You are on page 1of 2

Pakikibaka at Social Media sa Sanaysay ng Pagkakaugnay-ugnay ni Danilo Araῆa Arao

Ang social media ay isang napakandang naimbento sa kabila ng napakaraming sumbat ng iba.
Kung araw-araw ang paggamit ng internet ay malamang gumagamit ka ng social media. Halimbawa na
lamang ng iilang social media ay ang Facebook kung saan dito ay maari kang makipag interaksyon sa
ibang user. Ang facebook ay malaking tulong sa mga taong malayo sa ating bansa at malaking tulong
upang malaman kung ano ang nangyayari sa labas ng bansa. Marami ang nagsasabi na ang facebook ay
may maraming pangambang dulot sa ating lipunan. Ngunit hindi dapat natin sisihin ang teknolohiya sa
ating kahinaan. Kung ang tingin ng iilan sa social mediatulad ng facebook ay para lamang samga walang
magawa sa buhay, ngayon ay may malawak na pagkilala sa potensiyal nito para sa makapagsulong ng
pagbabago sa lipunan. Ang hamon lamang sa ating lahat ay tingnan ang social media bilang paraan ng
mablis na pagbibigay ng mahahalagang impormasyon. Kailanman ay hindi mapapalitang ng aktwal na
pagkilos, gayundin ay hindi natin dapat paghiwalayin ang aktwal sa birtwal.

Pag-aaral sa Wikang Bikol at Paggamit ng Wikang Filipino sa Sanaysay ng Pagkakaugnay-ugnay ni


Danilo Araῆa Arao

Kung makikita lamang ang likas na kagandahan ng mga salitang ginagamit at ang etimolohiya ng
mga ito malamang ay ito ang magtutulak sa indibidwal upang pag-aralan ang ating sariling wika. Kung
pag-aaralang mabuti ang katangian ng mga wika natin ay mapapansin ang pagkakaugnay-ugnay nila.
Napakalaking oportuninad para payamanin ang wikang Filipino na magsisilbing kombinasyon ng iba’t
ibang wikang ginagamit sa Pilipinas. Ngunit paano mapapaunlad an gating sariling wika kung patuloy na
ipinapakalat ang ideyang ang wikang Ingles ang siyang makapagpapaunlad sa atin. Dahil sa kolonyal na
mentalidad ay hindi na nila nakikita ang kagandahan ng mga wikang mayroon tayo, dahil malinaw na
kanluranin ang kanilang batayan.

Wikang Ingles bilang Desperadong Diskurso sa Sanaysay ng Pagkakaugnay-ugnay ni Danilo Araῆa


Arao

Kakaibang ebolusyon ng wika ang nagyayari ngayon. Ang isang buhay na wika ang nangyayari
ngayon. Ang isang buhay na wika katulad ng Ingles at Filipino ay may mga salitang maaring magkaroon
ng iba’t ibang kahulugan,depende sa lugar na kinaroroonan mo sa konteksto ng paggamit ng mga ito.
Wikang Filipino bilang Puhunan sa Sanaysay ng Pagkakaugnay-ugnay ni Danilo Araῆa Arao

Ingles para sa matalino ,Filipino para sa bobo. Ito ay iilan lamang sa mga pagtingin ng isang
pamahalaang pilit na itinutulak ang wikang Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan. Sa
panahon daw kasi ng globalisasyon, magiging susi ito ng pag-unlad ng Pilipinas. Kung marunong ka raw
mag-Ingles, lahat ng oportunidad ay mapapasaiyo. Kung kaya’t hindi na nakakapagtaka kung sa
kasalukuyan ay mas binibigyang-pansin ang pagpapahusay sa kakayahan sa wikang Ingles kaysa sa
wikang Filipino. Kung tutuusin nga, hindi na pinapansin kung nagkakaroon na ng kahinaan ang
maraming kabataan sa paggamit ng sariling wika. Hindi bale nang makalimutang ang wikang Filipino
basta’t nakakayang makipagdiskurso sa wikang Wikang Ingles.
Ganito na ang ilang pmantayan ng mga nasa kapangyarihan, at sa ganitong konteksto din natin
dapat suriin ang kawalan ng interes ni Pangulong Gloria Macapagal –Arroyo ang kaniyang paggamit sa
wikang Filipino. Hindi naman intesyon na pagbanggain ang dalawang wika ngunit dapat tratuhin na
ikalawang wika lamang ang Wikang Ingles, Isang klase ng wika na maaring matutuhan basta’t ang una
munang palakasin ay ang sariling wika.

You might also like