You are on page 1of 6

Introduksyon:

Ang pag inom ng alak. Isang napaka-karaniwang karanasan para isang pilipino. Mapababae o lalake, bata
o matanda, halos lahat yata ng pilipino ay umiinom ng alcohol. Bakit nga ba marami ang umiinom? At
bakit parang pabata ng pabata yata ang natututong gawin ito? Tamang bang ang alak ay nakaka bawas o
problema? At bat nga ba ang hilig uminom ng mga Pilipino? Bakit isinasabay sa problema ang pag inom
ng alchohol? Anu nga mas naidudulot nito masama o maganda? Anu nga ba nag tutulak sa mga mga
kabataan ngayon sa pag inom? Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi
umiinom. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon ata lagi perfect attendance ang alak o beer.
Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda halos
ginagawang na nilang tubig ang alak. Mga Pilipino talaga hindi mapakali ng walang ginagawa. Yan tuloy
naging hobby na ng halos lahat ng Pilipino ang uminom. Isa pa kahit na hindi masarap ang lasa ng alak ay
mahilig pa rin tayo dito. Siguro dahil ito sa tama na nadadala ng pag inom ng maraming alak. Hindi rin
mawawala ang all time partner ng alak at ito ay ang pulutan. Kaya namin ito napili para madagdagan ang
kaalaman namin tungkol sa bagay na ito, kasi kami mismo ay ginagawa ito. Isa pa para mabigyan linaw
namin ang bagay na ito sa mga taong hindi umiinon ng alcohol. Mayroon na kaming onti kaalaaman
tungkol dito, ngunit sa tingin namin kulang pa ito, marami pang bagay ang gusto namin malaman
tungkol sa pag inom.

Rebyu o Pag-aaral:

Abnormal Psycholgy
Ann M. Kring
Gerald C. Davison
John M. Neale
Sheri L. Johnson

Prevalence of Alcohol Abuse


The prevalence of alcohol abuse and dependence in the United States varies according to such factors as
gender, age, region, ethnicity, and education level.
In a recent U.S. epidemiological study, lifetime prevalence rates for alcohol dependence defined by DSM
criteria were greater than 25 percent, and a lifetime prevalence rates for alcohol abuse were over 13
percent. In the 2001-2002 National Epidemiologic Survey on Alcohol and Related Conditions, 8.5 percent
of Americans met DSM-IV-TR criteria for either current alcohol abuse or alcohol dependence. Rates of
alcohol dependence among young women are approaching those of men, although it is still more
prevalent among men. The prevalence of alcohol dependence declines for both men and women with
advancing age, both because of early death among long-term abusers and because many manage to
stop drinking.
Alcohol use is especially frequent among college-aged adults. This is true for binge drinking, defined as
having five drinks in a short period of time (e.g., within an hour), and heavy use drinking, defined as
having five drinks on the same occasion five or more times in a 30 day period. Among both male and
female college students, binge and heavy use prevalence rates were 43.5 and 17.6 percent, respectively.
Binge drinking even occurs with high frequency among high school students. In a recent survey, for
example, 30 percent of twelfth graders reported binging in the previous two weeks. Generally speaking,
the prevalence of binge drinking is highest among individuals aged 18 to 25, with a peak prevalence at
age 21.
Short-Term Effects of Alcohol
How does alcohol produce its short-term effects? After being swallowed and reaching the stomach,
alcohol begins to be metabolized by enzymes. Most of it goes into the small intestine and from there is
absorbed into the blood. It is then broken down, primarily in the liver, which can metabolize about one
ounce of 100-proof (50 percent alcohol) liquor per hour. Quantities in excess of this amount remain in
the bloodstream. Whereas absorption of alcohol can be very rapid, removal is always slow.

