You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Justice
OFFICE OF THE CITY PROSECUTOR
______ City, ______

______________
Complainant, NPSD NO. _________

- versus - For: Estafa

_______________
Respondent
X----------------------X

SINUMPAANG KONTRA-SALAYSAY

Ako si, _________, nasa hustong gulang, may-asawa, Filipino at kasalukuyang


naninirahan sa ________________, matapos makapanumpa ng naayon sa batas, ay
Malaya at kusang loob na nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Na ako ang inihahabla sa kasong Estafa na isinampa ni ________ na kasalukuyang


dinidinig sa kagalang-galang na Tanggapan ng Taga-usig Panglungsod ng Lungsod ng
______ na may docket na _______;

2. Na mariin kong pinabubulaanan nag mga alegasyon sa kanyang sinumpaang salaysay


dahil ang mga ito ay walang katotohanan totoo, mapaglinlang at walang basehan;

3. Na dahil ang katotohanan ay aking isasalaysay sa mga sumusunod:

4. Na ako ay nagnenegosyo ng pagtitinda ng _______ simula noong taong ______;

5. Na katulad ng ibang negosyo, ang aking negosyo ay nakararanas ng pagkalugi at iba


pang mga problemang dulot ng paggalaw ng merkado at iba pang salik na hindi ko
kayang hulaan o pigilin;

6. Na ngunit sa kabila nito, hindi ako sumasala at patuloy kong tinutupad ang aking
obligasyon sa mga taong ka-transaksiyon ko sa aking negosyo;

7. Na itong si _________ang lumapit sa akin dahil siya ay naging interesado sa aking


negosyo;

8. Na kami ay nagkatagpo ni ______ noong ______ ng ako ay ______________;

9. Na walang katotohanan na aking kinumbinse si ________ dahil ang naging pag-uusap


ay kaswal lamang at siya ang nag-amuki sa akin na kung maari ay isama niya at
ipahiram ang kanyang ekstrang pera sa aking negosyo;

10. Na matapos kong maidetalye sa kanya kung paano ko ito pinamamahalaan at kung
paano ito kumikita, siya ay nagpakita ng interes;

Page 1 of 3
11. Siya ay boluntaryong nagdeposito ng ______________ bilang pautang sa akin na
aking patutubuan ng _________ na porsiyento kada buwan;

12. Na ako ay palagiang nakapagbibigay ng tubo kay ________ ng hindi bababa sa


halagang ___________________simula ng ako ay pautangin niya ng karagdagang
puhunan sa aking negosyo;

13. Na sa katunayan , ako ay nakapagdeposito ng sa ______ Account ni ______________


ng halagang __________________. Aking inilalakip ang kopya ng mga deposito
bilang patunay at hinihiling ko na ang mga ito ay markahan bilang ANNEX “2” at
serye;

14. Na noong __________, kami ay nag-usap tungkol sa pagtumal ng bentahan ng bigas


at hindi pagbabayad ng aking mga binabagsakan ng bigas sa kabila ng aking mahigpit
na paniningil na nagresulta sa pagkalugi ng aking negosyo;

15. Na ipina-unawa ko ang sitwasyong ito kay ________at inalok ko siyang isosoli ko na
lamang ang aking nahiram na pera sa kanya dahil hindi ko ng kayang abonohan ang
ang pagbibigay ng tubo;

16. Kung ako man ay mayroong pananagutan kay ____________, ito ay


PANANAGUTANG SIBIL lamang dahil ang aming kasunduan ay tungkol lamang sa
hiramin ng pera;

17. Na matapos kong isaysay ang katotohanan sa usaping ito, magalang kong hinihiling
sa Kagalang-galang na Taga-Usig na ipawalang-saysay ang reklamong ito dahil ito ay
walang basehan sa katotohanan at batas;

18. Na malugod ko ring hinihiling sa kagalang-galang na Taga- na ako ay


mapagbigyang magsumite ng Karagdagang Salaysay (Supplemental Affidavit) at
Ganting-Katugunan (Rejoinder Affidavit) upang lubos kong maipagtanggol ang aking
panig;

19. Na malugod ko pa ring hinihiling sa kagalang-galang na Taga-usig Panglungsod na


ako ay mapagbigyang magsumite ng Mosyon Para sa Muling Pagsasa-alang-alang
(Motion for Reconsideration) kung kinakailangan;

PAGSAMO

BASEHAN SA MGA NAISALAYSAY, magalang kong hinihiling na ipawalang-


saysay ang reklamong ito dahilan sa kawalan ng merito.

Magalang ko pa ring hinihiling ko rin na ako ay bigyan ng karampatang


kaluwagan na makatarungan at makatuwiran at naayon sa mga naihayag sa usaping ito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako ay lumagda ngayong ika-_____ ng


_______ dito sa ___________________.

_________________________
Affiant

Page 2 of 3
NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko ngayong ika-___ ng
_____________ dito sa ___________________at ito ay NAGPAPATUNAY na personal
kong sinuri ang nagsasalaysay at ako ay kumbinsido na Malaya niya itong isinagawa at
lubos na nauunawaan.

_____________________________
(Administering oath)

Page 3 of 3

You might also like