You are on page 1of 10

LATHALAAN PARA SA WIKA AT KULTURA

AKLAT NG BAYAN
METRO MANILA
2014
ISSN 2350-7489

Pandiwa: Lathalaan para sa Wika at Kultura


Tan II, Blg. 1

Karapatang-sipi 2014 ng Komisyon sa Wikang Filipino

RESERBADO ANG LAHAT NG KARAPATAN. Walang bahagi ng librong ito ang maaaring sipiin o gamitin
nang walang nakasulat na pahintulot mula sa may-akda at tagapaglathala.

Lupong Editoryal: Virgilio S. Almario, Purificacion G. Delima,


Orlando B. Magno, Roberto T. Aonuevo,
Jerry B. Gracio, Marne L. Kilates

Isyu Editor: Virgilio S. Almario

Tagapangasiwang Editor: Alyssa Romielle F. Manalo

Inilathala ng

KOMISYON SA WIKANG FILIPINO


2/F Gusaling Watson, 1610 JP Laurel St., San Miguel, Maynila 1005
Tel. 02-733-7260 02-736-2525
Email: komfil.gov@gmail.com Website: www.kwf.gov.ph
LATHALAAN PARA SA WIKA AT KULTURA

Nilalaman
Ang Panrehiyon at Pambansang Panitikan 4
Virgilio S. Almario

Ugnayan: Panitikan Bilang Tulay ng Nakem 11


Joel B. Manuel

Ang Lingguwistik, Estetik, at Sosyo-kultural 25


sa Pagsasa-Filipino ngTulang Ilokano
Junley L. Lazaga, PhD

Pagbuo ng Learning Materials sa MTB-MLE 54


Purificacion G. Delima, PhD

Talumpati sa Wika ng Kapayapaan: 60


Pambansang Summit at Palihan
Kgg. Sitti Djalia Turabin-Hataman

Wika ng Kapayapaan 64
Dr. Raymundo D. Rovillos

Karanasan ng mga Katutubo sa Wika at Kapayapaan 71


Jimmy Balud Fong, PhD

Wika at Kultura 85
Dr. Geraldine Villaluz, RSCJ

Edukasyong Pangkapayapaan: Nilalaman at Pedagohiya 89


Dr. Ofelia L. Durante

Ang Pelikula sa Kanlurang Bisayas 96


at ang Wikang Pambansa
John Iremil E. Teodoro

Ang Kategorya ng Kultural na Katapatan sa Rehiyonal na 103


Pelikula (Rehiyonal na Panitikan sa Pelikula)
Alvin B. Yapan, PhD

Komparatibong Pagsusuri sa Dagiti Mariing iti Parbangon 110


(Silang Nagigising sa Madaling Araw), Maganda pa ang
Daigdig, at Sa Mga Kuko ng Liwanag
Lourdes Zorilla-Hinampas
pagkakaunawaan at pagkakaisa tungo sa maunlad na estado ng
indibidwal bilang mamamayan at sa pangkalahatan sa maunlad na
estado ng lipunang Filipino at bansang Filipinas. Ito sa aking palagay
ang pinag-uugatan ng kahinaan ng ating sistemang pang-edukasyon
sa bansalihis tayo sa tuwid na layunin ng ating edukasyon at kung
alam man natin ang ating dapat na layunin, ang ating pamamaraan
sa pagkamit ng layunin na iyon ang nagiging balakid.

Sa bahaging ito ng aking panayam, nais kong ibahagi nang


mabilisan ang aking karanasan sa isang saliksik sa mother-tongue-
based education mula sa pagpaplano ng pagbuo ng mga kagamitang
pampagtuturo at pampagkatuto hanggang sa pagbuo at pagsubok
ng paggamit ng mga ito gamit ang unang wika ng mga mag-aaral sa
klasrum bilang wika ng pagkatuto at pagtuturo.

