Professional Documents
Culture Documents
I. Panimula
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog,
at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa
pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak
ang pangahulugan sa "wika". o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto. Ang
siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na linggwistika. Nag-ugat ang salitang wika mula
sa wikang Malay. Samantalang nagmula naman sa Kastila ang isa pang katawagan sa wika:
ang salitang lengguwahe. Tinatawag ding salita ang wika. Katulad ng language - tawag
sa wika sa Ingles - nagmula ang salitang lengguwahe o lengwahe sa salitang lingua ng Latin,
na nangangahulugang "dila", sapagkat nagagamit ang dila sa paglikha ng maraming
kombinasyon ng mga tunog, samakatuwid ang "wika" - sa malawak nitong kahulugan -
ay anumang anyo ng pagpaparating ng damdamin o ekspresyon, may tunog man o wala,
ngunit mas kadalasang mayroon.
Ayon kay Edward Sapir, ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng
paghahatid ng mga kaisipan, damdain at mithiin. Si Carroll (1964) ay nagpapahayag na ang
wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan. Ito ay resulta ng
unti -unting paglilinang sa loob ng maraming dantaon at nagbabago sa bawat henerasyon,
ngunit, sa isang panahon ng kasaysayan, ito ay tinutukoy na isang set ng mga hulwaran ng
gawi na pinag-aaralan o natutuhan at ginagamit sa iba’t ibang antas ng bawat kasapi ng
pangkat o komunidad. Ayon kay Dr. Pamela Constantino sa artikulo niyang Tagalog Pilipino /
Filipino: Do they Differ sa bisa ng Executive Order No 134 na nilagdaan ni Pangulong Quezon
noong Ika-30 ng Disyembre, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang basehan ng pagbubuo ng
Wikang Pambansa. Ayon kay Dr. Aurora Batnag ( Kabayan, 2001) sapagkat ang Pilipinas ay
multilinggwal at multicultural, nabubuklod ang ating mga watak-watak na isla ng iisang mithiin
na ipinapahayag hindi lamang sa maraming tinig ng iba’t- ibang rehiyon kundi gayon din sa
isahang midyum na Wikang Filipino. Samakatuwid hindi matutumbasan ang papel ng wika sa
pagtatangkang baguhin ang kalagayan ng lipunan ng isang bansa.
Ang wika ay nagbibigay tulong sa pag-unlad ng iba’t ibang aspeto sa isang bansa. Ang
wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipag-
ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat mamamayan. Ang wikang sa makabagong panahon
ay patuloy na umuunlad at nagbabago.
Maraming iba't-ibang wika o tinatawag ding varayti ng wika dahil sa archepilago ng hugis
ng bansa. Isang larangan ng sosyolinggwistika na pinagtutuunan ngayon ng mga pag-aaral at
pananaliksik ang tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at varyasyon ng wika. Kaugnay ng
mga pagpaplanong pangwika na isinasagawa sa mga bansa na multilinggwal ang mga tao, may
mga isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti ng wika: paano
nagkakaroon ng mga pangkat ng mga tao na may isang varayti ng wikang sinasalita? Kailan
sila nagkakaroon ng karaniwang varayti ng wika? Ang mga teo(istang neo-klasikal (Tollefson,
1991) ay nagbigay ng tepolohiya ng -wika batay sa mga katangiang istruktural ng mga varayti
ng wika sa clegri ng pagkamultilinggwal at sa gamit ng mga varyasyong ito (Kelman, 1971;
Fishman, 1968; Kloso, 1968). Nakabatay ang pagkakaroon ng varayti at varyasyon ng wika sa
paniniwala ng mga lingwist ng pagiging heterogeneous o pagkakaiba-iba ng wika (Saussure,
1916) at "hindi kailanman pagkakatulad o uniformiclad ng anumang wika", ayon kay Bloomfield
(1918).
Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes,
gawain, pinag-aralan at iba pa. Sa pagdaan ng panahon nagiging ispesyalisado ang mga
gawain at tungkulin ng tao at ito ay nagreresulta sa pagkakaiba-iba ng kultura at wika na siyang
nagiging panukat sa progreso ng tao (Roussean, 1950). Ang mga pagkakaibang ito ng / sa wika
ay nagbunga ng iba't ibang pagtingin, pananaw at atityud dito kaugnay ng dipagkakapantay-
pantay ng mga wika pati ng mga tagapagsalita, kultura at sibilisasyon (Constantino, 2000).
Magsisilbing patnubay ang pagtalakay na ilalahad sa papel na ito para sa mga propesor,
estudyante, mananaliksik at mga nagpaplano ng wika sa edukasyon partikular sa varayti ng
Filipino na ginagamit ngayon sa iba't ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong nagsasalita
(heograpiko) at ayon sa pangkat na kinabibilangan (sosyolek).
Sa kabanatang ito ay ipinapakita ang mga datos na nakalap mula sa mga mag-aaral sa
hayskul sa paaralan ng Joyland tungkol sa wika o dayalektong kanilang ginagamit o sinasalita
sa naturang paaralan.
Wika/Dayalektong Ginagamit
(Internasyonal)
Ibang Wika
Korean
4%
7%
Japanese
6%
English
Japanese
Korean
Ibang Wika
English
83%
Table 1
Pangasinan Bisaya
33% Cebuano
Ibang wika
Table 2
Kabanata 3
Sa kabanatang ito ay iprinisinta ang paraan ng pananaliksik, mga pokus ng pag-aaral, mga
instrumentong pananaliksik.
