You are on page 1of 2

MONOLOGO SA FILIPINO SCRIPT(TENTEN)

Act I (1 minute 40 seconds)(Revisable)

TENTEN: (walang “s”) (suot ay casual ni Tenten)

(Tingin sa audience)

Magandang umaga/hapon sa inyong lahat. Ako po ang inyong poging lingkod, Tenten
Ibarra. Umpisahan natin ang storya ng inhinyero at serbidora. Once upon a time may isang batang
nagngangalang Simon. Siya ay mula sa Buklod Kalinga at doon nanatiling mag-isa hanggang
dumating ang pamilyang Ibarra. Tinuring nila siya bilang isang anak imbis na isang ampon. At
doon niya nakilala sina Nanay Taps, Tatay Dodoy, at Kuya Binggoy. Simula noon siya ay naging
isang mabuting anak at nagpursige sa pagraraket. Kaya naman ako ay kinilala bilang “Ultimate
Raketero ng Tondo.” Sa aking pagkabata ay may nakilala akong isang magandang dilag na mula
pa sa kabila ng mundo. Siya ay si Serena Marchesa. Sa bawat araw na lumipas hindi ako mapakali
sa kakaantay ng kanyang liham hanggang sa isang araw, hindi na siya sumulat. Gumuho ang aking
mundo, nawalan ako ng gana sa buhay pero buti na lang nandyan tina nanay Taps upang
patahanin ako. Makalipas ng ilang taon habang ako’y rumaraket ay may nakita akong magandang
dilag. Nung una’y pinaaresto niya pa ako dahil akala niya rapist ako. Matapos ang mahabang mga
pangyayari, ako ay nagtrabaho bilang driver niya. Ngunit nagbago ang lahat matapos ko aminin
kung sino talaga ako. Inamin ko na ako si Simon na nakilala niya sampung taon pang nakalilipas.
Tuwang-tuwa ako dahil pinagtagpo uli kami ng tadhana na para bang inilaan kami sa isa’t isa.
Pumunta kami ng Bohol at doon niya ako tinulungan sa aking “s”

Act II (30 seconds)

(sings song)

Act III(50 seconds)

Tenten: (may “S”)

(Tingin kay Paula)

At doon ko rin unang naramdaman ang isang pakiramdam na nabuhay mula sa nakaraan. Nahulog
ako kay Serena. Sa kanya bumagal ang ikot ng aking mundo, umawit ang mga ibon, lumiwanag
ang madilim kong buhay. Sabi nga nila may mga sintomas daw bago mo malaman kung tinamaan
ka na ng lintik. Una palagi siya ang nasa isip mo. Pangalawa, namamalik-mata ka na akala mo siya
lang ang nakikita mo. At pangatlo, napapaniginipan mo siya lagi. Doon ko nga nakumpirma na
ako’y nahulog sa kanya. Bakit ba kasi ang ganda mo? Sa pagtaggal ng oras hindi ko rin napigilan
ang aking damdamin at inamin ko sa kanya lahat.

Act IV (2minutes 12 seconds)

(plays “love confession episode”)

(Ialay kay Paula)


Tenten: Ikaw. Ikaw Serena. Ikaw ang gusto ko sanang magbigay ng pagkakataon sa akin. Magbigay
ng pagkakataon na mahalin ka. Ewan ko ba kasi eh. Sa dinami-rami ng tao sa mundo eh. Bakit
sayo pa bumagal ang ikot ng mundo ko? Bakit sayo pa.. umawit ang mga ibon? Bakit ikaw pa ang
nagdala ng liwanag sa buhay ko? Na kahit hindi man aminin ng isip ko, ikaw pa rin talaga yung
sinisigaw ng puso ko eh. Sana nga talaga eh isang malaking biro lang ito ng tadhana ito Serena
eh. Na bukas makalawa sana gumising ako wala ka na eh. Na sana hindi na lang tayo nagkakilala
eh. Pero hindi eh. Anomang gawin ko, yun talaga yun eh. Wala talaga, ikaw pa rin talaga ang mahal
ko Serena. Wala, mahal na mahal talaga kita.

Hanggang sa susunod na kabanata....

You might also like