You are on page 1of 2

Bakit Nagbago Ka?

Maica Anna N. Quiles

Tandang-tanda ko pa,
noong siya’y aking nakasama.
ngiti niya’y nakakahawa,
tawa niya’y humahagalpak pa.

Biro niyang kakaiba,


mga hirit na swak sa lasa
at kakulitan na sobra
ang bumubuhay sa barkada

Tila ba wala siyang inaalala,


na kung ano’ng problema,
sabi pa nga niya,
“Palagi lang dapat masaya”.

Ngunit lahat ng ito’y napalitan,


siya ay kinain ng kalungkutan.
binalot ng karimlan,
ang kanyang nagliliwanag na tahanan.

Nais ko mang siya’y tulungan,


ibalik ang dating kasiyahan,
wala na akong mapagpipilian,
kundi siya’y titigan na lamng.
Dahil sa bawat paglapit ko,
ay ang pagtulak niya sa akin papalayo.
na sa baawat pagtangka ko,
ay ang kanyang pagtago.

Dating ngiti sa kaniyang mga labi,


ngayo’y luhang dumadaloy sa pisngi.
mga tawa niyang nangingiliti,
napalitan na ng mga hikbi.

Ako’y nasasaktan na nang sobra,


sana ay bumalik ka na,
ang dating ikaw na masaya,
at sa amin ay nagpapaligaya.

You might also like