gawa sa ginto’t pilak.

Kabanata 14

Nang lumapit siya sa palasyo may nakita siyang isang dalaga ang pangalan ay Donya Juana. Agad nahulog
ang loob niya kay Donya Juana at pinuri ang kagandahan niya. Natatakot ang Donya kaya sinabinghang
huwag siyang iwanan sapagkat may higante. Nang dumating ang higante ay hinamon ni Don Juan ang
higante ng isang laban. Nanalo si Don Juan at papaalis na sana sila Subalit may kapatid pa siyang si
Donya Leonora at itunutang kunin niya ito.

Kabanata 15

Pumasok si Don Juan sa palasyona gawa sa ginto’t plaka. Nakita niya si Donya Leonora at
muling napaibig. Nangtiningan muna sila at biglang tinanong ni Donya Leonora kung bakit
nandoon si Don Juan. Dumating ang serpyenteng may pitong ulo na nagbabantay kay Donya
Leonora. Muli, naglaban si Don Juan at ang serpyente. Sa bawat pinuputol na ulo ni Don Juan ay
tumutubo ulit ito. Inabot ni Donya Leonora ang basalmo na ilalagay sa ulo ng serpyente sa
bawat putol. Hindi na rin tumubo ang ulo ng ahas at nakatakas na sila Don Juan at si Donya
Leonora.

Kabanata 16

Nang makatakas ay sila ay nagkakwentuhan, dahil ditto naiingit si Don Pedro, gusto din niya si
Donya Leonora samantalang ayaw ng Donya ang Don, biglang naalala na naiwang ang singsing
niya, sinabi na bababa ulit at kukunin ni Don Juan ang singsing ngunit tumanggi na ang donya
ang kaligtasan raw niya ang iniisip niya ngunit nagpumilit at sa huli ay bumaba na siya. Habang
bumababa at pinutol nang sakim na Don ang lubig at inutusan ang lobo upang sagipin si Don
Juan.

Kabanata 17

Ipinahanap ng hari ang bunso niyang anak, itinanong sa dalawang magkapatid at sinabing
walang ibang nakita kindi ang dalawang prinsesa. Hinihingi din ni Don Pedro na ikasal sila ni
Donya Juana ngunit ayaw niya kasi mahal pa niya si Don Pedro ngunit si Don Diego at Prinsesa
Juana ay ikakasal na.

Kabanata 18

Napagaling ng lobo si Don Juan at idinala sa palasyo. Nakita sila ng ibong adearna at sinabi kung
ano ang nangyari. Pagkatapos ay sinabihan na lang na pumunta ng Reyo Delos Cristales upang
hanapin si Maria Blanca

Kabanata 19

Sobrang nalungkot si Leonora dahil hindi pa rin dumadating si Don Juan. Hiniling niya na buhay
pa si Don Juan. Samantala nahihirapan si Don Juan na hanapin and Reyno de los Cristales.
Gutom na gutom si don juan dahil naglalakbay na siya ng tatlong taon. May nakita ni Don Juan
ng isang matanda at humingi siya ng pagkain. Binigyan siya ng matanda ng isang maitim na
tinapay na may bukbok, pulut pukyutan at tubig. Dahil sa pagkagutom, naubos ni Don Juan ang
kadiring pagkain nagpasalamt si Don Juan sa kabaitan ng matanda. Itinanaong niya sa matanda
kung saan makikita ang Reyno de los Cristales. Sinabi ng matanda na hindi niya alam pero sinabi
niya kay Don Juan na pumunta siya sa ikapitong bundok at makikita niya ng isang ermitanyo.
Ipinadala ng matanda ang isang pirasong tela para ipakita sa susunod na ermitanyo.

Kabanata 20
Sa kwarto ni Leonora pumasok si Don Pedro at hiniling na kalimutan na nito si Don Juan. Sinabi
niyang hindi siya pakakasal kay Don Pedro sa loob ng pitong taon at hihintayin niya nag
pagbabalik ni Don Juan.

