You are on page 1of 6

Konstantino

Sa Santakrusan, si Konstantino ang


konsorte ng gumaganap na Reyna Elena.
Kadalasay siya ang pinakamakisig na binata o
batang lalaki sa kapitbahayan, isang kilalang
manlalaro o artista.
Ayon sa kasaysayan ng Roma, siya ang anak
ni Reyna Elena na naging unang Kristiyanong
emperador. Ang kanyang panunungkulan ay
naging tanda ng pagbabagong-loob ng mga
Romano sa Kristiyanismo.

58 salita
dbf

Ilang-ilang

Mataas na punungkahoy ang ilang-ilang


(Canangium odoratum). May mga dahon itong
pahaba, patulis sa dulo at pabilog. Mabango ang mga
bulaklak nito na may talulot na mahahaba at kulay-
dilaw na kung minsan ay may halong berde. Maikli at
pabilog naman ang mga bunga nito.
Karaniwang ginagawang kuwintas na kasama ng
sampaguita ang bulaklak nito na ang langis ay
ginagamit sa paggawa ng mamahaling pabango.

64 salita
dbf
Limahong

Si Limahong ay piratang Tsino na namuno sa


mga pagsalakay sa Luzon noong 1574. Kilala rin siya
sa pangalang Lin Ten. Isinama niya ang may 4,000
tauhan at mga kaanak sa pagtakas mula sa Tsina at
pagdaong sa Pangasinan upang magtayo ng kaharian
sa Luzon. Ilang buwan niyang nasakop ang
Pangasinan bago naitaboy ng puwersang Pilipino at
Espanyol. Marami sa kanyang mga tauhan ang
nakatakas at nakipamuhay sa mga Pilipino.

70 salita
dbf

Kapre

Isang maitim na higante sa mga kuwentong-


bayan at karaniwang nakikitang nakaupo sa itaas ng
punungkahoy habang nananabako ang kapre.
Umaatungal ito o humuhuning tulad ng ibon.
Nakakapagbago raw ito ng laki at itsura (kadalasay
hayop tulad ng kabayo)
May nagsasabing galing sa mga mangangalakal
na Arabe ang paniniwalang ito. Ang katawagan ay
maaaring galing sa salitang kafir, isang taong hindi
naniniwala sa Islam, o kafari, multo ng isang pinatay
na Negro.

71 salita
dbf
Galunggong

Ang isdang galunggong (Decapterus macrosoma)


ay may pahaba at mabilog na katawan. Patulis naman
ang gawing ulo at buntot nito. Ang itaas ng katawan
nito ay kulay-berde samantalang malapilak naman
ang ibaba. May maliit na itim na mantsa sa takip ng
hasang nito. Lahat ng palikpik nito ay abuhin ang
kulay samantalang madilaw naman ang buntot nito.
May haba itong umaabot sa 20 hanggang 30
sentimetro. Pana-panahong nahuhuli ito sa ibat
ibang lugar sa Pilipinas.

75 salita
dbf

Florante at Laura

Ang Florante at Laura ay pinakatanyag na


akdang awit ni Francisco Baltazar. Sinulat niya ito
habang nakabilanggo sa Pandacan, Maynila noong
1838. Tungkol ito sa malungkot na buhay ni Florante
ng kahariang Albanya sa kanyang pag-ibig kay Laura,
at sa pagpipilit ni Konde Adolfo na agawin ang
kaharian at si Laura. Hinahangaan hanggang ngayon
ang awit dahil sa mahusay na paggamit ni Baltazar ng
tulang pasalaysay at dahil sa kanyang punang
panlipunan at pampulitika na itinuturing na
makabuluhan sa kanyang panahon.

