You are on page 1of 2

Dr. Willie T. Ong with Nora Parungao Cruz and 46 others.

Like Page
November 7, 2015

Baking Soda: Mura At Mabisa Pa!

By Dr. Willie T. Ong (Share and TAG a friend)

Ang ordinaryong baking soda na mabibili sa mga supermarkets ay mabisang solusyon


para sa ating problema sa balat, buhok at katawan.

Ang baking soda ay tinatawag na sodium bicarbonate. Isa itong alkaline substance na
kumokontra sa mga acidic na kemikal. Heto ang iilan lamang sa gamit nito:

1. Bilang toothpaste. Kung wala kayong pambili ng toothpaste, gumamit na lang ng


baking soda bilang toothpaste. Medyo maalat lang po. Puwede mo ring lagyan ng
konting baking soda ang iyong toothpaste. Dahil maganit ang texture ng baking soda,
natatanggal nito ang dumi at napapaputi ang ngipin.

2. Bilang mouthwash. Para maging mabango ang iyong hininga, maghalo ng 1


kutsaritang baking soda sa kalahating baso ng tubig. Imumog ito sa bibig na parang
mouthwash.
3. Panlinis ng mga pustiso, retainers at mouth guards. Epektibong panlinis ng pustiso
ang baking soda. Subukan ito.

4. Gamot sa bungang araw at kagat ng insekto. Ayon sa tanyag na Mayo Clinic, mabisa
ang baking soda para sa mga kati-kati sa balat. Gumawa ng isang baking soda cream
sa pamamagitan ng paghalo ng 3 kutsaritang baking soda at 1 kutsaritang tubig. Ilagay
itong cream sa apektadong balat. Habang natutuyo ang cream, hinihigup nito ang
kamandag ng insekto at mababawasan ang kati.

5. Para sa sunburn. Mabisa ang baking soda sa pag-alis ng kirot ng sunburn. Maghalo
ng 2 kutsarang baking soda at 2 basong tubig. Ilubog ang tuwalya dito at itapal sa iyong
sunburn. Puwede ka ring maglublub sa isang bathtub ng baking soda. Maghalo ng
isang tasang baking soda sa mainit na tubig sa bathtub. Magbabad ng 20-30 minutos.

6. Para sa buhok. Para manumbalik ang kintab ng iyong buhok, maglagay ng 1


kutsaritang baking soda sa 1 sachet ng shampoo. Ihalo ito at gamitin na parang regular
na shampoo. Banlawan ang buhok maigi.
Isa pang tip: Kung ikay nagmamadali at hindi pa nag-shampoo, maglagay ng konting
baking soda sa iyong buhok at suklayin ito. Puwede mong gamitan ng hair dryer para
may body ang iyong buhok.

7. Panlinis ng mukha. Kung gusto mo ng panlinis ng mukha (parang facial), maglagay


ng baking soda sa tubig sa palanggana. Maghilamos dito para matanggal ang dead skin
cells. Kikinis ang iyong mukha.

May isa pang natural na facial. Maghalo ng 2 kutsaritang oatmeal (piliin ang pino), 1
kutsaritang baking soda, 1 kutsaritang honey, at konting tubig para makagawa ng isang
madikit na solusyon (parang paste). Itapal ito sa mukha at hayaan ng 15 minutos.
Maghilamos at tingnan ang iyong mukha sa salamin. Wow, gumanda ka na. Mabibili
ang baking soda sa supermarket.
.
Para sa TIPS, like my other page - Dr Willie Ong's Health Tips

You might also like