Long-Term Effects of Alcohol


Chronic drinking not only causes psychological deterioration but also has severe deleterious effects on
the body. Almost every tissue and organ of the body is adversely affected by prolonged consumption of
alcohol. For example, alcohol provides caloriesa pint of 80-proof spirits supplies about half a days
caloric requirementsso heavy drinkers often reduce their intake of food. But the calories provided by
alcohol are empty; they do not supply the nutrients essential for health, and the result can be severe
malnutrition. Alcohol also contributes directly to malnutrition by impairing the digestion of food and
absorption of vitamins. In older chronic alcohol abusers, a deficiency of B-complex vitamins can cause
amnestic syndrome, a severe loss of memory for both recent and long-past events. These memory gaps
are often filled in by reporting imaginary events (confabulation).

Etiology of Substance-Related Disorders


In considering the causes of substance-related disorders, we must recognize that becoming substance
dependent is generally a developmental process. The person must first have a positive attitude toward
the substance, then begin to experiment with using it, then begin using it regularly, then use it heavily,
and finally abuse or become dependent on it. The general idea is that after prolonged heavy use some
people become ensnared by the biological effects of tolerance and withdrawal.

Expectancies about Alcohol and Drug Effects


If it is true that alcohol does not reduce stress when consumed after the fact, why do so many people
who drink believe that it helps them unwind? Expectation may play a role herethat is, people may use
alcohol after stress not because it actually reduces tension but because they expect it to do so. In
support of this idea, studies have shown that people who expect alcohol to reduce stress and anxiety
are those likely to be frequent users. Furthermore, the level of drinking and positive expectancies about
alcohol appear to influence each other. The expectation that drinking will reduce anxiety increases
drinking, which in turn makes the positive expectancies even stronger.

Layunin:
Ang pananaliksik na ito ay naglalayun na ipaalam sa mga mambabasa ang ibat ibang dahilan kung bakit
napakaraming kabataan sa panahon ngayon ang nalulong sa pag-inom ng beer at alak. Ang pananaliksik
ding ito ay nagnanais magtampok ng mga paraan kung paano sosolusyonan ang lumalalang problema sa
pagiging lulong sa alak ng mga kabataan. Sa pananaliksik ding ito nais naming ipahayag an gaming
pagaalala bilang isang estudyante sa kolehiyo sa kadahilang maraming buhay ang sisirain ng pagkalulong
sa beer at alak ng kabataan ngayon lalo na ng estudyante sa kolehiyo.

Halaga:
Ang pananaliksik ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga mambabasa nitoang lumalalang
kondisyon ng pagkalulong mga kabataan sa beer at alak. Ang mga estudyante ng kolehiyo ang
karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay mas lalong nalulong
sa paginom dahil sa madaming dahilan nariyan ang pinakamadalas na dahilan ang problema sa pamilya,
pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang pageendorso ng mga alak na ito gamit ang
media sa diyaryo man o telibisyon.

Konseptwal na Balangkas:
I. Kapag may okasyon
A. Puro lalaki lamang
1. Nagiging sanhi ng away
a. Aksidente
b. Away
2. Delikado sa kalusugan
c. Sakit
d. Karamdaman
B. May mga kasamang babae
1. Naaapektuhan ang kalusugan
2. May mga nangyayaring bawal
II. Kapag may problema
A. Naglalasing
1. Nawawala sa sarili
2. Aksidente
3. Sakit
III. Bisyo
A. Madalas na pag-inom
1. Sanhi ng sakit
2. Nasasanay ang katawan
3. Aksidente

Makikita sa balangkas ang tatlong dahilan kung bakit maraming nahihilig sa pag-inom ng alak. May mga
taong umiinom lamang kapag may okasyon. Minsan ang sobrang kalasingan ay nagdudulot ng away o di
kaya ay magiging delikado ito sa kanilang kalusugan. Mas delikado kapag may mga kasamang babae.
May mga milagrong nangyayari. May nabubuntis dahil wala silang malay na sila ay may ginagawa nang
kakaiba. Ang isa pang dahilan ay kapag may problema ang isang tao. Lalo na kung iniisip niya na
makakatulong sa kanya ang pag-inom ng alak. Nagiging sanhi rin ito ng pagkawala sa sarili, aksidente, o
sakit. Ang pangatlo ay ang bisyo. May mga tao na talagang nakaugalian na nila ang uminom ng alak ng
madalas. Na nagdudulot rin ng sakit at mga aksidente dahil sa sila ay mawawala sa sarili sa sobrang
pagkalasing.

