You are on page 1of 2

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG - AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG STO.

DOMINGO
Kabanata I ( Introduksyon )

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA PAG - AARAL NG MGA ESTUDYANTE NG ESEP NG MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG STO. DOMINGO

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

Introduksyon

Tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.1

Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa ating pamumuhay sa pang – araw – araw. Hindi

maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay Espina at Borja

(1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilika ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at

nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob

at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto nito sa ating pag –

aaral at pati na rin sa pag – uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang na dito ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga

bagay ng produkto ng makabagong teknolohiya, mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa. Masasabing mas

mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon ang pumuntang computer shop para buksan ang kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa pagbisita

ng silid – aklatan at igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng talakayan ay hawak – hawak pa rin angcellphone at patuloy

sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang sites, alam na nila ang tinuturo

kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga estudyante.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na ginagampanan sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante.

Subalit sa pamamagitan ng social media na produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang pag –

aaral.2 Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang

asal at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko,

magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas mahikayat silang

makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking

Sites dahil sa walang sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang

epekto ng dulot ng Social Media sa mga estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang pagkahumaling ng mga

estudyante dito.

Rasyunal/Layunin ng Pag – aaral:

Napili ang paksa ng pananaliksik na ito dahil may kaugnay ito sa larangang kinabibilangan ng mga mananaliksik. Ang social media ay isang uri ng pakikipag-

ugnayan sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya. Nagagawa nitong maiugnay ang mga tao mula sa malalayong lugar. Sa kasalukuyang panahon, ang paksang tungkol

sa social media ay mahalaga sa paghatid ng impormasyon, sa mga taong nahuhumaling sa pagtangkilik partikular na sa mga estudyante. Sapagkat, sa pamamagitan ng

napakaraming sites na umuusbong, napakarami ring impormasyon at kaalaman ang kanilang natutuklasan sa simpleng pagbisita nila sa sites na ito.

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon tungkol sa social media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito,

layunin rin nito na ipabatid sa mga estudyante ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa lahat, ninanais ng

pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.
Kahalagahan ng Pag – aaral

Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang dulot nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito

ay inaasahang maging kapaki – pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at makatutulong para makakuha ng paraan kung paano mababago at

mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa Social Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang paggamit ng social media

bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa

pamamagitan ng mga ideyang napulot, maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga estudyante ang kanilang

lubos na pagkahumaling sa Social Media.

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral na ito ay makatutulong sa pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain

at iba pang mga hakbang para makatulong sa mga mag – aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol sa dito.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay upang kung sakaling ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may

mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura at karagdagang kaalaman.

Sa mga kasalukuyang kumukuha ng kursong BEED at BSED. Bilang mga guro sa hinaharap, ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng mga

ideya at mga posibleng sitwasyong kanilang kalalagakan sa hinaharap. Sa ganoong paraan makapaghahanda sila upang gawin ang kanilang pagtuturo na mas epektibo.

Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong epekto ng social media sa mga estudyante ng ESEP sa Mataas na Paaralang

Pambansa ng Sto. Domingo mula ikapitong baitang hanggang sa ikaapat na taon sa akademikong taon 2014-2015.

Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng ESEP ng Mataas na Paaralang Pambansa ng Sto. Domingo. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin

ang mga pananaw at persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa huli, bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon

upang maiwasan ang sobrang pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung

paano ginamit ang bawat isa sa pamahanong – papel na ito:

Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya nakikita. Ito ay may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga

taong nasa malayong lugar.

Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa mundo dahil sa ito ay mas high tech,mas madali, at higit

sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag – ugnayan sa isang malawak na sansinukob na tao, mga taong

marahil ay bago para sa atin.

Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng parami ang mg active users. Isa rin itong tulay sa modernong

pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes sa mga larawang pinopost.

Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share stories”. Mahalaga sa larangan ng panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan ng

pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong – lalo na sa mga kabataan.

Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o madiskubre.

You might also like