Pinatupad noong taong 1996-2000 sa pinansiyal na suporta


ng UP College Baguio Cordillera Studies Program at ng UP
Comprehensive Integrative Development Studies, ang proyekto ay
tinagurian kong Project Literacy for Empowerment: Cordillera Vernacular
in the Basic Education. Malayong nauna ito sa programang MTB-MLE
na ipinatupad ng DepEd na nag-umpisa noong 2009, at maaaring
isa ito sa mga proyektong nagbigay ng sundot sa DepEd para
baguhin ang pananaw sa edukasyong pangwika sa ating sistemang
pang-edukasyon noon pang panahon ng nasirang dating Kalihim
ng DepEd Bro. Andrew Gonzalez na nag-umpisa ng Lingua Franca
Education Project ng mga taong 2003-2006 subalit hanggang estado
lamang ng pagsubok (pilot study) dahil siya ay napalitan na bilang
kalihim ng DepEd hanggang sa siya ay pumanaw na. Nakalulungkot
nga at sa programang MTB-MLE ngayon ng DepEd ay hindi man
lamang nabanggit ang proyektong ito ni Bro. Andrew Gonzalez
bilang umpisang lunsaran ng MTB-MLE. Alam kaya ng DepEd ang
proyektong ito sa sarili nilang ahensiya, o sadyang hindi binigyan
ng pansin bagamat ang Lingua Franca ni Bro. Andrew ay walang
pagkakaiba sa nabuong programa ngayon ng MTB-MLE.

Ganiyan din ang masasabi ko sa aking Project Literacy for


Empowerment. Sinubok ng proyekto ang gamit ng Sagada Kankanaey
at Ifugao Tuwali bilang wika ng pagtuturo at wika ng literasi mula
Baitang 1 at 2 sa mga napiling pilot school. Hanggang dalawang

Lathalaan para sa Wika at Kultura 57


madreng ito ay nakidnap ng MNLF, dinala siya sa Sulu at anim na
buwan siya sa kampo ng MNLF. Inalagaan naman siya ng isang
babaeng MNLF habang nasa kampo siya. Makalipas ang tatlong taon
(1994), nabalitaan ng madre na ang kampo ng MNLF ay nakubkob
(capture) ng gobyerno, ang unang inisip ng madre ay kung nasaan
na iyong kaibigan niya? Nasaan na ang babae na nag-alaga sa
kaniya noong siya ay nakidnap? Kaya hinanap niya ito hanggang
sa Camp Crame, hanggang sa Camp Aguinaldo, at halos sa lahat
ng kampo. At nakita niya ang kaniyang kaibigan na bihag ng mga
militar kaya ginawan niya ng paraan para mapalaya ang naturang
babaeng MNLF, na pinalaya naman ng militar sa isang kondisyon.
Ang sabi ng militar, mapalalaya siya under protective custody. Ibig
sabihin nito ay tuwing Biyernes, kailangang dalhin ng madre ang
naturang babaeng MNLF sa kampo sa Zamboanga, kaya kailangang
sa mga madre ito manirahan. Ibinahagi ng madre ang kaniyang
maliit na silid sa babaeng MNLF. Nakagawian na nating mga Filipino
na sa paggising sa umaga tinatanong natin ang ating kasama kung
kumusta ang naging tulog nito. Ganito nga ang itinanong ng madre
sa babaeng MNLF na matapat nitong tinugon na Sister, hindi po
ako nakatulog. Tinanong siya ng madre kung bakit iyon itinugon
ng babaeng MNLF nang Kasi po nasa bahay ako ng mga madre,
natatakot ako na may lalapit sa akin at papatayin ako. Maganda at
matapat rin ang naging sagot ng madre, Ako rin hindi nakatulog
dahil natatakot ako na baka patayin mo rin ako. At iyon ang naging
turning point, sa puntong ito naintindihan ng madre kung ano ang
dialogue, kung bakit ganoon ang pag-iisip nila. At ito ay dahil may
maling akala sila, hindi pa sila nagkakaintindihan.

Ano po ang intercultural dialogue? Ito ay pag-aaral ng kabilang


kultura para magkaintindihan tayo. Para maintindihan ko ang iyong
pag-uugali at para maintindihan mo ang aking pag-uugali. Ito po
ang tinatawag na dialogue of life. Kaya po may diskriminasyon dahil
hindi natin pinipilit pag-aralan ang kultura, relihiyon, at pamumuhay
ng ibang tao na siya ring itinuturo namin sa peace education.

Espirituwalidad

Ito ang tinatawag nating inner peace kasi marami na tayong problema
ngayon tulad ng polusyon, suicide, loss of meaning na mahalagang

94 Pandiwa
pa rin ang pagkagawa ng isang pelikula. Marami kasing mga indie
film ngayon ang masyadong burara ang pagkagawa lalo nat na-
democratize na ang paggawa ng pelikula dahil nasa edad-digital
na tayo. Maraming mga pangit na pelikula na ang napapansin kong
nagagawa sa Kanlurang Bisayas.

