Professional Documents
Culture Documents
WIKAKUL
AB-ISE
A.
1. Paano mo maiuugnay ang kulturuang Islam batay sa iyong disiplinang (kurso) kinukuha
at ano ang importansiya nito?
Dahil tayo ay nasakop at naging koloniya ng mga Espanyol dati, naging malapit ang
katolisismo sa mga Pilipino pero naging malaganap ang muslim sa Mindanao kahit nasakop na
tayo ng mga Espanyol. Nagkaroon sila ng malakas na impluwensiya sa Mindanao at ang mga
epakto nito ay ang mga isyu tulad ng Bangsa moro at MILF. Sa aking pananaw, nagkaroon ng
hidwaan ang dalawang relihyon sa ating identidad bilang Pilipino dahil magkaiba ang dalawang
relihyon at hindi magkasundo ang mga turo nito. Dahil malakas ang kapit ng relihyon sa atin,
ang identidad ng mga Pilipino ay naiimpluwensiyahan ng kanilang napiling relihyon. Ang mga
kaugalian at pilosopiya natin ay ayon sa ating relihyon.
Ang relihyon ay importante tulad ng kultura at identidad para sa isang bansa dahil ito
sumusuporta sa politika. Sa Pilipinas, malakas ang impluwensiya ng Simbahan sa Gobyerno.
Ang batas natin ay nagpapakita na tayo ay isang Katolikong bansa dahil ito ay sumasangayon
sa turo ng Simbahan. Ang relihyon ay nag papalaganap ng panlipunang pagkakaisa. Ito ay
isang instrumento na tumutulong ihugis ang katangian ng mga tao at para malimutan nila ang
mga pang sariling hinahangad. Ang relihyon ay isang ahente ng pagsasapanlipunan at social
control dahil naaayos ang mga aktibidad ng mga tao. Iniimpluwensiyahan din ng relihyon ang
pulitika sa dahil ang mga lider ay nanunumpa sa pangalan ng diyos para ikabubuti ng mga
mamayanan.
5. Kung ikaw ang papipiliin, ano sa tingin mo ang relihiyong dapat mamayani sa Pilipinas?
Sa aking opinyon, katolisismo ang dapat mamayani sa Pilipinas dahil ito ay ang relihyon ng
karamihan. Nasakop tayo ng Espanya ng 333 taon at sa kabuuan na iyon, ang mga Espanyol
ay ang nauna at nagwagi sa pananakop sa atin. Sa tagal ng kanilang pamumuno, na iangkop
na ang kultura nila sa atin at natatag na ang relihyong katolisismo sa ating pagkakailanlan.
Dahil sa pangyayari na ito, nakatatak na ang impluwensiya ng mga Espanyol at hindi na natin
ito nabago. Napasa na ang paniniwala na ito ilang henerasyon na at hindi na ito mawawala sa
ating pagkakailanlan. Sa tingin ko rin ay maganda ang turo ng Simbahang Katoliko, ito ay nag
tuturo ng pagmamahal sa diyos at kapwa. Siguro nagkakaroon lamang ng pangit na larawan
ang Katolisismo dahil ito ay nagagamit sa maling paraan ng mga mapagsamantalang tao. Pero
ang mga turo nito ay angkop sa ating kaugaliang Pinoy at ang relihyon na ito ay bahagi na ng
ating identidad bilang Pilipino.
B.
1. Ano ang oryentasyon ng pagkababae sa katuruang Islam?
Ang kababaihan ay may papel na asikasuhin ang pagpapalaki ng kaniyang mga anak at
maging mabuting asawa. Siya ay hinihimuk na gampanan ito ng may malasakit at sigasig dahil
ito ang kaniyang responsibilidad. Ang mga babae sa Islam ay pinahahalagahan. Nagkakaroon
sila ng presyo at ito ay makikita sa pagbibigay ng dowry sa pamilya ng babae galing sa pamilya
ng lalake pag inaya ito magpakasal.
Sa aking palagay, makakatulong ang aking kurso sa suliranin ng mga muslim na babae
sa pamamagitan ng paglaban para sa kanilang mga karapatan. Marami na ang mga
internasyonal na batas na nagpapalaganap ng pagkakapantay-pantay ng kasarian. Sa
kapangyarihan ng international law, puwede matamo ng mga muslim na babae ang
pagkakapantay pantay. Maari sila bigyan ng kalayaan at ipagtanggol ng International law dahil
marami ng mga International Organizations at NGOs na handang tumulong.
Sa aking palagay ito ay suliranin dahil nawawalan ng karapatan at kalayaan mamili ang
babae para sa kaniyang sarili. Nakukulong sila sa mga arranged marriages na hindi naman nila
gusto dahil hindi man lang nila nakilala ang kanilang mapapangasawa. Bata pa lamang ay
hinaharap na agad sila sa isyu ng kasal kahit wala silang kaalam alam at dahil dito ang
kakanyahan ng kasal at tunay na pag-ibig ay nawawala. Hindi rin sigurado na magiging masaya
sila sa kanilang asawa dahil sila ay hindi magkakilala at ang kanilang mga asawa ay pwede pa
magpakasal ng ibang babae habang sila a nakakulong sa mga responsibilidad bilang asawa at
ina.