You are on page 1of 2

Wikang: Filipino Mapagbago

Marami ng mga salita ang nabuo sa panahon ngayon. May mga salitang
hindi na natin nagagamit dahil natatabunan na ng mga makabagong salita na
umusbong ngayong panahon. Paano kaya natin mapapanatili at magagamit
ang mga salitang hindi na natin nagagamit sa kinagisnan natin noon?

Ang wikang mapagbago ay ang kabuoan ng mga salita na tumutukoy


sa mga bagay, ideya, at konsepto na ginagamit ng mga tao sa kasalukuyan.
Ito ay nangangahulugan ng isang wika na maaring magbago sa pana-
panahon. Ang hangarin ngayon ng Kagawaran ng Wikang Filipino ay maging
wikang mapagbago ang Filipino upang makasabay ang wika natin sa mabilis
na pag-asenso ng lipunan pati na rin ang iba't ibang mga wika.

Ang wika ay napakahalaga sa isang bansa lalo nasa sa mga


mamamayang nakatira dito. Ang wika ay isa sa mga yaman ng isang lugar na
pinakaiingatan. Kaya nararapat lang na pangalagaan ito hindi lang ng isang
bansa lalo na ng buong mundo. Dahil ito ang isa sa kanilang pagkakakilanlan.
Maaring ang mga sinaunang kinagisnang ginagamit na salita ay hindi na muli
pang magamit sa mga susunod na panahon dahil nahahaluan na ito ng iba
pang wika o napapababaw na. Marami ng mga salita ang ating nagagamit at
ginagamit. Sa bawat panahon na lumilipas maraming mga salita ang ating
nabubuo. Binuo ang mga salita upang maipahayag ang kaisipan at patuloy
pa rin sa paglikha ng salita upang magkaroon ng babagay na terminolohiya sa
mga ideya at bagay na dulot ng makabagong panahon.

Marami tayong magagamit o nagagamit na salita na hindi natin lubos


maisip kung saan ito nagmula. Tayo-tayo lamang mga tao ang mga
nakakalikha ng mga salita na meron tayo ngayon. Nagagamit din natin ito sa
pakikipag-komunikasyon sa tao. Maraming mga salita na umusbong ngayon.
Halimbawa na ang slang words. Ito yung mga salitang pabebe, bae, eme-eme,
walwalan, ninja moves at marami pang-iba. Nandito din ang jejemon, ito ay
mga tao na nawalan ng kakayahang kumilatis ng mali at tamang spelling ng
mga salita. Ang mga salitang umusbong ngayon ay mapapansin mo na
nabago lamang ang mga katawagan dito.

May mga salita tayo na hindi na natin nagagamit ngayon sapagkat ito
ay hindi na natin naabutan nung panahon noon. Magagamit natin ang mga
salitang iyon kung hindi natin ito kinalimutan at pinahalagahan. Mapapanatili
pa rin sana ito kung ang mga gumagamit sa mga salitang iyon o sa
nakakatanda na ay itinuro sa atin. Dahil kahit ngayon ang iba sa atin ay hindi
pa rin nila alam ang mga ibang salita sa wika atin. Kahit na ikaw ay Pilipino at sa
sarili mong bansa ka naninirahan at sariling wika ang iyong ginagamit ay hindi
mo pa rin alam ang ibat-ibang salita na meron tayo ngayon. Lalo na ang mga
malalalim na salita sa ating wika.

Malaki ang nagagawa ng wika sa ating sarili at pakikipag-komunikasyon


ng bawat isa. Sa pagkakaroon ng mabuting pagsasamahan, unawaan,
pagkaka-isa at ugnayan ng bawat tao. Ito ang tanging kasangkapan ng tao
sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa, sa asosasyon, sa institusyon at maging sa
ating Panginoon. Kung wala tayong wika sa iisang bansa. Paano
magkakaintindihan ang mga mamamayan, paano mapapabilis ang
pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapapalapit ang tao sa isat-isa?
Kailangan ng tao ang wika sa isang bansa.

Kahit anumang anyo, hiram o orihinal, pasalita o pasulat, banyaga o


katutubo. Wika ang pinakamahalaga para sa ating lahat. Naipadarama ng
wika ang sidhi ng damdamin, ang lalim ng lungkot, ang lawak ng galak, ang
kahalagahan ng katwiran, ang kabutihan ng layunin, ang nakapaloob na
katotohanan sa isang intension, ang pasasalamat at paghanga at ng iba pang
nais na iparating ng sinuman.

Huwag nating balewalahin ang wikang ipinagkaloob sa atin. Huwag


natin unahin ang mga ibang wika sa bansa natin. Imbes na mas palawakin
natin ang ating wika at punlarin ito.

You might also like