Kabanata 21

Kailangan ni Don juan na maglakbay nang limang buwan patungo sa bundok ng isa pang
ermitanyo.Nang Makita ni don juan ang ermitanyo, gusto niyang paalisin pero noong tinanong
ng ermitanyo kung ano ang ginagawa niya doon, ipinakita niya ang barong na binigay ng unang
ermitanyo. Ito daw ang baro ni Hesus. Tinanong ni Don juan kung saan ang de los Cristal pero di
niya alam kung saan. Tinawagan niya lahat ng hayop pero LAHAT hindi alam. So sinabi ng
ermitanyo kay don juan na ipakita sa isa pang ermitanyo. Nang pumunta ni don juan sa
ermitanyo, ipinakita niya ang baro at tinanong kung saan ang de los Cristal, tinawagan ng
ermitanyo ang lahat ng ibon ngunit wala parin alam kundi ang isang agila at dinala niya si don
juan sa de los cristal.

Kabanata 22

Pagkatapos ng isang buwan, nakaratin si don juan sa de los cristal. Dinala ng agila si don juan sa
paliguan ni maria blanca. Si don juan ay ninakaw ng damit ni doya maria. Pagkatapos maligo,
lumabas ang princessa at nakita na nawala ang kanyang damit. Galit na galit siya. Sa huli,
dumating si don juan napaliwanag ni don juan kung bakit niya ninakawan ng damit ni donya
maria. Habang nag uusap sila, nalaman nila na umiibig na silang dalawa.

Kabanata 23

Ikinuwento ni donya maria kay don juan na ang mga bato doon ay galling sa pinarusa ng hari.
Nakita ni don juan ang hari. Binigay ng hari si don juan ng mga impossibleng utos, at kung
magawa ni don juan, ipapakasal niya kay donya maria

Kabanata 24

Ang unang utos ay mag lagay ng labing dalawang negro sa prasko. Sa tulong ni donya maria,
tinawag niya ang labindalawang negro at pinasok sa prasko. Ang ikalawang utos ay I urong ang
bundok sa harapan ng palasyo. Sa tulong ulit ni donya maria, ginawa niya ito. Habang nag
lalakad ang hari, sinadyang ihinulog ang singsing sa dagat. Hinati ni don juan si donya maria ng
maraming piraso at ito ay nagging isda. Hinanap ni donya maria ang singsing at tinapon, pero
dahil tulog si don juan, di niya kinuha, at nahulog ulit sa dagat. Ginising siya ni donya maria, at
hinati ulit si donya maria, at nahanap ulit niya, kaso, noong bumalik ang mga isda para maging
donya maria ulit, kulang ang daliri niya!

Kabanata 25
Ang huling pagsubok ni haring salermo ay isasakay niya ang isang mabilis na kabayo, kaso hindi
nila alam, na ang kabayo pala ay si haring salermo! Kahit anong ginawa ni donya maria at don
juan, di parin nila makasakay sa kabayo, so ang sabi ni donya maria na ipalo ang kabayo
hanggang ito ay papagod. Nagawa to ni don juan at nakasakay siya. Dahil sa sama ng loob,
nagkasakit si haring salermo at tuloy tuloy siyang namamatay, walang magawa ang kanyang
karunungan upang maligtas ang kanyang buhay.

Kabanata 26

Iniwan muna ni Don Juan si Maria sa isang bayan na medyo malapit sa Berbanya para ihanda
raw muna ng prinsipe ang kaharian upang salubungin si Maria. Sinabi ni Maria hindi na
kinakailangan pero pinilit pa rin ni Don Juan dahil nakakahiya naman daw na dadating sila doon
at hindi mahahandugan si Maria ng magandang pagtatanggap. Pinangako ni Don Juan na
babalikan niya si Maria. Hiningi ni Maria na ipangako ni Don Juan na hindi niya siya kakalimutan
doon at hindi makikipag usap sa ibang babae. Pagdating ni Don Juan sa Palasyo ay sinalubong
siya ng lahat, lalo na si Leonora. Dahil dito ay inamin ni Leonora at sinabing si Don Juan talaga
ang rason ng paghihintay niya at taksil ang kapatid. Sinabi ng hari na ikasal agad sa Linggo si
Leonora at Don Juan. Sinabi naman ay naghihintay doon sa bayan. Tatlong awar hindi bumalik si
Don Juan kaya naisip ni Maria na siguradong kinalimutan na siya ng prinsipe. Nagbalak
maghiganti si Maria

