You are on page 1of 2

"Ang Manunulat"

Sa paghalik ng araw sa bawat umaga

Habang hawak ang kanyang sandata

Para kumitil ng buhay ay hindi

Para maging patunay ay kundi

Ilalathala ang mga kamalian

ng mga mananakop at nitong mga dayuhan

Mensaheng nais nyang iparating

Na isang magandang bukas ay s'ya 'ring darating

Mga labing hindi pa noon malaya

Malayang ihayag ang nais ibalita

Nagtangkang ipaglaban ang sariling bansa

Gamit ang kanyang plumang nagsilbing panangga

Matapang na iginuhit ang bawat titik

Buong pusong isinulat ang bawat letra't bawat pantig

Katotohanang kanyang ibinunyag

Sa pagmamalupit ay hindi makapapayag

Obrang gumising sa mga tulog na diwa

Ngayo'y nagaalab at nais kumawala

Na tayo din mismo ang s'yang nagtanikala


Sa ating Inang Bayan na nalason ng banyaga

At sa paghalik ng liwanag sa dilim

Katotohanan ang s'yang kusang umamin

Sa kanyang pagsulat ay walang makapipigil

Sa mga dayuhan ay 'di pasisiil.

Likha ni:

Nicole Antonette D. Roman

BSA III -I

This is a poem I made about Rizal being a writer and how he intelligently uses his prowess in writing to
serve as an eye-opener to many Filipino people. That we can achieve freedom through a bloodless
revolution.

You might also like