Metodolohiya:
Ang metodolohiya na amin ginamit sa pag gawa ng amin blog ay sa pamamagitan ng pag-kuwa ng mga
impormasyon na nabasa namin sa libro. At pag gamit ng amin mga sariling karanasan, dahil bilang isang
kabataan ay naranasan din namin ang uminom ng alak. Sinuri namin ang amin mga sarili at nag palitan
kami ng mga opinon at ideya.
Saklaw/Delimitasyon:

Ang sakop ng pananaliksik na ito ay ang mga klasipikasyon ng mga umiinom ng alak. Mga dahilan kung
bakit nahihilig ang mga kabataan ngayon sa pag-inom ng alak at ang nagiging epekto ng pag inom
sakanila. At mga paraan kung pano ito maiwasan.

Daloy ng Pag-aaral:

Pag inom ng alak

\/

Pag inom ng alak ng mga Pilipino.

\/

Pag inum ng alak ng mga matatanda - Pag inom ng mga kabataan

Panimula, Katawan, Konklusyon:

Ang isa sa mga hilig ng mga kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak. Nagiging bisyo ito para sa
karamihan. Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga menor de edad at
kahit ang mga kababaihan. Iba't iba ang kanilang dahilan kung bakit sila umiinom ng alak. Dahil sa
okasyon at kapag sila ay may problema. At ito ay nagiging bisyo na nila. Kaya't nagiging pangkaraniwan
na para sa mga kabataan ang uminom ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig
na uminom nito. Marami ring nagiging epekto ng pag-inom nito. At napakaraming naaapektuhan. Isa
itong lason na sumisira sa buhay ng maraming kabataan.
Maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon. Dahil parte ng kanilang pagkatao ang
pagiging mapusok o mahilig sumubok ng mga bagong bagay. At dahil sila ay hindi pa gaanong mulat sa
mga makamundong bagay, hindi nila alam kung pano hawakan ang ganitong bagay. Madalas ito sa mga
estudyante sa kolehiyo. May mga umiinom ng limang beses sa loob ng ilang oras na tinatawag na binge
drinking ngunit may iba rin na halos tatlumpung beses na uminom sa loob lamang ng isang araw na
tinatawag na heavy use drinking. Ito ay karaniwan sa mga kabataan mula labingwalo hanggang
dalawampu't limang taong gulang. Isa pang bagay ay nagagaya ang mga kabataan sa pag-inom ng alak
dahil sa kanilang mga magulang. Tuwing nakikita nila ito na umiinom. At bukod pa rito ay nagkalat ang
mga alak sa mga supermarkets at grocery stores. Maraming menor de edad ang nakakabili dahil hindi na
sila hinihingan ng ID tuwing sila ay bibili. Maliban na lamang kung ang bibilin na alak ay talagang hard
drink. Pero kung sa mga sari-sari store, kahit ang mga batang puslit ay makakabili ng alak. Isa pa sa mga
dahilan ay mahina ang emotional support ng mga magulang sa kanilang mga anak. Kaya't nababaling ang
kanilang atensyon sa alak. Kasama na rin ang peer pressure. Kung ang mga kabarkada ng isang kabataan
ay mahilig uminom ng alak, siguradong mahahawa siya sa kanila at magiging tomador na rin. May parte
rin ang media. Ang alak ay palaging inuugnay sa mga babaeng nakasuot ng bikini, lalakeng malalaki ang
katawan at mga masasayang oras. Nadadala sila sa mga babaeng nakasuot ng bikini na nagmomodelo ng
alak dahil karamihan sa mga umiinom ay mga lalaki. Kaya't sila ay nahuhumaling sa katawan ng isang
magandang babae. At iniisip nila na kung bibili sila ng alak na iyon ay makakakuha sila ng babae na
nakikita nila. Akala rin nila na magmumukha silang lalakeng lalake kung sila ay iinom ng ganoong alak.