Ayon nga kay Bienvenido Lumbera, ang sine ay isang uri din
ng eskuwelahan. Mas makapangyarihang paaralan ito dahil higit
na mas mura (lalo nat tig-PhP20 na lamang ang mga payreted na
DVD) ito kaysa, halimbawa, mag-aral ka sa Miriam, La Salle, Ateneo,
at kahit dito sa U.P. Lalo na sa panahon ngayon ng nakaambang
panganib na dulot ng programang K to 12 sa Higher Education
Unit, naging klaro ang pagiging utak-negosyante ng karamihan sa
mga may-ari at administrador ng mga kolehiyo at unibersidad sa
buong bansa. Kagaya ng iba pang mga produkto katulad ng bigas at
gasolina, sobrang mahal ang pormal na edukasyon sa Filipinas. Kung
kaya mahalaga ang pelikula sapagkat ito ang paaralan ng karamihan
sa ating mga kababayan. Kaya dapat gandahan natin ang ating
mga pelikula. Dapat na ituring na imoral (at kung maaari ay ilegal
at kriminal) ang mga pelikula ng mga kagaya nina Kris Aquino at Vic
Sotto dahil hindi ito nakatutulong sa edukasyon nating mga Filipino.

Magandang development itong pagyabong ng mga sine mula


o tungkol sa mga rehiyon at nasa ibat ibang wika ng ating arkipelago
nitong nakaraang dekada. Parang nakikisabay na rin ito sa mother-
tongue based education ng DepEd. Hindi masama kung gagamitin
natin itong oportunidad upang mapalago rin at madevelop nang
bonggang-bongga ang wikang pambansa na naniniwala akong
magbibigkis sa ating mga Filipino balang-arawang wikang Filipino.

Lathalaan para sa Wika at Kultura 101


Collins Spanish Dictionary. Glasgow: HarperCollins Publishers, 2005.

Fernandez, Juan O.S.A. Monografias de los Pueblos de la Isla de Pan-ay (Monographs of


the Towns in Panay). Salin ni Jose G. Espinosa Jr. Lungsod Iloilo: University of San
Agustin Publishing House, 2006.
Garcia, Dante Nico. Dir. Ploning. Panoramanila Pictures Co., 2008.

Gibraltar, Ray Defante. Dir. Wanted Border. Cinema One Originals, 2009.

Kaufmann, John. Visayan-English Dictionary. Lungsod Iloilo: La Editorial, 1935.

Lumbera, Bienvenido. Re-Viewing Filipino Cinema. Maynila: Anvil, 2011.

Ortograpiyang Pambansa. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2013.

Somes, Richard V. Dir. Yanggaw. Cinema One Originals, 2008.

Teodoro, John Iremil E. Ang Paghigugma ni Ploning. Sa Kalagan: Filipino para sa


Akademikong Komuniasyon nina Rebecca T. Aonuevo, et al. Lungsod Makati:
Bookmark, 2011.

. Sa Sariling Pulong: Mga Sanaysay Tungkol sa Filipino Bilang Wikang Pambansa.


Lungsod Quezon: San Agustin Center of Studies, 2014.

102 Pandiwa
pangyayaring, gayong may pambihirang dilag at ganda, naging
tila siya bulaklak na panlangit at hindi panlupa, pagkat tikis
manding ayaw niyang tulutang magkaroon sa kaniyang puso ng
kahit na anong pitak man lamang ang pag-ibig.

Isa sa mga dakilang mangingibig ni Loreto Sanchez ay si Kapitan Roda.


Pero sadyang wala siyang pagtingin, matagal na itong nanliligaw pero
hindi pa rin niya sinasagot. Mula nang makilala niya si Lino Rivera,
noong tulungan siya nito mula sa isang magnanakaw sa Quiapo,
hindi na nito nakalimutan ang binata hanggang malaman niya na ito
ay taga-Pinyahan din. Sa kabila ng katayuan ng pamumuhay ni Lino
lihim siyang umibig sa lalaking ito.

Bukod sa mga katangiang nabanggit, inilarawan din si Bb.


Sanchez bilang isang babaeng matalino at may disposisyon sa buhay.
Naniniwala siya na walang patutunguhan ang isang bagay kung
dahas ang gagamitin kayat sumama siya para makumbinsi si Lino
na sumuko na lamang sa pamahalaan at harapin ang mga kasong
ibinibintang sa kaniya.

