You are on page 1of 2

Wikang Filpino: Wikang Kolonyal

I
Ang mayaman nating kultura, na nailipat,
Mula pa sa sinaunang henerasyon,
Binibigyang halaga, hanggang sa ngayon.

II
Saan ka man mapadpad, saan man mapunta,
kahit saang sulok ng kapuluan, iyong makikita,
Mga pista't pagdiriwang, paniniwala't tradisyon,
Mahihinuha kung gaano ka yaman ang nasyon.

III
Ngunit may isang bagay na mas mahalaga,
Nagbubuklod-buklod sa ating mga kapwa,
Isang kayamanang dalisay, dapat pangahalagahan,
Ito'y ating wika, simbolo ng kasarinlan.

IV
Wika ang pahiwatig ng pambansang kalayaan,
Marami man tayong dialekto sa kapuluan,
Filipino parin ang wikang kinagigisnan,
Ito'y nasa puso ng lahat, maging nino man.

V
Ilocano, Kapampangan, Cebuano't Dabaweno,
Ilonggo't mga Waray, iba iba man ang dialekto,
Iisa pa rin ang nagbubuklod sa mga ito,
Ating wikang pambansa, ang wikang Filipino.

VI
Ngunit tunay nga ba tayong malaya?
Sa pagkakaroon ng isang pambansang wika?
Kung kasaysayan nito'y, di pinahahalagahan,
At maraming salita dito'y, galing sa dayuhan.

VII
Mas madalas pa gamitin ang salitang "titser".
kaysa sa salitang "guro", lalo naman ang "computer",
na walang katumbas sa ating wika,
pinalitan lang ang baybay, mula pa rin sa banyaga.
VIII
Marami nga namang mga salita,
Ang hiniram lamang natin sa mga banyaga,
Salitang "bolpen", "keyk", "kendi" at "telebisyon",
"gobyerno", "presidente", "senador" at "tradisyon".

IX
Patunay lamang kung gaano kalawak,
ang impluwensya ng dayuhan, at kanilang hawak,
hindi lamang ang ekonomiya't kalakalan,
may impluwensya pa sa wika ng sambayanan.

X
Marahil panahon na mga kakosa't kaibigan,
Upang ating bigyang tugon at palitan,
Ang ilan sa mga kolonyal na salitang ating natutuhan,
At tangkilikin ang katutubong wika ng Inang Bayan.

XII
Tangkilikin lamang ang sariling atin,
Salitang gaya ng "pamahalaan", "pluma" at "bansa",
Huwag "gobyerno", "bolpen", "nasyon" ang gamitin,
Upang kalayaan sa wika ating matamasa.

XII'
'Pagkat 'pag naisapuso natin ang Wikang Filipino,
Tiyak at tiyak lalaganap ang Nasyonalismo,
dahil mas madaragdagan, pagmamahal sa bansa natin,
Kapag sariling wika ang iyong gagamitin.

You might also like