Para mukha silang kaaya-aya sa mga babae. Akala rin nila na magiging masaya sila pag sila ay uminom ng
alak dahil pinapakita ng media na lahat ng mga taong umiinom ng alak ay masasaya. Nagiging ugali na
rin ito ng mga kabataan na akala nila ay magiging masaya sila kung sila ay iinom. Iyan ang karaniwan na
dahilan kung bakit napakaraming lasinggerong kabataan ngayon.
At ang bawat isang dahilan ay may napakaraming epekto. Maliit man o malaki. Kaunti man o madami
ang naaapektuhan. Nakakagawa sila ng mga bagay na bawal nang hindi nila namamalayan. May mga
nakakabuntis dahil minsan ay may mga okasyon na may mga kasamang babae na umiinom ng alak.
Mayroon rin na nakakapatay dahil hindi na nila makontrol ang kanilang sarili. Nadadala sila ng kalasingan
kaya hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Nangyayari rin ang mga sex scandal dahil dito. Sa sobrang
pagkalasing ay hindi nila alam na sila ay ginagawan na ng isang iskandalo.
Kaya't maraming buhay ang nasisira nang dahil sa alak. Higit sa lahat, masama ito sa kalusugan. Iba't
ibang sakit ang nakukuha mula sa pag-inom ng alak. Katulad ng allergy, kidney cancer, liver cancer at
marami pang iba. Nasisira ang ating katawan dahil sa alchohol. Maraming sakit ang galing sa pag-inom
ng alak. At sobrang nakakalaki ng tiyan ito. Tinatawag na beer belly. Madalas na umiinom ng alak ang
mga kabataan dahil sila ay may problema at gusto nilang makalimutan ito kahit pansamantala lamang.
Iniisip nila na sa pamamagitan ng alak ay matatakasan nila ang kanilang mga pasanin sa buhay. Ngunit
dindi nila alam na imbis na mabawasan ang kanilang problema ay madadagdagan pa ito. Kaya't nagiging
bisyo nila ang pag-inom. Yung tipong hindi lumalagpas ang isang araw nang hindi sila tumutungga ng
bote ng alak. Marami pang dahilan at epekto ang pag-inom ng alak. Ito ay mga karaniwan lamang. Mga
kadalasang nangyayari kapag may mga nalalasing.
Ang pag-inom ay maaaring iwasan. Kailangan lamang ng disiplina at sapat na kaalaman tungkol sa pag-
iinom. Hindi pa huli ang lahat para tigilan ang pag-iinom. Kayang mabuhay ng walang alak. Oo nga.
Maganda ito sa puso ngunit tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Maaaring uminom pero dapat ay
magdahan-dahan upang mapangalagaan ang ating kalusugan. Mahirap nang magsisi sa huli kapag
dumating ang araw na magbabayad tayo ng malaki dahil sa ating pag-inom ng alak. Dapat ay gumawa ng
aksiyon ang gobyerno tungkol sa pagbebenta ng mga alak. Dapat ay magkaroon ng mga age limit sa mga
bumibili ng alak. Humingi ng ID kung kailangan. Para masiguro ang seguridad ng mga iinom ng alak. Dahil
karamihan sa mga pinagmulan ng krimen ay ang kalasingan. Kaya't dapat na pigilan ang sanhi upang
hindi mangyari ang bunga. Isa lamang ito sa mga problema na dapat lutasin ng mga pilipino. Para
magsimula na ang pagasenso at hindi nakatengga lamang at walang ginagawa kundi uminom ng alak.
Kung magsisipag lamang at titigilan ang pag-inom ng alak ay siguradong gaganda ang mundo.
Mababawasan ang mga lasing at mga adik. Magiging mas ligtas ang kapaligiran. Kaya't dapat na simulan
ang pagbabago para mapaganda ang ating mundo. Walang imposible kung ating gugustuhin. Ayon nga
naman sa kasabihan, "Kung gusto maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan."

You might also like