You are on page 1of 2

Ibat' iba ang relhiyon ng mga Pilipino.

Ang pagpili ng nais na relihiyon ay isa


sa karapatan ng tao. Iba't iba ang paraan ng pananampalataya at pagsimba ng
mga relihiyon sa kanilang bansa.
I. Kristiyanismo - ito ay batay sa mga aral, pagtuturo at buhay na halimbawa ng
pag-asa, pag-ibig at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo. Sa karagdagang kaalaman, silipin
ang christianity.
3 Aral ng Kristiyanismo:
1. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay.
2. Tanggapin ang kalooban ng Diyos nang may kagaanan at likas na pagsunod.
3. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa.

2. Taoism (Lao Tzu ng China) - ito ay hindi isang relihiyon bagkus ay pilosopiya
o pananaw. Ayon sa taoismo, ang tao ay likas na mabuti kaya dapat maipagpatuloy ang kabaitang ito sa pagpapalaganap
ng kapayapaan sa panahon ng tunggalian, mapalakas ng diwa ng pagkakaisa sa panahon ng pagkakawatak-watak, pag-ibig
at pangingibabaw sa panahon ng pagkakagulo at di pagkakaunawaan. Sa karagdagang kaalaman, silipin ang taoism.

III. Confucianismo ( Confucius) - Layon ng Confucianismo na hikayatin ang tao na maipahayag ang sarili at magkaroon ng
katalinuhan upang makisangkot sa pagpapabuti ng kalagayan ng tao sa kanyang lipunan. Upang makabuo ng wastong
pagkatao, mahalaga ang pagwawasto ng isipan na nababatay naman sa katapatan ng tao na makapagbago. Sa karagdagang
kaalaman, silipin ang confucianism.

IV. Buddhismo (Siddartha Gautama ng India) - Ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao
sa buhay ay nag-uugat sa kanyang mga pagnanasa. Ang mga pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman (greed), katakawan
(lust), matinding pagkamuhi(hatred) at labis na pagpapahalaga (attachments) sa materyal na bagay. Ang makabuluhang
buhay para sa mga Buddhista ay ang pagsunod sa Golden Rule sa pakikipag-ugnayan sa kapwa.

V. Hinduismo - ang pinakauna kaya't pinakamatandang relihiyon sa lupa. Ang mga banal na kasulatan (sacred scriptures)
ang batayan ng tuntunin ng moralidad (ethics) ng Hinduismo.Pangunahin sa mga ito ay ang Mahabharata at Ramayana.
Ang diwa ng hinduismo ay batay sa paniniwala na ang buhay sa lupa o mundo aypansamantala lamang kaya't di ito
makahulugan at di ito ang pinakamahalaga. Sa karagdagang kaalaman, sumilip sa Hinduism.

VI. Islam o Mohammedanismo (Mohammed ng Saudi Arabia) - isa sa mga pinamalaganap na relihiyon na itinatag sa
Mecca, Saudi Arabia. Ang kanilang banal na aral ay
matatagpuan sa Koran.
3 Uri ng Aral para sa mga Muslim:
1. structure of reality
2. absolute
3. Mga pag-aaral tungkol sa buhay at pagpapaliwanag sa kahulugan nito.

Judaismo - isa sa pinakamahalagang pilosopiyang panrelihiyon na batayan ng Islam at Kristiyanismo. Ang mahahalagang
aral ng Judaismo ay nababatay sa kanilang mga kasulatan tulad ng Lumang Testamento, Torah, Talmud, Apocrypa
at Kabalah.

You might also like