You are on page 1of 2

Pormat ng Debate:

Round 1: Pagbibigay ng Pangkalahatang Ideya ng Katayuan

Paggawa ng Introduksyon (3 minutes)

Affirmative Intro (2 minutes)

Negative Intro (2 minutes)

Mga Gagawin:

1. Magbigay ng maikling introduksyon kung bakit sang-ayon o di-sang-ayon ang


pangkat. Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 3 minuto sa paggawa nito.
2. Magbigay rin ng mga puntos na isasama na sa introduksyon.

Round 2: Paglalahad ng mga Puntos

Affirmative (30 segundo)

Negative (30 segundo)

Diskusyon sa Grupo (2 minutes)

Mga Gagawin:

1. Maglalahad ng mga puntos ang bawat pangkat na sisimulan ng grupong


sumasang-ayon. Itoy tatagal lamang ng 30 segundo.
2. Itoy susundan ng di sumasang-ayong pangkat.
3. Ang bawat grupo ay inaasahang magsusulat ng mga impormasyong maaaring
gamitin bilang tanong sa ikatlong round.
4. Matapos ang pagbibigay ng puntos ay bibigyan ng dalawang minuto ang
dalawang pangkat upang talakayin sa grupo ang gagawing estratihiya sa
rebuttal.

Round 3: Rebuttal

Affirmative (1 minute)
Negative (1 minute)

Mga Gagawin:

1. Maglalahad ng mga puntos ang bawat pangkat na maaaring maging puntos laban
sa kabilang pangkat. Itoy pangungunahan ng sumasang-ayong pangkat na
susundan naman ng di sumasang-ayong pangkat. Itoy tatagal lamang ng isang
minuto. Tandaan na ang paglalahad ng puntos ay isa-isa lamang.
2. Matapos maglahad ng punto ang naunang pangkat itoy sasagutin ng sumunod
na pangkat na sasabayan naman ng paglalahad ng kanilang punto laban sa
naunang pangkat.
3. Itoy uulit hanggang sa maubos ang mga punots ng bawat pangkat.

Round 4: Pagbubuod

Affirmative (2 minutes)

Negative (2 minutes)

Mga Gagawin:

1. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang tagapagbuod na magbibigay ng


makabuluhang mensahe sa lahat sa kung bakit dapat paniwalaan ang kaniyang
panig. Ito ay tatagal lamang ng hindi hihigit sa dalawang minuto.

You might also like