Si Ligaya naman ang pangunahing babaeng tauhan sa Sa mga


Kuko ng Liwanag. Ang kaniyang karakter ay nabigyan ng empasis sa
dulong bahagi ng nobela. Ang pangalan niya ay kabaligtaran ng
takbo ng kaniyang buhay. Salat sa ligaya ang buhay ni Ligaya. Sa
hirap ng buhay sa probinsiya, napilitan siyang sumama kay Mrs.
Cruz na isang illegal recruiter papuntang Maynila. Biktima siya ng
prostitusyon. Si Ah Tek ang nagsilbing susi upang makatakas siya
rito pero ang naging kapalit nito ay pagkabilanggo rin sa piling ng
Intsik. Masaklap ang kapalaran ni Ligaya dahil hanggang sa huli ay
hindi niya natikman ang ligayang inaasam sa buhay.

Lagom at Kongklusyon

Mula sa ginawang komparatibong pagsusuri, isa sa pangunahing


tema na tinalakay sa mga nobela ay ang isyu ng kawalan ng
katarungan sa lipunan. Ang matinding paghihirap ni Lino Rivera,
ng pamilya ni Salvador, ang mga pangyayari sa buhay ni Julio at
Ligaya ay bunga ng kawalan ng katarungan sa lipunan. Si Lino ay

Lathalaan para sa Wika at Kultura 127


kasalukuyang Tagapangulo ng Departamento ng Wika, Panitikan,
at Sining ng Kolehiyo ng Sining at Komunikasyon ng nasabing
unibersidad.

Si Joel B. Manuel ay Punong-guro ng Banna National High School


sa Banna, Ilocos Norte. Nagtapos ng MA in Science Education sa
Mariano Marcos State University at MA in Language Education sa
Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Nagkamit na rin siya ng ibat ibang
pagkilala sa malikhaing pagsulat sa wikang Ilokano at Filipino.

Si Dr. Raymundo D. Rovillos ay ang kasalukuyang Tsanselor ng


Unibersidad ng Pilipinas Baguio. Siya ay nakatanggap na ng maraming
pagkilala at nakapagpalimbag na ng maraming aklat at artikulo dahil
sa kaniyang espesyalisasyon sa larangan ng kasaysayan, pamayanan,
at kultura ng Cordillera, pag-aaral sa mga katutubo, pag-aaral sa
kasarian at pag-unlad sosyal (social development).

Si John Iremil E. Teodoro ay Tubong-San Jose de Buenavista, Antique


at tagapangulo ng Departamento ng Filipino sa Kolehiyo ng mga
Sining at Agham ng Kolehiyong Miriam. Premyadong manunulat sa
Kinaray-a, Filipino, Hiligaynon, at Ingles. Awtor siya ng isang dosenang
libro ng mga tula, maikling kuwento, at sanaysay. Ang kaniyang
kalipunan ng maiikling sanaysay na Pagmumuni-muni at Pagtatalak ng
Sirenang Nagpapanggap na Prinsesa ay nanalo ng National Book Award
mula sa Manila Critics Circle at National Book Development Board
noong 2008. Nagtapos siya ng M.F.A. in Creative Writing mula sa
De La Salle University-Manila kung saan niya tinatapos ang kaniyang
Ph.D. in Literature. Kasapi siya ng Board of Directors ng UMPIL.

Si Dr. Geraldine Villaluz ay isang madre at tagapagtaguyod ng pag-


unlad ng kultura ng mga katutubo sa Filipinas. Siya ng nagtapos
ng Doctor of Philosophy in Philippine Studies sa UP Asian Center
at nanalo ng Best Dissertation Award ang kaniyang disertasyong
Kulturang Kapayapaan ng Inay Malinandang ng Talaandig, tungo sa
paglikha ng Edukasyong Pangkapayapaan.

Si Alvin B. Yapan ay manunulat ng katha na kinilala na ng Don


Carlos Palanca Memorial Awards for Literature at NCCA Writers
Prize. Nakapaglathala na siya ng kaniyang unang koleksiyon ng mga
maiikling kuwento, At Nabulag ang Tagpagsalaysay, na isinama sa Ubod

Lathalaan para sa Wika at Kultura 133


New Authors Series ng NCCA, at ang kaniyang unang nobela, Ang
Sandali ng mga Mata, na nanalo ng 2006 National Book Award para sa
Best Novel. Isa rin siyang direktor ng mga pelikulang nagwagi sa ibat
ibang parangal sa loob at labas ng bansa, tulad ng Ang Panggagahasa
kay Fe, Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa, at Debosyon. Nagtapos siya ng
PhD in Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas at kasalukuyang
nagtuturo sa Pamantasang Ateneo de Manila.

Si Virgilio S. Almario o kilala rin bilang Rio Alma ay kilal nang


awtoridad sa larangan ng wika at panitikang Filipino. Tang 2003
nang itanghal siya bilang Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura.
Siya ang kasalukuyang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino.

134 Pandiwa