PARAAAN NG PANANALIKSIK
Ang mga pipiliing mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng hayskul sa
lahat ng antas sa paaralan ng Joyland. Sa kasalukuyan ay may isang daan at pitumpong
respondente kaming kinuha na kung saan ang mga mananaliksik ay nagpamahagi ng checklist
na sinagutan ng mga respondente.
Ang checklist ay ginamit upang maipakita ang mga datos na kinakailangan sa pag-aaral. Ang
mga katanungan ay pinasagot sa mga mag-aaral sa lahat ng antas ng hayskul sa paaralan ng
Joyland. Ang pagtally at pagkukuha ng porsiyento ang ginawa ng mga mananaliksik upang
maibuod ang mga datos ng pag-aaral.
Pangalan:
Baitang at Seksyon:
Internasyonal Lokal
A. English A. Tagalog
B. Japanese B. Pangasinan
C. Korean C. Ilokano
D. Ibang wika __________ D. Bikolano
E. Bisaya
F. Cebuano
G. Ibang wika __________
PAGLALAGOM
Ang paglalathala ng pag-aaral tungkol wika o dayalektong ginagamit o sinasalita ng mga mag-
aaral sa hayskul sa paaralan ng Joyland ay naganap. Isang daan at pitumpung respondente
ang sumagot sa checklist na aming pinamigay. At ang resulta ay ang mga sumusunod: 1.
Karamihan sa mga respondente ay gumagamit o isinasalita ang wikang English sa mga wikang
Internasyonal dahil ang wikang ito ay ang midyum na ginagamit ng mga guro sa pagtuturo sa
mga mag-aaral na nakaaapekto sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Ito rin ang
kanilang ginagamit upang makipagtalastasan sa mga dayuhan sa ating bansa. Ito ay
sinangayunan ng 170 na mga respondente. Ang sumusunod dito ay ang mga wikang Korean,
Japanese, Chinese, Spanish, German na nagpapatunay na ang pilipinas ay dinarayo ng
maraming dayuhan na nagpapakita ng impluwensya ng ibang lahi sa ating bansa. Ito ay sinang-
ayunan ng 36 na mga respondente. 2. Karamihan rin sa mga respondente ay gumagamit o
isinasalita ang wikang Tagalog sa mga wikang Lokal dahil ang wikang ito ang pinagbatayan ng
ating naturang wikang pambansa na wikang Filipino. Ito ay sinang-ayunan ng 170 na mga
respondente. Ang sumusunod dito ay ang wikang Pangasinan dahil ito ay ang naturang “mother
tongue” kung tawagin sa English. Ang mga sumusunod dito ay ang wikang Ilokano, Bikolano,
Bisaya, Cebuano at ibang wika na nariyan ang kapampangan, Ilonggo at waray na nagpapakita
ng mayaman at maunlad na kultura ng ating bansa. Ito ay sinang-ayunan ng 91 na mga
respondente.
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK
Ang wika ay mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang
ginagamit sa pakikipakomunikasyon, pakikipag-ugnayan at pakikipag-talastasan ng bawat
mamamayan. Ito ay talang mahalaga dahil malalaman dito ang pinakaginagamit o sinasalit ng
mga mag-aaral ng Joyland na nakaaapekto sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay at
pakikipagtalastasan. Kaya ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga
sumusunod: 1. Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa kanila upang
kanilang malaman kung paano umuunlad ang wika at ang mga salita na kanilang kailangang
gamitin na makakatulong din sa pagtatagumpay ng kanilang pag-aaral. 2. Sa mamamayan. Ang
pag-aaral na ito ay magbibigay sa kanila ng kaalaman ukol sa pag-unlad ng wika at kung paano
ito makakatulong sa pag-unlad ng bayan. 3. Sa mga susunod pang henerasyon. Ang pag-aaral
na ito ay ay maaari nilang balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya tungkol sa iba’t ibang
wika at kung paano ito nadaragdagan, umuunlad at nagbabago.
Konklusyon
Magsisilbing patnubay ang pagtalakay na ilalahad sa papel na ito para sa mga guro,
estudyante, mananaliksik at mga nagpaplano ng wika sa edukasyon partikular sa varayti ng
wika na ginagamit ngayon sa iba't ibang rehiyon ayon sa lugar ng taong nagsasalita
(heograpiko) at ayon sa pangkat na kinabibilangan (sosyolek).
Formulang Ginamit:
MGA SANGGUNIAN:
Alonzo, Rosario 1. 1993 "Mga Pag-aaral sa Varyasyon at Varayti ng Wika." Papel na Binasa sa
Pambansang Kumperensya ng Pambansang Samahan sa Wika.
http://wika.pbworks.com/f/Ang+Papel+ng+Wikang+sa+Gitna+ng+Pagkakaiba+ng+mga+Wika+s
a+Bansa.pdf
http://filipinotermpaper.blogspot.com/
http://pagteteksatwika.blogspot.com/2009/03/mga-mananaliksik-concepcion-noeli.html
http://www.slideshare.net/armialeonardo/thesis-wikang-filipino-sa-makabagong-panahon