You are on page 1of 2

SANTIAGO TRILLANA ACADEMY, INC.

Mabini St. San Sebastian, Hagonoy, Bulacan


Tel. No. 044 – 931 – 1460
SEC Registration No. CS200706588
SY 2017-2018

Ika-24 ng Enero, 2018

Minamahal na mga magulang,

Pagbati mula sa Lumikha!


High School Prom: Isa sa mga inaabangan na kaganapan, kapanapanabik na pagtitipon at di-
makakalimutang karanasan para sa mga mag-aaral mula sa ika-siyam hanggang ika-labindalawang baitang ng
magaaral sa sekundarya. Ito ay naglalayon na magkaroon ng isang seremonya ng pagpapalitan ng mga
tungkulin mula sa mga “Seniors” patungo sa mga susunod na baiting sa kanila. Ito rin ay naglalayon na
magkapagbigay karanasan sa mga mag-aaral ng mga pormal na magagandang pagsasanay sa pakikitungo at
pakikisalamuha sa kapwa at sa hapag. Ito rin ay magpapayabong ng kanilang mga iba’t ibang talento sa
larangan ng musika, sayaw at mga kasanayan at talentong nasa labas ng mga silid-aralan.
Upang makamit ang minimithing layunin ng nasabing pagtitipon aming ninanais na ang bawat mag-
aaral ay makikiisa at tunay na maunawaan ang ating panuntunan at ang mga inaasahang kaganapan sa nasabing
pagtitipon.
Ang High School Prom ay gaganapin sa ika-15 ng Pebrero taong 2018, Huwebes, sa ating sariling
paaralan mula ika-4 ng hapon hanggang ika-10 ng gabi. Ang tema ng pagtitipon ay “I Love You to the Moon
and Back”. Patuloy parin na ipapatupad ang mga patakaran ng paaralan ukol sa disiplina at pakikitungo sa
kapwa at sa lugar. Ang mga guro at tagapangasiwa ng paaralan ay dadalo sa High School Prom upang tumulong
at gumabay sa buong daloy ng pagtitipon. Ang mga mag-aaral ay hindi pahihintulutang umalis bago mag ika-10
ng gabi. Ang mga magulang ay inaasahang sunduin ang kanilang mga anak.
Aming bibigyang diin na ang High School Prom ay isang pormal na pagtitipon at malaya ang mga mag-
aaral na mamili ng kanilang pormal at disenteng kasuotan sa gabi ng pagtitipon (cocktail dress para sa mga
kababaihan at coat and tie para sa mga kalalakihan).
Ang halaga para sa bawat isa ay Php 900.00 na kung saan saklaw nito ang mga gastusin sa pagkain
(catering), sound system, palamuti at gayak sa bulwagan, larawan, souvenirs, bulaklak at mga gantimpala.
Dahil ito ay opisyal na aktibidad ng paaralan, lahat ay lubusang inaasahan, buong pusong iniimbitahan,
at mahigpit na tutugon, makikiisa at dadalo sa nasabing pagtitipon.
Mangyari lamang na punan ang Reply Slip na nakalakip sa sulat na ito, patunay na naunawan at inyong
naintindihan ang mga panuntunan sa gabi ng pagtitipon ng ating mga mag-aaral. Para sa ilang katanungan,
lumapit lamang at idulog ito sa gurong-tagapayo ng ating mag-aaral.
Maraming Salamat at aming inaasahan ang pagdalo ng ating mga mag-aaral upang mabigyan sila ng
isang natatanging karanasan na kanilang babaunin sa buhay.

Lubos na gumagalang,

Bb. Ma. Elena C. Umali


Pang-ulong Guro ng Sekundarya
-------------------------------------------------------------------------

REPLY SLIP

Aking nabasa at naunawaan ang mga patakaran, panuntuan at ang mga inaasahan sa gabi ng pagtitipon
ng mga mag-aaral (High School Prom) na gaganapin sa ika-15 ng Pebrero taong 2018. Buo ang aking suporta,
pagsang-ayon at pahintulot para sa aking anak na dumalo at makiisa sa nasabing pagtitipon kalakip ang mga
nasabing panuntunan.

________________________________________
Pirma at Pangalan ng Magulang / Guardian
SANTIAGO TRILLANA ACADEMY, INC.
Mabini St. San Sebastian, Hagonoy, Bulacan
Tel. No. 044 – 931 – 1460
SEC Registration No. CS200706588
SY 2017-2018

PARENTS’ MEETING
ATTENDANCE
January 31, 2018

GRADE and SECTION: ____________________________________________

Name Signature

You might also like