81 salita
dbf
Filibustero

Ang filibustero ay salitang Espanyol na ang ibig


sabihin ay pirata. Tumutukoy ito sa mga
manlalakbay na Pranses at Ingles sa Dagat Caribbean
at Karagatang Pasipiko na nanghaharang noon sa mga
barkong Espanyol. Ito ang taguring ikinabit ng mga
mananakop na Espanyol sa mga Pilipinong may
pinag-aralan at naghangad na magpasok ng mga
pagbabago sa pamamalakad ng gobyernong Espanyol
sa bansa. Para sa mga Espanyol, ang mga Pilipinong
itoy mapanganib at kaaway ng Espanya na tulad ng
mga piratang Pranses at Ingles.

82 salita
dbf

Ginto

Ang ginto ay isang mahalagang depositong


mineral ng Pilipinas na ginagamit sa mga alahas, sa
pagpapasta ng ngipin, at paggawa ng mga
instrumentong pang-agham at iba pang kagamitan.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol,
nagmimina na ang mga Pilipino sa Camarines Norte,
Mountain Province, Masbate, at Mindanao. Isa sa
sampung bansang pangunahin sa ginto ang Pilipinas:
pang-anim bago magka-Ikalawang Digmaan
Pandaigdig at pansiyam noong 1982. Ang mga pook
na pinagkukunan ng ginto rito ngayon ay ang
Benguet, Cebu, Masbate, Davao del Norte,
Marinduque, at Surigao.

86 salita
dbf
Kasoy
Punungkahoy na mayabong kung tumubo ang
kasoy (Anacardium occidentale). Karaniwang
baluktot ang katawan nito, at may bilohabang mga
dahon na mabibilog ang dulo. Ang mga bulaklak nito
ay maliliit, madilaw-dilaw na maputi-puti, at kumpul-
kumpol sa dulo ng sanga. Dilaw o madilaw-dilaw at
mamula-mula ang bunga nitong hugis-kampana at
may malaking buto sa bahagyang nakaukang tiyan.
Ang laman ng buto nito ay mas malasa kapag inihaw.
Ang katas ng bunga nito ay mayaman sa Bitamina C.
Ang mga usbong o murang dahon at bulaklak nito ay
iginugulay. Ginagamit din ito sa paggawa ng alak,
tsokolate, sorbetes, pamatay-kulisap at tinta.

98 salita
dbf

Lilok

Ang lilok ay pag-ukit sa kahoy upang makagawa


ng hugis o disenyo. Karaniwang matitigas na kahoy
ang inuukitan at ginagamitan ng lukob, paet, kikil,
liha, at malyete o maso. Nakilala dahil sa lilok ang
bayan ng Paete, Laguna.
Noong panahon ng Espanyol, sa Paete nilililok
ang karamihan sa mga imaheng panrelihiyon na
matatagpuan sa halos lahat ng simbahan sa kapuluan.
Noong panahon ng Hapon, paglilok ng bakya ang
naging pangunahing hanapbuhay sa nasabing bayan.
Sa kasalukuyan, isa ito sa mga namumukod na paraan
ng paggawa ng laruan, kakaibang hugis ng pigura ng
hayop at tao, muwebles, at palamuti sa dingding.
100 salita
dbf
Kubyertos
Kubyertos ang tawag sa mga gamit sa pagkain na
yari sa tanso at pilak tulad ng kutsara, tinidor,
kutsilyo, bandehado, kalis, at iba pa. Noong panahon
ng Espanyol, yari ito sa tinunaw na baryang Mehikano
at naglalaman ng 85 porsiyentong tanso. Dahil dito,
madaling mabaluktot at masira ang korte nito.
Nang dumating ang mga Amerikano, ipinakilala
nila ang uring sterling silver na may 2.5 porsiyentong
pilak. Dumami rin ang disenyo nito dahil sa
maramihang pagbebenta ng H.E. Heacock Co., ahente
sa Pilipinas ng pagawaan ng kubyertos na Rogers
Brothers. Naging simbolo ng katayuan sa lipunan ang
pagkakaroon ng tinatawag na college set na binubuo
ng ibat ibang klase ng kubyertos na ginagamit sa
malalaking handaan.

115 salita
dbf

You might also like