Kabanata 27

Ginamit ni Maria ang mahika niya at nagbihis Emperatris. Dumating ito sa araw ng kasal sa
nakasakay sa isang karosang sobrang ganda. Huamanga ang lahat at tinigil sandali ng hari ang
kasal upang tanggapin ang bisita. Sinabi ni Maria na gusto niyang maghandog sana ng palabas
ng ikasasaya pa lalo ng mga tao at para na rin sa dalawang ikakasal. Pumayag ang hari at
naglabas si Maria ng isang praskong may nilalaman na tubig at dalawang ita. Nagkaroon ng
musika at lumabas ang isang negrito at negrita. Ang negrito ay nagpanggap na si Don Juan at
ang negrita naman ay si Maria, na may hawak na pamalo. Nagsalaysay ang negrita ng mga
pinagdaanan nila ni Don Juan at bawat tanong ng negrita sa negrito tungkol sa kung naaalala
niya ito ay sumasagot lang ang negrito na hindi niya ito maalala. Bawat sagot niya ng ganito ay
pinapalo siya ng negrita, pero ang nakakaramdam ng sakit ay si Don Juang panaw titig at pansin
lang kay Leonora. Tuwing mapapa-aray siya sa sakit , ay lalakasan lang ni Maria ang musika at
paeengganuhin ang pagsasayaw upang di mapansin ng mga tao. Pero kahit nasasaktan si Don
Juan at kahit pinalabas ng mga ita ang lahat ng pinaghirapan ni Maria para kay Don Juan, hindi
pa rin niya maalala ang prinsesa. Natapos ang palabas at nawala ang negrito at negrita, pati ang
musika at naiwan lang ang praskong may laman na tubig.

Kabanata 28
Nainis na si Donya Maria dahil sa di pag- alala ni Don Juan at kinausap na ito nang deretsahan.
Sinabi niyang kung hindi siya maalala ni Don Juan ay babasagin na ang prasko at manganganib
ang buong reyno. Naalala bigla ni Don Juan si Maria na kanyang mahal at kanyang iniwan sa
isang nayon. Sinabi niya agad sa hari na kay Maria isya pakakasal pagkataops niyang huminig ng
tawad dito sa pangangatwirang nadala daw wiya sa kasiyahan ng Berbanya sa kanyang
pagbabalik. Nagsalita agad si Leonora at sinabi ang lahat ng kanyang ginawa para kay Don Juan
at lahat ng kanilang pinagdaanan noon. Dahil dito ay mag desisyon ang hari na ang naunat ang
wiyang lamang. Dito naman napasalita si Donya Maria at sinalaysay bawat isang pinagdaanan
nila laban day Haring Salermo. Naguluhan na ang hari kaya tinawag ang Arsobispo upang siya
nalang mag desisyon. Ayon sa kanya ay si Leonora pa rin ang lamang dahil siya ang nauna, at
dito nagalit si Maria. Ibinihas niya ang tubig sa prasko at bumaha sa buong kaharian. Nakiusap
agad si Don Juan kay Maria, nilambing at sinabi sa lahat na naminin na raw niya si Maria talaga
ang mahal niya at dito niya gusto pakasal. Sinabi rin niyang si Leonora ay kay Don Pedro nalang
ikasal sa kadahilanagng gusto talaga ito ng kapatidniya at dahil tungkulin rin nila ang kaligtasan
ng kaharian kahit iba ito sa utos ng magulang. Ibinalik ni Don Juan ang sing sing kay Leonora.

Kabanata 29

Pinayagan na ng hari at arsobispo na ikasal si Don Juan at Maria habang si Leonora naman ay
ikakasal kay Don Pedro na may gusto sa kanya nang tunay. Si Leonora ay napatahimik sa lamang
. Si Don Juan na sana ang napili ng hari para maging susunod na hari ng Berbanya, ngunit sinabi
ni Maria na si Don Juan ay magiging hari na rin ng reyno De Los Cristal, kaya si Don Pedro ang
naging hari ng Berbanya. Umalis na si Donya Maria at Don Juan patungong Cristales at
nadatnang mapayapa at walang namumung dahil patay na ang ama at mga kapatid. Pinakawaln
ni Maria ang lahat ng engkanto ni Salermo, tula ng mga naging bato at mayroon ding mga
naging tigre at leon. Natuwa ang mga tao sa reyno at nagkaroon ng pista para sa bagong hari at
reyna pagkatapos paglamayan sandali ni Maria ang nawalang pamilya. Hinangan ang dalawa at
naging mapayapa ang reyno. Nang namatay si Don Juan at Donya Maria, ginawa silang idolo at
magandang halimbawa ng mga tao.

Kabanata 30

You might also like